webnovel

Hurt

Laine's Point of View

UMIIYAK pa rin akong nakatingin lang sa gwapong mukha ni Nhel habang mahimbing na natutulog dahil sa kalasingan.Medyo nagulat ako ng bahagya syang kumilos at pilit na idinidilat ang kanyang mga mata.

Hinaplos nya lang ang mukha ko at saka bumalik na ulit sa pagtulog.

I heaved a sigh.

Mahal na mahal ko ang taong ito.

Mula sa pagkabata siya lang ang kaisa-isang lalake na minahal ko ng sobra.Childhood sweetheart, puppy love, bestfriend,first love, first boyfriend, first kiss...siya yun eh, siya lang yun.

Kaya naman sa nakita kong tagpo kanina, hindi ko matanggap talaga na may ibang humawak sa kanya and worst humalik pa sa kanya.

Ako lang dapat eh ako lang.

Sa ngayon hindi ko alam kung kaya ko ba na kalimutan na lang yung nasaksihan ko.Hindi pa yata,hindi ko kaya.Kasi habang nakikita ko si Nhel hindi maiwasan na hindi bumalik yung eksena sa isip ko, para syang movie na nagpa-flashback.Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko pag naaalala ko.Paano pag hinalikan ako ni Nhel? Maiisip ko sigurado yun at maaapektuhan na pati yung moment naming dalawa.

Ahhhhh...I can't take it anymore.

I need space, I need time para matanggap ko at ng sistema ko yung pangyayari.Kailangan hindi ko muna makita si Nhel para magamot ko ang sakit na nararamdaman ko.Hindi ko kaya na malayo sya pero paano naman kung ganito na kapag nakikita ko sya, nasasaktan din ako.Sobra.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako.Kumilos ako at kumuha ng damit nya sa closet.Lumabas ako ng room nya upang pumunta sa kusina.Wala ng mga bisita at halos nakaligpit na ang mga kalat sa terrace at sala.

Dumiretso na ako sa kusina at nagulat ako ng madatnan ko si tita Bining at ate Merly na nagliligpit.Yumuko na lang ako para hindi nila mapansin ang pamumugto ng mata ko.

" O anak, nandito ka pa pala.Kumusta yung lasing dun sa kwarto.?" tanong ni tita Bining.

" Heto nga po tita, kukuha ako ng pampunas sa kanya papalitan ko po yung suot nya." sagot ko.

" Umiyak ka ba anak?" nag-aalalang tanong ni tita.

" Po? Hindi po tita." alanganing sagot ko.

" Naku Laine kilala kita at halata dyan sa boses mo na umiyak ka.Tumingin ka sa akin at sabihin mo kung ano ang dahilan ng pag-iyak mo." si tita Bining habang pinipilit iangat ang mukha ko sa pagkakayuko.

" Tita!...at hindi ko na natuloy dahil umiiyak na akong yumakap sa kanya.

Nagulat din si ate Merly at lumapit na rin sya at hinimas-himas ako sa likod.

" Ano ba kasi ang nangyari Laine?"

nag-aalalang tanong ni ate Merly.

Kinwento ko lahat ng nangyari sa pagitan ng paghikbi ko.Halos wala akong iniwang detalye pati yung mga batuhan namin ng salita ni Peachy.Maliban dun sa nakita ko na tagpo na ayaw ko ng maalala.

Sinabi ko rin na kailangan ko ng space at time para makalimutan ko ang mga nangyari.

Ate Merly heaved a very deep sigh.And she looked straight into my eyes.

" Laine, I'm sorry.Kung hindi ko sinama si Peachy dito hindi sana nangyari ito.Paano pala kung hindi ka dumating kanina baka mas malaking gulo na ang nangyari ngayon." malungkot na hinging paumanhin ni ate Merly.

" No, ate don't blame yourself, it's not your fault.I just need time and space to think things over.Aasikasuhin ko lang si Nhel then I will leave.Kayo na lang ang bahalang magsabi sa kanya lahat ng nangyari.I'm not ready to face him and tell him everything that happened.Nasasaktan ako ate, sobrang sakit." umiiyak na sabi ko.

Bumalik ako sa room ni Nhel. Pinunasan ko sya at pinalitan ang t-shirt nya ng pantulog.Pumasok si tita Bining at sya ang naghubad ng pantalon kay Nhel at pinalitan ng pajama na kinuha ko sa closet ni Nhel kanina.

" Kaya ikaw ang gusto ko para sa anak ko Laine dahil napaka buti mo,paano na lang kung iba ang makakatuluyan nya? Hindi ko rin kakayanin anak kung hindi ikaw.Ang mabuti pa dito ka na lang muna matulog at bukas ng maaga ka na lang umuwi.Pakiusap anak wag mo muna syang iwan ngayon baka ituloy nung babaeng yun ang naumpisahan nya kanina kung aalis ka.Ang ate Merly mo na lang ang bahala bukas." pakiusap pa ni tita.

