Pagkatapos ng labanan sa pagitan nina Castiel at Christopher, hindi makatulog ang bawat isa sa kanila sa pag-aalala sa mga susunod na lalaban. Lalo na sa si Charlemagne na alam niyang napapalapit na si Charlene kay Cryptic. Paano niya magagawang iligtas ang dalawang maiipit sa labanan? Tila tinutukso siya ng pagkakataon at hindi niya maiwasang mag-isip magdamag. Lumabas siya ng kwarto at nag punta sa kusina para uminom ng tubig, nakita niya si Cydee na nasa labas ng mansion at nakatanaw sa mga bituin mag-isa. Naisipan niyang lapitan ito, pero ng malapit na siya sa kinatatayuan ni Cydee ay natigilan siya ng maaalala ang palapit na labanan nila ni Cryptic. Babalik na sana siya sa kwarto niya ng makita siya ni Cydee.
"Charlemagne di ka makatulog?"
"Oo e sino ba naman ang makakatulog sa papalapit na labanan namin ni Cryptic." napabuntong hininga na lamang siya.
"Charle matanong nga kita, inaalala mo ba ang kalagayan ni Charlene?"
"Oo naman, kakambal ko ang may posibilidad na maging pain sa labanan namin. Ayokong masaktan siya ng dahil lang sa walang kwentang labanan na ito."
"Ang hirap di ba? Pag ako ang itakdang lumaban wala naman akong kakayahang makipaglaban sa kung sino man lalo pa't hindi ako marunong makipaglaban."
"Hindi ko hahayaang mangyari yun, hahanap ako ng paraan para matigil ang kahibangang ito. Ayaw kitang masaktan."
"A-ayaw mo akong masaktan?"
"Narinig mo na sinabi ko ayaw ko ng ulitin pa yun."
"Charle, alam mo namang gusto kita di ba? Alam kong nararamdaman mong may gusto ako sayo."
"Cydee ano bang pinagsasabi mo jan?! Hindi ngayon ang oras para sa mga usaping ganyan. Kung maaari lang ay lumayo ka na sakin at itapon mo na kung ano man yang nararamdaman mo." agad tumalikod si Charle pero agad din namang niyakap ni Cydee si Charle na natigilan sa ginawa niya.
"Charle alam kong ginagawa mo lang ito dahil ayaw mo akong masaktan. Pero totoo yung sinabi ko sayo, gusto kita at handa na akong maging pain sa labanan. Ang isipin mo lang ay kung paano mo maliligtas si Charlene." tinanggal ni Charlemagne ang pagkakayakap ni Cydee sa kanya at hinarap ito.
"Hindi kita gusto Cydee, at tigilan mo na ako." mabilis na umalis si Charlemagne at nagtungo sa kwarto niya. Naupo na lamang siya habang nag-iisip sa pwede niyang gawin.
Si Cryptic naman ay mabilis na nakatulog dahil hindi naman niya masyadong iniisip ang magiging labanan. Ang tanging laman ng isip niya ay kung paano ililigtas si Charlene sa pagiging pain nito bago pa ito masaktan. Mabilis na lumipas ang oras at sa pagsikat ng araw ay handa na ang bawat isa na tunghayan ang magiging labanan. Si Charlemagne na hindi nakatulog ay naghahanda na sa mangyayaring labanan sa pagitan nila ni Cryptic. Si Charlene at si Cydee ay hindi mahagilap ng ibang naroroon sa mansion. Doon na sila nagsimulang mangamba sa kung saan sila dinala ng anino. Nagpakita na ang anino at inihayag na ang magiging labanan nila. Naiiba ito sa naunang dalawang laban. Ngayon ay para itong laro na ang premyo ay ang kaligtasan ng isa sa mga pain.
