webnovel

[Boys Town Series 1] CHASING HER

Si Kyrelle,ginagawa lahat nang gusto nya,wala syang pakialam sa iba.tulad nga nang palagi nyang sinasabi sa sarili 'hangga't hindi nabubuking ni erpats,mag walwal ka' diba? Ang pangit nang paniniwala nya,but its her life.bahala sya kung paano nya patatakbuhin ang kapalaran nya. Everything under her control untill one thing happen.nalaman nya na may tinatagong sakit ang partner in crime nya.So being his friend,she will do anything for him. but! wrong decision ata ang sinabi nya dahil isang kababalaghan ang gagawin nya para sa gago nyang kaibigan. She need to pretend as him! pwede ba yun? kalokohan para sa kanya pero big thing para sa kaibigan nya. Dito na talaga ata sya malalagot sa erpats nya, idagdag pa ang kuya nyang mata sa mata sya kung bantayan. What will she do? Tanggapin ang pakiusap nang kaibigan nya o sya nalang ang maglilibing nang buhay para wala na syang problema. And one more thing, It's school for only boys sa madaling salita bawal ang eba sa paaralan na yun, at meron pang isa! mapaglaro nga naman talaga ang tadhana sa kanya dahil doon din nag aaral ang kuya nyang tigre! Kamalasan nga naman,sinalo nya lahat.

Imsecret_girl17 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
5 Chs

CHAPTER 1

HER FIRST DAY

Kyrelle does not know if she will enter the boys town where she will be a student from now on. Kasalanan bang sapakin nya ang kaibigan nyang pumilit sa kanyang pumalit muna sa kanya na pumasok sa Boys town? Babae sya tapos ang papasakun nyang school ay pan lalaki. Oo nga at may pagka boyish sya pero never in her wildest dream na pumasok sa ganitong gulo.Kung hindi nya lang nalaman na may sakit si Raymond ay hindi sya papayag sa pakiusap nito na sya muna ang pumasok para sa first day nya.

Even if Raymond pleads for only one day, she is nervous. What if her older brother finds out all this, she will definitely be scolded and she will not be asked to make her friend's request. Her friend is important to her but she does not want to get into trouble that she knows will only ruin her in the end. Wala narin naman syang choice kundi pumayag dahil after all her bestfriend is important to her. Ang kaibigan nya nalang ang kayang pagtiisan sya kaya hindi nya ito matitiis lalo na at nalaman nyang may sakit pala itong tinatago sa kanya.

"Kanina ka pa naka tayo dyan,papasok kaba?"Nilingon nya ang nagsalita.Hindi naman na kataka taka na lalaki ang bumungad sa kanya.This is Boys School kaya wala syang makikitang babae dito maliban nalang siguro sa teacher na makikilala nya,yun ay kung meron babaeng teacher dito.

"Naghihintay ako nang himala"Katangahan mang isipin pero yun talaga ang hinihintay nya.Baka lang naman ay tumawag ang kaibigan nya at ipaurong yung balak nya na sya muna ang pumasok.

"Pffft---- maghihintay kalang sa wala,kaya pumasok kana sa loob kung ayaw mo masaraduhan nang gate."Natatawang sabi nito  sa kanya.Patagong inirapan ni Kyrelle ang lalaking umistorbo sa kanya.

Kahit saan sya pumunta ay pakialamero talaga ang mga lalaki,kahit ang kuya nya ay ganun din sa kanya. Sabagay, sa school na ito nag aaral ang kuya nya kaya siguradong dito nakuha nang kuya nya ang pagiging epal nito sa mga ginagawa nya.

"Saan ba ang punta mo?"Tanong nito sa kanya.

 Saan nga ba ang principal office dito?

"Sa Principal office,saan ko makikita?"Tanong nito sa lalaki. Libre lang naman ang magtanong kaya susulitin nya na at tsaka ito naman ang bigla nalang kumausap sa kanya.

"Pwede kitang samahan"Nakangiting sabi ito sa kanya. Pa-fall pa ata ang lalaking to.

Napangiwi sya sa pumasok sa isip nya. Nakakatawa nga naman ang mga lalaki dito, paano pa kaya kapag nalaman nila na Eba sya at hindi katulad nila na Adan.

"No thanks, just tell me and I can't go there by my self"Sagot niya.

Maganda din pala ang school nang bestfriend at nang kuya nya. Bawal kasi ang outsider dito kaya ngayon lang siya nakapasok. Siguro ay Woman hater ang president nang school na ito, Sabi kasi nang kuya nya ay desisyon nang president nila na gawing Boys school ito, Ang hindi nya lang maintindihan ay kung bakit ang president nang school nila ang nagdesisyon tungkol sa bagay na yun at hindi ang may ari.

"Ok, diritsuhin mo lang ang pasilyong yan at makikita muna ang Principal Office."Sagot nito sa kanya.

Nagpasalamat naman sya dito bago nya tinungo ang sinabi nito sa kanya. Pero hindi nya maitatanggi na gwapo ang lalaking sumira sa imagination nya kanina.

Pagdating nya dun ay kumatok muna sya bago nya binuksan ang pinto.Inaasahan nya na din na lalaki din ang principal nang school pero hindi nya inaakala na ganito kagwapo ang mabubungaran nya.

