webnovel

Ysla Paraiso Part 44

"Ysla Paraiso" Part 44 - Kainan sa Hapag.

Habang natutulog pa si Ysla ay naisipan kong ipaghanda muna siya ng makakain ngunit pagbukas ko ng ref sa aking kwarto sa loob ng barko, ay wala na itong laman kundi beer at mga yelo.

Nagbihis ako kaagad at gumayak papalabas, kailangan kong ihanap si Ysla ng makakain maliban sa sandata ko sapagkat hindi siya mabubusog ron.

Naglakad-lakad ako sa malawak na cruise ship at naghanap ng mabibilhan ng pagkain hanggang sa madaanan ko ang isang sikat na restaurant.

Pagmamay-ari ito ng sikat na chef na si Chef Katya Ligaya, isang chinitang chicks na napapalabas sa T.V. dahil sa sarap ng kaniyang mga luto at higit sa lahat...

Sa sarap ng kaniyang katawan...

Natatakam kong pinasok ang loob ng restaurant ni Chef Katya na may pangalang "Kainan sa Hapag".

Sa bukana pa lamang niyon ay sumalubong na sa akin ang masasarap na halimuyak at amoy, at nais ko nang matikman ang mga iyon.

"Ino Makapagal, tama ba?" Biglang sambit ng isang babae sa aking likuran, gamit ang maliit ngunit nakakaakit na boses.

Pagharap ko rito ay nakita ko ang isang babaeng may malamang pangangatawan, halos kasing-laki ng dibdib niya ang malulusog na suso ni Ysla, ngunit mas malaki ang kaniyang balakang at malalamang mga hita.

"Sa mukha ko ang tingin." Ani ng babae bago pumitik sa hangin gamit ang mga daliri.

"Ah, oo ako nga..." At doon ko lamang napagtanto na ang babaeng kaharap ko ay walang iba kundi si Chef Katya, napakaganda ng pagmumukha niya at napakaputi kagaya ng isang porselana.

"Chef Katya?" Wala sa sariling bati ko rito.

"Buti naman namukhaan mo ako." Ani Chef Katya.

"Ah, sino ba namang di makakakilala sa pinaka-seksing chef ng Pinas." Bola ko rito sabik nang siya'y matikman.

"Bolero, halika sa loob nais kong ipatikim sa mga artista kung gaano kasarap ang pagkain ko." Anyaya ni Chef Katya, at sigurado akong hindi pagkain ang tinutukoy niya.