CESSA'S POV:
Kinabukasan maaga kaming nagising lahat. Gising na din sila Allison at Sylus, Yvonne, pati yung isang lalaki.
Kinuwento namin ni Zayne, Yvonne at Rafael sa kanila lahat ng nangyari kagabi.
"So hahayaan lang natin sila Drea dun ng limang araw? Hindi ba tayo kikilos at iligtas sila?" Pagtatanong ni Felix.
"Pero hindi natin alam kung saan nila dinala sila Drea." Sabi naman ni Yvonne.
"Teka, ano palang pangalan mo?" Pagtatanong ko dun sa lalaki kaya napatingin sya sakin.
"Ako si Xavier, ibig sabihin pinatay nila lahat ng tao dito?" Pagtatanong ni Xavier.
"Oo, kung gusto mo, tingnan mo sa labas." Sabi ko.
"Hoy babae!" Sigaw ng isang babae na pamilyar ang boses sa labas.
"Teka sino yun?" Pagtatanong ni Felix.
"Si Vivian." Sabi ni Rafael.
Si Vivian.
Agad naman akong lumabas at si Vivian nga na galit na galit sakin.
"Hoy ikaw babae ka, sumusobra ka na, sinuntok mo ako kagabi at hindi ko yun makakalimutan!" Sigaw ni Vivian sakin at galit na galit.
"Huh? Hindi mo ba alam yang ginagawa mo? Nagkagulo lahat, tingnan mo yang paligid! Pinatay nila lahat ng tao, dapat nga mag pasalamat ka pa samin at nilagay ka namin dun sa school bus at hindi ka nila nakita!" Sigaw ko sa kanya.
Napatingin naman sya sa paligid at natauhan.
Naglabasan na rin yung iba sa mga room.
"Anong nangyayari?" Pagtatanong ni Greyson.
"Nag wawala na naman si Vivian." Sabi ni Felix.
"A-anong nangyari dito? Bakit ang daming patay?" Pagtatanong ni Vivian habang nakayuko sya at nakahawak sa magkabila nyang tenga.
Nandito na kaming lahat sa labas.
"Ano nang gagawin natin?" Pagtatanong ni pagtatanong ni Felix.
"Lilinisin tong lugar na to, pagsasamahin natin yung mga patay at lalabas ang iba satin para kumuha ng pagkain at mga tubig." Sabi ni Greyson.
"Huh? Gusto mo ba kaming mamatay? Uutusan mo kaming lumabas para kumuha ng mga pagkain, kung gusto mo edi ikaw." Sabi naman ni Vivian.
"Teka, may tao sa gate." Sabi ni Felix.
"Dalawa sila." Sabi ni Allison.
"S-si Noah." Sabi ni Vivian.
"Si Noah nga, may buhat buhat sya." Sabi ni Josephine at tumakbo papunta dun kay Noah.
"Si Thomas yun Rafael diba." Sabi ni Xavier.
Magkakilala na pala sila.
"Patay na sya." Sabi ni Rafael kaya napatingin kami sa kanya.
"Ha? Paano? Anong nangyari?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Xavier.
"Pinagbabaril sya nila Lucius." Sagot ni Rafael.
"Sinong Lucius?" Naguguluhang pagtatanong ni Vivian.
"Yung leader ng mga taong pumatay sa mga kasama natin dito sa school." Sagit ni Greyson.
"Huh? Bakit? Anong dahilan nila?!" Pagtatanong ni Vivian.
"Basta hindi mo rin naman maiintindihan." Sabi ko.
Nakalapit na nga sila Josephine at Noah na buhat buhat si Thomas.
Nilapag nila sa lupa si Thomas at lumapit si Rafael dun.
"Kailangan natin syang ilibing." Sabi ni Rafael.
"Kayo lang yung natira?" Pagtatanong ni Noah.
"Hindi mo ba nakikita? Patay na lahat ng mga tao, kinuha nila si Caleb." Sabi ni Calista.
"Akala ko ba nakagat ka? Eh ano ka? Buhay na buhay ka, nag sinungaling ka ba samin?" Sunod sunod na pagtatanong ni Vivian.
