Nagulat si Jess sa sinabi ng matanda. Kilala pala nito ang dating hinirang. Agad naman nagkaroon ng kuryosidad si Jess tungkol sa hinirang at sanabi nito sa matanda na magkwento pa sya tungkol sa dating hinirang.
"Kung gaanong ay mas mabuting sa tahanan namin tayo magkwentuhan, bagong hinirang" alok ng matanda kay Jess. Agad namang pumayag ang binata dahil sa kadahilanang nais nya makilala ang dating hinirang.
Sa tahanan ng matanda, bungad kay Jess ang isang babae at lalaki
"Ako nga pala si Pinyin" - pakilala ng matanda kay Jess "Eto naman ang aking apo na si Chu an" Pakilala nito sa babaeng 26 taong gulang.
"At si Taiji" Pakilala naman nito sa lalaki. 26 taong gulang na rin si Taiji. Si Taiji ang dinalang bata noon ni Ah maay at ipinaampon kay Pinyin.
Sinimulan ni Pinyin ang kaniyang kwento tungkol sa dating hinirang na si "Ah maay."
-----------------------------------------------------------------------------------
Labing pitong taon na rin ang lumipas ng lusubin ang ng mga demonyo ang baryo nila Pinyin. Pinamumunuan ng paglusob na ito ng isa sa mga prinsipe.
Huli man dumating si Ah maay at ang mga babaylan nito, ay labis pa rin ang pasasalamat ni Pinyin sa pag dating ng Hinirang. Siguradong kamatayan ang hantungan ng lahat kung hindi dumating si Ah maay. Hindi ipinalad na makaligtas ang asawa at anak ni Pinyin sa paglusob na naganap. Halos si Pinyin at ang mga apo na lamang nya ang natira sa kanilang baryo. Ang ibang nailigtas ay nabalot ng kanilang takot dahilan para sila ay magtakbuhan, mahabol at makain ng mga demonyong nasa paligid.
Malupit ang laban ni Ah maay at ang pangulo ng grupo ng mga demonyong iyon, at ang mga babaylan ay kinakalaban ang mga alagad na demonyo nito. Kaya naman wala ng nagawa si Ah maay upang mailigtas ang mga sibilyan. Sa kabilang banda, nakapagtago ng maayos si Pinyin at ang apo nitong si Chu an.
Kinaumagahan, natagpuan sila ni Ah maay. "Kami na lamang ang natitirang nakaligtas. Nilamon na ng mga demonyo ang iba pang sibilyan na nakatira sa baryo" paliwanag ni Pinyin kay Ah maay.
Si Pinyin at ang apo nitong si Chu an na sampung taong gulang pa lamang noon ang naging prayoridad ni Ah maay. Ginawaan nila Ah maay at mga babaylan nito sila Pinyin ng bagong tahanan, ang tahanan kung nasaan mismo si Jess at Pinyin nag kekwentuhan. Sa paglilibot sa baryo, nakita ni Ah maay ang isang batang lalake na walang malay, ito ay si Taiji. Mag isa lamang ang bata kaya naman dinala ni Ah maay ang batang lalaki na halos kaedad lamang ni Chu an.
Apat na buwan ring binantayan ni Ah maay sila Pinyin. Sa apat na buwan na ito ay tinuruan ni Ah maay si Chu an at Taiji na gamitin ang kapangyarihan nito, upang sa oras na umalis na si Ah maay at ang mga babaylan, ay magagawa nitong ipagtanggol si Pinyin pati ang kanilang mga sarili. Parehong 2 chakra user si Chu an at Taiji, kaya naman parehong pareho ang klase ng pagtuturo ni Ah maay sa dalawa.
Bago umalis si Ah maay ay iniwan nito ang isang libro kay Chu an at Taiji. Isang libro na naglalaman ng mga bagay na tinuro at ituturo pa lamang ni Ah maay sa kanilang dalawa.
Sa pag alis ng hinirang, ay araw araw na nag sanay ang dalawa sa lumang baryo upang maging bihasa sa kapangyarihan na kanilang tinataglay.
