webnovel

Chapter Six

DREA'S POV:

Nakalabas na nga kami ng gubat at andito na kami sa may highway. Ang daming sasakyan ang mga nakatigil at nakaharang sa kalsada. Yung iba ay mga nakataob at tumba pa.

"May mga zombie ba? May nakikita kayo sa malayo?" Pagtatanong ni yvonne.

"Wala, mga patay madami." Sabi ni allison.

"Malabo mata mo yvonne?" Pagtatanong ni cessa.

"Ah oo, nearsighted kasi ako." Sagot ni yvonne.

"Ahh kaya pala." Sabi ni cessa.

"So ano na, wala namang zombie sa paligid, tara na maglakad." Sabi ni felix.

"Teka, patay na yung mga zombie-" sabi ni greyson.

"Wow, gusto mo pa talaga na may zombie at habulin tayo hanggang kamatayan." Sabi ni cessa.

"Ibig sabihin nya bakit patay yung mga zombie dito, ibig sabihin nun may pumatay sa mga zombie na yan. Ibig sabihin may mga tao nang nauna na dumaan satin dito." Paliwanag ni sylus.

"Uhmm okay, sorry." Sabi ni cessa.

"Shut up na lang ako bhe." Bulong pa ni cessa sakin.

"Tara na, para makahanap agad tayo ng matutuluyan bago mag gabi." Sabi ni kevin at nag simula na nga kaming maglakad.

Ang daming mga patay na zombie sa paligid at tahimik lang kaming naglalakad.

Malayo layo na rin ang nalakad namin at napatigil na lang kami sa paglalakad dahil may harang yung dadaanan namin.

Nakahelerang mga sasakyan ang nakaharang sa gitna ng kalsada.

"Tara na, sa ibabaw na lang tayo ng sasakyan dumaan." Sabi ni felix.

"Teka lang, baka may tao sa kabila ako na mauna." Sabi ni greyson.

*

*

GREYSON'S POV:

Umakyat na nga ako sa ibabaw ng sasakyan at bumaba sa kabila.

May nakita naman akong isang sasakyan dun sa gilid sa tabi ng puno. Hindi ko naman kita kung merong tao sa loob nun, dahil tinted yung bintana nung kotse.

"Ano? Okay ba? Safe ba?" Pagtatanong ni cessa.

"May mga zombie ba?" Pagtatanong naman ni kevin.

"Wala wala, okay safe, umakyat na kayo." Sabi ko.

*

*

RAFAEL'S POV:

"Hoy gago! Thomas gumising ka!" Sabi ko at ginising ko ang katabi kong si thomas.

Nasa loob kami ng sasakyan at may nakita akong mga tao na umaakyat dun sa kotse.

"Bakit?!" Tanong ni thomas.

"Gago may mga tao, tingnan mo." Sabi ko.

"Saan?" Tanong nya at medyo inis pa dahil bagong gising.

"Ayun oh, ang dami nila." Sabi ko.

"Gago?" Sabi nya.

"Anong gago, bumaba ka kausapin." Sabi ko.

"Ano ako lang? Samahan mo ako gago." Sabi nya.

"Oo na bilis." Sabi ko at kinuha na namin yung mga baril namin.

Bumaba na kami ng kotse at agad namang tinutukan ni thomas ng baril yung mga tao.

"Teka lang." Sabi nung isang lalaki sa kanila.

"Ibaba mo nga yang baril mo, mukha ba kaming zombie?" Sabi nung isang babae na kasama nila.

"Sino kayo? Saan kayo galing?" Pagtatanong ni thomas sa kanila.

"Hi, ako si rafael, sya si thomas." Pagpapakilala ko.

*

*

DREA'S POV:

"Bakit ka nagpakilala, sila yung tinatanong ko at saka wag kang maging mabait sa kanila." Sabi nung thomas.

"Mukha naman silang mabait." Sabi naman nung rafael.

"Oo mabait naman kami, kaya sabihin mo na dyan sa kaibigan mo na ibaba yang baril." Sabi ni cessa.

"Rafa, icheck mo sila isa isa, baka may nakagat sa kanila." Sabi nung thomas.

"Wala." Sabi ni sylus kaya napatingin kaming lahat sa kanila.

"Ibaba mo nga yan." Sabi ni sylus dun sa thomas, tinutok naman ni thomas yung baril kay sylus.

