Hindi inaasahan ni Zhao Feng na alam ng mataas na lebel ng pamilyang Zhao ang kinaroroonan ni Zhao Yufei.
Noong nag-away si Quan Chen at Lord Quanchen, biglang nawala si Zhao Yufei nang walang nakaaalam. Ngunit sinuri ni Zhao Feng ang paligid at nalamang kinuha ito ng kaniyang lolong may isang braso.
Ang pinuno ng pamilyang si Zhao Tiancang ay nagsalita: "Kung pumunta ka lang nang kalahating buwang mas maaga, nakasama mo pa sana si Yufei."
Dalawang buwang mas maaga?
Si Zhao Feng ay nagulat, ang ibig sabihin nito ay bumalik na si Zhao Yufei.
"Nang bumalik si Sister Yufei, tila isa siyang diyosa. Kahit si Qiu Mengyu, na pinakamagandang babae sa Sun Feather City, ay kaniyang natalo sa kagandahan." Si Zhao Linlong at ang iba pang mga mas bata ay nagbuntong-hininga.
Kung iisipin noon, lahat ay may magalang na ekspresyon.
"Oh? Anong ginawa ni Yufei?" nagtatakang tanong ni Zhao Feng.
Kaagad na sinabi ni Zhao Tiancang ang nangyari.
Nangyari ito kalahating buwan na ang nakalipas.
Si Zhao Yufei ay bumalik sa pamilyang Zhao dahil nasa daan niya ito.
Makalipas ang isang taon, ang kaniyang itsura ay tulad ng sa isang diyosa. Kapantay na niya si Qiu Mengyu noong nakaraang taon at ngayon, nagbago muli siya.
"Sa sandaling iyon, isa sa mga disipulo ng pamilyang Xin ay tinuruan ni Yufei ng leksyon. Pagkatapos mag-alok ng mga Elder mula pamilyang Qiu at Xin ng kasalan, madali silang tinalo ni Yufei," nagbuntong hininga si Zhao Yusong.
Ang ipinamalas ni Zhao Feng noong nakaraang kalahating buwan ay lubos na nakakagulat. Syempre, tanging kaunting tao lamang ang nakakaalam nito. Pagkatapos nito, ang pamilyang Qiu at Xin ay naging mas magalang kay Zhao Feng.
"Walang duda."
Nang marinig ito, mayroon nang mga palagay si Zhao Feng.
Kapag nakaabot lang ang isang tao sa Ascended Realm, tsaka lang ito kapasin-pansing magbabago.
Kung hindi siya nagkakamali, sumama na siguro si Zhao Yufei sa ibang grupo. Mayroon namang kabuuang 13 Clans sa 13 na bansa.
Sa sumunod na dalawa o tatlong araw, nanatili si Zhao Feng sa pamilyang Zhao, na kasama ang kaniyang magulang na minsan ay nagbibigay ng gabay kay Zhao Linlong at iba pa. Kahit ang pinuno ng pamilya at mga Elder ay pumupunta para sa mga gabay.
Siguradong hindi sila tinanggihan ni Zhao Feng – dahil ito ang lugar kung saan siya lumaki.
Sa ikatlong araw...
Ang pamilyang Zhao ay nakatanggap ng masamang balita.
"Ang misteryosong master ni Yu Tianhua ay dumating na sa Sun Feather City."
Ang pinuno ng pamilyang si Zhao Tiancang ay nataranta at nagmadali.
Si Zhao Feng ay nagsalita: "Anong dapat pagkatarantahan? Hayaan mo silang pumunta."
Ang tunay na kapangyarihan na nagkokontrol sa Cloud Country ay ang Broken Moon Clan.
Para kay Zhao Feng, ito ang kaniyang sariling teritoryo. Kahit na ang kalaban ay mas mataas ang cultivation sa kaniya, kailangan nilang mag-alala. Dagdag pa rito, mula sa mga skill ni Yu Tianhua, ang kalaban ay mukhang hindi gaanong malakas.
Sa ikaapat na araw…
Ang mataas na lebel ng pamilyang Zhao ay nagpadala pa ng mga balita: "Ang misteryosong master ni Yu Tianhua ay pinapakisamahan ng pamilyang Qiu at Xin."
Ang balitang ito ang nagbigay ng dahilan para mas mag-alala ang pinuno ng pamilya at ang iba pa.
Kalahating buwan na ang nakalipas, ginulat ni Zhao Yufei ang pamilyang Qiu at Xin, na nagdahilan para mapahiya ang mga ito.
Ngayon, ang dalawang pamilya ay kumapit na sa isang taong nasa Holy martial path.
"Haha, nais ba ng pamilyang Qiu at Xin na mapatalsik sa Sun Feather City?" mababakas ang malaking ngiti sa mukha ni Zhao Feng.
Mula sa pagtingin ng mga mortal, ang Holy martial path ay maalamat, kaya ang dalawang pamilya ay lubos na malakas ang loob ngayon.
Paaano nila malalamang ang Holy martial path ay umpisa pa lamang?
