webnovel

Chapter Two

Tagaktak ang pawis sa noo ni Neil habang tumatakbo papunta sa classroom. He's just a freshman and today is his first day as Wueen University's student. But here he is, halos late na siya ng five minutes. Lagot na talaga siya nito. 

Hindi naman siya ganito dati eh. He's always punctual during his high school days. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ng boss niya na nag-iinuman kagabi sa restaurant, hindi sana siya matatagalan sa paggising. Alas-tres na kasi siya ng madaling araw nakauwi. Nasira pa ang alarm clock niya kaya kailangan na naman niyang bumili ng bago.

Pagkarating ni Neil sa classroom ay medyo nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala pa ang professor. Kaagad nahagip ng mata niya ang kaibigan na nakaupo sa likod malapit sa may bintana. Ang lawak ng ngiti nito nang makita siya.

''Neil, dito!'' tawag nito sa kanya.

 Naglakad siya palapit rito—hindi pinansin ang mata ng mga babae na parang magnet na nakasunod ang tingin sa kanya. Panay ang bulungan ng mga ito na parang kinikilig.

Well, sino ba naman ang hindi? Neil has the most beautiful face in this world. His attractiveness is enhanced by his small face, sharp nose, sweet smile, and bunny teeth. He isn't known for being a beautiful angel for no reason.

''Akala ko hindi ka na papasok. Anong nangyari. First time mo yatang ma-late ngayon?'' tanong sa kanya ni Greg pagkaupo niya.

Ito ang pinakamatalik niyang kaibigan mula elementary hanggang high school. Kahit magkaiba sila ng ugali— Greg is well-known for being a playboy and always has a multiple girlfriends every week, pero hindi 'yon naging hadlang para maging malapit sila sa isa't.

Neil is not only famous for his looks, but also for his gentle personality and attitude. He always acted nice and smiled in front of strangers, but originally, he was really stubborn and hot-tempered. Lalo na sa harap ng taong ayaw niya o kaaway niya.

Si Greg lang at ang kapatid niya ang nakakaalam at nakakaintindi sa tunay niyang ugali. You can say, Neil is a pretender or a liar. Pero para kay Neil, he's just being respectful. Because if he acted arrogant in front of everyone, that would be out of line and things could get worse. Hiding his true self is still the best choice for him.

"Neil, tingnan mo. It's just your first day, pero andami mo ng tagahanga," pabirong sambit ni Greg na parang natatawa habang nakatingin sa mga babae na panay ang sulyap sa direksyon nila.

Hindi pinansin ni Neil ang sinabi ng kaibigan. Sa halip ay kinuha niya sa bag ang libro na hindi pa tapos basahin at nilapag sa ibabaw ng mesa.

''Seriously, another book again? " Kinuha ni Greg ang libro. Nakakunot ang noo na tiningan nito ang cover sabay basa sa nakasulat sa likod.

''N-Neil, this book is a BL?'' pasigaw nitong tanong. Tumango lang si Neil at inagaw dito ang libro. Hindi pinansin ang kakaibang tingin na pinukol nito sa kanya.

''You also read this kind of books?''

''Hmm,'' tanging sagot ni Neil at nagsimulang magbasa.

Alam ni Greg na mahilig magbasa ng libro si Neil. Noong nasa high school pa lang sila, kahit anong libro basta ang genre ay tungkol sa mystery, thriller, adventure, action o tungkol sa mga criminal investigations, binabasa nito. Pero ngayon, hindi niya akalain na pati BL hindi na rin nito pinapalampas.

''What?'' nagtatakang tanong ni Neil nang mapansin niya si Greg na titig na titig sa kanya. Hindi ito sumagot. Sa halip ay inilapit nito ang mukha sa kanya. Parang sinusuri nito ang bawat parte ng mukha niya.

''You...you're not gay, right?'' 

Muntik ng malaglag si Neil sa kinauupuan sa tanong ni Greg. Buti na lang nakahawak siya sa dulo ng mesa kung hindi nakatihaya na sana siya ngayon sa sahig.

