(Sena POV)
Sorry po Papa God kung pumutok na po talaga ang galit ko sa mag-inang to!
"Gaga kayo?! Wala akong inagaw ni ano sa inyo!" Dahil gigil kong hinila talaga ang buhok ng nanay ni Rymalene. Matagal nang gustong pumutok ng butsi ko, pero dahil malaking pagkakataon na ito. Ahahaha… Heto na! Heto na talaga yung hinahanap niyo!
"Walanghiya ka talaga Sena! Mananakit tao ka!" Nagpupumiglas si Rymalene sa may hawak sa kanya, at sa kalagitnaan nga ng pananabunot ko sa kanyang nanay, napabelat pa ako sa kanya.
Lalong lumiyab ang inis nito, kaya napasuper sayan. I mean di po pala siya isang Sayan, bruhilda lang po siya. Di na ako magugulat kung makakaalpas si Rymalene sa may hawak sa kanya.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com