webnovel

Wishing Girl 3: Pain 2 Forget

PAIN 2 FORGET (Wishing Girl 3) A novel was written by Ji Mie Han (HanjMie) ANNIZA knows that she should pay that person who does good deeds to her. Kaya naman nang magtapos siya ng pag-aaral ay pinili niyang magtrabaho sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. At doon, nakilala niya ang baliw at pasaway na pamangkin ng big boss, si Joshua Jhel Wang. Tuwing nakikita niya ang pinanggagawa nito ay napapataas na lang siya ng kilay. Ngunit dahil sa isang gabi, napalapit siya kay Joshua. Naging daan din iyon para maging magkaibigan silang dalawa. Kaya ng maging head ito ng kanilang departamento at ginawa siyang sekretarya ay hindi na siya tumutol pa. Nakikita na lang kasi ni Anniza ang sarili na tumatawa sa kalukuhan ng kanyang boss. Pero may hangganan pala ang lahat. Hindi pala isang simpleng pagkakaibigan lang ang nais nito. Anong gagawin ngayon ni Anniza? Paano kung malaman din niyang buntis siya? At lalong gumulo ang lahat ng bumalik ang unang pag-ibig ni Joshua? (c) 2020

HanjMie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
53 Chs

CHAPTER TWENTY-NINE

NASA LOOB ng simbahan si Anniza at Maze. Ngayong araw ang kasal ni Shan at Carila. Hinihintay nila ang pagsisimula ng kasal. Napatingin siya sa kaibigan sa opisina na si Maze. Naging malapit silang dalawa dahil sa lagi niya itong nakakasalamuha kapag kakain sila ng tanghalian sa cafeteria. Doon na kasi sila madalas na kumain ni Joshua.

Masaya silang dalawa ni Joshua sa kanilang relasyon kahit pa nga na parehong hindi legal sa kanilang mga pamilya ang kanilang relasyon. Hindi pa niya pormal na pinapakilala ang binata sa kanyang Kuya Anzer at Ate Tin pero madalas pumupunta ang binata sa kanilang bahay. Nakaka-usap din nito ang Kuya niya. Civil ang Kuya niya kay Joshua dahil na rin sa paki-usap niya.

Kung si Joshua ay nakakapunta sa bahay nila. Siya naman ay hindi. Kahit isang beses ay hindi siya pormal na pinakilala ni Joshua sa mga magulang nito bilang kasintahan. Kilala lang siya ng mga ito bilang sekretarya ng binata. Napansin din niya na mukhang walang balak siyang ipakilala ni Joshua sa magulang nito. Hindi naman siya nagrereklamo dahil alam niyang nais lang ng binata na protektahan ang relasyon nila. Kung sa magulang ni Joshua ay lihim ang relasyon nila, sa pinsan at sa Tito Shawn naman nito ay hindi. Nang minsan nagkaroon ng family dinner at hindi nakapunta ang magulang ni Joshua ay ipinakilala siya ng binata bilang kasintahan.

Simula noon ay nakangiti na sa kanya ang matandang Wang. Tama nga ang sinabi sa kanya ni Joshua, mabait si Sir Shawn. Si Shilo ay tahimik lang habang si Shan naman ay tinanggap siya bilang parte ng pamilya. Sinabi pa nito na kapag niluko siya ng binata ay ito ang bahala. Nakakatuwa lang na tanggap ng mga ito ang relasyon nila. Hindi lang iyon, hindi din sinabi ng mga ito sa pamilya ng kasintahan ang relasyon nila.

Napatingin siya kay Maze. Huminga siya ng malalim ng makita ang pagkabalisa nito.

"Are you okay?" tanong niya.

"Okay lang ako." Ngumiti ng mapakla ang kaibigan.

She knows that something is bothering Maze. "Sigurado ka. Kanina ka pa hindi mapalagay. Parang ikaw ang bride ah."

Inirapan siya ni Maze. "Excited lang akong makita si Carila. Akalain mo iyon makikita na rin natin sa wakas na maganda iyong kaibigan natin at nakamake-up ang babaita."

Ngumiti siya dahil sa narinig. Oo nga pala. Bakit ba niya nakalimutan ang bagay na iyon. "For the first time. Isang himala talaga ang mangyayari sa kasal niya."

Tumawa sila ni Maze. Nagpasalamat siya at nawala ang tensyon sa katawan ng kaibigan. Nakita din niya ang pagbago ng emosyon sa mga mata nito. Maze need more confident. Hindi man napapansin ng dalaga ay nahahalata nila ni Joshua na may pagtingin ang kaibigan sa malamig nitong amo. Ang dragon ng MDHGC. Mahiyain si Maze at masyadaong aloof. Kung hindi niya ito kinikibo ng una ay hindi pa niya ito magiging kaibigan.

Natigilan sila ng dumating si Joshua. Ipinatong nito sa balikat niya ang isa nitong braso na siyang ikisinamangot niya. Nakaka-inis lang na sobrang gwapo nito sa suot na three pieces suit. Maraming babae tuloy ang napatingin dito.