"Oo, hindi ako nakagat o ano man, natatakot lang ak-" Sabi ni Noah pero biglang nag salita si Calista.
"Natatakot saan? Dun sa mga lalaking yun? kaya iniwan mo kaming lahat dito? Kung andito ka sana kagabi hindi mamatay lahat ng mga tao dito, ikaw pa naman yung namumuno dito tapos iiwanan mo kaming lahat, kinuha nila sila Caleb, at hindi ko alam ang gagawin ngayong." Sabi ni Calista at galit na galit.
"Nagawa mo pang magsinungaling na nakagat ka, anong kinalabasan? Nagkagulo yung mga tao dahil sa takot diba? dahil naduduwag ka lang?" Sunod sunod na pagtatanong ni Calista at tahimik lang kaming lahat.
"Isa ka pa Vivian!" Sigaw ni Calista kay Vivian kaya napatingin si Vivian kay Calista.
"Ano?! Ako na naman?!" Sigaw din ni Vivian.
"Oo! Kung hindi ka nag ingay at itinikom mo lang yang bunganga mo hindi magkakagulo lahat ng tao! Ano bang problema mo?!" Sigaw ni Calista sa kanya.
"Lahat kayo, at wag lang ako ang sisihin mo dito, lahat sila sisihin mo, hindi ko na kasalan kung nakuha nila si Caleb dahil tatanga tanga k- ah!" Daing ni Vivian dahil malakas syang sinampal ni Calista.
"Manahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin, baka kung ano pang magawa ko sayo." Sabi ni Calista at nakahawak naman si Vivian sa kanan nyang pisngi.
"Sino yung naiwan kagabi sa clinic? Kayo Yvonne? Kasama nyo si Caleb kagabi diba? Anong nangyari?! Paano nila nakuha si Caleb!" Sigaw ni Calista kay Yvonne.
"Pwede bang kumalma ka Calista? Sinigawan mo na lahat ng mga andito." Sabi ni Rafael kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Bakit? May masasabi ka ba? Diba kasama nyo si Caleb kagabi?" Pagtatanong ni Calista.
"Oo kasama namin sya, lahat kami nahirapang labanan yung dalawang lalaki, nasuntok si Caleb at nawalan sya ng malay, tinulungan kami ni Yvonne kahit alam nyang may hika sya, buti nga nakakita ako ng inhaler kagabi sa clinic eh. Napatay ko yung isang lalaki sa kanila at bumalik naman yung isang lalaki dahil umalis sya nun, kaya pagbalik nya nagtago kami ni Yvonne sa cr at pagkalabas namin ng cr, wala na yung lalaki at si Caleb." Pagpapaliwanag ni Rafael at natahimik naman si Calista.
"Ikaw Noah, ang lakas naman ng loob mong mag sinungaling samin at nasa labas ka lang ng school habang nahihirapan kami dito." Sabi ni Vivian.
"Manahimik ka nga, tulog ka lang naman buong gabi dun sa bus." Sabi ko kaya napatingin sila sakin.
"Kasalanan ko ba yun? Kayo naman nagdala sakin dun diba." Sabi ni Vivian.
"Dapat nga hinayaan ka na lang namin mamatay dahil wala ka namang ambag dito sa grupo." Sabi ko.
"Ang kapal naman ng mukha mo." Sabi naman ni Vivian.
"Bakit totoo naman." Sabi ko at natahimik na lang si Vivian.
"Noah ano? Paano mong nagawang magsinungaling at iwanan na lang ang mga taong inaalagaan mo dito?" Pagtatanong ni Calista.
"Magpapaliwanag ako at magsasabi na ako ng totoo sa inyong lahat." Sabi ni Noah na ikinagulat namin.
"Totoong ano?" Pagtatanong ni Vivian.
"Hindi ako pulis." Sabi ni Noah na ikinagulat namin.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ni Vivian.
"H-hindi ka pulis?" Pagtatanong naman ni Calista.
"Pero paano?" Pagtatanong naman ni Allison.
"Nakakabaliw na, ang gulo na." Sabi ni Xavier.
"Hindi ako totoong pulis at ganun din si Josephine, ni isa samin ay walang pulis, mga normal na tao lang kami kagaya nyo." Sabi ni Noah at tahimik lang kaming lahat.
