((( MOnina POV's )))
"Cedrick." parang basang sisiw kong sabi.
Ayaw ko man tumangi sa gusto niyang mangyari… kaya lang…
Wow Monina. Gusto mo din?!
"Dinalaw na ako kanina ni Bloody Mary."
Yung kilay niya, nagtatanong sa term ko nga.
"Bloody Mary, menstruation, period… Iisa lang yan Cedrick." na siyang ikinabitaw nito sa akin. Na tuluyan akong mahuhulog sa hagdan kung di kaagad nito kinabig ako.
Dismayado din ata.
Ngumiti na lang ako na parang inaasar siya. Tumayo ako ng maayos. tinapik siya sa balikat.
"Next time na lang." kindat ko. "Saka mas magandang gawin pagkatapos ng kasal natin diba?"
Sa lalo ko lang naman siya pinapalaway.
Maglaway ka Cedrick. Sa ginagaga mo ako.
Patalikod na ako ng hinila na naman ako.
"Ano? Gusto mo parin ba? Ang we-weak na nga ng sperm mo. Makikipagdigmaan pa sila sa nagdurugo kong lagusan?"
Na siyang ikinangiti nito.
Ngumiti na nga din ako.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com