webnovel

Kabanata 204: Makalumang Templo

Éditeur: LiberReverieGroup

"Tama, ako lang."

Si Zhao Feng ay tumingin sa matandang lalaking may puting balbas at kayang hulaan ang iniisip nito. Ang isang tao ay kailangang makaabot muna sa Fifth Sky of the Ascended Realm para makakuha ng isang five star na misyon.

Halatang hindi pa ito naabot ni Zhao Feng at siya ay mag-isa lang.

"May mga nakita nang mga nasa Seventh Sky of the Ascended Realm. Kahit na hindi natin sila kalabanin, ang panganib ay lubos pa ring mataas at ang posibilidad na maging six stars ito ay mas mataas pa," dagdag ng matandang lalaking may puting balbas, na tila gustong pabalikin si Zhao Feng.

Ang akala niya ay mas papahalagahan ng Clan ang misyong ito dahil kasama rito ang mga grupo galing sa iba't ibang mga bansa at magpapadala sila ng kahit dalawang cultivators na nasa Fifth Sky o kahit isang nasa Sixth Sky.

Gayunman, ang misyong ito ay tinanggap na ng isang taong mas bata pa.

"Ang Clan ay may sariling mga dahilan para ipadala ako."

Ang mga salita ni Zhao Feng ay makikitaan ng lakas ng loob, na ginulat ang matandang lalaking may puting balbas. Nang isipin ito, kadalasan ay hindi pumapayag ang Clan na kunin ng mga tao ang mga higher star mission sa kanilang cultivation, lalo na kapag ang misyon ay sensitibo at panganib.

Ngunit pumayag ang Clan! Ito ay isang bagay na nakakapanghinala.

Hindi maiwasang tumingin ng matandang lalaking may puting balbas kay Zhao Feng nang ilan pang beses. Siya ay bata pa, ngunit kalmado at magaling magdesisyon ay hindi makikita sa iba.

"Kailangan kong kumpletuhin ang misyong ito sa loob ng 10 araw," dagdag ni Zhao Feng.

"10 araw? Magiging mahirap ito. Ang mga bakas ng mga grupo ay malalim sa Sky Cloud Forest. Ang paghanap sa kanilang mga landas ay parang paghahanap ng karayom sa dagat," sabi ng matandang lalaking may puting balbas.

"Ang Three Clan Party ay mag-uupisa na, kaya…"

Ang desisyon in Zhao Feng ay nagawa na. Kasabay nito, ang pagmamasid ay siguradong kaniyang forte.

Gamit ang God's left eye, siya ang pinakamagaling sa pagmamasid.

"Three Clan Party?"

Ang matandang lalaking may puting balbas ay tumingin kay Zhao Feng nang kakaiba. Halatang alam niya ang ibig sabihin ng pagsali sa Three Clan Party.

Ang ibig sabihin nito ay nasa pinakamataas ang lakas na taglay ni Zhao Feng. Pagkatapos nito, nag-usap na ang dalawa tungkol sa misyon.

Kumuha ang matandang lalaking may puting balbas ng isang mapang may mga marka, ang mga markang ito ay ang mga lugar na may mga bakas ng mga 'grupong mula sa ibang mga bansa.'

Hmm?

Naramdaman ni Zhao Feng na pamilyar ang tanawin ng mapa.

Biglang…

Isa pang mapa ang lumtiaw sa kaniyang isip.

Noong siya ay nasa Guanjun Palace siya, ang misyon para tapusin ang mga bandito at ang lugar ay lumitaw, ngunit dahil sa paglabas ng misteryosong nakatalukbong na anyo, ang misyong ito ay biglang tinapos. Gayunman, hindi nagtagal pagkatapos nito, isang misteryosong nakatalukbong na anyo rin ang kumontrol sa isang Lord tier deadly beast at nagdahilan para atakihin ng mga halimaw ang Guanjun Province City.

Sa sandaling ito…

Ang mga bakas ay nagsimula rin sa lugar na ito.

"Maaari kayang magka-ugnay ang dalawa?" Si Zhao Feng ay nagsimula nang mag-isip.

Hindi niya alam batid kung gaano kalakas ang nakatalukbong na anyo dahil nang sandaling iyon, ang kaniyang cultivation ay limitado. Gayunman, base sa kaniyang purong pakiramdam, naramdaman ni Zhao Feng na ang misteryosong nakatalukbong na anyo ay mas malaks kaysa kay Lord Guanjun.

Ang pares ng mga matang kasing asul ng kristal ay nag-iwan ng impresyon sa kaniya.

"Anong pangalan mo?" biglang tanong ni Zhao Feng.

"Ang matandang ito ay tinatawag na Bai Yunpeng, ngunit maaari mo akong tawaging old man white beard." Ang matandang lalaking may puting balbas ay nahihiyang ngumiti.

Ang tanging tinanong lang ni Zhao Feng ay ang kaniyang pangalan, na ang ibig sabihin ay hindi siya napapansin noong una.