"Hindi ako nakagat pero muntik na akong maging zombie." Sabi ni Noah na lalong ikinagulat namin.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ni Greyson.
"Paano?" Pagtatanong naman ni Felix.
"Nung mahina yung katawan ko, bigla akong nahilo at nagsuka kagaya nyong tatlo." Si Noah at tinuro si Allison, Sylus at Xavier.
"Mahina yung katawan nyo nung mga oras na yun at mas mabilis kayong malalapitan ng virus kahit hindi kayo nakagat ng zombie." Sabi ni Noah.
"At kung patuloy lang na magiging mahina yung katawan nyo ay hindi nyo na yun makokontrol at tuluyan na kayong magiging zombie." Dugtong ni Noah.
"Kaya natatakot akong mag stay dito at gusto na lang umalis dahil baka mapahamak pa ang mga tao." Sabi nya.
"Ang galing." Sabi naman ni Vivian.
"Sa tingin mo maniniwala kami sa mga sinasabi mo? Ang sabihin mo naduduwag ka lang. Matapos nyo kaming lokohin lahat sa tingin mo maniniwala pa kami sayo." Sabi ni Vivian.
"So ikaw Josephine alam mo lahat ng to? Pero wala kang sinabi samin, hindi naman pala kayo mga pulis." Dugtong ni Vivian.
"Gusto lang naming panatilihing ligtas ang mga tao." Sabi naman ni Josephine.
"Pero nagsinungaling parin kayo samin, kay Calista at sa lahat." Sabi ni Vivian.
"Oo, nagsinungaling kami, wala ring tutulong satin kahit saan, wala na tong katapusan, lahat tayo mamamatay." Sabi ni Josephine na ikinatakot ko.
Natahimik naman kaming lahat, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Noah.
"Kailangan nating mag plano." Sabi ni Noah.
"Bakit may alam ka ba? Nasaan ka kagabi? Wala ka naman dito diba?" Sunod sunod na pagtatanong ni Vivian.
"Manahimik ka nga, wala ka namang naitutulong." Sabi ko.
"Wag ka nga-" Sabi ni Vivian pero biglang nag salita si Rafael.
"Manahimik ka." Sabi ni Rafael.
"Sa ika limang araw ibabalik nila sila Caleb, Drea at Derrick, kapalit nitong school, malinis at wala yung mga patay. May mga tambak na pagkain at tubig." Sabi ni Greyson.
"Pero hindi ako naniniwalang makikipag palit lang sila, sigurado akong papatayin nila tayong lahat." Dugtong ni Greyson.
"Kailangan gumawa tayo ng dalawang plano, yung iba ngayon ay kukuha ng mga pagkain at tubig at yung iba ay aalisin yung mga patay dito." Sabi ni Noah.
"Ang ikalawang plano ay hahanapin natin sila Derrick kung saan sila dinala." Dugtong ni Noah.
"Ano makikipag patayan tayo sa kanila?" Pagtatanong ni Vivian.
"Hindi ako sang ayon sa mga plano nyo, hindi ko ipapahamak ang sarili ko para lang sa mga walang kwentang tao." Sabi ni Sylus na ikinagulat namin.
"Ang sama naman talaga ng ugali mo no, matapos ka naming tulungan yan ang sasabihin mo?" Galit na sabi ni Calista.
"Bakit? Sinabi ko bang tulungan nyo ko? Problema mo na yan kung paano mo hahanapin yang kapatid mo, problema nyo na yan." Sabi ni Sylus at natahimik naman kami.
Kinuyom naman ni Calista yung kamay nya at agad lumapit kay Sylus. Agad nyang sinampal si Sylus na ikinagulat namin.
"H-hindi kita mapapatawad..." Sabi ni Calista at naiiyak, agad syang tumakbo papalayo samin at pumasok sa isang room.
"Ang sama ng ugali mo Sylus." Sabi ni Kevin.
"Wala kang pakealam." Sabi ni Sylus.
"T-tama naman si Sylus, hindi na namin problema yan." Sabi ni Vivian at lumapit kay Sylus.
"Lumayo ka nga sakin." Sambit ni Sylus at naglakad papalayo.
