webnovel

ZERO : Digits Are Everything

Genre/s: Romance, Action, Sci-Fi Language used: English, Tagalog Alanis Ridge lives in a wealthy family. She has everything everyone's been wanting to have. She has eleven digits on her arm and still counting, sole heiress of the Ridge's family. She's smart, beautiful and yeah, good family. Until she happened to hear her parents talking. She heard the secret about their money that changed her perception in life. Will she able to pass her problem? Especially in this year that zero is everything. ㅡ JOYOUSMELODY

JoyousMelody · Ciencia y ficción
Sin suficientes valoraciones
8 Chs

Chapter 2

Isang bagong umaga muli ang hinarap ni Alanis. She's just patiently waiting and listening to a music that surrounds her car. The music filled and calms her mind.

Nang huminto ang sasakyan ay agad siyang pinagbuksan ng pinto ng kaniyang butler. Inilibot niya ang kaniyang paningin ngunit wala siyang makitang mga naglalakad na estudyante na ikinataka niya.

She double tapped the screen of her phone. Hindi naman siya late kung kaya bakit parang wala masyadong tao? Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Isang boses ang kaniyang narinig na nakapagpahinto sa kaniya.

"Alanis!"

Nakangiti niya itong nilingon, "Ichiro." Nasa gitna na siya ng hallway nang lapitan siya nito.

Bukod sa dalawang Fonacier, si Ichiro ang isa pa niyang kaibigan. He's a royal and one of many punisher of their school.

"How are you?" He asked.

Saglit na namula ang pisnge ng dalaga ng tanungin siya ng lalaki, "I'm good. Ikaw, saan ka nagbakasyon?"

He shrugged, "Middle class territory."

Napakurap siya nang marinig ang sagot nito, "How? Why?"

"Kailangan kong matutunan ang lahat ng nangyayari sa kanila. Alam mo namang papasok ako sa politika pagkatapos kong mag-aral di ba?"

Tumango siya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang kagustuhan pagsunod ng kaibigan sa yumao nitong ama na kasama sa politika. Ito na ang huling taon ng lalaki sa pag-aaral kung kaya sa susunod na taon ay hindi na siya magtataka kung marinig at makita niya sa balita ang pangalan nito.

"Tara, I'll walk you to your room," ani ng lalaki. Nagpati-anod siya sa lakad nito habang nakatingin sa mga kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso.

She sighed. Iba ang tingin niya kay Ichiro ngunit alam niyang nakakabatang kinakapatid lamang ang tingin nito sa kaniya. Hanggang sa maihatid siya nito sa harap ng kaniyang classroom.

Naglakad ito papalayo sa kaniya habang kumakaway. Kumaway rin siya ngunit ibinaba niya rin ang kaniyang kamay ng makita ang classroom na sinilip nito. Ang section one. She wonder who's in there.

"Why are you not entering the room, babe?" tanong ng kaniyang kaibigan na nasa gilid niya na pala. Ginaya ng lalaki ang kaniyang ginagawa, tumingin rin ito sa silid-aralan na nasa unahan ng kanilang seksyon.

"Oh, yeah. I forgot to tell you. Twin is in there. You slept kasi when we were answering the entrance exam e. So here we are in two."

Humarap siya sa kanilang classroom at tiningnan ang loob nito. The wall is transparent so they can easily see what's inside.

"Are you takot of them? Don't worry babe, I can protect you from them." Pagmamalaki nito sa babae na na iyon na kung hindi nakahalo ay maaring magkaroon sila ng sariling seksyon.

Umiling siya sa kaibigan at walang pasabing pumasok sa kanilang silid aralan. Umupo sila sa bandang gilid ng kwarto kung saan malapit sa glass window na matatanawan ng kanilang field. Sumunod sa kaniyang tabi si Xenon.

"Thats masakit babe. How could you left me there?" Ngumuso pa ito na ikinairap niya.

Ilang minuto pa ay dumating ang kanilang professor. "Every middle class member in this room, come here in front."

Nakinig lang siya sa pagpapakilala ng kanilang bagong kaklase ngunit hindi na niya inabala ang kaniyang sarili upang tingnan ang mga ito.

Sana ay maging masaya ang taon ngayon, aniya sa kaniyang isipan.

Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang kaniyang magulang. Sanay naman siyang hindi ito makita ngunit bigla na lamang niyang naisip ang mga ginagawa nito. Kumibit balikat siya, siguro ay nasa kanilang mga trabaho.

Mabilis na lumipas ang oras, hanggang sa puro ingay na ng estudyante ang naririnig niya. Ang mga middle class members ay kinakausap ng mga upper class member na ikinatuwa niya.

"Babe, let's go. Xyrille's treat." Inayos niya ang neck tie ng kaniyang uniform bago tumayo sa kaniyang upuan.

Wala naman silang dalang bag pack dahil smartphone na ang kadalasang ginagamit nila ngayon sa pag-aaral. Io-open lang ang notes ng phone at may lalabas ng hologram ng keyboard ang phone.

