webnovel

Ang lakas ng loob mo

Éditeur: LiberReverieGroup

Sinong gagawa pa ng maling galaw lalo na't mahirap na nga ang sitwasyon? Kailangan lamang nilang makinig sa direksyon ng kumpanya.

Gumawa pa ng ikakasira ng kumpanya sj Gong Xu nang mang-away siya sa Weibo. Agredibo siyang nakipag-away sa mga netizens kaya dumami rin ang mga galit sa kanya.

Nagiging mabigat ang damdamin ng PR department sa tuwing gumagawa ng iskandalo si Gong Xu.

Malamang, kilala ni Yang Jin Yuan kung sino ang dahilan ng kanilang problema ngayon ngunit bawal niyang galawin si Gong Xu. Ang magagawa niya lamang ay hampasin ang lamesa at pagalitan ang kanyang mga tauhan. "Ayoko ng mga rason mo, gusto ko ng solusyon sa problema na ito!"

Nabulol ang direktor ng PR. "Sa ngayon, kailangang manghingi ng tawad ni Gong Xu upang mabawasan ang masamang epekto ng problema na ito. Pagkatapos nito ay unti unting maaayos ang problem…"

Tumaas ang kilay ni Gong Xu, binaba niya ang kanyang paa at dahan-dahan siyang tumayo. Naglakad siya papunta sa direktor ng PR. "Ang lakas pala ng loob mo, direktor Fang! Paki-ulit ang sinabi mo? Anong gusto mong gawin ni young master (ako)? Ulitin mo ulit, hm?"

Biglang ngumawa ang PR director, "Ye Ye Ye… direktor Ye…"

TULUNGAN MO AKO!!!

Binalaan ni Ye Wan Wan si Gong Xu gamit ang kanyang masamang tingin.

Nangutya si Gong Xu bago siya bumalik sa kanyang upuan.

Pagkatapos nito, nakahinga ng maayos ang PR director at pinunasan niya ang kanyang malamig na pawis. Napakahirap ng trabahong ito...

Tiningnan ni Yang Jin Yuan si Ye Wan Wan na kanina pang tahimik. "Direktor Ye, ikaw ang manager ni Gong Xu. Ano sa tingin mo?"

Parang walang pakialam ang itsura ni Ye Wan Wan nang sumagot siya, "Sinabi ko na sayo, Mr. Yang, kung ano ang tingin ko sa insidenteng ito. Alam ko na wapang ginawang mali si Gong Xu."

Iritable si Gong Xu nitong mga nakaraang mga araw pero bigla siyang kumalma nang marinig niya ito.

Tunay na si Ye-ge ang nag-iisang matalinong tao sa buong kumpanya at ang iba ay mga tatanga tanga lang!

Sumimangot si Yang Jin Yuan at hindi siya natuwa sa pinakitang ugali ni Ye Wan Wan.

Gayunpaman, naiintindihan niya kung saan nanggaling ang ugali ni Ye Wan Wan na ito.

Hahayaan na lang ni Ye Bai si Gong Xu dahil kilala niya ang ugali nito.

Para bang may ideya si Yang Jin Yuan. Humarap siya kay Gong Xu at kabado siyang nagsalita, "Gong Xu, lumala na ang epekto ng isyu na ito kaya kahit ang Ministry of Culture ay na-alarma na rin. Tinawagan na nila ang headquarters at sinabi na ni Chairman Chu na responsibilidad ng kumpanya ang isyu na ito. Kapag hindi ka pa rin makikipagtulungan sa amin, walang magagawa ang kumpanya kundi gumawa ng huling desisyon."

Lumiit ang mga mata si Gong Xu. "Binabantaan mo ba ako?"

Sumagot ng walang emosyon si Yang Jin Yuan, "Hindi ito pagbabanta, Gong Xu, ito ay ang katotohanan. Sa darating na tatlong araw, magkakaroon ng press conference ang kumpanya at kapag hindi ka nagpakita at nanghingi ng tawad, pasensya na pero ititigil ng kumpanya ang lahat ng mga proyektong nakalaan sayo."

Tumalas ang patingin ni Gong Xu nang marinig niya iyon. Ang sama ng ugali sa akin ni Yang Jin Yuan.

Sinong nagbigay sa kanya ng katapangan para kausapin ako ng ganyan?

Pinagbantaan niya na papatalsikin niya ako...

Baka may nangyaring masama sa likod ng pangyayaring ito...

Malalim ang iniisip ni Gong Xu. Ngunit sa oras na iyon, biglang nag-ring ang phone niya. May tumatawag sa kanya galing sa kanyang bahay.

Nakaramdaman siya na parang may mali nang nakita niya ang caller ID.

"Hello, ano po iyon?"

"Mokong ka, umuwi ka na agad!" Tinawagan siya ng galit niyang ama. Binaba niya agad ang tawag pagkatapos niyang magsalita.

Pabulong na pinagmumura ni Gong Xu ang kanyang ama. Naiinis siya dahil nangialam pa ang matandang iyon...

Sumigaw ng malakas si Gong Xu nang hinila niya ang kanyang upuan at mabilis siyang tumayo. "Bahala ka, gawin mo ang gusto mo!"

Chapitre suivant