Matapos ang kwetuhan ni Pinyin at Jess, halatang-halata sa mukha ni Taiji na hindi nito gusto si Jess. Makikita rin ang lungkot mula sa mga mata ni Chu an. Halata ni Jess na hindi sya gusto ni Taiji at ang sobrang lungkot na nadarama ni Chu an, kaya naman napagdesisyunan ni Jess na umalis na upang maipagpatuloy ang kaniyang paglalakbay.
"Dito kana magpalipas ng gabi at sabayan mo na rin kaming mag hapunan" - Aya ni Pinyin kay Jess. Makikita ang tuwa sa mata ng matanda, kaya naman wala ng nagawa si Jess kundi ang tanggapin ang paunlak ng matanda.
Kinagabihan hindi sumabay sa hapag kainan si Taiji, nasa teris lamang ito, malayo ang tingin at tila ba napaka lalim ng kaniyang iniisip. Matpos ang hapunan, pinuntahan ni Jess si Taiji upang kausapin. "May natatago ka bang galit sa sakin?" mahinahon at diretsong tanong ni Jess rito.
Nilingon sya ni Taiji ng ilang segundo "Wala akong karapatan at dahilan upang magalit saiyo" - pagtatanggi ni Taiji. Hindi na sumagot si Jess at baka ito ay magdulot pa ng tensyon sa kanilang dalawa.
Ilang minuto rin bago basagin ni Taiji muli ang katahimikan na bumabalot sa kanila ni Jess. "Kung totoo ngang ikaw ang bagong hinirang, ang ibig sabihin ay patay na si Ah maay" Dama ni Jess ang kalungkutan ni Taiji sa bawat bigkas ng mga salitang iyon.
"Napakatagal naming nag hintay ni Chu an sa pagbabalik ni Ah maay. Pero ibang hinirang ang dumating" Patuloy ni Taiji.
"Sa pag dating mo, nasagot ang katanungan namin ni Taiji tungkol kay Ah maay." - ika ni Chu an. Bigla itong nag salita mula sa kanilang likuran. Labis na ang pagkadismaya na nararamdaman ng dalawa mula sa pagdating ni Jess, kaya naman minabuti nito na humingi ng pasensya bago tumungo sa kwarto na ipinapagamit sa kanya ni Pinyin.
Ang kwartong ipinagamit sa kanya ni Pinyin ay ang kwarto na dati ring ginamit ni Ah maay. Sa kwartong ito, nakita ni Jess ang ilang libro at mga papel na may guhit na taboo at ibat-ibang klase ng sigil na hindi maintindihan ni Jess.
Sa nakitang iyon ni Jess, napagtanto nya na kahit pa magiging malaking tulong ang mga librong iyon sa kanya, ay nangako sya na wala syang kahit anong kukunin na pag mamay-ari ni Ah maay sa silid na iyon.
Napalingon si Jess sa kinalalagyan ni Koro, napakahimbing pa rin ng pagtulog nito kahit buong araw itong natutulog. Kaya naman Bahagyang nakaramdam ng pag aalala si Jess para kay Koro.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkagising nila Jess ay agad silang nag agahan. Kakatapos lang ng agahan ng biglang mabanggit ni Pinyin kay Jess ang kaguluhang nangyayari sa bayang kalapit nila. Sunod sunod daw ang mga pagsanib ng mga masasamang espirito at sabay-sabay pa itong nangyayari minsan. Ilang pari na ang sumuko dahil hindi kinakaya ang pag eexorsismo sa mga taong sinasaniban ng mga masasamang espirito.
Biglang sumagi sa isip ni Pinyin na walang kasamang mga babaylan si Jess. "Nasaan ang iyong mga babaylan at ang iyong mga takda?"
"Paumanhin po, ngunit nag uumpisa pa lamang ako sa aking paglalakbay, at hindi ko pa nahahanap ang aking mga babaylan" - sagot ni Jess sa matanda.