"Wag kang lalapit, hindi ako mag dadalawang isip na barilin ka." Sabi ni thomas.

"Sige, subukan mo, nanginginig nga yang mga kamay mo." Sabi ni sylus.

"Tumigil ka nga sylus." Sabi ni cessa.

"Ibaba mo sabi yan!" Sigaw ni sylus at agad na hinawakan sa collar ng damit si thomas. Nabitawan naman ni thomas yung baril.

"Uy sylus!" Sabi ni kevin.

"Itigil nyo na yan." Sabi ni felix.

Nagulat na lang kami ng biglang bumagsak si sylus sa kalsada.

"Nagpakilala ako ng maayos, sana ganun din kayo." Sabi nung rafael at may hawak syang taser.

"Pagpasensyahan nyo na yung kasama namin, sorry." Sabi ko kaya napatingin sila sakin.

"Saan kayo galing? Sino kayo?" Pagtatanong nung rafael, kaya nagpakilala kaming lahat.

"Galing kami sa city, papunta kami ngayon sa kabilang city kasi andun daw yung mga rescuer." Sabi ni cessa.

"Wala, walang tutulong sainyo dun, galing din kami dun at umalis na kami dun, sa isang school kami naka stay ngayon, pwede kayong sumama samin, kung gusto nyo. Pero kung tutuloy kayo papuntang kabilang city, hindi namin kayo pipigilan." Sabi ni rafael.

"Sasama kami sainyo, mas makakabuti kung sumama muna kami sa inyo sa ngayon." Sab ni greyson.

"Hmm sige, thomas balik ka muna sa school sabihin mo kay na noah yung tungkol dito, yung school bus yung gamitin nyo pabalik dito." Sabi ni rafael.

"Sige, wala akong tiwala sa mga taong yan, mag ingat ka." Sabi ni thomas at sumakay na dun sa kotse at umalis.

"Ahh sorry pala sa ginawa ko sa kasama nyo." Sabi ni rafael.

"Hindi hindi, tama lang yang ginawa mo sa kanya, masama ugali nyan eh." Sabi ni cessa.

"Madami ba kayo sa school na yun?" Pagtatanong ni greyson.

"Oo, madami rin kami, may matatanda at mga bata." Sabi ni rafael.

"May dala ba kayong mga pagkain? Kumain muna kayo, mamaya na kayo magtanong kay noah, sya yung namumuno samin dun sa loob ng school, mabait yun, sya nakaisip ng mga paraan na yan, hinarang namin yang mga sasakyan na yan." Dagdag ni rafael.

*

*

RAFAEL'S POV:

Maya maya pa nakarating na sila noah, kasama nya si josephine, caleb at calista pati rin si thomas.

Si noah yung namumuno samin dun sa school, isa rin syang pulis. Yung ibang mga kasama nya dyn ay pulis din.

Si josephine naman ay pulis din na kasama ni noah.

Si caleb at calista ay mag kapatid, marami rin silang naitulong sa mga tao dun kaya lagi silang kasama nila noah.

"Ayan sila." Sabi ni thomas.

"Anong nangyari dyan sa kasama nila?" Pagtatanong ni noah.

"Ah wala, may hindi lang pagkakaunawaan kaya ginamitan ko ng taser." Sabi ko.

"Sige, sumakay na kayo sa bus, dun na kayo mag pahinga at mag usap usap." Sabi ni noah.

Inakay na nga namin ni thomas yung sylus at isinakay sa bus. Sumakay na din yung iba.

*

*

DREA'S POV:

Nakarating na nga kami sa may school, malaki din yung school at may mga building na hanggang third floor.

Tatlong building lahat ng nandito.

Pinasok na nga yung school bus dun sa loob at sinarado naman nung mga tao yung gate ng school.

Ipinarada na yung school bus sa tabi kaya nagbabaan na kami.

Ang dami ngang mga tao, nakatingin lang sila sa amin at nagbubulungan.

"Calista, hanapan mo muna sila nang matutulugan tapos tawagin mo ako pag okay na." Sabi nung lalaki.

"Ahh sige, sumunod kayo sakin." Sabi nung calista at naglakad kaya sumunod kami.

"Caleb, bigyan mo sila ng pagkain." Nakinig ko pang sabi nung lalaki.

Dinala nga kami nung calista sa isang room.

"Wait lang, tatawagin ko lang si sir noah." Sabi ni calista.

