webnovel

Labas-pasok ng filming (7)

Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos ng makeup niya nagpasya siya at sinabihan ang direktor, "Para dun sa kissing scene, hahalikan ko na siya."

Hindi malakas ang boses ni Lu Jinnian pero narinig ito ng ilang crew. Ang kaninang moody crew ay na gulat sa sinabi ni Lu Jinnian.

Para dun sa kissing Scene, hahalikan ko na siya... Anong ibig niyang sabihin? Ibig ba niyang...

Malinaw ang sinabi niya pero hindi makapaniwala ang lahat. Lumingon sila kay Lu Jinnian at sa direktor.

Hindi rin makapaniwala ang direktor ng marinig niya ito.

Malinaw na bawal kay Lu Jinnian ang halikan. Maging ang dating producer nito pinilit na gawin niya ito para sa drama, pero hindi sumunod si Lu Jinnian at

na kasuhan at nagbayad ng malaki.

Hirap na nagtanong ang direktor kay Lu Jinnian, "Mr. Lu, anong ibig mong sabihin?"

Tahimik lang si Lu Jinnian at naka tingin sa harap. Nang matapos siyang ayusan saka tumayo at humarap sa direkto. Sinabi, "Sa sunod na eksena, totoong ang halik."

Lumingon siya at umalis ng hindi tinignan ang assistant niya at sinabi, "Pupunta ako sa banyo."

Maganda ang upo ni Song Xiangsi at tinignan ang filming. Ngumiti si Song Xiangsi ng marinig niya ang sinabi ni Lu Jinnian at mabulunan sa tubig. Lumabas sa ilong at bibig niya ang tubig at inubo. Sa loob niya gustong niyang pagsabihan si Lu Jinnian. Malinaw na gusto niyang pagsamantalahan si Qiao Anhao at umarte na lugi pa siya.

Nakuha ng pag-ubo ni Song Xiangsi ang atensyon ni Lu Jinnian, tinitigan niya ito na tila gustong mang-asar.

Masama ang ekspresyon ni Lu Jinnian at mabilis na umalis.

Gustong magdiwang ng direktor dahil gusto ni Lu Jinnian ng totoong kiss scene. Kung malaman ito ng iba, siguradong malaking balita ito.

Mabilis nagpunta ang direktor sa dressing room at hindi na hinintay ang pagsang-ayon ni Qiao Anhao at sumigaw, "Xiao Qiao, mamaya sa filming TOTOONG KISS SCENE ang gagawin niyo ni Mr. Lu."

Chapitre suivant