"Everyone there's been a sudden change of plans. Hindi ako naaaliw sa labanang nangyari kaya babaguhin ko ang mga mechanics sa labanang ito. Charlemagne at Cryptic ngayon kayong dalawa ay magtatapatan na kung saan ang dice na ito ang magsisilbing guide niyo. Sa bawat apakang nakikita niyo jan ay may nakatagong patibong at mga buff na pwede niyong gamitin sa larong ito. Ang naturang bilang ng dice ay siyang magiging bilang ng pwede niyong ihakbang, ang unang makatapos ay siyang magwawagi. Nakapaloob din sa bawat apakan ang posibilidad na maparusahan ang mga paing nakakulong sa magkakaibang kulungan. Kung maswerte ka naman ay maaari niyong mailigtas ang pain kahit hindi pa natatapos ang laro." inilabas ng anino ang isang malawak na puzzle board na magsisilbing lugar na paglalaroan nina Charle at Cryptic. Ang bawat isa ay nakapwesto sa kanya-kanyang starting point at sa bandang gitna ay mag-uunahan na silang mag-okupa sa bawat apakang mapupunta sa kanila.
"Yun lang ba ang lahat ng mechanics? O baka may nakalimutan ka na namang sabihin samin?" aniya ni Charlemagne na pinag-aaralan na ang mga apakang magkakatulad lang ang mga itsura.
"Buti at nagtanong ka, ako ang mechanics ibig sabihin ako ang nagdadala ng laro. Hahahaha at bago ko pa makalimutan ay pag kayong dalawa ay napunta sa iisang apakan, isa lang sa inyo ang dapat makapag-okupa ng apakan para maiwasan niyo ang makalaban ang bawat isa. Sa bawat labanang mangyayari hindi kayo makakaramdam ng sakit kundi ang mga nakakulong ang direktang tatamaan ng atake ng bawat isa. Kuha niyo ba? Kung ako sa inyo ipagdadasal kong hindi kayo mapunta sa iisang apakan." itinaas na ng anino ang mga apakan para mas makita ng mga kasamahan nila ang magiging takbo ng kanilang laro. Sa dulo nito ay natatanaw nila sina Cydee at Charlene na mga walang malay na nasa loob ng magkakaibang kulungan.
"Anong ginawa mo kay Charlene at kay Cydee?" sigaw ni Cryptic.
"Wala naman. Kinuha ko lang ang mga kapangyarihan nila para hindi na sila makapagdepensa pa pag nagkataong maglalaban kayong dalawa. Mas maganda nga e para maramdaman niyo ang sakit sa mga sigaw at tili nila mamaya."
"Napakasama mo!" galit na tugon ni Charlemagne. Ang iba naman ay nakaupo sa isang grandstand kung saan hindi sila makakagalaw at makakagamit ng mga kapangyarihan nila. Hanggang tingin lang ang pwede nilang gawin.
"Umpisahan na ang laro. Ang unang magtatapon ng dice ay si Charlemagne dahil ikaw naman mas matanda." ibinigay ng anino ang isang may kalakihang dice at agad naman iyong sinalo ni Charlemagne at ibinato. Pagkabato ng dice ay umikot-ikot pa ito at dahil wala namang palatandaan ang mga apakan hindi niya alam kung ano ang maaaring nakalagay sa apakang mapupuntahan.
"6, ang ganda naman ng unang bato. Charlemagne humakbang ka ng anim na bese." sumunod naman si Charlemagne at humakbang ng anim na beses. Nang makarating sa pang anim na apakan ay agad na lumabas ang guhit ng shield.
"Paano ko gagamitin ang shield na ito?" tanong ni Charlemagne.
"Sabihin mo lang na activate, tumingala ka makikita mo ang lahat ng buff at traps na makukuha mo sa mga apakang naukopa mo." tulad ng sinabi ng anino ay may shield siyang nakita doon na may nakalagay na bilang 1.
Sumunod namang bumato ng dice si Cryptic at nakakuha siya ng 3. Humakbang siya ng tatlong beses at ng makarating sa pangatlo ay agad na lumabas ang image ng isang apoy at maya-maya pa ay naging pula ang apakang kinatatayuan niya bilang hudyat na nakapagbukas siya ng isang trap. Umaapoy ang kintatayuan niya pero wala siyang maramdamang ano mang init o sakit sa katawan niya. Biglang napasigaw si Charlene ng makita nila ay umaapoy ang buong kulungan nito at di nagtagal ay nawala din agad ang apoy. Natuwa naman ang anino sa nakikitang progress ng laro.
"Napakasama mo! Akala ko ba pag naglalaban lang kami!" galit sa sambit ni Cryptic.
"Ooops. Nakalimutan ko. Sorry." pang-iinis ng anino sa kanilang dalawa.
"Cryptic umayos ka!" galit na saad ni Charlemagne.
