Ang hukom ay nalito. "Chief Zhang, ano ang ibig sabihin nito?"
Naglabas ng isang piraso ng dokumento si Chief Zhang at lumapit sa hukuman. Bumulong siya, "Ito ang dokumento na ipinadala sa pamamagitan ng emergency fax galing sa Country Y. Your Honor, pakiusap tingnan mo muna ito."
Tinanggap ng hukom ang dokumento ng may nag-uusisang hitsura at maingat itong binuksan…
Ang lahat ay nagtataka kung ano nga ba ito. Tanging ang mukha ni Saohuang ay nahulog nang marinig niya ang mga salitang 'Country Y'. Malamig siyang tinitigan ni Xinghe, hindi pinalalampas ng kanyang tingin ang kahit isa sa mga pagbabago nito ng mukha.
"Alam mo ba kung ano iyon?" Sinabi niya habang lumalapit siya dito. "Nilalaman noon ang lahat ng ebidensiya ng mga kriminal na gawain mo. Hindi magtatagal, pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanang ginawa mo."
Naningkit ang mga mata ni Saohuang. "Ano'ng ebidensiya? Kung nangangahas kang akusahan na naman ako ng kasinungalingan, hindi na kita mapapalampas."
Tumawa si Xinghe. "Na-frame mo kami ng Xi family ng paulit-ulit at ikinukunsidera mo pa itong pinalalampas kita? Sige, sabihin na nating totoo nga ito, pero dapat mong malaman, hindi kita papakitaan ng kaparehang kabutihan. Feng Saohuang, makinig ka sa akin, ang parating na ang nararapat sa iyo, ngayon ang huling araw ng kalayaan mo!"
Nanlaki ang mga mata ni Saohuang.
Galit na nagmura si Lin Yun, "Xia Xinghe, mayabang kang p*ta ka. Tingnan mo ang lugar na ito, sino ka ba sa tingin mo na magagawa mong akusahan ang ibang tao ng basta-basta na lamang tulad nito? Ikaw ang pinakawalang kwentang tao dito, kaya pinapayuan kita na itikom mo ang bibig mo."
Mabagal na tiningnan siya ni Xinghe.
"Naalala ko nga pala," mahinang sambit niya kay Lin Yun. "Ngayong nakumpirma na si Saohuang na may sala, mayroong kahina-hinala din sa iyo dahil palagi kayong magkasama. Your Honor, kapag inimbestigahan mo si Feng Saohuang, alalahanin mo ding tingnan ang babaeng ito."
"Ikaw—" malapit nang magwala si Lin Yun sa sobrang galit. Ano ba ang sinasabi ng p*tang ito? Nangahas siyang idawit ako?!
"Kapag napatunayang inosente si Saohuang, nanamnamin ko ang kamatayan mo!" Madilim na banta sa kanya ni Lin Yun. Malaki ang tiwala niya na hindi madaling mabubuking si Saohuang. Dahil ito sa garantiya sa kanya ni Saohuang. Walang makahahanap at matutuklasan pabalik sa kanya ang krimen.
Sarkastikong sumagot sa kanya si Xinghe, "Ibabalik ko sa iyo ang mga salita mo. Panonoorin ko nang malapitan ang pagbagsak mo; matagal kong hinintay ang araw na ito."
Marami na siyang ibinigay at isinakripisyo, at sa wakas ay makakapaghiganti na din siya. Bubuksan niya ng husto ang kanyang mga mata at panonoorin ng malapitan ang katapusan ng mga ito!
Nagsisimula nang mataranta si Saohuang matapos ang mabilis na usapan niya kay Xinghe. Ang ere sa loob ng hukuman ay nagsisimula nang makakaba. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam nila ay isang malaking bagay ang mangyayari…
Ang hukom na nagbabasa ng impormasyon ay biglang sumeryoso ang mukha.
"Tunay ba ito?" Biglang tanong niya kay Chief Zhang.
Tumango ang hepe. "Oo, ang impormasyong iyan ay nagmula sa embassy ng Country Y. Nagmadali kami sa sandaling natanggap namin iyan. Isa pa, ang dokumento ay naglalaman ng personal na pirma at selyo ng presidente ng Country Y.
Agad na bumaling ang hukom kay Saohuang at makapangyarihang inanunsiyo, "Men, dakpin si Feng Saohuang! Ang korte ay opisyal na sinasakdalan siya ng pamumulist ng mga ilegal na armas militar, pakikipagtulungan sa mga organisasyon ng mga terorista para saktan ang kaligtasan ng bansang ito, at ang mga mamamayan ng mundo!"
Ano?!
Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na magiging ganito ang takbo ng mga pangyayari. Talaga bang napatunayang may sala si Feng Saohuang?
Nagulat si Saohuang; pumangit ang kanyang hitsura.
Kahit na alam niya na nadiskubre na ang kanyang mga kasalanan, sa sandaling iyon, hindi pa din siya makapaniwala o matanggap ito.
Nataranta si Saohuang habang pinapanood ang mga armadong guwardiya na papunta sa kanya.