"Hello, girls. You all look so beautiful today."

Tumaas ang isang kilay niya. "So, hindi kami maganda kapag nakikita mo kami sa opisina?"

Joshua being Joshua. Tinawanan lang siya nito at hinawakan sa baba. "Wag kang ganyan, babe. Alam mo naman na araw-araw kang maganda sa paningin ko."

Napasimangot siya at tinabig ang kamay nito. "Boss, tigilan mo ako. Wala tayo sa opisina. Wala kang karapatan na hawakan ako."

"Common, Anniza-babe, alam kong gusto mo ang mga hawak ko."

Nanindig ang balahibo ni Anniza. Bumalik sa alala niya ang nangyari sa kanina noong may nangyari sa kanila. Napangiwi si Anniza. Ilang taon na rin mula ng nangyari ito? Tatlong taon na rin at hindi na rin iyon nasundan pa.

"Ewww, boss. Hindi ako bastos kagaya mo. Nakakadiri kaya ang mga hawak mo sa akin. Kinakalibutan ako sayo." She tried to hide her true feeling. Walang alam ang ibang tao tungkol sa relasyon nilang dalawa.

They maybe sweet and always together but it doesn't mean they already announce their relationship to the company. Ayaw nilang may sabihin ang ibang tao lalo at sekretarya siya nito. Oo nga at wala naman pagtutol mula sa may-ari ng kompanya pero hindi ibig sabihin noon ay basta na lang nila sasabihin ang kanilang relasyon.

"Oh! Stop denying, Anniza." Lumapit sa kanya ang binata at may ibinulong sa kanyang tainga. "I know, you like me."

Itinulak niya ang binata. "Eww!" Tili niya at iniwan ang dalawa.

Tinakasan niya ang mga ito dahil kapag tumagal siya doon ay baka mabuking niya ang sarili. Hindi pa siya handang ipaalam sa lahat ang relasyon nila ni Joshua. At saka nandoon din ang mga magulang ng binata. Baka may mapansin ang mga ito patungkol sa kanila. She doesn't want Joshua to suffer because of her. Mas mabuti na iyong umiwas.

Nagpapasalamat siya at hindi na siya sinundan ng binata. Umupo na siya sa nakatukang upuan. Kinuha siyang bride maid ni Carila pero tumanggi siya. Kasal iyon ni Shan at kahit na wala na ang galit sa puso ng binata para sa kanyang kapatid at ate Tin, para sa kanya ay hindi pa rin tamang maging parte siya ng kasal nito. Tinanggihan niya si Carila at sinabi ditong nahihiya siya. Hindi niya alam kung alam ba ni Carila ang tungkol sa kay Ate Tin at Shan pero mukha naman na walang inililihim dito si Sir Shan.

TAWANG-TAWA pa rin si Joshua dahil sa reaksyon at pag-walk out ng nobya. He still loves teasing his girlfriend. Ang cute kasi nito kapag na-iinis. Hindi naman siya nasaktan sa ginawa nitong reaksyon kanina, mas nagustuhan pa niya. Hanggang ngayon ay ma-ingat pa rin si Anniza na hindi malaman ng mga tao ang tungkol sa kanila. Kahit naman siya. Malakas lang ang loob niya kanina dahil si Maze ang kaharap nila. Sigurado naman kasi siyang may idea si Maze sa relasyon nila ni Anniza.

"Ang cute talaga ni Annie kapag na iinis," sabi niya sa pagitan ng pagtawa habang sinusundan ng tingin ang papalayong nobya.

"Baliw talaga." Narinig niyang bulong ni Maze. Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa babaeng katabi.

Maze is Shilo's secretary. Sa lahat ng naging sekretarya ni Shilo ay ito lang ang tumagal. Naging kaibigan na rin nila ito lalo na ng kanyang kasintahan. Mabait ang sekretaryang ito ng kanyang pinsan. Naalala pa nga niya ang unang beses na nakaharap niya ito. Sobrang namumutla ito sa nasaksihang pagwawala ng pinsan. Kaya nga nagulat siya ng personal itong kinuhang sekretarya ni Shilo. At mas lalo siyang nagulat ng tumagal ito bilang sekretarya ng pinsan. At nitong huling taon ay natuklasan niya rin sa wakas ang totoo.

Maze likes Shilo. Hindi iyon maitago ng dalaga sa kanya. Hindi niya lang alam kung higit pa doon ang nararamdaman ng dalaga. At ganoon din ang pinsan dito, kaso manhid ang pinsan niya. Shilo is Shilo. Pagdating sa trabaho ay away nitong haluan ng kahit ano. Kaya naman sigurado siya na boss at sekretarya lang ang tingin ito sa dalaga. Nais niyang ma-realize ng pinsan ang nararamdaman nito kaya nga ng minsan umabsent si Maze at tinanong siya ng pinsan, sakto naman na tumawag noon si Maze. Kaya naman gumawa siya ng kunting kalukuhan.

