Wala nang mukha na ihaharap sa Gong Xu dahil sa pamamahiya ni Yang Jin Yuan. Umalis si Gong Xu at hinampas niya ang pintuan.
Awkward ang pakiramdam sa buong conference room.
Maliban kay Ye Bai, hindi nirespeto ni Gong Xu ang mga tauhan ng kumpanya gayundin si Chu Hongguang. Kumalma si Yang Jin Yuan nang maisip niya iyon.
"Tapusin na natin ang meeting na ito. Hindi kayo pwedeng magpakampante, PR department. Manmanan niyo ang sitwasyon at huwag niyong hayaan na lumala pa ito!" Inutusan sila ni Yang Jin Yuan.
…
Hating gabi sa pribadong VIP room sa isang bar.
Ang mga artista ng Emperor Sky ay nasa party at ang bawat ang lahat ay nandoon para magkatuwaan.
"HAHAHA, tapos na ang reputasyon ni Gong Xu sa pagkakataon na ito! Mamamatay siya sa mga dinudura sa kanya ng mga tao!"
"May sumusuporta pa rin kay Gong Xu kaya mahihirapan silang paalisin siya ng entertainment industry, 'di ba?" May nagpaalam ng kanyang pangangamba.
May isang tao na may tsismis ang biglang bumulong, "Alam niyo ba na may tatlong lalaking anak ang Gong family at si Gong Xu ang pangalawang panganay na anak - siya ang hindi nabibigyan ng pag-aaruga ng pamilya. Bumaba ang mga stock prices ng Gong family dahil naapektohan sila sa insidenteng ito, may sabi sabi rin na grounded si Gong Xu dahil sa iskandalo niya. Tinanggal ang lahat ng pinagkakakitaan niya at dadalhin raw siya sa ibang bansa para magtrabaho sa maliit na kumpanya ng pamilya niya. Tapos na ang mga araw ni Gong Xu!"
"Haha, ito ang dahilan kung bakit ko sinabi na darating ang araw na si Gong Xu ang gagawa ng ikamamatay niya!"
Katabi ni Wan Shanshan si Ling Shaozhe at binuhusan niya ito ng wine sa glass ng kanyang kaibigan. Mapahamak niyang tiningnan si Ling Shaozhe at sinabi niya, "May inalabas nang anunsyo ang Dazzling at magkakaroon raw sila ng press conference sa pagkalipas ng tatlong araw. Tsk, napaka-arogante niya sa filming site at hindi pa siya natinag ngayon, hindi na siya susuportahan ng kanyang pamilya. Malamang, susunod sa payo nila na manghihingi siya ng tawad sa atin."
"Tama, tama! Ang kapal ng mukha niya para ikumpara ang sarili niya sa Shaozhe natin! Napaka-kapal ng mukha! Kung hindi lang dahil maraming pera ang pamilya niya ay wala na rin siyang halaga!"
Natuwa si Ling Shaozhe sa komento ng mga tao kaya komporme siyang umupo sa sofa. Naisip niya si Gong Xu, na parati siyang pinapahirapan, ay nag-bow sa kanya at ito ay sumusunod sa kanyang kamahalan kaya nakaramdam ng saya si Ling Shaozhe sa imahinasyon niya.
Dahil sa insidenteng ito, nagkaroon siya ng lakas para tapakan si Gong Xu. Nakatulong rin sa kasikatan niya ang kanyang mga fans at ang simpatya ng taong bayan.
May pakinabang pala noong binuhusan siya ng isang basong kape!
…
Wala nang balita tungkol kay Gong Xu simula nang makauwi siya.
Pagkatapos nito, hinanap ni Tang Xing Huo sila Ye Wan Wan at Luo Chen dahil lubha siyang nag-aalala sa isyu na ito. Mabilis na nilabanan ng post ni Luo Chen ang post ni Wan Shanshan sa Weibo para ipaliwanag ang tunay na nangyari, ngunit walang naniwala sa kanya.
Bumuntong hininga si Tang Xing Huo. "Wala ka ba talagang pake, Ye-ge?"
Tiningnan ni Ye Wan Wan si Tang Xing Huo at hindi siya sumagot sa tanong nito. Sa halip, tinanong niya si Tang Xing Huo, "Para sayo, anong klaseng tao si Gong Xu?"
Umubo muna si Tang Xing Huo bago siya magpatotoo: "Konting puri mo lang sa kanya, ang ulo niya ay nasa langit na at lilipad siya kapag pinakawalan siya. Kahit siyam na dragon ay hindi siya kayang kontrolin. Hindi siya aamin na mali siya kahit ano pang mangyari at gusto niyang ipakita sa lahat na siya ay arogante at lalayo siya ng halos 90,000 metro sa mundong ito…"
Natawa si Ye Wan Wan. "Tama ang sinabi mo."
Ayaw niyang gumawa ng aksyon sa isyu na ito dahil una, kailangan niyang hintayin ang tamang oras at pangalawa, magkaiba si Gong Xu at Luo Chen. Hindi niya kayang pigilan ang sarili niya at hindi niya kayang manahimik lamang kahit marami nang nagagalit sa kanya.
"Imposible na maging epektibo ang ordinaryong pamamaraan para pigilan si Gong Xu," sabi ni Ye Wan Wan.
Sumasakit ang ulo ni Tang Xing Huo. "Naiintindihan ko ang pamamaraan na ito pero… pero Ye-ge, ano ang gagawin natin? Malala na ang sitwasyon at pinapahirapan na si Gong Xu ng pamilya niya. Noon pa man, si Gong Xu ay arogante at mapagmataas ngunit ngayon, maghahanap ang publiko ng pagkakataon para patalsikin at tapakan siya. Magiging walang kwenta ang press conference bukas kapag hahayaan lamang natin siyang gawin ang gusto niya hanggang sa kumapit na lamang siya kay kamatayan…"