"Maaari ka ng umalis Danny, yung pinapagawa ko." pag-utos ni lola habang palapit na ako sa kaniya.
"No kuya Danny, wait. Mag-uusap muna kami ni lola, hintayin niyo nalang po ako sa labas." at saka ako tuluyang lumapit kay lola.
Yinakap ko agad si lola nang makita kong tuloy ang pag-agos ng luha nito.
"Sshhh lola I'm here... hinding hindi po kita iiwan lola. Tahan na po... ako na po ang mag-aayos sa nangyari. Magpahinga na po kayo, lagi niyong tatandaan na nandito lang po ako lagi sainyo. Siguradong malungkot ngayon sina mommy at daddy dahil nakikita nila kayo ngayong umiiyak, and knowing them ayaw na ayaw nila kayong nalulungkot." pag-alo ko kay lola, kinantahan ko din siya ng lullaby dahil yun ang kinakanta daw sakin ni daddy kapag pinapatulog niya ako na turo daw sa kaniya ni lola.
Sinabi din niya sakin na isa ding aral ang pagiging malungkot kaya hindi dapat nawawala yun satin; kung walang lungkot, walang saya. Kapag malungkot tayo, hinihiling natin na sana mawala yung lungkot natin pero never ask na mawala ang lungkot forever kasi sadness can overcome.
Lagi tayong may choice, at choice natin kung hindi natin lalabanan yung lungkot. Sa susunod nating buhay ay kailangan ulit nating malungkot, isa sa mga patunay na kapag malungkot tayo ay hindi lahat ng gusto nating mangyari ay mangyayari, malungkot tayo kasi yung gusto nating bagay na sana mangyari ay hindi nangyari kaya malungkot tayo pero hindi natin alam na plano yun ni God para satin kasi mas alam niya kung ano ang makakabuti satin. Ang kailangan lang natin ay ang magtiwala sa kaniya.
Sabi nga nila, God does not cruelly tell us to put a smile on our face no matter the pain in our hearts. Rather, Philippians 4:4 reminds us that no matter what is happening around us, we can still have immense joy because God, not our circumstances, is the source of all joy.
"I miss your dad's voice" mahinang bigkas ni lola habang unti-unti na siyang tumatahan.
"Me too lola... miss na miss ko na po sila ni mom" at saka ako bumitaw at pinahid ang mga luha niya.
"Tatawagin ko lang po si lola Flory para pumunta dito at masamahan po kayo dito. Ako na po ang bahala sa nangyari." at saka ko inabot ang telephone ni lola para tawagan si lola Flory.
Matapos kong makausap si lola Flory at samahan si lola sa kwarto niya ay lumabas na ako para kausapin si kuya Danny na hinintay ako mula rito sa tapat ng kwarto ni lola.
"Sabihin niyo po yung eksaktong nangyari." pag-uumpisa ko habang palakad papuntang kwarto ko para pumunta sa computer room.
"Pagkatapos maianunsyo ni Mr. Carter ang tungkol sa inyo ay hindi na po matapos ang usap usapan patungkol sa inyo at nagtrending po kayo agad-agad ilang minuto lang at hanggang kaninang umaga pero may mga ilan ng comments ang lumalabas na sinasabing patay daw po kayo at nasisiraan na po ng ulo ang lola niyo na pati nga daw po Secretary niyo ay parang robot nang sabihin niyang kayo na po ni Mr. Carter at kung totoo nga talagang kayo ni Mr. Carter ay paanong naging kayo kung hindi ka pa naman nakikilala ni Mr. Carter ng personal, sa araw-araw na may mga paparazzi na sumusunod kay Mr. Carter ay ni minsan hindi siya nakitaan ng kasamang babae maliban daw po sa bestfriend niyang si Nifer Rubles. May mga ilan din pong nagsabi na namalagi daw po dito si Mr. Carter ng ilang araw at ngayon ay ibabalita nalang na kayo na. Hindi daw po kapanipaniwala at may ilan din pong nagsasabi na baka kawawa daw po si Mr. Carter at baka ginamit po ni señora ang yaman niya at bayaran si Mr. Carter para magpanggap pong boyfriend ng patay niyang apo. Mukhang ginagaya daw po ng lola niyo yung movie na The Ghost Bride." pagpapaliwanag ni kuya Danny na sa sinabi niyang Ghost Bride ay natawa na ako habang pabukas ang pintuan ng kwarto ko. Tumatawa ako nang mapansin kong hindi na siya nakasunod sakin kaya bumaling ako at nasa labas lang siya ng pintuan ko habang malapit na itong sumara.
Nakakatuwa lang kasi yung ginagawa nilang kalokohan ay pwede din naman talagang maapektohan ang negosyo namin dahil kung talagang mapatunayan na walang tagapagmana si lola ay maaaring gamitin ito ng mga kaaway niya para mapabagsak siya.
Malakas pa naman si lola pero hindi naman siya bumabata kaya dumadami na rin ang mga kalaban niya sa negosyo at kahit gaano pa kababaw ang nangyaring issue ngayon ay napakalaking impact na nito.
Ang social media ang ginagawang opportunity para mag-advertise in a diverse audience. Ang ibang mga companies ay patuloy pa ring sinusunod ang traditional ways of marketing and they're completely unaware na yung mga competitors nila ay tinatalo na sila sa pamamagitan nang paggamit ng very tactic of involving in social media. The power of social media is highlighted in the fact that posting information on social media spreads faster and is cost effective compared to the time it takes to print and get that poster of the same information out on the streets.
Karamihan naman aware na nito at yun na ang ginagawa, ito din ang pinaka mabilis para manira.
"Pwede kang pumasok at kailangan ko po ang tulong niyo sa computer room." pero pagkatapos ko itong sabihin ay tuluyan na itong sumara. Hindi na magbubukas ulit ang pintoan ko kaya bumalik ulit ako sa tapat nito para magbukas.
Wala siyang kaimik-imik na sumunod at nag-iwas ng tingin at mukhang nahihiya, as if namang tumititig ako sa mga mata ng ibang tao.
Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ko ang paglalakad nang madaanan ko ang tray kung nasaan ang mga binigay ni Carter na chocolate, at ilan nalang ang natitira.
"Gusto mo? Kuha ka nalang." pag-alok ko dahil ako yung tao na hindi mahilig kumain na mag-isa habang pinapanood ng iba; at saka ko ulit ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa mabuksan ko ang computer room.
"Si Carter ba talaga ang nagpost ng mga yun?" pagtatanong ko habang unti-unting nagbubukasan ang mga ilaw sa loob ng computer room.
Nabuksan na lahat ang mga ilaw ay hindi pa rin niya ako sinasagot kaya binalingan ko siya.