webnovel

Ang Lin mula sa Kapitolyo

Éditeur: LiberReverieGroup

Gayunpaman, hindi sila nakaramdam ng pagod. Imbes ay puno pa sila ng enerhiya. Pagkatapos tapusin ni Mubai ang huling tawag sa telepono, tumingin ito sa labas ng bintana at isang kapiranggot na ngiti ang lumitaw sa mukha nito. Nasinagan ito ng papasikat na araw. Ito ay dahil sa ang lahat ay nasa kanilang kontrol.

"Makakaalis na tayo," sabi nito sa kanyang driver.

"Yes, sir."

Umalis na ang kotse at tumungo na ito sa lumang mansiyon ng Xi family. Sa kaparehong oras, isang grupo ng mga lalaki ang nagmamadaling tumungo sa pier at sa ilalim ng mapagmatyag na paningin ng pinuno, ang lahat ng itinagong mga armas ay inialis mula sa mga lagayan.

"Young Master, natagpuan na nila ang mga armas. Ang hula ko ay pupunta na sila ngayon sa Xi family na may dalang arrest warrant," pag-uulat ng bodyguard ni Mubai sa kanya sa telepono.

"Nauunawaan ko," Ibinaba na ni Mubai ang telepono pero ang mukha niya ay kalmado, ni walang bahid ng pagkataranta.

Nagtanong si Xinghe ng nakatayo ang isang kilay, "Parating na sila?"

"Hindi magtatagal ay papunta na sila dito," sagot ni Mubai ng nakangiti. Pagkatapos noon ay bumaba na ito mula sa kotse para ipagbukas ng pintuan si Xinghe.

"My lady," sabi nito ng nakalahad ang kamay. Sandaling nag-atubili si Xinghe bago ito kinuha. Pinisil ni Mubai ang palad nito, at inalalayan siya patungo sa sala. Bago pa sila makarating sa pintuan, nilapitan na sila ng butler ng bahay, "Young Master, nasa bahay na si Elder Xi at hinahanap ka niya kung saan-saan."

"Salamat," walang emosyong sagot ni Mubai at giniya na si Xinghe patungo sa silid.

Sa maluwag na sala, nakaupo si Lolo Xi sa panguluhan at sa tabi niya ay sina Jiangsan, Jiangnian maski ang ina ni Mubai. Kasama nila ay ang isang dalaga na may kakaibang presensiya. Sa sandaling pumasok sina Mubai at Xinghe, lahat ng mga mata ay natuon sa kanila.

Nakita ng dalaga kung paano binitawan ni Xinghe ang kamay ni Mubai sa huling minuto, at ang mga labi nito ay nagpakawala ng mapang-uyam na ngiti. Ang tingin nito ay dumako sa mukha ni Xinghe at lalong tumaas ang pang-uuyam nito.

So, ang kakumpetensiya ko pala ay isa lamang karaniwan at walang kabuluhang tao.

Ang panghahamak sa mata ng babae ay napansin ni Xinghe. Ang mga babae ay partikular na sensitibo sa mga ganitong klase ng bagay. Nagtataka siya. Sino ba ang babaeng ito?

Ibinigay ni Lolo Xi ang kasagutan sa sumunod na sandali.

"Mubai, mabuti at nakauwi ka na," binuksan ni Lolo Xi ang kanyang bibig para kapangyarihang inanunsiyo, "Halika, hayaan mong ipakilala kita, ang narito ay si Miss Lin Yun. Siya ang espesyal na panauhin na inimbitahan ko mula sa kapitolyo. Maaaring si Miss Lin ay bata pa ngunit isa na siyang national intelligence service agent, at importante ang posisyon na hinahawakan niya dito."

Ang pagpapakilala ni Lolo Xi ay may espesyal na kahulugan dito. Matapos niyang gawin ang pagpapakilala, alam na agad ni Mubai ang tunay na katauhan ni Lin Yun. Mula ito sa kapitolyo na Lin Family…

Hindi interesadong tumingin si Mubai dito at magalang na tumango. "Ikinagagalak kitang makilala, Miss Lin."

Mayuming tumayo si Lin Yun at binigyan ng ngiting puno ng kumpiyansa ito. "Mr. Xi, ikinagagalak kitang makilala. Kilala ka sa iyong mga gawa, kaya mabuti na sa wakas ay nakita kita ng personal."

"Ang karangalan ay sa akin." Ang tono ni Mubai ay wala pa ring interes tulad ng dati. Hindi niya ito trinato ng iba kumpara sa iba noong malaman nila ang katauhan niya.

Hindi ito ininda ni Lin Yun, dahil ang isang mapagmalaking lalaki ang eksaktong tipo niya.

"Mr. Xi, pakiusap ay maupo ka, nasa gitna kami ng pag-uusap tungkol sa kaso ni Mr. Xi Munan. Gayunpaman, maaari bang magpasintabi muna ang ibang tao; dahil ang lahat ng pag-uusapan namin ay maseselang impormasyon," utos ni Lin Yun habang nauupo ito na tila pag-aari nito ang lugar.

Lahat ay naintindihan ang komento niya. Ang ibang tao na tinutukoy niya ay si Xia Xinghe!

Chapitre suivant