webnovel

"Bisita"

Makalipas ang dalawang araw pagkatapos nang nangyaring 'yun...

Nakita ni Regina si Miriam na naglalakad patungo sa kanilang school theatre. Dahil masyado siyang malayo para sumigaw at tawagin ang kaibigan ay nagdesisyon siyang tawagan na lang ito sa cellphone niya.

Rrrrriiiinnnngggg....

Miriam: Hello friend?

Regina: Nasaan ka?

Miriam: Ha? Ahm, pauwi na ako, bakit?

Nagulat si Regina sa sagot ng kaibigan.

Regina: Ha? Ah ganun ba? Manghihiram lang sana ako ng notes sa Math? Lumabas kasi ako kanina para umattend ng meeting para sa incoming Sports Fest.

Miriam: Ah okay. Sige pahahatid ko na lang sa driver namin sa bahay niyo.

Regina: Sige salamat.

Miriam: Sige bye.

Regina: Bye.

Hindi alam ni Regina kung ano ang dahilan ni Miriam kung bakit siya nagsinungaling sa kanya. Wala siyang maisip na dahilan ni isa. Hindi mapakali si Regina. Aalis na sana siya pero parang may pwersa na pumipigil sa kanya na hayaan na lamang ang nangyari. Alam niyang hindi siya matatahimik kung hindi niya malalaman ang totoo. Kaya sinundan niya ang kaibigan. Lihim niyang sinusundan si Miriam. Pumasok si Miriam sa school theatre nila pero hindi sa main entrance kundi sa likuran, sa exit area. Sinundan ni Regina si Miriam hanggang sa loob ng napakalaking gusali. Lumiko si Miriam sa isang parang fitting area at doon biglang narinig ni Regina ang kaibigan na nagsalita. May kausap...

Miriam: Hindi ka ba talaga nakaiintindi? Tama na. Sinabihan na kita noon pa. Kaibigan ko si Regina. At hindi ko kayang ipagpalit ang pagkakaibigan naming dalawa dahil lang sa nararamdaman nating dalawa which is wrong.

Dahil sa mga narinig ni Regina, agad siyang sumilip para malaman kung sino ang kausap ni Miriam. Nanlamig na lang bigla si Regina sa kanyang nakita. Si Miriam ang best friend niya at si Bogs ang boyfriend niya ay sikretong nag-uusap sa tahimik at tagong lugar at wala siyang kamalay-malay.

Bogs: Alam mong ikaw talaga ang mahal ko. At alam kong mahal mo rin ako. Pero dahil lang sa naunahan ka ng kaibigan mo at inamin niya sa'yo na gusto niya ako ay nag give way ka na. Naging unfair ka Miriam, lalong-lalo na sa sarili mo. Niligawan kita pero nereject mo kasi ayaw mong saktan ang kaibigan mo. Sa halip pinaligawan mo sa akin ang kaibigan mo to make her happy and you told me na matututunan ko rin siyang mahalin. Miriam I tried, pero wala pa rin. Ikaw talaga ang tinitibok ng puso ko....

Miriam: Tama na! I made my decision. Let's stop this. At tapusin mo na rin ang relasyon mo sa kaibigan ko kung sasaktan at sasaktan mo rin siya.

Biglang hinalikan ni Bogs si Miriam.

Nagulat si Regina sa kanyang nakita. Napatigil siya bigla sa paninilip at tumalikod dahil hindi niya kayang tanggapin ang kanyang tinitingnan. Pinipigilan niya ang kanyang sarili. Tinakpan niya ang kanyang sariling bibig ng kanyang mga kamay para walang lumabas na ingay mula rito. Hindi na niya kaya ang mga nangyayari kaya lumabas na lamang siya. Habang sa loob... sinampal ni Miriam si Bogs at iniwan ang binatang bigo.

Balik sa kasalukuyan....

Regina: Naalala mo na ba friend?

At muling hinarap ni Regina ang kaibigan. At biglang sumigaw....

Regina: Ha?!

Sabay lapit sa kaibigan. Napakabilis nang paglapit niya kay Miriam. Ni si Miriam ay hindi niya namalayan ang paglapit ng kaibigan sa kanya. Parang hanging hindi nakikita ng hubad na mga mata. Magkaharap na silang muli, pero sa pagkakataong ito mas malapit. Isang metro lamang ang layo nila sa isa't isa.

Miriam: Kahit kailan hindi ko inagaw si Bogs mula sa'yo. Alam mo yan.

Regina: Hindi nga. 'Di ba nga nagpaubaya ka. Pero ginawa mo akong tanga. Ginawa niyo akong tanga!

Muling tumaas ang boses ni Regina. Lumakas ang ihip ng hangin sa buong kabahayan habang tumataas din ang galit na nararamdaman ni Regina... at bigla na naman siyang naglaho.

Chapitre suivant