"Ngunit may taglay ka pa ring kapangyarihan para sa ganoong klase ng sakuna. Ikaw ang bukod tangi na nakakagamit ng pitong chakra" Batid ni Jess na malaki ang ekpektasyon sa kanya ni Pinyin dahil sya ang hinirang. Ngunit batid rin ni Jess na isang chakra pa lamang ang kaya nyang gamitin at nalalaman.
"Isang chakra pa lamang ang alam kong gamitin. Wala pa po akong alam sa kahit anong anim na natitirang chakra" - pag amin ni Jess kay Pinyin.
"Problema nga iyan, maaaring ikaw ay mapahamak rin kung iisang chakra pa lamang ang iyong nagagamit" - Napag desisyunan ni Pinyin na turuan si Jess
Isang O user si Pinyin, kaya naman tinataglay nya ang dalawang chakra na Utakora at Oramata. Mas piniliing pag aralan ni Pinyin ang utakora dahil hirap syang gamitin ang Oramata. Masasabing isang bihasang Utakora user si Pinyin. Isang O user rin si Chu an katulad ni Pinyin. Ang Utakora ay ginagamit para sa mga supernatural at spiritual na bagay.
Naisip ni Jess na kung parehong Utakora user ang mag lolo, ay bakit hindi sila ang tumulong sa bayan .
"May edad na ako Jess, hindi na kakayanin ng aking katawan at kinakailangan ng mas maraming mana ang pag eexorsismo" Aminado si Pinyin na mahina na ang kanyang katawan, mabilis na ring maubos ang kanyang mana. Kaya paniguradong hindi na kakayanin ng kanyang katawan kung sya ay tutungo sa bayan para sa pag eexorsismo.
Bukod pa rito ay napakalayo ng bayan kila Pinyin. Aabutin ng tatlong araw na paglalakad ang kailangan bago makarating sa bayan. Ayaw rin naman ni Pinyin na papuntahin si Chu an at Taiji sa bayan dahil natatakot ito na baka kapag nalaman ng mga tao sa bayan na may kakayahan ang dalawa na protektahan ang kanilang bayan ay baka pilitin silang dalawa na maglingkod para sa bayan.
Hanggat maaari ay ayaw rin ni Pinyin na makilala ang dalawa. Sa edad na 26 taong gulang ay hindi pa nagagawa ng dalawa na maglakbay sa kung saan. Sinabi ni Pinyin na pahihintulutan nya lamang na maglakbay ang dalawa sa oras na sya ay mamatay. Sa kabilang banda, ayaw rin naman ni Chu an at Taiji na iwan ang kanilang lolo Pinyin.
Naiitntindihan ni Jess ang sitwasyon ni Pinyin at kanyang mga apo. Mahirap nga naman na iwan ang taong nag alaga saiyo ng matagal at mahabang panahon. Pumayag na si Jess na turuan sya ni Pinyin na gamitin ang chakrang Utakora. Pabor ito kay Jess dahil batid nya na nag uumpisa pa lamang syang makaharap ang mga demonyo sa kaniyang paglalakbay. Ngunit bago pa man sila mag umpisa ni Pinyin ay tinawag sya ni Chu an.
Lumabas si Chu an sa kanilang bahay at agad namang sumunod si Jess at Pinyin. "Nais ka naming makalaban Jess" - ika ni Taiji na nag hihintay sa labas. Bahagyang nagulat si Jess at si Pinyin sa sinabi ni Taiji.
"Mahina pa ang hinirang Taiji. Isang chakra pa lamang ang kayang gamitin nito, wala pa itong alam tungkol sa ibang chakra" paliwanag ni Pinyin kay Taiji. Ngunit hindi man lang pinag isipan ni Taiji ang sinabi ni pinyin.
"Huwag kang mag alala lolo. Nais lang naming makita kung may mararating ba ang bagong hinirang" Dama ni Jess na mabigat pa rin para kay Taiji at Chu an ang pagpanaw ng dating hinirang na si Ah maay. Kaya naman buong pusong tinanggap ni Jess ang laban na hinihingi ng dalawa.
"Hindi ako mag dadalawang isip na itigil ang inyong laban sa oras na hindi na maganda ang kalagayan ng hinirang" Paalala ni Pinyin sa kaniyang mga apo at kay Jess.