I sighed and nodded.

Lumabas na si tita at inayos ko na ang kabilang side ng bed na tutulugan ko.

Humiga na ako ng nakatalikod kay Nhel.

I prayed hard to God asking for His guidance.At hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako.

Anak ng teteng naman itong mga luhang ito, napaka-sipag naman nila ngayon, kahit hindi mo utusan eh nag-uunahan pa sa pagbagsak.

Napagpasyahan ko ng matulog at bago ko ipikit ang mga mata ko sinulyapan ko muna si Nhel na payapang natutulog.

" Goodnight beh.I love you so much and I'm sorry." bulong ko at natulog na.

Nagising ako ng 6am at sinigurado kong natutulog pa si Nhel ng lumabas ako ng room nya.Pumunta ako ng kusina para magpaalam na kay tita Bining.Pinag-aalmusal nya muna ako pero tumanggi ako dahil ayokong abutan pa ako ni Nhel.Wala na syang nagawa nung nagmadali na akong lumabas at sumakay na ng bike ko pauwi.Mabuti na lang at wala pang tao sa daan dahil maaga pa.

Pagdating sa bahay ay inabutan ko sa sala ang mga magulang ko na tila naghihintay talaga sa akin.Tinapunan nila ako ng nagtatanong na tingin.Yumuko ako para itago ang pinipigil kong luha na gusto ng bumagsak pagkakita ko pa lang sa kanila.

" Anong nangyari Alyanna? First time mong hindi umuwi at kila Nhel ka pa natulog.May nangyari ba at kailangan na ba naming mag-usap ni pareng Phil ha?" mahinahon si dad pero halata sa boses nya ang disappointment.

" No dad, it's not what you think it is." sabi ko habang ang luha ko ay hindi ko na napigilan sa pagbagsak.

" Then what is it? you're crying for Christ sake, tell me! You're freaking me out! "nagagalit na si dad.

" Dad,calm down, makakasama sayo.Let her explain first." pag-alo ni mommy sa kanya.

" Okey baby I'm sorry.Will you please tell us what happened?" malambing ng sabi ni dad.

Pinunasan ko muna ang luha ko at huminga ng malalim.Sinabi ko sa kanila ang lahat pati na yung mga sinabi ni tita Bining kagabi.Wala akong detalyeng iniwan maliban lang dun sa tagpong iyon na nagpapasakit ng loob ko. Sinabi ko na rin yung balak kong paglayo muna pansamantala kay Nhel habang hindi pa natatanggap ng sistema ko ang mga nangyari.

" Anak, Nhel is also a victim here.Do you think it's fair for him na ganon ang gagawin mo? Sa paglayo mo, you'll hurt him,definitely.We all know how much he loves you.Naiintindihan ko na wala syang control sa mga nangyari coz he's drunk pero kung yan ang desisyon mo para ka makalimot then sige we will support you.Ako na lang ang bahalang kumausap sa kanya." mahabang paliwanag ni dad.

Nagkulong lang ako sa room ko.Alam kong dumating si Nhel before lunch at nag-usap sila ni dad.Hindi ako lumabas maghapon at siguro sinabi na rin ni dad sa kanya na hayaan na muna ako, kaya walang Nhel na kumatok sa room ko para makausap ako.

Nung bago mag dinner ay pumasok si daddy sa room ko at kinausap ako.

" We talked at sinabi nya na hindi nya alam yung nangyari coz he's drunk.Sinabi lang lahat sa kanya ni tita Bining mo at umalis na rin daw sila Merly kaninang umaga dahil hiyang-hiya sayo dahil dun sa nangyari.Sinisisi nito ang sarili sa harap ni Nhel nung magpaalam kanina.He wanted to talk to you and explain his side pero sabi ko hayaan ka muna.I didn't tell him that you wanted space, masasaktan sya and he won't let you at hindi mo magagawang kalimutan yung nangyari kung nakikita mo sya, right?"sabi ni dad.

" So, what's your plan now baby?" tanong muli ni daddy.

Ano nga ba? Pinag-isipan ko na itong mabuti kagabi pa.Alam kong masasaktan si Nhel sa gagawin ko pero paano naman ang puso kong nasaktan din ng sobra.Maarte na kung maarte pero kung hindi ko gagawin ito mas lalo lang syang masasaktan kung makikita nyang wasak na wasak ako at nasasaktan habang nakikita ko sya.Gusto ko lang munang makalimot kahit sandali lang didistansya muna ako hanggang sa matanggap na ng sistema ko ang lahat.

I sigh deeply at tinignan ko ng diretso si daddy sa mata.

" I'll go with you dad in the U.S, and that's final."

Chapitre suivant