Sa pag-alis nina Gaia ay napagkaisahan nilang mag-usap-usap kung ano ang magiging desisyon nila. Kung sasama ba sila papunta sa Mt. Olympus o mananatili sa Planet Earth. Ngayong wala na si Cornelia sa kanilang grupo ay tama sigurong pag-isipan na nila ng mabuti ang magiging mga plano sa hinaharap. Kung tatanggapin ba nila ang katotohanang hindi sila nararapat na makisalamuha as mga taong nandirito sa dimensyon kasama sila.
"Carlisle, nasabi mo kanina na sasama tayo sa kanila bukas. Handa na ba tayo?" tanong ni Carlie.
"Matagal na tayong handa, nasanay lang tayo sa pamumuhay natin dito sa dimensyong ito. Oras na para harapin ang anumang nakaligtaan natin sa mahabang panahon."
"Pero paano si Cornelia? Hahayaan ba natin siya kay Aphrodite?" tanong ni Ciara.
"Desisyon niya ang sumama kay Aphrodite, may gusto siguro siyang malaman o gawin. Hayaan na natin siya sa desisyon niya. Sinabi naman din ni Gaia na babalik siya di ba?"
"So ano na? Pagbobotohan ba natin ang pagpunta doon?" tanong ni Chayanne.
"Kung ako ang masusunod, nararapat tayong manatili sa Mt. Olympus. Masyado na tayong nagpapabaya sa mga responsibilidad natin bilang Gods and Goddesses. Hindi natin kailanman iaasa sa elemental guardians ang dapat na gawain natin."
"Ibig sabihin ba nito ay aalis na tayo dito at mamuhay ng naaayon sa dapat nating igalaw?" tanong naman ni Camille.
"Yan ang nararapat, at sa pagpunta natin doon mas marami pa tayong malalaman at matututunan. Para satin din ang pagpunta natin doon."
"Cyrus, ikaw sasama ka ba?" tanong ni Ciara sa kanya.
"Wala naman na tayong magagawa pa diba? Kung ginusto ng hari ang pagpunta doon, yun ang dapat nating gawin." pabalang na saad ni Cyrus.
"Cyrus may ipinahihiwatig ka ba?"
"Wala. Susunod ako sa utos ng hari. Wala na naman akong ibang magagawa." halos pabulong na saad ni Cyrus.
"Cyrus kung ayaw mong sumama magpaiwan ka nalang. O hindi naman kaya ay samahan mo nalang yung kakambal niyong si Cornelia sa gawi ni Aphrodite." may galit sa tono ni Carlisle.
"Huwag kang mag-alala at gagawin namin ni Ciara yan." pagkasabi ay mabilis na tumalikod si Cyrus kasabay ang kakambal na si Ciara.
"Cyrus, Ciara, huwag naman ganito. Dapat nagkakaisa tayo sa mga panahong ito." pigil sa kanila ni Chayanne.
"Sa tamang panahon Chayanne, mararating din namin ang lugar na yun. Pero sa panahon ding iyon ay sisiguraduhin kong malinaw na sa atin ang lahat."
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay may isang portal ang kusang nag bukas para sa magkapatid na Cyrus at Ciara. Sa kabilang dulo nito ay natatanaw nila si Aphrodite na nakangiti na tila alam na nito ang kanilang desisyong samahan si Cornelia sa piling nito. Ang iba sa kanila ay tila nalilito sa desisyong tinuran ni Cyrus.
"Alam kong hindi niyo kayang iwanan si Cornelia ng mag-isa. Ang simbolong nakatatak sa mga kamay niyo ang siyang paalala sa inyo na dapat kayong magkasamang tatlo. Sa ngayon, ikinalulungkot ko pero nakapaloob ngayon si Cornelia sa isang lacrima para maibalik ang dating kapangyarihan nito at para na rin maputol ang ugnayan niya sa Grim Reaper." pahiwatig ni Aphrodite.
"Ibig sabihin nun, hindi na babantayan ng Grim Reaper ang demonyong hawak nito." sabat ni Carlie.
"Oo, nangangahulugan din ito na ang Demon King na kanyang bilanggo ay magiging malaya na ulit."
"Parang trinaydor mo na rin si Cornelia sa ginawa mo Aphrodite." matapang na tugon ni Carlisle.
"Hindi ko magagawa kay Cornelia yan. Sa paglaya ng demon king at sa pagbalik ng kapangyarihan niya, isang panibagong labanan sa pagitan nilang dalawa ang magaganap. At sisiguraduhin kong sa pagkakataong din iyon, ay kaya na niyang pumatay. Masyado pang malambot ang puso ni Cornelia para maisakatuparan ang paghihiganti niya sa mga nag-alaga sa kanya. At sa pagdating ng panahon ding iyon, magkikita at magkikita tayong lahat muli. Hindi ko lang alam kung bilang magka-kaibigan pa ba o di naman kaya ay bilang magka-away."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Chayanne.