Sa parehong gabi…
"Hindi ito maganda! Ang mga Elder ng pamilyang Qiu at Xin pati na ang misteryosong tao ay dumating na para bisitahin ang pamilyang Zhao!"
Ang lahat ng nasa mataas na lebe ay nataranta.
"Papasukin sila," kalmadong sinabi ni Zhao Feng.
Sa malaking bulwagan ng pamilyang Zhao…
Ang pinuno ng pamilya at mga Elder ay napupuno na, ngunit pinigilan nila ang kanilang mga sarili.
"Pinuno ng pamilya," biglang sinabi ni Zhao Feng.
"Feng'er, may nais ka bang sabihin?" Si Zhao Feng ay lubos na magalang.
"Naisip mo bang ihirang ang pamilyang Zhao bilang ang tanging dakilang pamilya sa Sun Feather City?" Si Zhao Feng ay ngumiti.
"Ano!? Ang ibig sabihin mo ba…" Ang mga Elder at ang pinuno ng pamilya ay nagulat.
Ang kagustuhan ni Zhao Feng ay labis na malaki – para pangibabawan ang Sun Feather City?
"Ang pamilyang Qiu at Xin ay parehong mayroong matibay na pundasyon – lalo na ang pamilyang Qiu. May kaugnayan sila sa isang malaking pamilya sa Capital. Dagdag pa rito, ang puwersang tulad ng Guanjun Palace ay hindi gustong makita ang iisang puwersang kumokontrol sa isang lugar," umiling si Zhao Yusong at nagbuntong hininga.
Hindi mahalaga kung ang pamilyang Zhao ay malakas o hindi. Kahit mangyari ito, makakaharap pa rin sila ng malakas na pagpigil.
"Hangga't pumapayag kayo, hindi kami mapipigilan ng lahat ng ito."
Si Zhao Feng ay tumawa at hindi na nagsalita.
Sa sandaling ito, biglang maririnig ang tunog ng mga hakbang mula sa malaking bulwagan. Maririnig na naghahanda na sila.
"Sinong nangahas na saktan ang aking disipulo? Lumabas kayo at lumapit sa inyong kamatayan." Isang malalim na boses ang umalingawngaw sa malaking malaking bulwagan.
Nang sumunod na sandali, isang aura mula sa Ascended Realm ang lumitaw.
Boom!
Ang pinuno ng pamilya at mga Elder ay nahirapang huminga dahil sa napakalakas na puwersa. Ang may mataas na katungkulan ng pamilyang Qiu at Xin na nakapalibot sa isang matandang lalaking may puting balbas ang pumasok sa bulwagan.
"Sino si Zhao Feng?" Sinuri ng matandang lalaking may puting balbas ang bulwagan.
Ang kaniyang mga mata ay tumama kay Zhao Feng, na may ngiti sa labi.
"Ikaw ay…"
Ang kaniyang ekspresyon ay nagbago nang makita si Zhao Feng. Masasabi niyang ang aura ni Zhao Feng ay mas malakas pa sa kaniya.
"Haha, kahit ang isang mahinang cultivator na nasa Second Sky of the Ascended Realm ay nangangahas na abalahin ako?" Si Zhao Feng ay tumawa at umiling.
Ang ekspresyon ng matandang lalaking may puting balbas ay kapansin-pansing nagbago habang ang kaniyang True Force ay rumagasa: "Ungas! Ito ay teritoryo ng Broken Moon Clan. Anong karapatan mong pumunta rito ay gawin ang iyong gusto?"
Broken Moon Clan?
Nang marinig ito, napatigil si Zhao Feng.
"Ungas, natakot ka na? Hindi kita aabalahin. Kapag nanghingi ka ng paumanhin, papalampasin ko ang nangyari," malakas na loob na sinabi ng matandang lalaking may puting balbas.
Kahit na si Zhao Feng ay galing sa ibang Clan, kailangan nilang maging masunurin dahil ito ay teritoryo ng Broken Moon Clan.
Nang marinig ito, ang pamilyang Qiu at Xin ay nagtinginan. Papalampasin?
Ang matandang lalaking may puting balbas ay walang ekspresyon silang sinuri. Ang ungas sa kanilang harapan ay siguradong may mas mataas na lebel ng cultivation kaysa sa kaniya – kailangan niya ng entablado para bumaba.
Ang Yu Tianhua na iyon ay isang lang disipulo na isinama niya at ginagamit lang para magtrabaho para sa kaniya. Ngunit ang galitin ang isang taong nasa Holy martial path para sa kaniya? Hindi ito karapat-dapat.
"Haha, Broken Moon Clan? Sa tanda mong iyan at gumagalaw ka pa, siguradong isa ka lang alipin ng Outer Mission Division," ngumiti nang malaki si Zhao Feng.
"Ano!? Ikaw~"
Ang ekspresyon ng matandang lalaking may puting balbas ay kapansin-pansing nagbago – hindi niya inakalang ang kaniyang katayuan at katauhan ay malalaman ni Zhao Feng.