Tinulak niya ang mukha ni Greg palayo sa kanya at umayos ng upo.

''You're not, right?'' ulit pa nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Ang seryoso  ng mukha nito habang nakatingin sa kanya.

''Ano sa tingin mo. Mukha ba akong bakla?'' balik niyang tanong rito. Matagal bago ito nakasagot. 

''Well, you're handsome. I mean, pretty handsome, tall, smart, and you have a lot of fans. Pero kahit isang beses wala ka pang naging girlfriend, hindi ba? And now, y-y-you're reading that book. So, you can't blame me if I...''

''If I am really gay, will you put me on a blacklist?'' seryosong tanong dito ni Neil. Lalong nanlaki ang mata ni Greg. Nanginginig pa ang kamay nito na parang aatakihin na sa puso sa gulat. Nagpipigil ng tawa na pinagmasdan ni Neil ang reaksyon ng kaibigan. 

''Y-y-y-you...you're really...you're gay?!'' 

Hindi na napigilan ni Neil ang sarili. Napa-buhakhak na siya ng tawa. Nagtatakang napatingin sa direksyon nila ang ibang estudyante.

Si Greg naman ay nakakunot pa rin ang noo habang nakatingin sa kaibigan na ngayon ay tawa pa rin ng tawa.

''W-what? Did I guess it wrong?''

Naluluhang tiningnan ni Neil ang kaibigan na naghihintay pa rin ng kanyang isasagot. Natatawa pa rin.

''Just because of this, you assumed I was a gay? Are you stupid?''

''Then, why...?'' Umayos ng upo si Neil- pilit kinalma ang sarili.

''Though this book is a BL, but it's also about mystery, criminal psychology and crime investigations. It can help you understand the habits of criminal, their way of thinking, and how to use psychological methods to catch them,'' mahabang paliwanag ni Neil. Hindi naman nakapagsalita si Greg. Tumatango-tango lang ito habang sini-sink-in sa utak ang sinabi ng kaibigan.

''So, you're not a gay? Then, that's good. That's good,'' paulit-ulit nitong bulong. Napailing na lamang si Neil at binalik ang atensyon sa pagbabasa.

Tumahimik ang lahat nang may isang di-katandaang babae ang pumasok sa classroom. Base sa itsura at namumuti nitong buhok ay nasa 40 to 50 years old na ang babae.

Pero hindi ito ang nakakuha ng atensyon ng mga estudyante, kundi ang kasama nitong lalaki.

Tahimik lang itong nakatayo malapit sa may pintuan. Nakasuot ito ng black pants, white shirt na pinatungan ng blue long sleeves na naka-fold ang bawat sleeves sa braso. 

Kaagad kumunot ang noo ni Neil. Kahit nakatali ang medyo mahaba nitong buhok sa likod ay nakikilala niya pa 'rin ito–ang lalaki kagabi sa restaurant. Neil has a good memory. Kahit isang sulyap lang niya sa isang bagay ay matatandaan na niya ito agad. Isa rin sa dahilan kung bakit niya ito nakikilala ay ang walang-emosyon nitong mukha. Talagang mapapaisip ka kung tao ba ito o isang robot.

"Okay. Mr. Watanabe, you can take your seat at the back."

Tumango lang ang lalaki at nagsimulang maglakad papunta sa likuran. Maririnig ang mahinang tili ng ibang babae. Kahit na mukha itong masungit at walang pakialam sa paligid ay hindi pa rin maitatago ang taglay nitong kagwapuhan at charisma.

Huminto ito sa harap ni Neil. Parang tumigil ang tibok ng puso niya nang magtama ang mata nilang dalawa. Tila ba nanlamig ang buo niyang katawan dahil sa titig na pinukol nito sa kanya.

Nakikilala ba niya ako? tanong ni Neil sa isip.

Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang mag-iwas ito ng tingin at umupo sa upuan sa likuran niya. Palihim siyang siniko ni Greg sa braso.

"Ano 'yon? Magkakilala ba kayo?" bulong nito sa kanya.