"Malay ko bang apoy pala ang nakalagay sa apakang ito." sagot naman ni Cryptic.
"May nakalimutan pa pala ako. Yung shield mo sana Charlemagne ginamit mo sana para mailigtas si Charlene sa trap. Hahaha hindi naman kayo makakaramdam ng sakit di ba? Walang silbi ang mga buff na yan sa inyo." mas lalong nagalit sina Charlemagne at Cryptic sa sinabi ng anino. Lagi nitong dinadahilan ang makalimot para maaliw sa mga mangyayari.
Tumira si Charlemagne at lumabas ang 3. Humakbang siya ng tatlong beses at lumabas sa pangatlo ang isang liwanag. Pagtingala niya ay nakita niyang nahahanay ito sa buff pero hindi niya alam kung para saan ang liwanag na iyon. Sumunod naman si Cryptic at nakakuha ng 1. Humakbang siya at agad na lumabas ang isang image ng sword. Tiningnan din ni Cryptic kung saan ito nakahanay, sa buff ito napunta. Nakahinga siya ng maluwag ng malamang hindi pala trap iyon. Sumunod naman si Charle at nakakuha ng 2. Paghakbang niya sa pangalawa ay lumabas ang isang bilang na -2 at ibinalik siya sa kanyang dating pwesto. Ibinato naman ni Cryptic ang dice at lumabas ang 3. Sa paghakbang niya sa pangatlong apakan ay biglang kumilos ang mga apakan. Pagtingin nina Charle at Cryptic kung saan ito papunta ay nagfuse ang mga apakang kintatayuan nila pareho. Ngayon ay pareho silang nakatayo sa iisang apakan. Ibig sabihin ay kailangan nilang maglaban para maangkin ang pwestong iyon. Kahit hindi nila gustohin ay wala silang magawa. Ginamit ni Charle ang shield.
"Activate shield." saad ni Charle.
"Para kanino naman kaya ang shield na yan?" nang-iinis na tanong ng anino.
"Tsk. Activate Shield defend Cydee." nakayukong saad ni Charlemagne.
"Bakit kaya si Cydee? Hmm. Maganda na ang nangyayari." si Charlene naman ay naupo lang at naghihintay sa maaaring mangyari sa kanya.
"Activate Sword. Attack power doubled!" saad ni Cryptic at inihagis niya ang isang napakalaking bato papunta kay Charlemagne, dahil ginamitan niya ito ng power up buff doble ang magiging damage nito sa tatamaang target. Kampante naman si Charlemagne dahil ginamitan naman niya ng shield si Cydee. Pero ng tumama ang atake ni Crytpic sa kanya ay nawasak ang shield ni Cydee at tumama pa rin ang attack ni Cryptic.
"Cydee! Paanong nangyari yun naka shield naman si Cydee!" reklamo ni Charlemagne.
"Na-activate mo nga ang shield pero ginamitan naman ni Cryptic ng power up ang atake niya. So ibig sabihin nun ay normal attack ang natamo ni Cydee at ang nasangga lamang ng shield ay yung dagdag na power sa atake nito. In short kalahati lang ng atake ang nadepensahan ng shield." paliwanag ng anino.
"Charle okay lang ako. Huwag kang mag-alala." ngumiti pa si Cydee kahit na nasasaktan. Dahil si Cryptic ang nanalo sa labanan nila ay maaari niyang ibato ang dice at kung ano man ang lalabas ay yun din ang ihahakbang ni Charlemagne pabalik. Pagbato ni Cryptic ay nakakuha siya ng 5, humakbang pabalik ng limang beses si Charle.
Turn na ni Charlemagne at muntikan ng makuha ang 5 buti nalang at natumba pa ito ng isang beses kaya 6 ang lumabas. Sa pang-anim na apakan ay lumabas ang x2 ibig sabihin maaari pa siyang humakbang ng anim pang beses. Sa huling apakan ay lumabas ang redemption.
"Anong ibig sabihin ng redemption?" tanong ni Charlemagne sa anino.