"Ahh sige." Sabi ni yvonne.

"Ang dami rin palang mga tao dito noh." Sabi ni felix.

"Oo, sila siguro yung mga nakaligtas sa city nila." Sabi ni cessa.

"Safe naman tayo dito, tapos ang bait pa nila, pulis din yung iba sa kanila pwede natin silang tanungin kung saan dinala yung mga nirescue sa city natin." Sabi ni yvonne.

"Oo tama." Sabi ni kevin.

"Hintayin na lang natin sila." Sabi ni greyson.

Napasilip naman ako sa bintana at tiningnan yung dalawang building. Walang kahit isang tao ang andun, bakit kaya.

Maya maya pa dumating na sila, may dala din silang pagkain.

"Kumain kayo." Sabi nung lalaki.

"Ako pala si noah, isa akong pulis, ito naman si josephine, pulis din sya, kami ang namamahala sa kaligtasan ng mga tao dito." Sabi ni noah.

Isa isa naman kaming nagpakilala sa kanila, pero si sylus ay wala paring malay.

"Hi ako si calista." Sabi nya at nag hi sabay ngiti.

"Ako si caleb." Sabi nya at nginitian kami.

"Sabi ni rafael, galing daw kayo sa city at papunta naman kayo ngayon sa kabilang city. Pero sinasabi ko sainyo, wag nyo ng subukang pumunta dun. Mapapahamak lang kayong lahat, napakaraming zombie ang andun at walang mag rerescue sa inyo dun." Sabi ni noah.

"Pero, nasaan yung mga rescuer? Yung nag rescue sa mga tao na nasa city namin?" Pagtatanong ni kevin.

"Hindi namin alam." Sabi noah.

"Paanong hindi nyo alam?" Tanong ni greyson.

"Dahil kahit isa walang nag rescue sa amin dun. Dinadaanan lang nila yung city namin, nanggaling sila sa city nyo at dinaanan lang nila kami, kaya napagplanuhan naming mga pulis na dalhin yung makakaya naming dalhin na mga tao dito sa school na malayo sa dalawang city na pinanggalingan nyo at ang city namin." Paliwanag ni noah.

"Sana maintindihan nyo, mahirap ang sitwasyon natin." Sabi naman nung josephine.

"Nakakabilib, nagawa nyong makarating dito kahit na karamihan sainyo ay mga studyante." Sabi ni noah.

"Yes sir, madami kaming pinagdaanan." Sabi ni felix.

"Pwede po bang magtanong?" Tanong ko kaya napatingin sila sakin.

"Ano yun?" Tanong ni noah.

"Yung dalawang building, bakit walang mga tao dun, hindi nyo po ba ginagamit?" Pagtatanong ko.

"Yung dalawang building na yun ay puno ng mga zombie, kinulong namin sila sa mga room, at itong building lang ang ginamit namin. Kaya wag kayong pupunta dun dahil baka mapahamak kayo, sa ngayon dumito muna kayo, gumagawa rin kami ng paraan para makausap ang mga rescuer gamit ang radyo." Sabi ni noah.

"Pwede kayong sumama at tumulong sa pagkuha ng mga pagkain sa city, pero masyadong delikado, pwede din kayong tumulong na bigyan yung mga tao ng pagkain tuwing umaga, tanghali at gabi sa mga bawat rooms." Dagdag nya.

"Kung may kailangan kayo sakin, sabihan nyo lang si josephine." Dagdag nya ulit at tumango naman kami.

Lumabas naman na sila ng room.

"May mga panlatag na karton dito oh, may mga kumot din, pwede natin tong gamitin." Sabi ni allison.

"Sige ayusin muna natin, para lahat tayo merong mahihigaan." Sabi ni greyson.

"Aaaaaahhh gusto kong matulog." Sabi ni felix.

"Magpahinga kayo." Sabi ni zayne.

"Labas lang ako." Sabi ni yvonne.

"Tara bhe, hanapin natin si calista, kanina pa ako naiihi." Sabi ni cessa.

"Tara." Sabi ko.

Lumabas na nga kami.

Hindi namin alam kung nasaan si calista kaya lumapit kami dun sa isang babae para magtanong.

"Hello po." Sabi ko.

"Hi, kayo yung mga bagong dating diba? Anong maitutulong ko?" Pagtatanong nung babae.

"Alam nyo po ba kung nasan si calista?" Pagtatanong ko.

