webnovel

Labas-pasok ng filming (8)

Éditeur: LiberReverieGroup

Gulat si Qiao Anhao sa sinabi ng direktor.

"Totoong halik?"

"Oo, Totoong Halik!" Tinignan maigi ng direktor si Qiao Anhao. :Xiao Qiao, Nang maging aktress ka dapat na alam ng na skill ng isang aktor ay professionalism, kaya dapat sa shoot huwag kang kabahan. Gawin mo ang best mo kahit isang halik lang. Okay lang."

Mataas ang boses ng direktor. Lahat ng tao inaasahan ang shoot nila Lu Jinnian at Qiao Anhao ng kanilang totoong halik.

Naging pag-uusap ito ng mga aktres at mga babaeng crew. Lahat sila ay bahagyang selos at inggit.

"Diyos ko... Talagang totoong kiss scene ang gagawin ni Mr. Lu. "

"Grabe ang suwerte ni Qiao Anhao para makuha ang halik ni Mr. Lu."

"Oo, Tama ba totoong halik... kasama dila..."

-

Hindi pinansin ni Qiao Anhao ang usapan sa kanyang paligid. Ang iniisip niya ang French kiss na gagawin nila Lu Jinnian...

Naghalikan na sila dati pero ito ang unang French kiss nila...

Lalong kinabahan si Qiao Anhao dahil dito.

Mabilis bumalik ng set si Lu Jinnian at kumpara kay Qiao Anhao mas kalmado ito. Tila na pangkaraniwang eksena ang magaganap.

Sumunod sa ang dalawa sa sinabi ng direktor at pumunta sa puwesto. Tahimik agad ang buong set. Ang lahat naka tuktok ang mga mata kay Qiao Anhao at Lu Jinnian.

Nagsimula ang filming hawak ni Lu Jinnian ang braso ni Qiao Anhao at sinandal sa sofa. Kahit kabado si Qiao Anhao naging maganda ang shoot pero ng tinignan siya ni Lu Jinnian, handa na siyang halikan pero dahil sa kaba bigla siyang pumikit.

Centimeter na lang ang agwat nila ng sumigaw ang direktor ng, "Cut!"

Tumigil si Lu Jinnian.

Ito ang unang NG ni Qiao Anhao. Pinagbigyan siya ng direktor at sinabi, "Xiao Qiao, maagang pumikit ang mata mo. Pumikit ka sa matapos ng halik niyo."

Tumango si Qiao Anhao at sinabi, "Sorry." Nagsimula sila ulit.

Nang mahalikan siya ulit ni Lu Jinnian hindi maagang pumikit pero nanigas siya.

Chapitre suivant