Bago mag umpisa ang laban ay nakaramdam si Jess na para bang sya ay may nakalimutan. Unti-unting naging malinaw sa isipan ni Jess na naiwan nya si Sese mula sa punong pinagtulugan nya malapit sa kubo ng sarangay.
"Hindi ako maaaring makipaglaban na wala ang aking manika" - Wika ni Jess kay Taiji at Chu an. Isang halagakpak na tawa naman ang ibinigay ni Taiji. "Sa edad mong iyan ay naglalaro ka pa rin ng manika?" punong puno ng pang iinsulto ang tawang iyon ni Taiji. Bahagya namang nakaramdam ng inis si Jess dahil sa pangmamaliit nito sa kanyang manika. Ngunit, hindi ito pinansin ni Jess at sinabing babalikan lamang nya ang manikang kaniyang naiwan.
"Nasa likod ng bahay ang manikang iyong tinutukoy"- Sabi ni Chu an. Laking gulat ni Jess sa sinabing ito ni Chu an. Nang umaga pa lang iyon ay napansin ni Taiji at Chu an ang tila napakalaking sunog sa gubat kalapit sa kanilang tinitirahan. Inis ang naramdaman ng dalawa dahil hindi gumagamit ng utak ang sino man nag sunog mula sa gubat.
Matapos masugpo ang apoy ay nakita ni Chu an ang isang manika na akala ay tao. Nang hawakan nya ito ay naramdaman nya ang parehong chakra na bumalot sa manika at kay Jess, kaya naman hindi nag dalawang isip si Chu an na dalhin ito pauwi.
"May katangahan karin talagang taglay noh, hinirang." bahagyang pang insulto ni Chu an kay jess.
Kinuha ni Jess si Sese, nang makita ni Pinyin na hawak ni Jess si Sese ay nakaisip ito ng napakagandang paraan upang makapag exorsismo si Jess ng maayos kahit wala pa itong tulong ng kaniyang babaylan na syang bibihag sa mga espirito.
Naghanda na ang tatlo na umpisahan ang laban. Huminga ng malalim si Taiji at mabilis na ipinakita ang mabilis nyang pag galaw sa pag guhit ng isang taboo sa kanyang kinatatayuan.
Mapapansin na isang R user si Taiji. Throra at Pusora ang mga chakra na kaya nyang gamitin. Mabilis na naaktibo ni Taiji ang taboo na kanyang iginuhit, para bang gumagamit ito ng chakra ng sacoral. Biglang nagwala ito at nabiyak ang lupa at ang mga puno na nasa paligid dahil sa lakas ng kanyang kapangyarihan. Si Chu an naman ay isang Oramata at Utakora user base sa sinabi ni Pinyin kanina.
Habang nagwawala si Taiji ay lumutang naman si Chu an upang kontrolin ang mga piras ng puno at lupang nagkabasagsag.
Tila natigil ang mundo ni Jess sa nasilayan. Gulat mula sa kapangyarihang nasasaksihan si Jess. Nahimasmasan lamang ang binata ng mapagtanto na paatake na si Taiji. Isang mabilis na suntok at sipa ang binigay ni Taiji kay Jess. Patuloy naman si Chu an sa pag hagis ng mga piraso ng lupa at puno kay Jess.
Dobleng atake ang kinakaharap ni Jess. Malapitang pag atake si Taiji, at malayong pag atake naman si Chu an. Isang estratehiya na napakaepektibo upang mahuli ang isang kalaban. Hating-hati ang atensyon ni Jess, sa pag ilag kay Taiji at kay Chu an na umaatake mula sa malayo, kaya naman hindi nya makontrol ng maayos si Sese. Napakahirap ng sitwasyon ni Jess, halata at bihasang bihasa ang dalawa sa kani-kanilang pag gamit ng kapangyarihan, isabay pa dito ang perpektong estratehiya na ginagamit ng dalawa laban sa kanya.
