webnovel

Paghingi ng Tulong ng Iba’t ibang Bansa (3)

Éditeur: LiberReverieGroup

Wala nang sinabi pa na kahit ano si Jun Wu Xie at tahimik niya iniwan ang mga ito.

Ang puso ng mga pinuno ay parehong nagagalak at nahahapis.

Nagagalak sapagkat ang Condor Country ay wala na at hindi na sila nakakulong pa.

At nahahapis na ang sakuna ay hindi pa rin tapos para sa kanila. Kailangan nilang magmadali

pabalik sa kani-kanilang mga bansa upang mapanatili ang sitwasyon sa kanilang tahanan!

Si Jun Wu Xie at ang mga kasama ay magbalik sa kanilang tinutuluyan. Ang buong Imperial

Capital ng Condor Country ay payapa at matiwasay, ang mamamayan ay walang kamalay-

malay na ang kanilang Kamahalan ay ibinigay na ang lupain na nasa ilalim ng kanilang mga

paa, at higit doon ay ang lupaing ito na nasa ilalim ng parehong Heavens, ay wala na ang

pangalan na Condor Country.

"Maya-maya, dadalhin ko palabas ang mga Imperial Edicts na ito, at aking ihahayag ito sa

mundo." Saad ni Fei Yan habang hawak ang dalawang kautusan sa kaniyang mga kamay, ang

mukha niya ay nagningning sa tuwa.

Ang mapa na mula sa balat ng tao na nasa Condor Country ay nakuha ni Ye Sha mula sa loob

ng Imperial Study ng Emperor ng Condor Country at ibinigay iyon kay Hua Yao upang itago.

Malayo sa buong walong mapa na kanilang hinahanap, dalawang mapa na lamang ang kulang

nila.

Tumango si Jun Wu Xie. Wala siyang maramdamang tuwa sa pagkawasak ng Condor Country.

Naglakad siya patungo sa gilid ng higaan at minasdan ang nakahiga na munting Emperor.

Ang nakamamatay na lason ng Scarlet Blood ay balanse na ngunit ang Scarlet Blood ay

nananatili pa rin sa katawan ng munting Emperor, hindi pa lubusang nawawala. Tahimik itong

nakahiga sa kama, hindi gumagalaw o nagsasalita, ang ulo niyang may namumulang buhok ay

sumisilaw sa kaniyang mata. Ang mapulang pares ng mata ay nakabukas habang tahimik na

naktitig sa kisame ng higaan, hindi kumikibo at hindi gumagalaw.

Si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit ay nakasalampak sa gilid ng higaan, idinidikit

ang mga sarili sa munting Emperor ngunit wala pa ring reaksyon mula dito.

Halos ang buhay ng munting Emperor ay nailigtas, ngunit ang pinsala na dulot ng Scarlet Blood

ay hindi na maisasaayos. Siya ngayon ay isang walang kaluluwang manika, walang kakayahan

mag-isip, at wala ng taglay na kamalayan.

Para kay Jun Wu Xie, ang malagay sa ganoong estado ay parang ang mga tao sa kaniyang

nakaraang buhay na patay na ang utak at naging lantang gulay.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang maliit na mukha ng munting Emperor, at inilabas ang jade na

palawit mula sa kaniyang kasuotan. Ang jade na palawit na iyon ay ibinigay sa kaniya ng

munting Emperor ng sila'y maghiwalay. Kumuha siya ng pilak na sinulid at ipinasok sa palawit,

bago niya isinuot iyon sa leeg na munting Emperor.

Tahimik na nanonood si Grand Tutor He sa tabi, wala siyang magawa kundi ang itago ang

kalungkutan sa kaniyang puso.

"Gusto ko siyang dalhin sa Qi Kingdom." Biglang sabi ni Jun Wu Xie.

Natigagal si Grand Tutor He sa sinabi nito.

"Tungkol sa pagtanggap ng Buckwheat Kingdom ng lupain ng Condor Country, ay magagawa

mo na iyong pamahalaan. Gusto ko siyang dalhin sa Qi Kingdom sapagkat maaaring mayroong

paraan upang mailigtas pa siya." Biglang naisip ni Jun Wu xie ang Soul Calming Jade. Ang soul

Calming Jade ay nagawang iligtas ang kaniyang ama sa labanan kaya hindi imposible na

magawa rin nitong iligtas ang munting Emperor.

Ang Soul Calming Jade ay isang artifact mula sa Spirit World at lahat ng nasa loob ng Spirit

World ay spirit bodies. Samakatuwid, ang Soul Calming Jade ay maaari rin matulungan ang

munting Emperor sa anumang paraan.

Ang Soul Calming Jade ay hinati sa dalawang piraso. Ang isa ay nasa katawan ni Jun Gu, at ang

isa pa ay itinago ni Jun Qing.

"Sige." Sang-ayon ni Grand Tutor He habang tahimik niyang pinunasan ang mga luha. Kung

mayroong isang tao siyang mapagkakatiwalaan sa lupain iyon, iyon ay si Jun Xie.

Nagtagal pa ng ilang sandali si Grand Tutor He at kalaunan ay lumisan na. Si Qiao Chu at ang

iba pa ay inabala ang kanilang mga sarili sa preparasyon nila upang ikalat ang balita tungkol sa

pagbagsak ng Condor COuntry.

"Ye Sha."

"Ano ang maipaglilingkod ko para sa Young Miss?" Tugon ni Ye sha.

"Dadalhin ko siya bukas sa Qi Kingdom. Manatili ka rito at pagkatapos mo paslangin si Elder

Huang, dalhin mo ang ulo niya pabalik sa Qi Kingdom at ibigay sa akin." Utos ni Jun Wu Xie sa

naniningkit na mata. Hindi niya paliligtasin si Elder Huang sa lahat ng mga ginawa nito.

Tila may nais sabihin si Ye Sha, ngunit ng makita niya ang malamig at matigas na mukha ni Jun

Wu Xie mula sa gilid ay agad niyang nilunok ang mga salita na nasa dulo na ng kaniyang dila.

"Masusunod! Ang kahilingan ng Young Miss ay mangyayari."

Chapitre suivant