(Jing-ER POV)
Nang biglang tumigil yung instructor namin sa pag-piano na ako ang naiwan… at pinagpatuloy ko ang pagkanta. Baka gusto lang nila marinig kung kanino ang boses na napakaganda. Promise…. di ko talaga inaasahan na meron akong gantong talent. Kala ko painting lang… yun pala sa pagkanta din… kailangan ko na ata isalang ang sarili ko sa mga kantahan.
Natigil na lang ako ng matapos na ako. At napangiti sa kanilang lahat. Napa-bow para sa achievement ko at alam kong papalakpakan nila ako. Sige! Ipalakpak niyo na ang kamay niyo! Wag na kayo mahiya.
"Jing-ER!" tawag ng instructor sa akin. Umangat ang paningin ko sa kanya. O bakit umuusok ang ilong niya sa akin. "LAYASSSS!"
Nainsecure ba siya sa akin? Ang ganda naman ng voice ko ah? Bakit ako pinapalayas? Anong konect non?
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com