Busy ito nang buksan nya ang pinto, buti ay hindi tumatanda ang itsura nito dahil sa daming papel na nakatampak sa harap. Siguro ay nasa mid 30's palang ito dahil masyado itong bata para sa kanya.

"Excuse me Sir"Panggugulo nito sa lalaking kaharap nya. Hindi naman sya nabigo dahil nakuha nito ang atensyon nya. Sana ay ganun din ang puso nito.

"Do you need something else?"Ay, hot din ang boses. Ang swerte nga naman nang magiging jowa nito kung meron man.

Nakangiting tinignan nya ang principal na nasa harap nya.

"I am the transferee student. kukunin ko sana ang schedule ko"Sagot ni Kyrelle.

Nahagip nang mata nya ang pangalan na nasa ibabaw nang principal nila.' Alvin Lacostre' pati pangalan ay hot din!

"Here, Mr.Raymond Saludo. Just go to your room and your Advicer will assist you"Tumango naman sya dito.

"Thank you Principal Lacostre" Nakangiting sagot ni Kyrelle.

Paglabas nya sa Office ay pinuntahan nya ang magiging room nya. Hindi naman ito ganun kalayo kaya mabilis nya itong napuntahan.

Wala nang atrasan ito kaya sa ayaw man o sa gusto nya ay kailangan nya itong gawin para sa kaibigan nyang may sakit. Naging mabilis ang nangyari dahil isang araw ay nalaman nya nalang na may tinatagong sakit si Raymond sa kanya. At first ay hindi sya pumayag sa hinihiling nito sa kanya pero hindi din nagtagal ay puyag na din sya dahil hindi nya naman pwedeng pabayaan ang pag aaral nito at tsaka minsan lang humingi nang pabor ang kaibigan nya yun ngalang ay nakakadalawang isip talaga na gawin.

Pagdating sa harap nang pinto ay naabutan nya nang nagsisimula ang guro sa harap. late na nga talaga sya. Ang aga aga nya nagpunta dito sa school tapos ay late parin syang makakapasok, What a good first morning nga naman.

"Excuse me Sir" Agaw pansin na sabi ni Kyrelle.

"You must be the transferee, come in"Sagot nito sa kanya.

Hindi alam ni Kyrelle kung papasok ba sya dahil sa kaba. Lahat nang nasa loob ay sa kanya nakatingin. Ganun siguro sya kagwapo kaya sya tinititigan nang mga magiging kaklase nya.

"Are you okey, Mr.Saludo?" Nagtatakang tanong sa kanya nang guro na nasa harap.

"I am, Sir" ngiting sagot nya.

It's now or never, ika nga nang kaibigan nya. Kaya kailangan nya itong gawin para sa kaibigan nyang umaasa sa kanya. For his Bestfriend.

Nakangiti syang pumasok sa loob nang classroom. Taas noo nyang tinignan ang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya. Yumuko sya bilang pagbati at nagpakilala sa harapan.

"I am Raymond Saludo, I will be your new classmate" Nakangiting sabi nya.

Sa wakas ay tapos narin ang unang pagsubok nya. Ang magpakilala sa unahan, she really don't want to do that but she don't have a choice. For his friend, gagawin nya kahit ang pinaka ayaw nya pang gawin.

"You can seat at the last row. Btw, I am Mr.Albert Tarangka your English teacher" Pagpapakilala sa kanya nang guro na kumausap sa kanya kanina.

Nagsimula nya syang maglakad papunta sa dulo kung saan sya uupo. At least ay hindi sya agad makikita nang teacher na nasa unahan.

Matapos lang talaga ang araw na ito ay susugurin nya ang kaibigan nya na nasa hospital. Kinakabahan sya dahil baka may makakilala sa kanya dito at isumbong sya sa kuya nya, kapag nangyari yun ay siguradong isusumbong sya sa erpats nya. Mahirap pa mandin magdahilan sa erpats nyang ermats nya lang ang nakakapag paamo. Sana lang talaga ay hindi mangyari ang naiisip nya. Kundi ay pareho silang lagot nang kaibigan nya.

Nang magrecess ay sumabay sya sa mga classmate nya papunta sa cateeen, hindi nya pa kasi kabisado ang lugar na ito kaya sa ngayon ay kailangan nya makisabay sa agos. Pagkadating dun ay umoder sya nang makakain nya at naghanap ng pwestong pwede nyang kainan nang tahimik.

Sa ganitong oras ay namimiss nya ang kaibigan nyang nakalupaypay sa bahay nila. Kung nalaman nya lang nang maaga ang sakit ni Raymond ay baka may naitulong sya para dito, but it's already happened without knowing it, ang magagawa nya nalang ay pumayag sa hinihiling nito sa kanya. Isang araw lang naman, sigurado naman bukas ay hindi na. Sana lang talaga, Utak bato pamandin ang kaibigan nyang iyon.

'''''''''''''''''''''''''''''''''''

CHAPTER 2

"Fuck you, Mr.President!"Natatawang sigaw nya sa galit na galit na presidente nang school nila.

"Go to the Detention office,  You brat!" Nanlilisik ang mata na sinabi sa kanya. Mukang nagalit nya nang sobra ang presidente.

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Title: Chasing her

Author:Imsecret_girl17

Author Note:

Don't copy my story, pinaghirapan ko po ito, kailangan ko pa pigain ang utak ko paramay masulat lang ako. Sorry for wrong grammar and typos.