"Bukas naman yung gate, pwede ka nang umalis!" Sigaw ni Rafael kay Sylus at alam kong narinig yun ni Sylus.
"Sumama ka na din Vivian, wala ka namang kwenta." Dugtong ni Rafael.
Tinarayan naman ni Vivian si Rafael at naglakad na din papalayo si Vivian.
"Tulungan nyo muna akong ilibing si Thomas, hindi pwedeng iwan ko na lang sya ng ganito." Sabi ni Rafael.
"Tulungan na kita." Sabi ni Yvonne.
"Tulungan ko na din kayo." Sabi naman ni Xavier.
"Yung iba, ilabas nyo yung mga patay sa loob ng mga room." Sabi ni Noah.
"Tara Cessa." Sabi ni Felix.
Ang gulo na ng grupo na to ano nang gagawin namin, kailangan naming magkasundo.
*
*
DREA'S POV:
"Kamusta ka Caleb? Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ko.
"O-oo, nasaan tayo? Nasaan si ate Calista?" Pagtatanong no Caleb.
"Kinuha nila tayo, wag kang mag alala ibabalik rin nila tayo." Sabi ko.
"Okay lang ba si ate Calista?" Pagtatanong ulit ni Caleb.
"Oo, okay lang sya, kasama sya nung iba." Sabi ko.
"Sila Rafael at Yvonne okay lang ba sila?" Pagtatanong ni Caleb pero hindi ko alam ang isasagot, hindi ko kasi sila nakita kagabi, sana okay lang sila.
"Oo, okay lang din sila." Sabi ni Derrick.
Nagulat naman kami ng biglang bumukas yung pinto.
May pumasok na isang lalaki at may dala syang pagkain at tubig.
"Ikaw lalaki, pakainin mo yang mga kasama mo, at wag mong susubukang tanggalin yang mga tali sa kamay nila at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka, naiintindihan mo ba ako?" Sabi nung lalaki kay Caleb at tumango naman si Caleb.
"Kumain na muna kayo." Sabi ni Caleb.
"Gusto ko ng tubig." Sabi ni Derrick.
Pinakain na nga kami ni Caleb habang kumakain din sya.
Kamusta na kaya yung iba dun, sana okay lang sila.
*
*
CESSA'S POV:
Nailabas na nga namin yung mga patay na tao na nasa loob ng mga room, nakakaawa yung mga bata at matatanda na pinatay nila nang walang kalaban laban.
Pinag sama sama na nga namin yung mga patay na tao.
"Ano nang gagawin natin sa kanila?" Pagtatanong ni Xavier.
"Oh ikaw pala, anong pangalan mo?" Pagtatanong ni Greyson.
"Xavier."
"Ako si Greyson."
"Kamusta sila Rafael?" Pagtatanong ko.
"Andun pa kasama si Yvonne, nailibing na namin si Thomas, binalot muna namin sya sa kumot, hindi parin ako makapaniwalang patay na sya at ang mga tao dito. Parang ang bilis ng mga pangyayari." Sabi ni Xavier.
Lumapit naman si Noah samin.
"Kailangan may kumuha ng gasolina sa labas, kailangan nating sunugin yung mga patay." Sabi ni Noah.
"Alam kong hindi makikipag tulungan yung iba, kaya pwede bang samahan nyo ako? Kukuha narin tayo ng mga pagkain, wag kayong mag alala may mga baril ako dyang nakatago." Dugtong ni Noah.
"Sige sasamahan kita." Sabi ni Greyson.
"Sasama na din ako." Sabi naman ni Xavier.
"Gusto ko ding sumama!" Sigaw ni Allison.
"Wag na, ako na sasama sa kanila." Sabi ni Zayne kaya napatingin kami sa kanya.
"Tama, mas mabuti kung dito ka muna at magpalakas." Sabi naman ni Noah.
"Eh bakit si Xavier? Kailangan nya ring magpalakas diba." Sabi ni Allison.
"Wag kang mag alala okay na ako." Si Xian.
"Wag ka ng makulit babae." Sabi ni Zayne.
"Hmm okay." Sabi naman ni Allison.
Napansin ko lang hindi na masyadong tahimik si Zayne ah.
"Okay tara na." Sabi ni Xavier.