Walang makitang butas si Jess, puro pag iwas lamang ang kaniyang nagagawa. Naisip ni Jess pagpalitin ang posisyon nila ni Sese na papalapit kay Chu an. Ipinagpalit ni Jess ang kaniyang sarili kay Sese, kaya naman si Jess na ang papalapit kay Chu an at si Sese naman ang kasuntukan ni Taiji.
Isang suntok ang ibibigay ni Jess kay Chu an, ngunit nang papalapit na si Jess kay Chu an ay nag bago ito ng chakrang kaniyang ginagamit. Mula sa pag gamit ng oramata, ay nagpalit ito ng utakora. Dahilan para ang suntok na ibinato ni Jess kay Chu an ay tumagos sa katawan mismo ni Chu an.
Muling gumuhit ng taboo si Taiji mula sa ere, isa isang nag labasan ang ibat-ibang elemento katulad ng bolang apoy, yelo, lupa, dalawang siyerpente at iba pa. Si Chu an ngayon ang kaharap ni Jess sa malapitan, at si Taiji naman ang tumitira mula sa malayo.
Kinontrol ni Jess si Sese papalapit sa kanya, ginamit ni Jess na pansalag ang payong ni Sese para sa mga tirang binabato sa kanya ni Taiji, habang iniiwasan naman nya ang tira ni Chu an. Isang pag atras ang kinilos ni Chu an, na syang naging dahilan para salubungin si Taiji. Kaharap ni Sese si Taiji ng mapansin ni Jess na papalapit si Taiji kasama ang dalawang siyerpente upang umatake, ngunit inilag ni Jess si Sese dahilan upang makaligtas ito sa matinding pagsira.
Pero isang bagay ang nasulyapan ni jess, matapos nyang iiwas si sese ay para bang nagkaroon ng sariling buhay si sese at kusa itong gumalaw kasabay nito ang pag bagsak ng katawan ni Chu an na tila ba nawalan ng malay.
Sa pag galaw na iyon ni sese ay dito isang malakas na sipa ang ibinigay ni sese kay jess kasunog nito ang napaka lakas na tira ni Taiji. Tumilapon mula sa ere si Jess sa lakas ng tirang binigay ni Taiji.
Isang malakas na suntok mula sa kaliwang kamay ni taiji na balot ng dalawang higanteng ahas.
Unti-unting nakaramdamn si Jess ng panghihina mula sa kanyang buong katawan dahilan para sya ay mawalan ng malay.
Bago pa man bumagsak sa lupa, ay agad na sinalo ni Taiji ang walang malay na si Jess.
Nang magising si Jess , ay sinabi nito ang kanyang huling nasaksihan. "Bago ako tamaan ng tira ni Taiji ay nakita kong nawalan ng malay si Chu an" banggit ni Jess na tila iniinda pa rin ang sakit ng katawan.
"Inilipat ko ang aking kaluluwa sa iyong manika" - paliwanag ni Chu an kay Jess. Laking pasasalamat ni Pinyin na hindi gaano malala ang mga pinsala ni Jess. Sadyang may natamo na itong sugat mula sa sarangay kaya mabilis na nawalan ng malay ang binata sa laban.
Habang namamahinga ay patuloy ang pagturo ni Pinyin kay Jess tungkol sa pag gamit ng Utakora. Kitang-kita na talagang nakikinig si Jess sa matanda kahit pa ang mga tinuturo lamang nito ay karaniwang mga dapat tandaan at impormasyon lamang tungkol sa pag gamit ng chakrang Utakora.
Ipinaliwanag ni Pinyin ang mantra at mudra. Ang mantra ang tunog ng chakra, at ang mudra naman ay ang posisyon ng kamay ng chakra. Sa oras na ipinuwesto ng isang user ang kaniyang kamay o ang tinatawag na pag mudra at sumigaw ka ng mantras ng chakra, ikaw ay makakapasok sa tinatawag na "Astral Mode"
Kinakailangan na pareho mong gawin ang dalawang hakbang na ito upang makapasok sa Astral mode. Ang Astral mode ang masasabing pinaka malakas na kapangyarihan ng chakra. Lahat ng mga chakra ay makakayang gawin ito, pero hindi lahat ay kayang magtagal. Masyadong malaking mana ang kinakailangan sa pag pasok at pananatili sa astral mode, kahit pa wala kang ginagawang pag atake, ay napakalakas nitong kumain ng mana. Kaya naman ang mga taong lubos na malalakas lamang ang kayang gumawa at manatili sa Astral mode.