Umiiling lang si Neil at nilagay sa ilalim ng mesa ang binasang libro. 

''Okay, so before we start, let me introduce myself. I am Mrs. Fria Jones, your English instructor. I'm sure you've already heard a lot about me. And they're all true. I have already failed many students in this subject. So, if you want a passing grade, be on time and never come late. Be late twice and you're out. Are we clear? "

''Yes, ma'am!''

"Okay, let's just skip "self-introduction" to save some time. Just choose your representatives for every department to write your name as attendance. Give it to me after class.''

MALAPIT ng mag-alas-dose nang matapos ang huling subject ni Neil sa umaga. Pakiramdam niya mahihimatay na siya sa gutom.  Kaagad siyang pumunta sa cafeteria para kumain. 

Kilala ang Wueen University bilang isa sa pinakamalaki na eskwelahan at may pinakamahal na tuition fee sa buong C City, kaya nang makita ni Neil ang mala-five-star restaurant nitong cafeteria ay hindi na siya nagulat. Hiwalay ito sa ibang building at may tatlong palapag. 

Sa itaas ay may nakasabit na malaking chandelier na parang gawa sa totoong diamonds. Even the stairs are made of glass. Mayroon 'ding menu na nakalagay sa bawat mesa at mga waiters na naghihintay sa gilid.

Hindi maiwasang mapailing ni Neil. 

Lahat ba ng binayad nilang tuition fee ay napunta dito? Are they here to study, or they're only here to enjoy the luxuries? What a waste. 

Ang lahat ng pinakaayaw ni Neil ay ang gumastos sa mga walang-kwenta at materialistic na bagay. Lalo na itong nakikita niya ngayon. They could have just set up a self-serve cafeteria.  Hindi na nila kailangan pa ng mga waiters o ano pa. 

Kung hindi lang dahil sa kagustuhan ng kuya niya, ayaw niya sanang mag-aral dito. Marami namang mura at magandang eskwelahan dito sa C-City na pwedeng pagpipilian. Hindi na kailangan pang gumastos ng malaki. 

''Here's your food, sir.'' Nilapag ng waiter ang mga pagkain sa mesa. Ngumiti lang dito si Neil at nagsimulang kumain.

Hindi niya ngayon kasama si Greg dahil magkaiba sila ng department. Greg majored in Computer Science, while him is in Psychology. Magkapareho lang sila ng schedule sa English at Statistics. Mahilig din naman siya sa computer. Noong bata pa lang sila, pangarap niyang matuto ng programming pero dahil sa nangyari, nagbago ang isip niya. 

''Can I sit here?'' 

Napatigil sa pagkain si Neil nang marinig ang isang malamig at malalim na boses. Parang nagsitaasan ang balahibo niya sa braso. 

Inangat niya ang ulo niya para tingnan kung sino ito. Muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang kutsara nang makita ang mukha nito. Bago pa siya makapagsalita ay umupo na ito sa harapan niya.

''Do you remember me?" tanong nito sa kanya. Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin rito. Hindi dahil sa natatakot siya rito o kinakabahan, kung hindi dahil may naaalala siyang isang tao. They exactly have the same expression, even the sound of their voice, deep and cold. His brother. 

''Y-yes. Ikaw 'yong lalaki kagabi, diba?" aniya. Sumilay ang kakaibang ngisi nito sa labi. Para bang disappointed sa sinagot niya. 

May nasabi ba siyang mali? Kagabi lang naman talaga sila unang nagkita, diba?

''I'm Ken Watanabe,'' pakilala nito sabay taas ng kamay.

"You are?" Nakakunot ang noong pinagmasdan niya ang mukha nito. Maya-maya ay parang may sariling isip ang kamay niya. Kusa nitong tinanggap ang kamay ng lalaki para makipag-shakehands.

''N-Neil, Neil Montevallo.'' 

Hindi alam ni Neil kung namalikmata lang ba siya o hindi, but he saw his lips slightly form a smile.

A/N: And then here it is, Chapter 2 entitled Neil, our one and only gorgeous angel.

Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Enjoy reading!