"Ahhh, punta lang kayo dun sa may pinaka unahan makikita nyo sya dun." Sabi nung babae.

"Salamat po." Sabi namin ni cessa.

Nakita naman agad namin si calista.

"Calista!" Pagtawag ni cessa.

"Ah kayo pala, ano yun?" Pagtatanong ni calista.

"Nasan yung cr?" Pagtatanong ni cessa.

"Ah dito, sumunod kayo sakin." Sabi ni calista.

Sumunod naman kami kay calista.

"Dito." Sabi nya.

"Thank you..." Sabay naming sabi ni cessa.

"You're welcome." Sabi ni calista at umalis na.

Pumasok na nga kami ni cessa sa loob ng cr.

"Hoy alam mo ba?" Pagtatanong ni cessa.

"Hindi pa." Sabi ko.

"Syempre gaga." Sabi ni cessa at natawa naman kami.

"Ano, yung kuya ni calista, kuya nya ba yun? Mag kahawig sila eh." Sabi ni cessa.

"Yata, bakit?" Tanong ko.

"Wala gwapo eh." Sabi ni cessa at natawa naman ako.

"Ano? Bakit ka natawa?" Tanong nya.

"Crush mo na naman." Pang aasar ko.

"Luh ulol hindi." Sabi nya.

-

-

-

Pabalik na nga kami sa room namin at saktong nakita namin si calista

"Tapos na kayo?" Pagtatanong ni calista

"Ahh oo, thank you ulit." Sabi ko.

"No prob." Sabi nya.

"Ah by the way, kapatid mo ba si caleb? Kuya mo?" Pagtatanong ni cessa.

"Ahh oo, pero ako yung ate nya." Sagot ni calista.

"Ah wow, ang tangkad nya." Sabi ni cessa at natawa naman si caleb.

"Bakit nyo naitanong?" Tanong naman ni calista.

"Mag kahawig kasi kayo eh, napansin ko kanina, kaya tinanong ko kung mag kapatid kayo." Sagot ni cessa.

"Ahhhh..." Sabi ni calista.

"Thank you ulit, balik na kami dun." Sabi ni cessa.

"Sige..." Sabi ni calista at nginitian kami.

"Akala ko ang isasagot mo sa tanong ni calista kung bakit mo naitanong yun, ay kasi ay gwapo." Pang aasar ko.

"Gaga hindi." Sabi ni cessa at natawa.

"Hi? Kayo yung bagong dating diba, ito yung mga damit na pinabibigay ni sir noah." Sabi ni caleb na biglang sumulpot sa harap namin.

"Ah hello." Sabi ni cessa.

Kinuha ko naman kay caleb yung kahon.

"Thank you." Sabi ko.

"You're welcome." Sabi ni caleb at umalis na.

Sa room.

Nakatingin silang lahat sa amin nung pagpasok namin, maliban kay sylus na wala paring malay.

"Ano yan?" Pagtatanong ni greyson.

"Mga damit, binigay samin ni caleb, pinabibigay daw ni sir noah." Sabi ko.

"Ahh patingin nga." Sabi ni felix.

"Akala ko tulog ka." Sabi ni cessa

"Hindi ako makatulog eh." Sabi ni felix.

Nilapag ko naman yung karton sa sahig at nagkuhaan na sila ng mga damit.

"Si yvonne? Wala pa rin?" Pagtatanong ko.

"Nasa labas pa." Sumagot si zayne.

"Ah sige hanapin ko lang, para makapili din sya ng damit at makapagpalit." Sabi ko.

"Wait, samahan na kita." Sabi ni zayne.

"Tara." Sabi ko at lumabas na kami.

Hinanap na namin si yvonne pero hindi namin sya makita at pinuntahan na lang namin si calista

"Calista?" Pagtawag ko sa kanya.

"Ah bakit?" Tanong ni calista.

"Nakita mo ba si yvonne? Yung isa naming kasama? Yung maikling buhok?" Pagtatanong ko.

"Ahhh, hindi, hindi eh." Sagot ni calista.

"Nakita ko sya kanina, na sa rooftop." Sabi ni caleb.

"Ah sige salamat, tara na zayne." Sabi ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa rooftop.

Madami ring mga tao.

"Aww!" Daing nung babae dahil nag kabungguan kami.

"Sorry." Sabi ko at napatigil naman kami.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Inis na sabi nung babae.