Kung ang tao ay gumagamit ng chakra, sa astral mode ay ang chakra naman ang gagamit sa tao. Karamihan ng mga gumamit ng Astral mode ay nawawalan ng malay o nawawala sa katinuan, tangin ang chakra na lamang ang kumokontrol sa katawan ng isang user, kaya naman hindi makakaila na dumadating sa punto na kahit kakampi, ay napapaslang nito. Napaka delikadong gamitin ng Astral mode, ngunit napaka lakas rin nito, sa oras na matuto ang isang user na magamit at kontrolin ito.
Sa loob ng dalawang araw, patuloy na nag ensayo si Jess ng kanyang mantra at mudra. Sa tuwing nag mamantra si Jess ay nakikita nya ang kaniyang mabilis na pag galing, nararamdaman ni Jess ang daloy ng lakas sa kanyang katawan at nadadagdagan rin ang mana nya sa katawan sa oras na sinusubukan nya ang mudra.
Bakas ang pagkamangha ni Jess sa nasaksihan, sinadyang hindi ito banggitin ni Pinyin kay Jess, upang malaman at maramdaman ni Jess ang dagdag ng mana sa katawan at mabilis na pag galing sa oras na sinubukan na nya ang mantra at mudra.
Nang si Jess ay tuluyan ng gumaling, agad syang tinuruan ni Pinyin ng isang kakayahan ng Utakora user na dapat nyang matutunan upang matulungan ang mga tao sa kalapit na bayan. Sinabi ni Pinyin kay Jess na maaaring ikulong ni Jess ang mga espiritong kaniyang mahuhuli, sa manika nitong si Sese.
"Ngunit hindi isang kulungan si Sese. Isang armas at proteksyon ko si Sese." - pagtutol ni Jess sa sinabi ni Pinyin. "Maaari rin sa armas mo ikulong ang mga espirito" depensa ni Pinyin
Ipinaliwanag ni Pinyin ang tungkol sa mga masasamang espirito at ang mga rason kung bakit kailangan ikulong ito. Hindi magagawang patayin ni Jess ang mga espirito na walang tulong ng mga takdang kagamitan, dahil ito lamang ang may kayang pumaslang ng mga espirito.
Ang mga halimaw ay may mga espirito na nag mula mismo sa impyerno kaya ganun na lamang ang mga kawalang awa nito. Ang napaslang na halimaw ay mamatay ang katawan nito, ngunit ang espirito nito ay patuloy na magkakaroon ng kalayaan sa mundo. Kapag namatay ang halimaw ang spirito nito ay nagihing multo, gagala ang multo at hahanap ng biktima nito. Mga nilalang na kaya nilang takutin dahil takot ang pagkain ng multo, kapag natakot ang isang tao sa isang multo, ay nakakakain ito at nabubusog. Kapag nagpatuloy ang takot, ang multo ay lalakas at magkakaroon ng abilidad upang sumanib sa tao. Sa oras na makasanib ang multo sa tao, kakainin ng multo ang sariling kaluluwa ng kaniyang sinasaniban, at lalakas ito at aangkinin ang katawan ng taong sinasaniban. Sa ganitong sirkulasyon umiikot ang buhay ng isang espirito.
Kaya sa oras na namatay ang isang halimaw, ay dapat ring mamatay ang multo nito. Dahil mabububay at mabubuhay lang muli ito bilang bagong halimaw. Napag desisyunan ni Jess na tama nga si Pinyin. Pumayag si Jess na pansamantalang ikulong ang mga espirito kay Sese.
Kinagabihan ay nag pasya si Jess na muli ng ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay kinabukasan ng umaga. Tutungo sya sa bayan para alamin ang kaguluhan at saka magpapatuloy na sa paghahanap sa kanyang mga babaylan.
