Gayunpaman, napakarami niyang kahinaan na alam ni He Lan Chang at ito ang dahilan kung bakit sumusunod siya dito. Pero nasagad na din siya; hindi na niya matatagalan pang maging puppet pa nito.
Isa pa, halata naman na ang sunud-sunod na kamalasang nangyayari sa He Lan family ay naplano na ng Shen family na labanan ang mga ito hanggang kamatayan. Hindi maglalaon at madadawit na din siya sa mga ito. Kaya naman, ang pinakamatalinong pagpipilian ay ang makipagtulungan sa Shen family para mawala na si He Lan Chang, tanging ito na lamang ang paraan para magkaroon siya ng pagkakataong makaligtas.
Bago pa ang nananakot na tawag ni He Lan Chang, may alinlangan pa din si Chui Qian sa kanyang desisyon, pero ngayon ay nakapagpasya na siya. Nawala na ang lahat ng kanyang agam-agam; tatanggapin na niya ang alok ni Xinghe na makipagtulungan dito!
Matapos na makapagdesisyon si Chui Qian, agad niyang kinontak si Xinghe. Si Xinghe na man ay inaabangan ang tawag nito.
Kinuha ni Xinghe ang kanyang telepono na tumutunog at isang makabuluhang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha nang makita niya ang caller ID. "Tumatawag si Chui Qian."
Sina Ee Chen at ang iba pa ay nasabik. "Xinghe, dapat ay naging manghuhula ka na lamang! Dali, sagutin mo na ang tawag at pakinggan natin siya."
Tumango si Xinghe at pinindot ang answer button ng walang pagmamadali. "Hello, Mr. Presidente, kumusta ka na?"
"Magandang hapon, Miss Xia." Gumanti din si Chui Qian ng pagkukunwari. "Miss Xia, mayroong isang bagong video na lumabas ngayon online, iniisip ko kung nakita mo na ito?"
Hindi na nasorpresa pa si Xinghe sa tanong nito. Matapat niya itong sinagot. "Ang totoo, oo, naniniwala ako na ako ang unang nakakita dito."
Kung sa sinabi niya ay siya ang unang nakakita nito, ang pagkakataon ay siya ang nagpalabas nito…
Mas nakumbinsi si Chui Qian na ang naunang video tungkol sa Angel Orphanagae ay kagagawan din niya. Humahanga siya ng husto sa partido nito. Hindi lamang nila nagawang makuhanan ang pagkakadulas ng He Lan family at nagawa pa nilang mailabas si He Bin ng He Lan Villa ng walang nakakapansin sa kanila. Ang mga gawaing ito ay hindi magagawa ng kahit na sino.
Kapag pinili niyang maging kaaway nila, naniniwala si Chui Qian na ang mga ebidensiyang makakasama sa kanya ay mahuhulog din sa mga kamay ng mga ito. Hindi tanga si Chui Qian para isipin na isa itong problemang malulutas kapag ipinapatay ang mga ito. Dahil si Xinghe ay kinakatawan ang Hwa Xia, kung may masamang mangyari sa kanya sa bansa niya, hihingan siya ng paliwanag ng Hwa Xia. Isa pa, siguradong may direktang linya ng impormasyon sa pagitan nila ng presidente ng Hwa Xia. Kaya naman, ang pagpapapatay kay Xia Xinghe ay walang kabuluhan maliban na lamang kung maiaalis din niya ang buong Hwa Xia!
Salamat na lamang at nakipag-usap sa kanya si Xinghe para makipagtulungan, ang kanilang pinupuntirya ay hindi siya, kaya naman may pagkakataon pa siyang makaligtas at iyon ay ang pagkakataong makipagtulungan sa mga ito.
Hayagang sinabi ni Chui Qian, "Miss Xia, matagal kong pinag-isipan ang bagay na nabanggit mo sa akin noong nakaraan at pumapayag na akong makipagtulungan sa iyo."
Sinabi ito ni Chui Qian ng buong kumpiyansa, dahil ano pa ba ang pagpipilian na mayroon siya?
"Nakagawa si Mr. President ng isang mahusay na desisyon! Huwag kang mag-alala, sinisiguro ko sa iyo na hindi ito ang isang desisyong pagsisisihan mo," sambit ni Xinghe ng may ngiti, at ang pangakong ito ay tila balsamo na pumayapa ng nag-aalalang puso ni Chui Qian. Dahil hindi naman siya kasali sa pinupuntirya, nagbigay saysay sa kanya na makipagtulungan at huwag nang pirmahan pa ang sarili niyang kamatayan.
"Miss Xia, ano ang iyong susunod na galaw?" Direktang tanong ni Chui Qin, inalis na ang ere ng pagiging presidente.
"Ang ating susunod na gagawin ay ang maghintay, siyempre, iyon din ang gagawin mo. Bukas, matapos na pumunta ng mga tao natin diyan, kakailanganin namin na tulungan mo kaming magkaroon ng sikretong pulong kay He Lan Qi. Ipapaliwanag na namin ang lahat sa iyo kapag iyon na ang tamang panahon."
Pagkarinig niyon, nilunok na ni Chui Qian ang kanyang mga katanungan. Mula sa paraan na inilahad na niya ang mga detalye ng plano at sa tono ng kanyang tinig, tila isang babaeng may sariling pananaw si Xinghe.
Sa kaparehong panahon, sinasabi nito sa kanya, na kahit pinili siya nito na maging kasabwat, hindi nangangahulugan nito na susunod ito sa lahat ng kanyang utos. Sila ay pantay na magkakampi sa relasyong ito.