webnovel

Ang Pagbabalik (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

Nang hapon na iyon, isang balita ang nagwasaka sa Condor Country na parang isang kidlat na

nagmula sa kawalan!

Ang pangalan na Condor Country namayagpag ng ilang taon ay biglang maglalaho sa kalupaan.

Lahat ng lupain ng Condor Country ay ibinigay bilang kabayaran sa Qi Kingdom at Buickwheat

Kingdom, ang balita ay talaga namang hindi kapani-paniwala, at hirap tanggapin ng

mamamayan ng Condor Country.

Inimpluwensyahan sa katotohanan na ang Condor Country ay tinamasa ang pamamayagpag

ng maraming taon, ang mamamayan ng Condor Country ay nagkaroon ng pagnanasa sa

digmaan at labanan at binansagan ang mga sarili bilang makapangyarihang mga tao, hanggang

umabot sa punto na mababa na ang kanilang tingin sa ibang mamamayan ng ibang mga bansa

bukod lamang sa mamamayan ng Fire Country. Ngunit ngayon, maging ang kayabangan na

iyon ay walang awang pinira-piraso.

Hindi pa ganoon kasama sa Qi Kingdom sapagkat naroon ang kilalang Rui Lin army at ayon sa

usap-usapan ang Qi Kingdom ay kaanib ng Fire Country. Ang puntong iyon kahit paano ay

matatanggap pa nila sa kanilang puso.

Ngunit ano ang Buckwheat Kingdom?

Ano ang pinagbatayan upang ihandog nila ang kanilang lupain sa kaawa-awang munting

Buckwheat Kingdom?

Laban sa mga boses ng mamamayan, walang sinuman ang may pakialam. Inobserbahan iyong

lahat ni Jun Wu Xie, at alam na niya. Upang mapagsama ang mamamayan ng Condor Country

sa Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom, ay mangangailangan iyon ng mahabang paglagom.

"Aalis ba tayo ngayon?" Madaling-araw, ay sumilip si Qiao Chu sa silid ni Jun Wu xie upang

magtanong.

Naayos na ni Jun Wu Xie lahat ng kaniyang kagamitan at ang munting Emperor ay nakaupo at

balankong nakatitig sa gilid ng higaan, hindi gumagawa ng anumang ingay. Kung hindi dahil sa

mata nitong walang buhay, mapagkakamalan ito na masunuring bata katulad noon.

"Oo." Tugon ni Jun Wu Xie.

"Kung gayon, ang tungkol sa All Dragons Palace…" Patuloy na tanong ni Qiao Chu, hinimas ang

kaniyang baba. Si Elder Huang ng All Dragons Palace ay nakatakas at kung patuloy itong

mananatili sa Lower Realm, hindi tiyak kung anong uri ng gulo ang maaari na naman nitong

gawin. Ngunit kung magbabalik ito sa Middle Realm, pinangangambahan na ang impormasyon

tungkol kay Jun Wu Xie at sa kanila ay maaaring makarating na sa Twelve Palaces. At iyon ang

punto na hindi magiging mabuti sa kanila sa mga oras na iyon.

Sila ay naging malihim sa paglikom ng mga mapa noon. Kahit na ang Twelve Palaces ay

nadiskubre ang mga bagay na iyon na kakaiba, ay wala silang paraan upang mag-usisa pa

tungkol doon. Ngunit sa oras na iyon, ay malinaw na ginamit ni Jun Wu Xie ang kaniyang titulo

bilang Emperor ng Fire Country upang gawin iyon. Kung makarating iyon sa Middle Realm, at

nakaakit ng atnesyon sa Middle Realm, ay maaaring magkagulo.

"Inutusan ko na si Ye Sha na asikasuhin ang tungkol doon." Natural na naisip ni Jun Wu Xie ang

tungkol doon. Hindi niya hahayaan na makaalis ng buhay si Elder Huang sa Lower Realm.

Tumango si Qiao Chu, at hindi na nagsalita pa, at ito'y umalis na upang ayusin ang kaniyang

mga gamit kasama ang mga kasamahan, upang maghanda na sa paglalakbay.

Bago sila umalis, si Grand Tutor He ay dumating upang kitain si Jun Wu Xie, muli ay ipinahayag

nito ang taos-pusong pasasalamat kay Jun Xie, at inihayag ang kaniyang kalooban na gagawin

ang lahat upang pamahalaan ang Buckwheat Kingdom. At matapos gumaling ng munting

Emperor, ay ibibigay niya ang bagong Buckwheat Kingdom sa kamay ng munting Emperor.

Humakbang papasok sa loob ng karwahe, tinitigan ni Jun Wu Xie ang Condor Country sa ilalim

ng sinag ng araw, at tila naririnig niya ang namamatay na palahaw ng Emperor ng Condor

Country sa loob ng Imperial Palace.

Bagama't nawasak na ang Condor Country, ang kaguluhan na dinala ng Condor Country sa

Lower Realm ay hindi pa rin natatapos. Ang iba't ibang mga pinuno na nakuhang muli ang

kanilang kalayaan ay inudyukan ang kanilang mga kabayo ng buong bilis pabalik sa kani-

kanilang bansa, umaasa na mapahinto ang kasamaan bago pa man magsimula.

Ang mga gulong ay umikot at sumulong, nakaupo si Jun Wu xie sa loob ng karwahe kasama

ang munting Emperor na nakaupo salungat sa kaniya, nakayuko ang ulo, at hindi gumagalaw.

Lumipat ang tingin niya upang tingnan ang labas ng bintana, tinitigan ang lupain ng Condor

Country na ngayon ay bago na ang nagmamay-ari.

Nagpadala na siya pauwi ng kalapati, upang ipaalam sa Lin Palace ang mga nangyari doon, at

hindi magtatagal ay matatanggap na ng kaniyang Grandfather o Uncle ang balita.

Iniisip ang katotohanan na hindi magtatagal mula ngayon, ay makakabalik na siya at

makakasama muli ang pamilya, ang pinipigilang emosyon sa puso ni Jun Wu Xie sa wakas ay

bahagyang kumalma.

Chapitre suivant