Ito ay tama. Katulad siya ni Lord Guanjun, ipinadala ng Outer Mission Division sa mundo ng mortal para magtrabaho. Ang mga miyembrong ito ay kadalasang ipinadadala dahil sa mababang potesyal.
Si Lord Guanjun at Lord Cangtie ay ganitong uri ng mga tao.
"Hindi kaya ikaw ay…?"
Pinawisan nang malamig sa noo ang matandang lalaking may puting balbas.
Dang!
Naglabas si Zhao Feng ng isang jade slip at inihagis ito sa lupa. Pagkatapos ay walang ekspresyong tumingin sa matandang lalaking may puting balbas.
Sa jade slip ay may nakalagay na salitang 'Core.'
Core disciple!
Biglang namutla ang matandang lalaking may puting balbas at nagmamadaling sinabi: "Ang maliit na taong ito ay hindi nakilala si Mount Tai."
Nang sabihin ito, pinulot niya ang jade slip sa lupa at ibinalik ito kay Zhao Feng.
Bilang miyembro ng Outer Mission Division, ang matandang lalaking may puting balbas ay hindi nakaabot sa Ascended Realm sa edad na 30 at ang isang Core disciple ng mga inner disciple ay hindi dapat malapitan.
Kahit na hindi palaging nasa Clan ang matandang lalaking may puting balbas, alam niya pa rin ang mga nangyayari rito. Ang mga Core disciple ay malamang na sinusuporthan ng mga Elder at hindi niya kayang tiising magalit ang mga ito.
Nang makita ang sitwasyon, ang tatlong pamilya ng Sun Feather City ay nagulat.
"Ano… Anong nangyayari?"
Ang pamilyang Qiu at Xin ay nataranta, habang ang pamilyang Zhao ay tumingin kay Zhao Feng nang may galak. Walang nag-akalang ganito ang magiging resulta.
Ang tinatawag na master ng Holy martial path ay nagmakaawa ng pagpapatawad ni Zhao Feng.
"Sirain ang cultivation ng mga taong ito. Simula ngayon, ang pamilyang Zhao lang ang dapat na nasa Sun Feather City," utos ni Zhao Feng.
Pinakitaan na sila ng kapangyarihan ni Zhao Yufei kalahating buwan na ang nakalipas at ang mga taong ito ay naisipan pang gumanti.
"Opo, opo."
Ang matandang lalaking may puting balbas ay hindi malungkot. Sa kabilang banda, siya ay masaya. Ito na ang mainam na pagkakataon para iligtas ang kaniyang sarili.
Isang nakakagulat na eksena ang lumitaw. Kasing bilis ng kidlat, binugbog ng matandang lalaking may puting balbas ang mga nasa mataas na lebel ng pamilyang Qiu at Xin at sinira ang kanilang cultivation.
Nagdahilan ito para sa mga nasa mataas na lebel ng pamilyang Zhao na manlamig. Sa wakas ay nakita na nila kung gaanong nakakasindak ang isang taong nasa Ascended Realm.
Ang taong itong may ganoong kapangyarihan ay handang tumanggap ng utos mula kay Zhao Feng.
Sa gabing iyon…
Ang pamilyang Qiu at Xin ay pinatalsik na mula sa Sun Feather City.
Halos nasa kalahati ng mga nasa mataas na katungkulan mula sa bawat pamilya ang nasira ang cultivation. Kahit na manatili sila sa Sun Feather City, wala silang lakas para lumaban pa sa pamilyang Zhao.
Ang pamilyang Qiu ay umalis na sa Sun Feather City at pumunta sa pangunahing pamilya sa Capital, habang ang pamilyang Xin naman ay nagdesisyong maging tapat sa pamilyang Zhao.
Sa isang gabi…
Ang buong sitwasyon ng Sun Feather City ay nabago.
Si Zhao Feng at ang matandang lalaking may puting balbas ay walang ekspresyong tumingin dito. Sa kanilang mga mata, ang pag-unlad at pagbagsak ng mundo ng mortal ay tila mga langgam lang na gumagalaw sa paligid.
"Bakit ang iyong disipulo ay may skill ng wicked path, kahit na ito ay mahirap at isa lang half-Mortal skill?" tanong ni Zhao Feng.
Ang matandang lalaking may puting balbas ay nagsalita sa takot: "Ang skill na ito ay nakita ko sa Sky Cloud Forest. Naroon din ito nang walang bakas ng ibang grupo."
"Ibang grupo? Ibig sabihin ba nito ikaw ang tagapag-ulat para sa misyon?" tanong ni Zhao Feng.
"Tama, ako ang nakakita ng bakas ng ibang mga grupo dito. Si Lord Guanjun ay tumutulong din, ngunit ang mga taong ipinadala niya ay hindi na bumalik," paliwanag ng matandang lalaking may puting balbas.
Magkatulad?
Si Zhao Feng ay bahagyang nagulat – hindi niya inakalang makikilahok dito si Lord Guanjun.
"Ayon sa nalalaman ko, ang misyong ito ay five stars. Ikaw…ikaw ba ang kumuha sa misyon?" maingat na tanong ng matandang lalaking may puting balbas.