webnovel

PROLOGUE

"Bakit ka pa ba kasi nabuhay?" nakatingin siya sakin na parang akong ang pinakamasamang bagay na nangyare sa kanya.

"Sana ituloy ko na lang no" walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Bakit kasi---" hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya dahil tumalon na siya sa upuan na kinatatayuan niya.

Walang tigil ang pagpupumiglas niya habang mahigpit kong yakap yakap ang aking manika.

Maya maya ay hindi na siya nagpupumiglas nakalaylay na din ang kanyang mga kamay.

Lalapitan ko sana siya pero biglang pumasok ang mga tao sa bahay namin. Agad akong nilapitan ng isang babae at kaagad akong niyakap hindi ko maintindihan pero isa lang ang gusto kong gawin ang malapitan siya. Pero hindi ako pinayagan ng babaeng yumakap sakin pilit niya akong inaalis sa bahay naming dahil maliit pa ang katawan ko madali niya lang akong nakarga para ilabas ng bahay dahil ramdam niya ayokong umalis.

Habang palayo kami kitang kita ko silang tulong tulong na ibinaba siya.

thank you and enjoy :)

pammeeeeycreators' thoughts