"Pwede ba akong sumama?" Pagtatanong ko kaya napatingin silang lahat sakin sakin.
"I mean, ano wala naman kasi akong gagawin dito, sasama na lang ako sainyo para tumulong. Mas madami tayo mas ligtas, wag kayong mag alala hindi ako gagawa ng ikakapahamak natin." Sabi ko.
"Sige, basta wag kang lalayo samin." Sabi ni Greyson at napatango naman ako.
-
-
-
Andito na nga kami sa may parking area, gagamitin naming sasakyan yung school bus.
Nag aayos na kami at yung mga dadalhin naming armas, binigyan ako ni Noah ng baril pero yung itak parin yung gagamitin ko.
"Sure kayo? Kayo lang Lima? Pwede naman akong sumama." Sabi ni Rafael.
"Hindi na okay lang, mas mabuti kung dito na lang kayo." Sabi naman ni Noah.
"Mag iingat kayo." Sabi ni Josephine.
"Mag iingat kayo Cessa." Sabi ni Yvonne at tinanguan ko naman sya at nginitian.
Nakita ko naman si Calista sa malayo na nakatingin samin.
"Bumalik agad kayo ha, mag ingat kayo." Sabi ulit ni Josephine.
"Oo, mag ingat din kayo dito." Sabi ni Noah.
"Ako na mag da-drive." Sabi ni Greyson at sumakay na ng school bus.
Sumakay na din ako ng school bus at sumunod na din sila Zayne, Xavier at Noah.
Pinaandar na nga n Greyson yung school bus at tuluyan na kaming lumabas ng school.
*
*
YVONNE'S POV:
Nakaalis na nga sila Cessa.
"Teka, nakita nyo ba si Kevin?" Pagtatanong ko sa kanila.
"Huli ko syang nakita dun sa may roof top, baka andun pa sya." Sabi ni Allison.
"Tara puntahan natin." Sabi ko.
Nagpunta na kami nila Rafael at Allison sa rooftop ng building.
"Wala naman sya dito." Sabi ni Rafael.
"Hanapin ulit natin sa baba." Sabi ko naman.
*
*
CESSA'S POV:
Nasa kalagitnaan kami ngayon ng byahe at papunta kami ngayon sa kabilang city.
"Hindi tayo papasok sa pinaka loob ng city, baka ma corner tayo ng mga zombie, baka hindi na tayo makalabas pa ng buhay." Sabi ni Noah.
"Kailangan nating makahanap agad ng store." Sabi naman ni Greyson.
"Bilisan din natin, baka nagkakagulo na sila dun." Sabi ni Zayne.
*
*
YVONNE'S POV:
Agad kaming pumasok sa isang room at nakita namin si Kevin na may kasamang lalaki.
Nagulat naman sila nung nakita kami.
"Kevin?" Ako.
"Teka, makinig muna kayo." Sabi ni Kevin.
"Sino sya?" Pagtatanong ni Rafael.
"Luke, mabait syang tao." Sabi ni Kevin.
"Sigurado ka ba?" Pagtatanong ni Allison.
"Oo." Sagot ni Kevin.
"Wag kayong mag alala, wala akong binabalak na masama." Sabi nung Luke.
"Paano kami makaka sigurado?" Pagtatanong ni Rafael.
"Hindi ako kasamahan o tauhan ni Lucius." Sabi nung Luke.
"Ganito kasi, sabi nya sumama sya sa sasakyan nila Lucius na hindi nila nalalaman, kasi tatakas sya, hindi naman nya aakalaing dito sya mapupunta, kaya nung gabi umalis na sya dun sa sasakyan at nagtago dito." Pagpapaliwanag ni Kevin.
"Huh? Bakit? Bakit ka tumakas kay na Lucius?" Pagtatanong ni Allison.
"Pinaplano nyang patayin lahat ng tao na nakatira sa subdivision." Sagot ni Luke na ikinagulat namin.
*
*
CESSA'S POV:
"Yung store na yun, kita nyo yun? Dun tayo papasok." Sabi ni Noah.
Nandito kami ngayon sa loob ng bus, nakatigil kami sa tabi ng iba pang mga sasakyan.