"Redemption, pwede mong iligtas ang paing nakalaan sayo at palitan ng kung sino mang gusto mong ipalit sa kanya mula sa mga nakaupong kasamahan niyo roon." paliwanag ng anino. Nag-isip si Charle kung sino ang ipapalit niya kay Cydee. Hindi niya pwedeng piliin ang kakambal dahil nakalaan siyang pain kay Cryptic. Mula sa mga kasamahang nakaupo ay nakita niya si Cornelia. Napapa-isip siya kung bakit pinapahalagahan ng anino si Cornelia na tila pinoprotektahan niya ito ng palihim.
"Nakapagdesisyon na ako. Ipapalit ko kay Cydee si Cornelia." pagkasabi niya ay mataman niyang tinitigan ang anino sa magiging reaksyon nito. Tulad ng inaasahan niya ay tila nabigla ito sa desisyon niya. Galit naman sina Ciara at Cyrus sa pagpili ni Charlemagne kay Cornelia na alam na alam naman nitong konti na lamang ang natitirang kapangyarihan ni Cornelia. Mula sa pagkakaupo ay agad na ipinalit ng anino si Cornelia sa kulungan ni Cydee.
Sumunod naman agad si Cryptic at hinagis ang dice. Nakakuha siya ng 4 at sa pang-apat na hakbang ay nakakuha siya ng spikes. Naging pula na naman ang apakang kinatatayuan niya at lumabas mula sa ibaba ang mga spikes na sumugat sa katawan niya. Pero wala siyang naramdaman at si Charlene ang nasasaktan para sa kanya. Nakatikom ang mga kamao ni Charlemagne sa nakikitang hirap na dinadanas ng kakambal niya. Itinapon ni Charle ang dice at naglabas ito ng 2. Sa pangalawang apakan ay naging pula naman ang apakang kinatatayuan niya. Nabalutan siya ng makapal na yelo at si Cornelia naman ang tumigas sa tindi ng lamig ng yelong nakapalibot sa kanya. Nakita ni Charlemagne ang mukha ng anino na tila naaawa sa sinapit ni Cornelia. Pwedeng gamitin ni Charlemagne ang buff niyang light para tunawin ang yelong nakapaligid kay Cornelia pero mas pinili niyang itago muna ito. Sumunod naman si Cryptic at nakakuha siya ng 5. Pagka-apak niya sa panglimang hakbang ay napuno ng kadiliman ang buong paligid. Sa kadiliman ay nagsilabasan ang mga mandirigmang sumakabilang buhay na. At parehong kinakalaban sina Charlemagne at Cryptic. Dahil wala silang makita ay pare-pareho silang tinamaan ng mga atake ng mandirigma.
"Activate Light buff." saad ni Charlemagne at agad na nagliwanag ang kapaligiran. Nagagawang umiwas ni Cryptic sa mga atake ng kalaban pero si Charlemagne ay hinahayaan lamang na tamaan siya ng mga kalaban nila. Sa bawat sugat na natatamo niya sa mga kalaban ay yun din ang sakit na idinudulot nito kay Cornelia. Nagagalit na ang anino sa ipinapakitang asal ni Charlemagne.
"Kapag iba pala ang naka pain para sa'yo ay hinahayaan mo nalang masaktan?" sambit ng anino.
"Kaya naman ni Cornelia ang mga yan. Di ba nga? Mas pinipili niyang masaktan kesa iba ang masaktan?" pang-iinis ni Charle.
"Okay lang ako. Kaya ko pa." mahinang saad ni Cornelia.
"Kita mo. Sabi ko sayo e." ngumiti pa si Charlemagne. Tila naguguluhan naman si Cryptic sa ginagawa ni Charlemagne pero wala siyang magagawa kundi obserbahan na lamang muna ang ginagawa nito. Si Cyrus naman ay panay na ang piglas sa pagkakaupo nito para mailigtas ang kakambal. Pero wala siyang nagagawa kundi pahigpitin lang ang pagkaka-kapit ng mga baging na nakahawak sa mga paa niya.
