webnovel

But...

"Good Morning" pagbati ko sa kanilang lahat habang palapit na ako sa mesa.

Lumingon silang lahat sakin at binati ako pabalik, yumuko ako at hinalikan si lola nang makalapit ako sa tabi niya at umupo na rin.

"Ganiyan pala ang mga kabataan ngayon na may boyfriend?" pagbibirong tanong ni lola kay ate Merly.

Alam ni lola ang totoo at maging si ate Merly kaya natutuwa talaga ako at pumayag sila ng sabihin ko ang totoo, kahit na ayaw ni lola noong una ay wala din siyang nagawa at pumayag agad nang sabihin kong kay Carter ako kukuha ng tapang para maipakilala ko na rin ang sarili ko sa publiko.

Masaya kaming kumakain nang biglang lumapit si kuya Danny at may binulong kay lola na alam ko na agad na hindi maganda ang ibinalita ni kuya Danny dahil sa reaction ng mga mata ni lola at tumayo agad ito at umalis.

Hindi lalapit si kuya Danny at magsasabi ng kahit ano kung hindi naman ito importante kaya agad akong tumayo at sinundan sila ni lola.

"Anong sinabi niya?" tanong ni lola kay kuya Danny habang paakyat sila ng hagdanan at mukhang papunta sila opisina ni lola.

"Lola, what's wrong? Is there any problem?" tanong ko na habang sinusundan ko sila.

"Wala po ma'am." sagot ni kuya Danny.

"What?! Ano talagang nangyari?"

Chapitre suivant