<<<<<<<<Zhio>>>>>>>>
" Deo . May flight ba tayo bukas..."
" Opo. Papuntang Singapore...at kasunod ang pagbisita sa Los Angeles para sa international meeting."
" Sa loob ng ilang araw.?."
" three days."
" I see..."
Tatlong araw ako mawawala. Tapos ilang linggo na din ako abala tungkol sa kompanya.
At ilang linggo na din ang nagdaan ng pumanaw ang aking ama.
... Most of all... Ilang linggo na din sumusulpot sa isipin ko ang babaeng yun.
May kumatok.
Binuksan ni Deo.
"Sir..."
Sumunod sa kanya ang isa kong tauhan.
" Master Zhio. May mga pulis sa ibaba... Kayo po ang hanap."
Anong ginagawa ng mga pulis dito... Tsk.
" Bababa ako. Ipahanap mo si Atty. Wenziel at sumunod sa akin."
Nang makababa kami.
" kayo po ba si Mr. Zhio Zel Cantheliz?."
Hindi ako nagsalita. Obvious naman siguro ... Ang gusto ko lang marinig kung bakit naritito sila at nagsama pa ng mga taga-media.
"Siya nga. Ano ang sadya ninyo sa kanya." Exsaktong pagdating ni Atty. Wenziel.
" Atty. Andes Wenziel, ang attorney ng pamilyang Zel Cantheliz." At nakipagkamay.
" Andito kami upang balaan si Mr. Zhio Zel Cantheliz na sa loob ng isang linggo huwag muna siyang aalis ng bansa, dahil nasa prosesso pa ang warrant of arrest laban sa kanya. Sa kadahilanan na pagpatay niya kay James Zel.Cantheliz."
Nagulat ako sa narinig ko.
Anong kalokohan na naman ba ito.
" Sa pamamagitan ng Mercy Killing pumanaw si James. At bilang nag-iisang Zel Cantheliz , sa kanyang pagpapasya kung nararapat na ba itong ipagpahinga... Sa haba ng taon na nacoma ito."
" Ngunit... Lumitaw sa imbestigasyon namin na hindi ninyo hiningi ang panig ng isa pang ka-anak ni Mr. James Zel Cantheliz. Si Mrs. Raya Zel Cantheliz ."
Na lalong ikinagulat ko.
Sino siya.??
" Nasisiguro ba ninyong kaanak ni James ang babaeng yan.?..."
Pagsulpot ni Dr. Eriez.
" Kung walang kasiguraduhan... Sa husgado na lamang tayo magkita-kita."
" Sinisiguro namin na di Aalis si Zhio sa bansa ...sa loob ng isang linggo."
Tumalikod na kami at nagsi-alisan na ang mga pulis na abala namang tinitigilan ng mga tauhan ko ang paglapit sa amin ng mga taga-media.
Dumiretso kami sa siute ni Atty. Wenziel.
Ngunit ng makita ko ang isang babae.
"Atty. Wenziel... Kailangan ko pa bang ulitin ... Na walang babaeng empleyado dito sa loob ng kompanya."
" ... Ms. Chin... Kailangan mo n sigurong maghanap ng bagong trabaho."
" ...may allergy nga ang alaga natin sa mga babae... "
Naupo ako.sa sofa... At iniisip kung sino si Mrs. Raya Zel Cantheliz Brundon.?...
" Mrs. Raya Zel Cantheliz... Sino siya?..."
'"Parang siya yung , natatandaan mo pa ba yung kaklase natin na may gusto kay James? ... "
" Tama... Tignan niyo 'to. "Nang mai-type ni Atty. Wenziel ang pangalan...
" Hays. Wala na namang magawa si Raya. Kamag-aral namin yan ni James nong nasa Highschool department pa lang kami... Don' t worry boy... Sa tingin ko tuloy na tuloy ka sa Singapore... Mrs. Raya Zel Cantheliz is a fake Zel Cantheliz... Nagpabago lang siya ng last name... After magpakasal ang mga magulang mo."
Tumawa sila... Habang ako... Nanahimik ... May biglang sumakit sa akin... Mula sa tiyan... Hangang sa pagkalalaki ko.
Bigla akong napapikit...
" ...Zhio??..."
Tumayo ako... Dahilan upang tuluyan akong tumumba at mandilim ang paningin ko.
Ang huli kong narinig ang malakas kong pagbagsak.