Ibinato na naman ni Charle ang dice at nakakuha siya ng 4. Pagkarating niya sa pang-apat na apakan ay lumabas ang shield buff. Sumunod naman si Cryptic at naging pula ang apakang kinatatayuan niya. Isang malakas na lighting bolt ang lumabas at tumama sa kanya. Agad namang ginamit ni Charlemagne ang shield para depensahan si Charlene. Sa pagbato ni Charlemagne ay may mga bisitang hindi nila inaasahan ang dumating. Bilang nagkaroon ng malawakang time freeze ng makababa ang mga Elemental guardians at ang kasama nilang babaeng halos hindi mo makita ang mukha sa liwanag na taglay nito. Nasira ang dimensional barrier na gawa ng anino at napakawalan din ang dalawang paing nakakulong. Agad na sinalo nina Charlemagne at Cryptic si Charlene habang minadaling habulin ni Cyrus ang pabagsak na si Cornelia. Pero masyado siyang malayo para masalo ito at bumagsak ang buong katawan nito sa lupa. Sa galit ni Cyrus ay agad niyang sinuntok si Charlemagne.
"Wala ka bang awang naramdaman ni katiting lang para sa kakambal ko? Ginawa mo na nga siyang pamalit kay Cydee hinayaan mo pa siyang masakan ng todo-todo at ngayon ay hinayaan mo lamang na bumagsak."
"Cyrus pasensya na pero nauna lang yung katawan kong saluhin ang kakambal ko kesa sa babaeng yan."
"Ang tinatawag mong babae ay kakambal ko Charlemagne!" pumagitna sa kanilang dalawa ang Spirit of Fire at inawat ang dalawang nagkakasagutan. Lumapit naman agad sina Christopher at Cloudia na agad namang niyakap ng mga elemental guardians.
"Bakit kayo nandito?" tanong ni Cloudia.
"We are here for one purpose only, and that's to help Gaia make things right." saad ng Keeper of Light.
"What do you mean?" tanong ni Christopher.
"There is more than just losing your memories. Gaia's here to explain everything. But for now, we have to accompany Aphrodite to her rightful place." saad naman ng Lord of Darkness.
"Explain what? It doesn't make sense at all." sabat naman ni Carlie.
"It will, if you'll just let Gaia talk first before questioning her presence." matigas na saad ng Spirit of Water.
"Aphrodite, You've come to far on your pranks at me. Hurting them won't change a thing. You even got your precious sister in harms hands with your own plans. So now, reveal yourself and stop hiding from the shadows." pagkasabi ni Gaia ay agad na ipinakita ni Aphrodite ang totoong anyo na nagawa na niyang ipakita sa kanila ng isang beses.
"Gaia, you are to blame for all of this. This won't happen at all if you didn't castrate my father in the first place. I won't be born and so is Cornelia. It is just right to avenge my father's death by hurting Cronus and his love ones." saad ni Aphrodite na naiiyak na.
"You are wrong Aphrodite. I'm here to settle things first and bring all the pieces together. But sadly, ang inakala kong simpleng pagkawala ng memorya nila ay hindi pala yun lang. Unfortunately, all of your memories are gone and shattered to pieces. You can never bring them back. All of your memories will start from where you first opened your eyes. Dahil sa tindi ng kapangyarihan napakawala ko, kahit na yung mismong mga katawan niyo ay naging fragments at naisalin ang mga kapangyarihan niyo sa mga katawang napasukan ng mga kaluluwa niyo. Hindi ko na alam kung paano ko kayo haharapin pero, dahil taglay niyo pa rin ang mga kapangyarihan ng isang God and Goddess, nararapat pa rin kayong ituring at igalang bilang kung sino kayo ngayon at kung paano kayo noon. Kayong lahat ay titira sa Mt. Olympus na kung saan pag-aaralan niyo ang bawat kakayahang taglay niyo. Ang mga elemental guardians na kasama ko ay nagsilbing pamalit sa mga responsibilidad na sana ay sa inyo. Binabalanse nila ang bawat elemento pero hindi nila kayang kontrolin ng direkta ang bawat elementong taglay nila." pahayag ni Gaia.
"So it means? Hindi katawan ng mga Gods and Goddesses ang gamit namin ngayon kundi katawang tao na lamang ito na nasalinan ng mga kapangyarihan namin?" tanong ni Carlisle.