"Aphrodite, tama na ang pagsasalaysay mo sa maaring mangyari. Si Cydee na mismo ang makakakita nun pagdating ng tamang panahon. Gusto ko ng makita si Cornelia, kung maaari ay dalhin mo na kami ni Ciara sa kanya." saad ni Cyrus.
Pumasok na sina Cyrus at Ciara sa portal na likha ni Aphrodite. Pagkapasok nila ay agad din naman itong nagsara. Sa bilis ng mga pangyayari ay naiwang naguguluhan ang iba na nilang mga kasama. Si Carlisle naman ay desidido ng magpunta sa Mt. Olympus.
"Sino pa ba ang hindi sasama? Kung ayaw niyo ay hindi ko na kayo pipilitin pa." saad nito.
"Carlisle gustohin man naming magpunta doon sa Mt. Olympus tila hindi namin maaaring gawin yun. Kailangan kami dito sa planetang ito. Umaasa sa amin ang mga batang nandirito. At mas may magagawa kami dito na ikasisiya namin kesa naman makipagsapalaran sa lugar na iyon at maging tagasunod ng batas na gagawin mo." saad ni Cassimir na nakatingin sa mga kasamahan nito.
"Tama siya, pasensya na Carlie pero magpapa-iwan kami dito." segunda naman ni Charice.
"Kung yan ang mga desisyon ninyo, hindi na namin kayo pipilitin pa." tanging saad ni Carlie.
Sa isang kumpas ng kamay ni Carlisle ay isang lagusan ang lumabas papunta sa tinatawag ni Gaia na Mt. Olympus. Unang pumasok si Carlisle at sumunod naman ang iba. Nagpa-iwan ang grupo nina Charice sa dimensyong kinaroroonan nila.
Pagkatawid nila sa lagusan ay isang mataas na bundok ang kanilang natanaw. Sa taas nito ay inabot na nito ang mga ulap sa kalangitan. Isang malaking kastilyo ang bumungad sa kanila sa pinakatuktok na may malalaking pillars. Sa pinto nito ay nandoon si Gaia na tila hinahanap ang iba pa nilang kasamahan. Agad naman itong napansin ni Carlisle.
"Kami lang ang nagpunta rito, ang grupo ni Cassimir ay nagpaiwan habang sina Cyrus at Ciara ay nagpunta kay Aphrodite."
"Alam ko Carlisle. Kita ko sa mga mata ni Cyrus ang pagiging matigas nito sa mga desisyong tulad nito. Wala na tayong magagawa sa parteng iyon. Kahit ano paman at kung saan man sila, magkapareho parin kayong lahat na may angking kapangyarihan na hindi alam ng ibang mga nilalang. Kung paano nila ito gagamitin ay sa kanila na iyon. Sana lang ay hindi ito aabot sa pagkakataong magkakasakitan kayo ulit."
"May mangyayari ba?" usisa ni Carlie.
"May mangyayari? Nakadepende na iyon sa kalalabasan pagkatapos maibalik ang buong taglay na kapangyarihan ni Cornelia."
"Anong ibig mong sabihin?" saad ni Chayanne.
"Hindi basta-basta ang taglay na kapangyarihan ni Cornelia. Kung lalamunin siya ng kapangyarihan niya ay dapat handa kayong tapusin ang pinakasentro nito."
"Patayin si Cornelia tama ba?" nakayukong saad ni Carlisle.
"Ikinalulungkot ko pero maaaring ganun nga ang mangyari."
"Hindi ko alam ang motibo ni Cyrus at ang plano nito pero may kutob akong may alam siya na hindi niya sinsabi sa atin. Na tila nagdadalawang isip pa siya bago sundan si Cornelia."
"Chayanne, Carlie, Carlisle. Kayong tatlo ang sumisimbolo sa mga pillars na yan. Kung may hindi kayo pagkakasunduan na gawin pumunta kayo sa mga pwestong nakalaan para sa inyo at pag-isipan itong mabuti. Christopher at Cloudia, gustohin ko man na manatili kayo rito pero hinihiling ng mga elemental guardians ang presensya niyo sa lugar nila. May mga ipagkakaloob silang kaalaman sa inyong dalawa. Sa inyong pananatili dito ay unti-unti niyo ring mauunawaan ang kapangyarihang taglay ninyo." pagkasaad ni Gaia ay pumasok na sila sa loob ng kastilyo,
Sa gitna ng kanilang paglalakad ay nakita nila sa loob ang kani-kanilang mga imahe, ang kapangyarihang hawak nila at ang mga bagay na sumisimbolo sa bawat isa sa kanila. Paglapat ni Cydee sa imahe ng tatlong magkakahawak ang kamay na tila malabo pa ang mga mukha nito ay bigla siyang natigilan. Isang bagong pangitain ang kanyang natanaw.