Its August kung kaya ay may pailan-ilang estudyante na ang naka-winter uniform. Bagamat paminsan-minsan ay umaambon, ay nagsuot pa rin ang ilan.

Their usual uniform is white fitted blouse, maroon ribbon and a maroon pencil skirt. Ang kanilang winter uniform naman ay maroon coat, white blouse with maroon neck-tie at isang maroon pleated skirt.

Nang makarating sila sa kanilang malawak na cafeteria. Agad hinanap ng kanilang mga mata ang pwesto ng kaibigang si Catriona.

Nakahawak sa bewang ni Alanis si Xenon dahil sa rami ng tao ng cafeteria one. Ito kasi ang pinaka-malapit na kainan kung kaya dagsa ang mga estudyante rito. Ang pangalawang cafetria naman ay malapit sa senior's building.

Agad siyang hinila ni Xenon nang makita nito ang pwesto ng kaniyang kapatid. Nang makalapit ay agad silang umupo.

Napansin niyang may isa pang tao sa kanilang pwesto. Nakita naman ni Catriona ang pagtataka ng kaibigan kung kaya ipinakilala niya ito sa dalawa.

"Hello guys, this is my friend, Blue Marquez."

Tiningnan niya ang lalaki, bagong mukha. Siguro ay isa itong middle. Pinasingkit niya ang kaniyang mata habang inaaral ang mukha nito.

There's something in him na hindi niya matukoy at ayaw niya ng malaman. She's feeling threatened. Mukhang may hindi magandang nararamdaman ang kaniyang instinct.

Inalis niya ang paningin sa lalaki ng magsalita muli si Catriona, "This is my twin, Xenon and this is my friendㅡ"

"Alanis, I know." Pagpapatuloy nito sa sinabi ng babae. Naramdaman ni Alanis ang dahan-dahang pagpulupot ng kamay ng kaniyang katabi sa kaniyang bewang na kaniyang pinitik.

Ngumuso naman si Xenon dahil don. Bumulong ito sa kaniya, "I'm jealous."

Umirap siya at kumain, "Hello jealous." Naging mabilis ang pangyayari. Naging magaan ang atmospera sa kanilang apat.

Hanggang sa mapuno ng asaran ang kanilang lamesa na pinamunuan ni Xenon. Nang matapos siya kumain ay pasimple niyang pinagmasdan ang kaniyang mga kaibigan.

Fonacier 2, Xenon is acting weird, she thought. Ang pagtawag nito sa iba't ibang endearment ay walang kaso sa kaniya. Ngunit hindi niya na mapigilang mag-isip sa ikinikilos nito ngayon.

Paulit ulit itong tumi-tingin sa kanilang tatlo ni Catriona at ng kaibigan nitong si Marquez.

Fonacier 1, Catriona is a little bit off to herself too. Noong dating nasa auditorium sila ay sinabi niyang takot siya sa mga middles pero ano itong ginagawa niya ngayon? She keeps on glancing to the newbie like she wants to know something or she's curious to him.

Napadako naman ang tingin ni Alanis sa lalaking tahimik na kumakain. Blue Marquez is not your typical middle class man. Hindi halata sa kaniyang mukha at pangangatawan ang pagiging middle nito. Kung hindi lamang sumabay si Marquez sa pagpasok ng mga taga middle class ay iisipin niyang isa itong upper.

Natigil siya sa pag-mamatyag ng magsalita si Catriona, "A, Doug, We'll go ahead na. Berry and I need to finish our activity e."

Tumango silang dalawa at hinayaan ang dalawang maglakad papalabas ng maingay na cafeteria.

Nang mawala sila sa paningin ng dalaga ay wala sa sarili nitong naitanong sa katabi ang sinabi ng kaniyang kaibigan, "Berry?"

Fonacier two is just eating his fries. Ilang segundo pa ay humarap ito sa kaibigan at sinagot ang tanong, "Cat likes food."

"And you're fine with that?"

"I don't know. We surely do have the same blood in our veins but I don't own her heart."

Umiling siya sa tinuran nito at tumingin sa inupuan ng dalawang tao na parang may mahahanap siyang sagot sa mga ikinikilos ng mga ito.

"Are you really fine with that?" Tanong niya muli sa katabi.

Pinunasan niya muna ang kaniyang bibig bago nagsalita, "Like what I have said, I don't know. I have my doubts because I don't really know that color. But one thing is for sure..."

"What?" Buryo niyang tanong habang ang katabi niya naman ay nakatingin sa kaniya na para bang tinitingnan nito ang kaniyang kaluluwa.

"If my Cat loves that Color, then I'm willing to defend him from our parents and..."

Lumingon siya papalayo sa mata ng lalaki habang hinihintay ang sasabihin nito.

"And if that happens to you, I promise to set you free even if that cause my digits, Al. I promise you."

JOYOUSMELODY