(Jing-ER POV)
Shhh…
Medyo nga tama ang nahaligilap nang aking radar. Nasa VIP Villa ako na ibig lang sabihin ang mga studyanteng naririto lang naman ay yung mga mahihilig humingi ng Special Treatment. Kung makakuha ma ako ng chismis tungkol sa kanila, alam kong di ko naman mapagkikitaan. Souvenir na lang since lalayas na lang din naman ako sa school na ito.
Nang silipin ko nga… isang lalaki na nakatalikod. Tipong may kausap at kaharap niya ito. Ang likuran nito… pamiliar sa akin na isa nga sa mga VIP students. Bahagyang itong Napalingon upang malaman ko kung sino ang namamay-ari ng katawang matipuno.
Napahawak na lamang ako sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala na… si Prince Kean na may kinakausap ngang babae. Kilala na di mahilig makipaghalubilo ito sa mga babae, dahil sa chismis na di nga daw ito straight na lalaki. So, napatunayan ko lang na mali nga talaga ang lumilipad na chismis sa kanya.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com