Naisip ni Jess na eto na ang huling gabi nya sa bahay nila Pinyin, minabuti ni Jess na kausapin si Taiji at Chu an upang humingi ng payo bilang mas nakakatanda sa kanya.
Nakita ni Jess si Taiji na nasa teris, kinausap nya ito at nagkwento nman ni Taiji ang tungkol sa abilidad nila ni Chu an.
-----------------------------------------------------
Sampung edad pa lamang si Taiji at Chu an ng sinimulan silang sanayin ni Ah maay. Noong una ay pareho ang tinuturo sa kanilang dalawa, ngunit di nag laon ay pinagbawalan ni Ah maay si Chu an at Taiji na lumaban gamit ang parehong estilo. Sinabi ni Ah maay na mas mainam kung parehong magiging magkasalungat ang teknik at posisyon ng dalawa kapag nasa gitna sila ng laban. Sa tingin ni Ah maay ay kung parehong estilo ang gagamitin ng dalawa, ay pareho din ang magiging kahinaan nila. Kaya naman itinatak ni ah maay sa isip ng dalawa na magsalungat sa pakikipaglaban sa ganoong estratehiya ay napakalakas nito at walang makakatalo sa dalawa.
Kaya minabuti ni Ah maay na pag ibahin ng posisyon at estilo ang dalawa upang magkaroon rin ng opensa at proteksyon ang dalawa sa isat-isa sa oras ng pakikipaglaban.
Sinabi ni Ah maay sa dalawa na huwag silang lalaban kung wala ang isat-isa. Sinunod ito ng dalawa, at tila tinatak na sa isip ng dalawa na hindi nila kayang lumaban ng wala ang isat-isa. Sa kabila ng mag kaibang chakrang ginagamit, nagawang ipaintindi ni Ah maay kay Taiji at Chu an na ang chakra at kapangyarihan ng dalawa ay iisa.
Itinatak man sa isip na iisa lamang ang kapangyarihan ng dalawa, ay batid ng dalawa na dapat magkasalungat ang posisyon nila sa laban. Ang isa sa kanila ay dapat nasa malapitang laban, at ang isa naman ay nasa malayuang laban. Nakita ni Chu an at Taiji ang estilo at importansya ng posisyon na iyon, napaka hirap tibagin at palaging may prumoprotekta sa isat-isa.
Labag man sa utos ni Ah maay ay nang sila Taiji at Chu an ay umabot sa 20 edad, sinubukan ng dalawa na gumamit ng parehong estilo at posisyon sa pakikipaglaban, ngunit hindi naging komportable ang dalawa. Tinawag ni Ah maay ang estilo na ito na "Yin at Yang" dahil sila daw ay isang balanse ng itim at puti, malayo at malapit, mabilis at mabagal, madilim at maliwanag, mabigat at magaan, babae at lalaki.
Parehong nag sanay ang dalawa, maging sa kagubatan. Dati ay tinakasan pa nito si Pinyin upang mag tungo sa bayan, at sa mas malayo pang bayan upang sumali sa mga patimpalak, at laban kapalit ng pera. Ngunit tinigil nila ito ng mabalitaan ang pagbabalik ng apat na prinsipe, Nangamba ang dalawa na baka bumalik ang mga prinsipe ng impyerno at baka atakihin muli ang kanilang lolo Pinyin. Kaya naman minabuti ng dalawa na manatili at hindi na muling umalis upang mag punta sa malayo.
Apat na buwan lamang ang pagtuturo ni Ah maay sa kanila. Nangako ito na baballik upang mabuhay kasama sila pagkatapos ayusin ni Ah maay ang lahat. Tanging ang librong iniwan na lamang ni Ah maay ang syang baon ni Chu an at Taiji sa kanilang paglaki at paghihintay. Buong araw sila ay nag sasanay gamit ang librong iniwan ni Ah maay sakanila, upang protektahan ang lolo at mapakita kay Ah maay ang laki ng kanilang inilakas sa oras na mag balik ito.
Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos
Follow me to see the official witch fate art & design.
IG :@nammemmy | FB :Em Ramos