"Ah pasens-" Sabi ko pero biglang nagsalita si zayne.

"Hayaan mo na sya, nag sorry ka na, kung hindi pa nya naintindihan yun ewan ko na lang." Sabi ni zayne.

"Aba, kayo pa yung galit-" Sabi nung babae pero nagsalita ulit si zayne.

"Tara na." Sabi ni zayne at inis naming iniwanan yung babae dun.

Nakarating na nga kami sa rooftop at nakita na namin si yvonne.

"Yvonne?!" Pagtawag ko sa kanya.

"Ah kayo pala." Sabi ni yvonne.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko.

"Nagpapahangin lang, bakit pala?" Sabi nya.

"Tara sa baba, mamili ka ng damit dun, binigyan tayo ng damit ni sir noah eh." Sabi ko.

"Ahh sige." Sabi ni yvonne.

Pababa na kami ng hagdanan ng makarinig kami ng sigawan.

"Ano yun?" Tanong ni yvonne.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Bilisan nyo." Sabi ni zayne, kaya tumakbo na kami pababa.

Nagkukumpulan na yung mga tao.

"Jusko!"

"Anong nangyayari sa kanya?!"

"May kagat ba sya?!"

Isang lalaki yung dumudugo yung ilong at nagsusuka.

"Anong nangyayari?" Boses ni calista.

"Lumayo kayo sa kanya!" Sigaw nung babaeng nakabanggaan ko kanina.

"Caleb tawagin mo si sir noah!" Sigaw ni calista at agad namang umalis si caleb.

-

-

-

"Kamusta na sya calista?" Pagtatanong ni sir noah.

Nandito kami ngayon sa room niya.

"Okay na, nag papahinga na sya." Sagot ni calista.

"Caleb, josephine ayos lang ba yung ibang mga tao?" Pagtatanong ulit ni noah, tumango naman si caleb.

"Ano bang nangyari kanina? Vivian di ba andun ka? Ikwento mo yung nangyari." Sabi nung josephine.

Vivian pala pangalan nung babaeng nakabangga ko.

"Hindi ko alam, nakita ko na lang na nagkakagulo na yung mga tao, tapos nakita ko na lang na nagsusuka at dumudugo yung ilong nung lalaki." Sabi ni vivian.

Tumingin naman samin si na sir noah at yung iba.

"Aaah, narinig lang namin na nagkakagulo na yung mga tao kaya agad naming pinuntahan." Sabi ni yvonne.

"Wala namang ganyan na nangyayari nung wala pa sila dito, pero nung dumating sila nagkagulo na, baka isa sa kanila may dalang sakit, paalisin nyo na sila." Sabi ni vivian.

"Wag ka ngang ganyan." Sabi ni noah.

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi ni vivian at tinaasan pa ako ng kilay.

"Sino ba yang babae na yan? Ang sama ng ugali." Mahinang sabi sakin ni yvonne at alam kong narinig din yun ni zayne.

Nagulat na lang kami ng biglang bumukas yung pinto at hingal na hingal na bumungad si kevin sa amin.

"Bakit?" Tanong ni zayne.

"Anong nangyari?" Tanong ni calista.

"S-si si sylus... Nagsusuka.. tapos dumudugo din yung ilong nya." Sabi ni kevin.

"Sinasabi ko na nga ba." Sabi ni vivian.

"Josephine, wag mong hahayaang malaman ng mga tao yung tungkol dito, baka magkagulo pa." Sabi ni sir noah.

"Ikaw din vivian, tumahimik ka." Sabi ni calista.

"Okay." Sabi ni vivian at nagtaray pa.

Agad naman naming pinuntahan sila sylus.

-

-

-

Kinagabihan...

"Kamusta si sylus?" Pagtatanong ni allison kay calista.

May suot ding mask si calista.

"Nagpapahinga na sya, pero ang taas pa rin ng lagnat nya." Sagot ni calista.

"Sabi rin pala ni sir noah, quarantine muna kayo dito sa room nyo ng ilang days, si sylus ata yung nakahawa dun sa isang pasyente." Dagdag ni calista.

"Pupuntahan kayo nun ni sir noah, maghintay lang kayo, babalik din ako mamaya dadalhan ko kayo ng gamot." Sabi ni calista at umalis na.

"Dapat hindi na tayo mag stay dito, umalis na lang tayo." Sabi ni cessa.