webnovel

Big Brother Xi

Éditeur: LiberReverieGroup

Kahit na wala na ang masamang pagkiling ng Xi family kay Xinghe, hindi pa din siya isang Xi. Ang kanyang lugar sa mesa ay walang katiyakan.

Magalang na ngumiti si Ginang Xi kay Xinghe at sinabi, "Xinghe, kagagaling mo pa lamang, hindi ba? Bakit hindi ka muna umalis at magpahinga? Kailangan mong pangalagaan ang iyong katawan."

Halatang naiintindihan ni Xinghe ang pakahulugan ng ina ni Mubai. Gayunpaman, bago pa siya makapagdesisyon, hinila na siya paupo ni Mubai at sinabi ng may pinalidad, "Hindi siya ibang tao. Nararapat lamang na maging parte siya ng usapang ito."

Nag-iba ang mukha ni Lin Yun ngunit agad itong naging ngiti. "Mr. Xi, ang mga bagay na pag-uusapan natin ay kinasasangkutan ng maraming importanteng grupo, sigurado ka ba na nararapat siyang nandito?"

"Ito ay isang problemang pampamilya, walang kinalaman si Xinghe dito," maawtoridad na anunsiyo ni Lolo Xi. "Maids, alalayan ninyo si Miss Xia pabalik sa kanyang silid."

"Sinabi ko na ang lahat sa kanya, maaari siyang manatili dito," biglang ibinalita ni Mubai. Nasorpresa ang lahat maski si Lolo Xi.

May madilim na mukha si Jiangsan. "Ito ay isang kapangahasan, paano mo inilahad ang mga importanteng impormasyon sa kung sinong estranghero lamang?!"

"Hindi kung sinong estranghero lamang si Xinghe, siya ang ina ng aking anak, kaya naman, technically, nasa loob pa din ito ng ating pamilya." Ang tono ni Mubai ay matatag, na sinasabi nito sa kanila na sa puntong ito, ay hindi siya matitinag.

Nag-alok ng bahagyang ngiti si Lin Yun. "Kung sinabi ni Mr. Xi, pwede siyang manatili."

Inisip niya na si Xinghe ay ang sutil na dating asawa na kumakapit pa din sa katanyagan at kayamanan ni Mubai, kaya hindi niya ito ikinunsidera na karibal. Nakaharap na siya ng kaparehong mga pipitsuging tao sa kanyang buhay.

Pinandilatan ni Lolo Xi si Mubai ngunit iniayos ang mukha para makipag-usap kay Lin Yun, "Xiao Yun, sinabi ko na sa iyo ang lahat. Ang dalawang pamilya natin ay matagal ng magkaibigan at maski ang iyong lolo ay alam ang karangalan ng pangalan ng Xi kaya natural na naiintindihan niyang ang apo ko ay hindi makakagawa ng bagay na tulad nito. Gayunpaman, hindi kami makahanap ng ebidensiya para linisin ang pangalan niya sa panahong ito, kaya iiwanan ko na sana ang lahat ng ito sa mahusay mong mga kamay."

Tumango si Lin Yun at buong tiwalang ngumiti. "Lolo Xi, huwag kang mag-alala. Narito ako ngayon dahil ang lolo ko ang nagsabi sa akin na ibigay sa Xi family ang buo kong suporta. Naniniwala ako sa ugali ng mga miyembro ng pamilya ng Xi, kaya uutusan ko ang mga tauhan ko na imbestigahan ito ng mas malalim at ibalik kay Mr. Xi Munan ang kanyang kainosentehan. Hanggang hindi ito natatapos, mananatili ako sa City T, hanapin ninyo ako kung may kailangan pa kayong iba."

Masayang tumawa si Lolo Xi. "Sige, tatandaan ko ang kabutihan ng iyong lolo. Kung may iba kang kailangan, huwag kang mag-atubiling sabihin sa amin. Siyempre, kami na ang bahala sa lahat ng gastos."

Ngumiti si Lin Yun at ang kanyang tingin ay napunta kay Mubai. "Lolo Xi, wala akong masyadong gusto pero ito ang unang beses na nakapunta ako sa City T at matagal na akong humahanga sa reputasyon ni Big Brother Xi. Maaari kayang si Big Brother Xi ang maging guide ko at ipasyal ako sa City T?"

Ilang segundo lamang ang lumipas, tinatawag niya si Mubai ng Mr. Xi at ngayon ay naging Big Brother Xi ito? Kahit ang bulag ay makikita kung ano ang gustong mangyari ni Lin Yun.

Binigyan ni Xinghe ng isang maiksing sulyap si Lin Yun, ang mga mata niya ay hindi kakikitaan ng interes.

"Siyempre, maisasaayos din ito…"

Sasang-ayon sana ng nakangiti si Ginang Xi ng biglang sumabad si Mubai para magsalita, "Miss Lin, ikinalulungkot kong sabihin pero akong panahon para samahan ka. Tulad ng pagkakaalam mo, ang Xi Family ay lubusang magiging abala sa mga susunod na araw at linggo, pero huwag kang mag-alala dahil itatalaga ko sa iyo ang pinakamagaling naming tour guide."

Hindi alintana ni Lin Yun ang pagtanggi. Ang totoo, nakangiti pa ito at buong tiwalang nagsalita, "Big Brother Xi masyado ka namang mabait, pero sinisiguro ko sa iyo na hindi ko aabalahin masyado ang oras mo. Isa pa maaari nating pag-usapan ang kaso ng pinsan mo habang namamasyal tayo."

"Kung gusto mong pag-usapan ang kaso ni Munan, ang dapat mong puntahan ay ang aking lolo Miss Lin," supalpal muli ni Mubai dito.

Ipinanganak si Lin Yun ng may pilak na kutsara sa kanyang bibig at mula ito sa marangya at makapangyarihang pamilya. Hindi niya gusto ang tinatanggihan.

Chapitre suivant