Claire>>>
Magagawa ba talaga ni Zhio yun?...
Ang tanong na gumugulo sa isipan ko.
Di ko kasi maiwasan dahil...paano na kung di niya anak ang dinadala ko. Paano na...
Na halos di ko mapigilan umiyak.
Hindi gano'n kasama si Zhio para pumatay.
May takot din siya sa Diyos...alam ko yun.
Pero...ano yung balitang yun...
Naramdaman kong gising na si Zhio...
Kaya pinunas ko ang mga luha ko.
"Ok ka na ba?"
Marahan akong tumango.
"Bakit umiiyak ka kanina?"
"Nahulog kasi sa pool yung tuta..."
Biglang ngumiti si Zhio.
"Si Mitchie... Kaw talaga..marunong yun lumangoy."
"Sa naawa ako eh."
"At ang OA mo umiyak."
"Sa nakakalungkot nga eh."
Tinapik niya ako sa balikat.
"Ang alalahanin mo Claire... Si baby Kevin natin."
Tinignan niya ang oras sa relo niya.
"... Kailangan ko na munang umalis. Siguraduhin mong ok ka lang ha. Sabihin mo sa kanila kung may mali kang nararamdaman at kailangan."
Napatango na lang ako...
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com