Nagkagulo ang mga tao. Ano ba ang sinasabi niya? Ang salarin ay si Feng Saohuang, paano ba iyon naging posible?
Nanlaki ang mga mata ni Yan Lu, ngunit agad din niya itong naintindihan. "Sinasabi ko na nga ba, siya na nga iyon!"
"Paano ito naging si Major Feng?"
"Xia Xinghe, ikaw ang taong may warrant dito."
"Puro kalokohan, paano ito naging si Saohuang?!"
Ang mga taong malalapit kay Saohuang ay agad na ipinagtanggol ito at pinagalitan si Xinghe. Pero si Saohuang ay tinitigan lamang si Xinghe ng walang ekspresyon. Ang tanging kaibahan lamang ay ang mga mata nito na matatalim at malamig.
Walang takot na sinalubong ni Xinghe ang tingin nito. May kapayapaan sa paraan ng pagkilos niya.
"Xia Xinghe, ang sabi mo ang tunay na salarin ay si Feng Saohuang?" May simangot na tanong ng hukom. Maliban sa maliit na grupo ng mga indibidwal, ang lahat ay inisip na kasinungalingan ang ibinibintang niya dito. Dahil ang lahat ng ginawa at pagpupunyagi ni Saohuang ay alam ng publiko. Kaya paano naman ang isang masigasig na taong tulad nito ay madadawit sa ilegal na pagbebenta ng mga armas?
"Tama iyon, iyon nga ang sinasabi ko," buong kumpiyansang sagot ni Xingh, "Siya ang kasali sa mga gawain ng IV Syndicate. Ang lahat ng nangyari sa akin at sa Xi family ay kagagawan niya. Kami ang ipini-frame niya dahil siya ang nakikipagtransaksiyon sa ilegal na organisasyon."
"Imposible iyan, nasaan ang iyong ebidensiya?"
Nagtanong din ang hukom, "Xia Xinghe, kailangan mong patunayan ang iyong ibinibintang ng may ebidensiya kung hindi ay gumagawa ka lamang ng maling kaso."
Ngumiti si Xinghe. "Kung isa nga itong pekeng kaso o hindi, sa tingin ko ay alam ni Feng Saohuang ang totoo."
Biglang tumayo si Saohuang at tumawa. "Ikinalulungkot ko, pero alam ko na inosente ako, kaya naman gusto ko sanang ipakita ni Miss Xia ang pruweba na nagpapakita na mali ako kung hindi ay kakasuhan kita sa paninirang puri ng isang heneral ng militar!"
"Idemanda mo na siya, nagsisinungaling siya!"
"Tama iyon, ipakita mo sa amin ang ebidensiya!"
Hindi na mapigilan ni Yan Lu na sumigaw, "Miss Xia, ipakita mo na sa kanila ang ebidensiya!"
Mahinang sumagot si Xinghe, "Ang ebidensiya ay wala sa akin, pero sigurado ako na ang salarin ay si Feng Saohuang."
Natigilan si Yan Lu. Ano ang sinasabi niya? Wala siyang ebidensiya?
Kahit ang ngiti ay nanigas sa mukha ni Munan. Big Sister Xia, puwede bang huwag ka namang magbiro sa ganitong importanteng okasyon? Hindi ito ang tamang panahon para dito!
Bayolenteng napaubo si Lolo Xi. Ang lahat ay nabigla ni Xinghe.
Sa wakas, mayroong tao na nagsimulang tumawa. "Wala kang ebidensiya at nangahas kang akusahan ang isang tao? Your honor, hindi na kailangan pang ipagpatuloy ang kalokohang ito, bigyan na ninyo siya ng guilty na hatol!"
"Ito ang court of law, Xia Xinghe binabastos mo na ang batas at ang korte, ang konsikuwensiya ay isang bagay na makakaya mong akuin!" Mayroong tao na galit na pinagalitan siya.
Kahit ang hukom ay galit na. "Xia Xinghe, alam mo ba kung ano ang lugar na ito? Paano mo naatim na istorbohin ang paglilitis ng kaso, pwede kitang ipadala sa kulungan ng isang buong buwan dahil sa paglabag na ito!"
Malamig na tumawa si Saohuang. "Xia Xinghe, opisyal na kitang idinedemanda sa paninirang puri. Your Honor, dahil naman sa handa na siyang isuko ang kanyang sarili, ay agad na ninyo siyang ipahuli."
"Isa talagang tanga!" Patutsada ni Lin Yun. Natakot siya ng walang dahilan nang dumating si Xinghe, pero mukhang ang babaeng ito ay tanga lang. ang mga tangang tulad ni Xinghe ay nararapat ng isang nakakakilabot na katapusan.
"Mga guwardiya, dakpin na ninyo siya!" Utos ng hukom. Gayunpaman, pinigilan ang mga guwardiya ng mga pulis na dumating kasama ni Xinghe.
Ang namumunong opisyal ay binuksan ang mga labi niya para sabihin na, "Sandali."
Sa wakas ay nakilala na ng mga tao na ito ang hepe ng pulisya. Bakit ito nandoon ng personal?