"Tama ka, kung inyong nakikita nagkahalo-halo na rin ang mga taglay niyong kapangyarihan. Wala na akong magawa pa para ibalik ang lahat sa dati. Kayong lahat ay hindi magkakapatid. Nagkataong ang bio-link ng bawat isa sa inyo ang nag-uugnay sa mga puso't kaluluwa niyo. Sina Cyrus, Ciara at Cornelia ang mga katawang gamit niyo ay pinag-mamay-ari ng triplets, ganun din kina Carlie, Camille at Castiel pati na rin kina Charlemagne at Charlene. Sila ang totoong magkakadugo ang mga katawang taglay nila. Magkakapatid naman sina Chayanne, Christopher, Cloudia at Cryptic. Habang yung iba ay magkakadugo at magkakamag-anak din. Pero si Cydee at ang katawang taglay niya ay hindi niyo kadugo o anuman. Tila si Cydee at Charlemagne ay magkasintahan ang natagpuang mga katawan. Kung may nararamdaman man kayo sa bawat isa, ibig sabihin lang niyan ay mas matibay ang lukso ng dugo ng mga katawang gamit niyo." patuloy na paliwanag ni Gaia.
"Hindi maaari yan!" sabat ni Aphrodite.
"Anong hindi Aphrodite? Ikaw na mismo ang nakakita ng posibilidad na ito nung sinubukan mong ibalik ang lahat ng alaala nila pero nabigo ka at walang epekto ang kapangyarihan mo." sagot naman ni Gaia.
"Kapatid ko si Cornelia at isasama ko siya." matigas na saad ni Aphrodite na hinawakan na si Cornelia.
"Hindi ko alam kung paano o ano ang dapat kung gawin. Pero naisip ko na rin ang maaaring dahilan kung bakit mo ako pinoprotektahan. Nung pumasok ka sa katawan ko na ang akala ng lahat ay inuubos mo ang kapangyarihan ko, hindi pala. Ang ginawa mo ay isinasalin mo ang sarili mong kapangyarihan para madagdagan ang oras na itatagal ng buhay ko. At sa labanan sa pagitan nina Charlemagne ay gumawa ka ng barrier para hindi ako masyadong masaktan. Siguro tama na ang nakita ko para sumama ako sayo."
"Cornelia!" sabay nina Ciara at Cyrus.
"Okay lang ako. Pag sumama ako sa kanya magiging okay na ang lahat. Babalik na siya sa dati niyang ugali. Masaya akong malaman na may totoo pala akong kapatid." hinawakan ni Cornelia ang kamay ni Aphrodite at isinama na siya ni Aphrodite paalis sa dimension na kinaroroonan nila. Wala ng nagawa pa sina Ciara at Cyrus dahil bigla na lamang nawala ang dalawa.
"Hindi maiiwasan ang sitwasyong ganyan. Ngayon magsihanda na kayong lahat sa pagpunta natin sa Mt. Olympus. Cyrus huwag kang mag-alala, babalik si Cornelia sa tamang panahon. Carlisle, bilang katauhan ni Cronus ikaw pa rin ang haring susundin nga mga kasamahan mo. Sa iyo pa rin ang final decision kung sasama kayo sakin o hindi."
"Kung ang katotohanan ng bawat pagkatao namin ang malalaman namin, hindi ko ipagkakait sa iba ang mga maaari naming malaman mula sayo." mahinahong saad ni Carlisle.
"Mas gusto ko ang mga pananaw mo ngayon kesa dati Cronus, mali pala Carlisle. May maganda rin palang naidulot ang pagkawala ng buong pagkatao niyo. Ngayon babalikan ko kayo bukas para sa desisyon niyo. Mula sa Mt. Olympus ay tatawagin ko kayo para malipat na kayo kaagad doon. Hanggang bukas mga anak." nawala din agad si Gaia kasama ang mga elemental guardians.
Naibalik na sila sa mansion na tila walang nangyari. Magulo pa rin ang mga utak nila sa dami ng nangyari at ang pagsama ni Cornelia kay Aphrodite. Ano naman kaya ang naghihintay sa kanila sa Mt. Olympus lalo pa't si Carlisle ang mamamalakad sa kanilang pagtira doon. Handa na ba kaya si Gaia na ipagkatiwala ang trono ng pagiging hari sa anak na si Cronus na ngayon ay nakaloob sa pagkatao ni Carlisle? Sa Mt. Olympus, ano ang magiging buhay ng bawat isa sa kanila? Unti-unti ng nabuo ang mga fragments tungkol sa pagkatao nila. Ano kaya ang mas pipiliin nila, ang nakaraang buhay o ang kasalukuyan nilang buhay na taglay.