Sa loob ng isang lacrima ay may isang babaeng humihiyaw sa sakit na nadarama nito. Tila namimilipit ito sa sakit. Nakatingin lang sa kanya ang isang lalakeng nakatikom ang mga kamao at dalawang babae; ang isa ay nakatungtong sa lacrimang ito habang ang isa ay pilit iniiwas ang tingin sa babaeng nasa loob ng lacrima. Nagsalita ang lalake pero hindi niya marinig ang boses nito, tanging ang buka ng bibig lang ang nakikita niya. Ang pangalan ni Carlisle lamang ang siguradong nakuha niya. Bigla namang dumilim ang paligid. Pagbungad ulit ng liwanag ay isang bagong mundo ang kanyang natanaw. Lahat ay nagkakaisa at may mga batang nagtatakbuhan. Masaya ang atmosphere at walang halong takot sa mga mata nito. Nakita niya ulit ang mga pamilyar na mukha pero ang iba ay tila bago na para sa kanya. May isang natatanging bulaklak na pumapagitna sa lugar na iyon. Doon naman natutok ang mata ni Cydee, pero bigla itong nalanta. Sa pagkalanta nito ay bigla ring nagbago ang tanawin. Natatanaw niya na may tatlong katao na paparating. Magkakahawak ang kamay tulad ng nasa larawan sa kastilyo. Napapalibutan ito ng itim na lacrima at ang mga mata'y uhaw sa dugo. Mababakas ang kagustuhang maghiganti sa mga mukha nito. Nakatingin sila sa direksyon ng isang babaeng nakaupo sa isang demonyo. Tumatawa ito habang papalapit ang demonyo sa kinaroroonan ng tatlo. Sa pagkakahawak kamay ng tatlo ay isang liwanag ang nakita ni Cydee. Doon ay naaninag na niya ang mukha nina Cyrus, Cornelia at Ciara. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ganoon ang reaksyon nila sa kaharap na babae. Sa liwanag ding iyon ay bumalik ang consciousness niya.
"Cydee! Cydee!" yugyog sa kanya ni Charlemagne.
"Aray naman. Grabe ka naman kung makayugyog. Sakit ng ulo ko." agad na nilapitan ni Cydee ang larawang kumuha ng atensyon niya. "Gaia, sino sila?"
"Sila ang magkakapatid na tumapos sa kahibangan ng isang Goddess. Ang labanang yun ang humusga sa pagkatao ng tatlo. Kung mabubuti ba sila o masasama. Sana nga lang kapag naging mas malinaw ang mukha nila ay papanig sila sa kabutihan."
"Ibig sabihin hindi pa natutukoy ang maaaring mangyari sa labanang yun? Pero naaninag ko sa pangitain ko ang mukha nina Cyrus, Cornelia at Ciara. Ganyang-ganyan ang porma nila. May isang mundo kung saan masaya ang lahat, nagka-anak pa nga ang iba sa atin at ang bagong henerasyon na ang nakapalibot sa atin. Pero bigla itong dumilim at doon ko nakita sina Cornelia sa ganyang ayos." pagpapaliwanag ni Cydee.
"Ibig sabihin may magaganap na labanan, tulad ng sabi ni Gaia."sabat ni Carlisle.
"Carlisle, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Cyrus pero sigurado akong nabanggit niya ang pangalan mo. " saad ni Cydee.
"Alam mo na ba ang pinahihiwatig ng pangitain mo Cydee?" tanong ni Chayanne.
"Kahit na ako ay naguguluhan sa nakita ko Chayanne. Hindi pa malinaw ang lahat. May mga kulang na impormasyon para mabasa ko ito ng mabuti. Baka may kasunod pa ito." sagot ni Cydee.
"Cydee may isang kwarto dito na lagi mong ginagamit noong hindi pa nawala ang memorya mo. Doon ay maaari kang mag concentrate at mas mapalawak pa ang paggamit mo ng kapangyarihan mo. Walang iistorbo sayo doon at may sarili kang bantay. Pwede kang magpahinga na muna doon."
