Bigla niyang naalala na siya ang nangangailangan ng kanilang tulong; kailangan niya ang tulong ng mga ito para mawala ang He Lan family. Mas kailangan niya ang mga ito kaysa sa pangangailangan nila sa kanya…
"Okay, kontakin mo ako bukas. Pakiusap lamang ay pangalagaan mo ang iyong kaligtasan dahil nag-utos si He Lan Chang na ipapatay kayong lahat," mabait na paalala sa kanila ni Chui Qian.
"Salamat sa pag-aalala mo. Dodoblehin namin ang aming pag-iingat. Huwag mong hayaang pagdudahan ka niya, magtiis ka pa ng kaunti at mapapabagsak na natin silang lahat."
Ang kumpiyansa ni Xinghe ay nagbigay ng malaking pag-asa kay Chui Qian. Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang tama ang pinili niya.
"Sige, hihintayin ko ang mabuting balita mula sa iyo. Sabihin mo sa akin kapag may sitwasyong nangangailangan ng aking kooperasyon."
"Okay, Mr. Chui, umaasa ako sa isang mabuting kooperasyon."
"Definitely."
At sabay na ibinaba ng dalawa ang tawag. Narinig ni Mubai at ng iba pa ang usapan ni Xinghe na pumayag na makipagtulungan sa kanila si Chui Qian. Nagtanong siya ng may ngiti, "Sa wakas ay nakuha mo na ang kooperasyon niya?"
Tumango si Xinghe. "Oo, sa paraan ng pagsasalita niya, naniniwala akong nakita na niya ang liwanag."
"Xinghe, paano mo nalaman na hindi magtatagal ay kakampi siya sa atin?" Nagtatakang tanong ni Ali. Ito ang tanong na nasa isip ng lahat.
Ngumiti si Xinghe. "Dahil natatakot siya na matatalo natin ang He Lan family. Kailangan niyang mamili ng kakampihan kung hindi ay hindi magiging maganda ang katapusan niya."
Masayang tumawa si Sam. "Mukhang hindi tanga ang presidenteng ito. At nataon pa na may ebidensiya tayo ng mga kriminal niyang aktibidades. Kung hindi niya piniling makipagtulungan sa atin, sigurado ako na babagsak siya kasama ng He Lan family!"
"Nangangahulugan nito na hindi na natin kakailanganin sa ngayon ang testimonya ni He Bin. Ang totoo, kapag hindi niya tayo trinaydor, maaari na nating itago ng habambuhay ang testimonya," direktang sambit ni Xinghe, pero may malupit na tono ang kanyang boses. Kahit na napili ni Chui Qian na makipagtulungan sa kanila, hindi nangangahulugan nito na tuluyan na niya itong pinagkakatiwalaan. Kung maging traydor man ito, hindi magdadalawang-isip si Xinghe na wasakin ito.
Gayunpaman, hindi sila tatraydurin nito dahil wala namang benepisyo sa kanya na magkaroon ng kaaway sa magkabilang panig. Pero kahit pa, ang kanyang pagpili ang katalismo na hinihintay nila. Kasama ang kooperasyon ni Chui Qian, ang iba pang detalye ng plano ay mas madali nilang maisasagawa. Kailangan lamang nila ng kaunti pang oras at katapusan na ng He Lan family!
Pagkatapos, ang sikreto ng Project Galaxy ay mabubuksan na at mahahanap na niya ang lokasyon ng kanyang ina…
Hindi na mahihintay pa ni Xinghe na dumating ang panahong iyon. Gayunpaman, hindi nangangahulugan nito na magiging pabaya na siya dahil nalalapit na ang kanyang layunin. Kung ano pa man, mas lalo siyang naging maingat at patuloy na sinusuri ang kanyang mga hakbang. Hindi niya mapapayagan ang sinuman o anuman ang makahadlang sa kanyang daanan!
Aalisin niya ang lahat ng harang!
Wala nang makakapigil pa sa kanyang kagustuhang wasakin ang He Lan family. Si Mubai at ang kaniyang mga kaibigan ay lubos na sumusuporta sa kanya.
Kahit si Lu Qi ay kakampi niya. Noong ikalawang araw, si Lu Qi ay dinala sa Country R. Matapos na sunduin ito ng sikreto, nagpunta sila para makipagkita kay He Lan Qi.
Isinaayos na ni Chui Qian ang lahat. Patago niyang nilagyan ng pampatulog ang inumin ni He Lan Qi kaya hindi nito malalaman kung ano ang gagawin nila dito. Ang plano ni Xinghe ay opisyal nang nagsimula. Ang sadaling ito ay ang simula ng pagbagsak ng He Lan family.
Ang totoo, nakaramdam na si He Lan Chang na may masamang mangyayari sa kanya. Maliban sa pagbabanta kay Chui Qian, inutusan din niya ang kanyang mga tauhan na hanapin ang grupo ni Xinghe. Wala nang pakialam pa si He Lan Chang. Ang utos niya ay patayin ang sinuman mula sa grupo ni Xinghe sa sandaling makita nila ito.
Gayunpaman, nagtatago na ang grupo ni Xinghe. Kahit na gaano pa maghanap ng husto ang mga tauhan niya, hindi nila ito makita.
Ang negatibong usapan tungkol kay He Lan Qi ay hindi tumitigil. Nagpatuloy ito na maging pangunahing paksa sa buong Country R.