webnovel

"Bisita"

Habang hindi na naman nakikita ni Miriam ang kaibigan ay kinuha niya ang pagkakataon na magpaliwanag sa kanya.

Miriam: Regina makinig ka, magkaibigan tayo, matagal na. Mahal kita and I treasured our friendship so much na ayaw kitang masaktan.

Tanging boses lamang ni Regina ang sumasagot sa dalaga, walang presensya siyang natatanggap sa kaibigan.

Regina: Talaga? Ang swerte ko naman pala. Pwe! Maniwala ako sa iyo, nasaktan mo na nga ako 'di ba?! Nilihim mo ang lahat sa akin! Tinago mo! Akala ko ba magkaibigan tayo! Pero ginawa mo akong tanga! Ginawa mo akong bobo!

Miriam: Hindi 'yan totoo. Sino ba ang takbuhan mo sa tuwing luhaan ka? Sino ba ang kinakausap mo pag nasasaktan ka? Sino ba ang karamay mo 'pag nadadapa ka? Ha? Sino? Sino?!

Regina: Oo ikaw nga. Pero malay ko ba kung ano ang tumatakbo sa isip mo sa tuwing nangyayari ang mga 'yon. Sinabi ko ang lahat nang tungkol sa akin sa iyo. Lahat-lahat, wala akong tinira! Pero ikaw! Ikaw! Naging maramot ka! Naging makasarili ka!

Miriam: Regina tigilan mo na 'to! Paano ka niyan matatahimik kung puro galit ang nararamdaman mo?! Buksan mo ang isip at ang puso mo. Makinig ka naman. Hayaan mong tulungan kita. Hindi pa huli ang lahat. Sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin para makabawi ako sa iyo.

Wala nang sagot na natatanggap si Miriam mula sa kaibigan. Hinalughog niya ang buong silid ng kanyang mga mata. Sa baba, sa mga ilalim at maging sa itaas. Pero hindi niya pa rin makita ang kaibigan.

Miriam: Regina?

Habang nakatalikod si Miriam ay may parang unti-unting bumababa sa likuran niya mula sa itaas, mahaba, maitim, mayabong... buhok ni Regina. Unti-unti siyang nagpapakita sa kaibigang nakatalikod pero patiwarik.

Miriam: Sabihin mo sa akin kung paano ako makakatulong.

Regina: Buhay sa buhay.

Lumingon si Miriam sa kaibigan at laking gulat niyang nakita si Regina na nakalutang pero ang paa nito ang nasa itaas at ulo sa ibaba. Hindi masukat ang sigaw ni Miriam. Sa pagkakataong ito ay napatakbo na si Miriam sa labas ng kanilang mansyon. Tumakbo siya sa napakalaking bakuran nila patungo sa gate nila nang biglang umulan nang malakas. Pagdating na pagdating niya sa gate nila ay nabigla na lamang siya nang makita ang kaibigang bangkay na nakatayo sa labas mismo ng gate na pilit niyang binubuksan.

Regina: Bulaga!

Miriam: Aaah!

Napaatras bigla si Miriam na naging dahilan ng pagkatumba niya. Gumapang ang dalaga pabalik sa loob ng kanilang bahay. Pilit niyang tumayo para mas mapabilis ang pagdating niya at dahil sa pilit niyang pinapatayo ang sarili at mahina na ang kanyang mga tuhod dahil na rin sa nauubusan na siya ng lakas sa sobrang takot na nararamdaman niya ay madapa-dapa na siya papunta sa pinto nila. Nang makarating na siya ay agad niya itong sinara at tuluyang ni lock. Napaupo na lamang siya sa may pinto sa sobrang pagod.

Miriam: Regina tama na please. Please....

Chapitre suivant