Agad na nagtungo si Cydee sa kwartong saad ni Gaia na tila alam na alam niya ang kinaroroonan nito. Ibig sabihin lang ay totoong doon sila nakatira bago paman nagpakawala ng malakas na kapangyarihan si Gaia. Ang iba naman ay kanya-kanya na silang nagtungo sa mga silid nila at nagpahinga. Naiwan si Carlisle, Carlie at Chayanne sa mga pwesto nila sa pillars. Doon ay tinalakay nila ang nakita ni Cydee.
"Maaaring babala ang mga iyon at hindi mangyayari. Hindi pa naman tayo sigurado na magiging masama sina Cyrus. Oo, may pagka-antipatiko yun pero hindi naman siya masamang tao." saad ni Chayanne.
"Alam ko ang ibig mong sabihin Chayanne, pero dapat hindi tayo magpabaya. Dapat maging handa tayo sa lahat ng maaaring mangyari. Kahit sino pa ang kakaharapin natin." matigas na saad ni Carlisle.
"Dahil andito na tayo, dapat may gawin tayong aksyon. Pero alam niyo, naka-upo tayo sa mga pwesto natin pero hindi ko alam kung ano ang maitutulong nito sa mga desisyon natin." sabi ni Carlie.
Binusisi ni Carlisle ang simbolong naka-ukit sa harap niya. Hinawakan niya ito at bigla itong nagliwanag papunta sa gitnang statue na may hawak na trident at timbangan. Hinawakan na rin nina Carlie at Chayanne ang kani-kanilang mga simbolo at lumiwanag din ito papunta sa gitna. Ng makarating na ang bawat ilaw ng kani-kanilang simbolo ay nagliwanag din ang istatwa. Naglabas ito ng isang barahang may nakalagay na imahe ng araw na nakatungtong sa buwan. Agad nagpakita si Gaia.
"Nagkaroon na rin ng desisyon. Nagpapahiwatig yan ng isang panibagong araw para sa inyong lahat na kung saan ang kadiliman ay hindi kailanman magpapa-ibabaw sa liwanag. Pero dapat may pag-iingat pa rin dahil sa barahang ito ang buwan ay nakaharap sa araw na kahit anong oras ay pwede niya itong itulak pailalim sa kanya." paliwanag ni Gaia.
"Nagkakaroon na din ng linaw ang pangitain ni Cydee. Sana nga lang ay hindi magpapa-ilalim sa kapangyarihan ng dilim si Cornelia. O ang lahat ng magagandang nakita niya ay mauuwi sa wala." saad ni Carlisle.
Sa pagtira ng mga Gods and Goddesses sa Mt. Olympus ay isa-isa nilang naintindihan ang taglay nilang kapangyarihan. Ang bawat isa sa kanila ay nagkakaroon na ng mas higit pa na kapangyarihang hindi nila akalain na meron sila. Sa mga memoryang unti-unting nabuo ay nauunawaan na nila ang mga pangyayaring noon ay gumugulo sa kanila. Ang iba sa kanila ay tuluyan ng naging isa at inalala ang pagmamahalang noon ay nakalimutan ng utak pero hindi ng mga damdamin nila.
Nagdaan pa ang mga taon ay maayos nilang nagampanan ang mga tungkulin ng bawat isa. Wala mang komunikasyon sa ibang nahiwalay sa kanila ay alam nilang mabuti ang mga lagay nito. Ang dating malungkot na Mt. Olympus ay biglang nagkaroon ng sigla. Makikita ang kagandahan ng mga hayop at halamang nabubuhay dito at ang mga batang nagtatakbuhan sa tabi ng lawa. Magkasintahang naglalambingan sa itaas ng puno at ang mga bagong mukha na nagtatawanan sa lilim ng mayabong na puno. Sa gitna nito ay ang natatanging bulaklak na ubod ng ganda, ang bango nito ay kayang makapagpawala ng lungkot at pagod habang ang mga petals nito ay ginagawang gamot na mabisa sa kahit anumang sakit. Naitataboy din nito ang mga itim na aurang nagtatago sa katawan ng isang nilalang. Ang mga tao ay napalapit na sa mga Gods and Goddesses na nagpoprotekta sa kanila.
Sa paglipas ng panahon ay alam nilang ang link sa bawat isa sa kanila ay hindi kailanman mawawala. Iba't iba man ang tinahak nilang landas ay alam nila sa puso nilang muli silang mabubuo. Sa bawat araw na nagdaan ay ang kabang kaakibat nito na maaaring biglang mag-iba ang takbo ng kanilang bagong kinagisnang mga buhay.
Sa ngayon ay masaya sila sa mga desisyong kanilang ginawa. Magpapatuloy ang kani-kanilang buhay para sa mga mahal nila at sa sarili nila.