"Old man white beard, ako na ang bahala sa misyon sa pagkakataong ito," utos ni Zhao Feng.

"Ngunit…"

Ang matandang lalaki ay nagulat. Hindi kailangan ni Zhao Feng ang kaniyang tulong sa ganoong misyon?

"Maaari ka nang umalis ngayon, nanggaling na ako sa lugar na iyon noon."

Hindi makapaghintay na iwinagayway ni Zhao Feng ang kaniyang kamay.

"Opo, opo."

Ang matandang lalaking may puting balbas ay hindi na nangahas na may sabihin pa at umalis na.

Nang mapaalis na ang matandang lalaki, isang ngiti ang mababakas sa mga labi ni Zhao Feng.

Sa parehong gabi…

Ang parehong anyo ng matandang lalaki at ni Zhao Feng ay nawala.

Kinagabihan…

Ang anyo ng matandang lalaking may puting balbas ay lumipad sa hangin nang umalis sa Sun Feather City.

"Hmph! Ang ungas na ito ay mayabang o matalino para hindi hingin ang aking tulong," bulong ng matandang lalaking may puting balbas na kaniyang sarili habang papunta sa diresksyon ng Sky Cloud Forest.

Matapos mapasok ang Sky Cloud Forest, ang bilis ng matandang lalaking may puting balbas ay hindi nabawasan – halatang pamilyar siya sa mga lugar na ito.

Hindi niya alam na may isang tila isang aninong sumusunod sa kaniya.

Shua!

Isang balabal ang gumalaw, na nagpakita ng isang anyong kalahating malinaw.

"Tulad ng inaasahan," tumawa si Zhao Feng.

Ang kaniyang kaliwang mata ay kayang makakita hanggang sa daan daang yarda ang layo at kaya niyang makita kung paano at saan lumalaganap ang True Force ng matandang lalaking may puting balbas.

Kung mas pagtutuunan niya ng pansin, kaya pang makakita ni Zhao Feng ng mga laman-loob. Pagkatapos maabot ang Ascended Realm, ang kapangyarihan ng kaliwang mata ni Zhao Feng ay tumaas din.

Ang asul na liwanag sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata ay apat na pulgada na at patuloy na umiikot. Kung titignang mabuti, mapapagtantong ang True Force sa kalaliman ng dantian ng matandang lalaking may puting balbas ay itim, na iba sa mga normal na mga cultivator.

"Siya ay nagsasanay ng isang evil skill at siya ay nalason na." Malinaw na nakita ni Zhao Feng ang sitwasyon.

Walang makakapagtago kay Zhao Feng hangga't wala pa sila sa True Spirit Realm. Syempre, ito ay dahil sa paggamit ni Zhao Feng ng kaniyang kaliwang mata, ngunit sa mga karaniwang sitwasyon, hindi niya ito gagawin.

Gayunman, ang misyong ito ay hingi karaniwan. Ang masamang skill ni Yu Tianhua ay nakakapanghinala na at sa pag-iingat, nagmasid siya kay white beard at nagulat sa resulta. Malinaw na ang matandang lalaking may puting balbas ay nagtaksil sa Broken Moon Clan.

Dahil dito, si Zhao Feng ay nagdesisyong hayaan ang matandang lalaki at sundan ito. Gamit ang kaniyang cultivation at Yin Shadow Cloak, madali niya itong nasundan.

May napagtanto pang iba si Zhao Feng – ang invisibility effect ng Yin Shadow Cloak ay nagdodoble sa gabi!

Kahit hindi niya palaganapin ang kaniyang True Force, ang balabal ay magkakaroon pa rin ng partikular na invisibility power, na nagpapahintulot sa kaniyang makihalubilo sa dilim nang mas mainam. Pagkatapos mapasok ang kalaliman ng Sky Cloud Forest, ang bilis ng matandang lalaking may puting balbas ay biglang tumaas.

Isang itim na True Force ang rumagasa mula sa kaniyang katawan at ang pinakawalan niyang aura ay tumaas sa ibang lebel.

Peak Third Sky!

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagliwanag, ngunit hindi niya ito pinansin. Makakatipid siya ng oras dahil dito.

Dalawa hanggang tatlong oras ang makalipas….

Dumaan si white beard sa isang sapa.

Hmm!?

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagliwanag – nanggaling na siya rito noon. Ito ay noong nagkita sila ng misteryosong nakatalukbong na anyo.

"Mukhang ang landas at nandito. Bakit kami pinigilan ng isang misteryosong nakatalukbong na anyo sa ganitong lugar noon at kinontrol ang mga halimaw na umatake sa Guanjun Province City?"

Tila napagtanto na ni Zhao Feng na mayroong problema rito.

Pagkalagpas sa sapa, ang bilis ni white beard ay nabawasan at ang kaniyang ekspresyon ay naging maingat. Ang paglalakbay ay nag-umpisa nang maging mapanganib.

May mga high tier deadly beasts sa paligid pati na ang mga Lord tier deadly beast na tinatawag na Yao beasts.

