(Aby Sena POV)
Sabagay mga mayayamang tao… wala silang paki-alam kung may mga bagay silang kailangan palitan. Napatitig na lamang ako ng masama sa kanya. At di ko na napigilan ang sarili ko… Sa mga galit kong mata… tumulo na ang namumuo kong luha.
Naiyak na talaga ako. Bwisit lang at bakit kailangan ko mapaluha sa harapan niya.
"Sena." mukha nito na nawala ang ngiti sa labi. Oo Kevin, sinira mo ang araw ko. Sinira mo ang boung taon na… huli na nga lang to para manatili sa school na to… tapos… sinira mo pa talaga!
"Nakakainis ka!" tulak ko sa kanya ng bahagyang. Kaya naalis ang kamay nito sa balikat ko.
"Sena naman. Iniiyakan mo ang mga bagay na secondhand lang naman? Don't worry, bibilhan naman kita ng bago. I know what to do next. Alam kong importante ang bagay na yun sayo. Kaya lang you need a better- and high-quality ng camera. Luma na yun Sena. Saan mo ba yun nabili. Alam ko phase out na ang model na yun."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com