webnovel

Ysla Paraiso Part 57

"Ysla Paraiso" Part 57.

Capatain Fiña's P.O.V.

Tanaw ko na ang isla sa malayo pa lamang, puti ang mg buhangin at mayroong mga bundok na punong-puno ng luntiang kapaligiran.

Kung sakali mang tuluyang masira ang barko ay nasisiguro kong kayang pamuhayan ng mga pasahero ng barko ang islang iyon, kaya't kailangan na naming mag-saayos sa lalong mas madaling panahon.

Ngunit ang pinakamalaling kinakaharap ko sa ngayon ay kung paanong pasusunurin ang mga mga taong lulan ng barkong ito sa pawang mga mayayamang mga tao.

Kaya't naisipan kong humingi ng tulong, una ay sa mga sundalong marino na pinamumunuan ni Sarhento Yatko. At kay Ysla Paraiso isang sikat na artistang matalik na kaibigan ko, dahil naniniwala akong sa kasikatan ni Ysla ay magagawa kong pukawin ang intensyon ng mga tao.

"Kap, nandito na po sila Kap." Ani ng isa sa aking mga tauhan sa labas ng pinto.

"Papasukin mo na." Utos ko roon.

Mahinang tumunog ang pagbukas ng bakal na pinto, at sa bawat hakbang pa lamang ay kilala ko na kung sino ang taong pumasok.

Isinaayos ko ang aking sarili at humarap, "Kumusta Ysla?" Bati ko sa napakaganda at napaka-seksing kaibigan ko.

At di nga ako nagkamali nang tumambad sa aking harapan si Ysla at isa pang lalaki.

"Fiña, sinama ko si Ino makakatulong siya dito sa atin." Pagpapakilala ni Ysla sa matangkad na lalaking kasama niya.

Siniyasat ko ang itsura niya...

"Ino? Ino Makapagal tama?" Tanong ko nang mapagtanto kung sino ang artista.

Parehong action, drama, at bold star ang dalawang ito. At sa tindig pa lamang ay nahalata ko nang may kakaibang ginawa ang dalawa bago pa magpunta rito.

Lalong-lalo na't bakas pa ang mapupulang chikinini sa leeg at dibdib ni Ysla na nasauot ng itim na sando.

Si Ino naman ay kanina ko pang napapansing nakatitig sa nakalitaw na pagitan ng dibdib ko.