Ang mga Yao beast ay lagpas na sa Peak tier deadly beasts. Halimbawa, ang Illusion Fox na nakasalamuha ni Zhao Feng sa trial, na kayang maimpluwesyanhan ang isip ng mga Core disciple, ay kasama. Ang ibang mga halimbawa ay ang Yao Beast King, ang Vine King, mga nasa True Spirit Realm.

Gayunman, dahil gamit ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata at Yin Shadow Cloak, ang kaniyang paglalakbay ay mas madali kaysa kay white beard sa harap.

Biglang!

Si White beard ay tumigil!

Shua! Shua!

Mula sa mga puno ay may lumabas na dalawang itim na mga anyo, na naglalabas ng mga aura mula sa Fourth at Fifth Sky of the Ascended Realm.

"White beard, nakabalik ka na agad?" Isa sa mga itim na anyo ang nagsabi nang may pag-aalala at pag-iingat.

"Nagpunta ako para mag-ulat ng balitang ang Broken Moon Clan ay nagpadala ng Core disciple," sagot ni white beard.

"Bakit hindi mo siya linlangin papunta rito?" sabi ng isa pang itim na anyo.

"Ang ungas na iyon ay labis na mayabang at gustong kumilos nang mag-isa," reklamo ni white beard.

"Sige! Bumalik ka na ngayon, hindi naman masamang magkontrol ng isang Core disciple."

Ang dalawang anyo ay bumalik na sa kadiliman.

Hindi nangahas na magtagal si white beard at agad na bumalik sa kaniyang pinaggalingan.

Ang dalawang anyo ay tila magaling sa pagtatago at mukhang humalo sa kadiliman. Gayunman, ang nakita pa rin ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang isang itim na anyong papunta sa kalaliman ng Sky Cloud Forest.

"Haha, nagtagumpay ito."

Agad na sinundan ni Zhao Feng ang anyo sa tulong ng Yin Shadow Cloak. Ang naiwang itim na anyo ay hindi napansin si Zhao Feng at hindi alam na nilagpasan siya nito.

Ang habulan ay nagpatuloy.

Simula noong malagpasan ng itim na anyo ang ilan pang anyo at lumayo pa, mas nagiging nakakasindak ang aura.

Sa isang sandali…

Isang madilim na makalumang templo ang lumitaw sa isang illusion array.

Kung hindi dahil sa kaliwang mata ni Zhao Feng, hindi niya makiktia ang array o ang makalumang templo.

"Tigil."

Sa tuktok ng isang puno sa harap ng makalumang templo ay isang nakatalukbong na anyo na may pares ng mga matang tila Kristal.

"Siya 'yon!"

Tila tumigil ang tibok ng puso ni Zhao Feng!

Ang tao sa tubig ay ang misteryosong nakatalukbong na anyo. Pagkatapos mag-ulat ng itim na anyo ng kaniyang balita sa nakatalukbong na anyo, umalis na ito.

Nakatayo sa tuktok ng puno ang nakatalukbong na anyo at sinuri ang kapaligiran gamit ang pares ng mga matang tila kristal.

Nakaramdam lang si Zhao Feng ng dumaloy na mental energy. Bigla niyang pinalaganap ang kaniyang bloodline power pati na ang invisibility power ng Yin Shadow Cloak sa sukdulan.

Sa puntong ito, ang kaniyang anyo ay kasing linaw ng hangin.

Nang makitang wala namang nakakapanghinala, ang misteryosong nakatalukbong na anyo ay tumango at tumahimik.

"Hindi siya papasok sa makalumang templo? Ang isang Core disciple ay hindi mahalaga sa kaniya para mag-ulat?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Zhao Feng, ngunit ang misteryosong nakatalukbong na anyo ay hindi gumalaw at hindi nangahas si Zhao Feng na kumilos nang hindi nag-iisip dahil nakapagbigay sa kaniya ng hindi maipaliwanag na pag-aalala ang anyo.

Ipinalaganap niya ang kaniyang kaliwang mata at sinubukang suriin ang nakatalukbong na anyo.

Hmm?

Ang misteryosong nakatalukbong na anyo ay tila may naramdaman at biglang tumayo bago tumingin sa direksyon ni Zhao Feng. Nagulat si Zhao Feng at agad na tumingin palayo. Pagkatapos ay nakaramdam si Zhao Feng na isa pang pagragasa ng mental energy sa kaniyang paligid.

Ang nakatalukbong na anyong ito ay tila magaling sa mental energy. Dagdag pa rito, ang kaniyang mga mata ay iba rin." Si Zhao Feng ay huminga nang malalim.

Sigurado siyang nakasalamuha na siya ng isang taong may katulad na kapangyarihan at ang kalaban ay mukhang napakahusay na sa paggamit ng mental energy at kayang gamitin ito para makontrol ang mga halimaw.

Sa sandaling ito, nagsimula na ang invisible na paghaharap.

Chapitre suivant