"Wala munang gagamit ng baril, kaunti lang naman yung mga zombie sa paligid." Sabi ni Greyson.
Nag ready na kami.
*
*
YVONNE'S POV:
Lumabas na nga kami ng building at sasabihin namin sa iba yung tungkol dito kay Luke.
"Sino yang kasama nyo, ngayon ko lang sya nakita?" Pagtatanong ni Josephine ,tinutukoy nya si Luke.
"Saan nyo sya nakita?" Pagtatanong ni Felix.
"Dun sa room sa second floor." Sagot ni Kevin.
"Sya si Luke, galing sya kay na Lucius." Sabi ni Rafael na ikinagulat nila.
"Huh? Kasamahan sya nung lalaking yun, lumayo kayo sa kanya baka patayin nya tayo." Sabi ni Vivian kaya napatingin kami sa kanya.
"Ha? Kasamahan sya ni Lucius? Saan nyo dinala si Caleb? Sabihin mo sakin." Sabi ni Calista at lumapit kay Luke.
"Teka lang Calista, may sasabihin muna kami." Sabi ni Rafael.
"Sino yang lalaki na yan?" Pagtatanong ni Sylus kaya napatingin kami sa kanya.
"Wag kang mangealam dito, wala kang pake diba? Umalis ka dito." Sabi ni Calista.
*
*
CESSA'S POV:
Nasa loob kami ng store ngayon at nakakuha na kami ng mga pagkain.
"Cessa, Xavier at Zayne, bumalik na kayo sa bus, salubungin nyo kami dun sa may gas station, kukuha pa kami ng gasolina." Sabi ni Noah.
"Pero dumadami na sila sa labas." Sabi ko.
"Ganito, guguluhin ko sila, oh itong bag ikaw na magdala." Sabi ni Zayne at binigay yung dala nyang bag kay Xavier.
"Ha? Anong plano mo? Dalawang bag na mabigat ang dadalhin ko?" Pagtatanong ni Xavier.
"Makinig muna kayo, Cessa ikaw mag cover kay Xavier kung may zombieng malapit sa inyo hanggang sa makarating kayo sa bus, magpapahabol ako sa kanila, iikot ako sa likod papunta dun sa gas station kung saan kukuha sila Noah at Greyson, dun na lang tayo magkitakita, maliwanag ba?" Sabi ni Zayne at tumango naman ako.
"Mag ingat ka." Sabi ni Greyson at tumango naman si Zayne.
Lumabas na nga si Zayne ng store at nag simulang mag ingay, agad naman syang narinig ng mga zombie kaya agad syang tumakbo at hinabol na sya nung mga yun.
"Tara na!" Sambit ni Noah at lumabas na kami.
Tumakbo na nga papunta dun sa may gas station sila Greyson at Noah.
Tumatakbo naman kami ni Xavier papunta sa bus pero ang bagal nyang tumakbo dahil mabigat yung dalawang bag na dala nya.
"Teka Cessa!" Sigaw ni Xavier at natataranta.
"Wag kang maingay." Sabi ko.
"Wag mo akong iwan." Sabi naman ni Xavier.
"Hindi kita iiwan." Sabi ko.
"Rawrr!"
"Rawrrr!"
May dalawang zombie sa likod at ang bilis nilang tumakbo.
Lumingon naman si Xavier kaya lalo syang nataranta at natakot.
"Aaaaaaaahhh! Cessa!" Sigaw ni Xavier.
Agad ko naman syang hinila para mas bumilis yung takbo nya at sumabay sya sakin. Agad ko rin syang binitawan dahil baka madapa sya.
"B-barilin mo sila!" Sigaw ni Xavier at natatakot.
"Wag ka nang mag salita! Bilisan mo na lang, natataranta ako sayo." Sigaw ko din.
"Rawrr!"
"Rawrr!"
"Bilisan mo!" Sigaw ko habang tumatakbo kami ni Xavier.
Nagulat na lang ako ng bigla syang natisod at nadapa, nabitawan naman nya yung isang bag kaya napatigil ako sa pag takbo.
Shit.
"Rawrr!"
"Rawrr!"
"Cessa!" Sigaw pa ni Xavier, natataranta na ako, anong gagawin ko.