Narinig niya nga ang resulta ng kalukuhan. Pinuntahan nga talaga ni Shilo si Maze sa bahay nito. Doon niya rin napatunayan na may gusto nga talaga ang pinsan sa sekretarya nito at ayaw lang talagang pagtuunan ng pansin. Kung inaakala nito na hihinto siya sa pag-gawa ng paraan para malaman ng pinsan ang nararamdaman ay nagkakamali ito.

Magsasalita na sana siya ng mapansin ang lalaking naglalakad papalapit sa kanila. Isang kalukuhan ang pumasok sa kanyang isipan. Lumapit siya sa gilid ni Maze at inakbayan ito. Naramdaman niya ang paninigas nito. Gusto niyang matawa. Napakaswerte ng pinsan niya kung magiging kasintahan talaga nito si Maze. Maze is innocent and pure. A perfect woman for Shilo. Ang pinsan niyang walang ibang inintindi sa buhay kung hindi ang maging CEO ng MDH.

"Ikaw Maze? Ang ganda mo ngayon. Blooming ka pa. Sino crush mo?" aniya sa dalaga.

Ilang segudo pa lang niyang nailalagay ang braso sa balikat ni Maze ay may tao ng tumanggal noon. Alam na agad niya kung sino ang taong nasa likuran niya ng mga sandaling iyon. Sino pa nga ba ang kung hindi ang pinsan niyang masama ang tingin sa kanya.

"Stop messing around, Joshua." Galit na wika ng pinsan. Binitiwan nito ang braso niyang hawak nito.

Mahigpit ang pagkakahawak doon ng pinsan kaya kahit na binitiwan na siya nito ay nararamdaman pa rin niyang ang kamay nito sa kanyang braso. Pero hindi siya naiinis sa ginawa ng pinsan. Natutuwa pa nga siya dahil isa lang ang ibig sabihin noon.

'Come on, cousin. Show me the green monster inside of you.'

"Hi, Shilo Chauzuo. Akala ko hindi ka pupunta," aniya sa pinsan at binaliwala ang ginawang paghawak sa kanyang kamay kanina.

"It's my brother's wedding. Why shouldn't I come?" Iniwala ni Shilo ang emosyon pero hindi ang galit nitong mga tingin.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Alam niyang short tempered ang pinsan kaya naman talagang masarap asarin. Nakipagsukatan ng tingin ang pinsan niya sa kanya. Alam niya kung anong ibig sabihin ng mga tingin nito. He is telling him to back off. Gusto niyang tumawa ng malakas. Alam naman nitong may kasintahan siya pero nagseselos pa rin. Magsasalita na sana siya ng biglang pumagitna sa kanila si Maze.

"Sir Wang, buti nakapunta po kayo."

Naputol ang sukatan ng tingin nila magpinsan. Napunta sa babaeng nasa gitna nilang dalawa. Napangiti siya sa ginawa ni Maze.

"You are also here, Ms. Reyes?"

Gusto niyang tumawa ng malakas dahil sa tanong na iyon ng pinsan.

'Kailan ka pa naging torpe, Shilo? Kailan ka pa nahiya sa babaeng nagugustuhan mo? Hindi kita nakitang naging ganyan kay Carila.' Gustong-gusto niyang sabihin iyon sa pinsan ngunit pinigilan niya ang sarili. Pinagmasdan niya lang ang dalawa.

Tumungo si Maze bilang sagot sa tanong ng pinsan.

"Good to see you here," anito at tumalikod na.

'Shit! Shilo hit it hard. Sigurado akong naiintindihan mo na kung ano iyang nararamdaman mo kay Maze.'

"Manhid!" wika niya ng tumingin siya kay Maze. Umiling siya at iniwan ang babae doon.

He is not pertaining to his cousin but to Maze. Nasisigurado niyang walang idea ang babae sa nararamdaman ng pinsan. Nasisigurado din niya na hindi nito binibigyan ng ibang kahulugan ang salita at kilos ng kanyang pinsan. Mukhang matagal pa bago magkaroon ng kasintahan ang pinsan basi na rin sa kilos ng dalaga.

NAKATINGIN siya sa kasintahan na binabati ang kaibigan nito. Sumali din ito sa picture-taking kasama ang ibang staff ng MDH. Nakatayo lang siya doon at pinagmamasdan ito. Tatlong taon na ang relasyon nila at masaya siyang bumalik na sa dati si Anniza. Hindi na rin ito na-iilang sa kay Shan kapag nagkakaharap ang mga ito. Both family already move-on and happy with their life. Masaya na rin naman si Kuya Shan sa piling ni Carila kahit pa nga na ito lang ang may pagtingin.

"Hey!" Isang tapik sa balikat ang nagpalingon kay Joshua.

Nakatayo sa gilid niya ang mga kaibigan na dumalo din sa kasalan na iyon. Asher, Patrick, and Liam are there. Kasama ni Liam ang asawa nitong si Jas. Si Asher at Patrick ang nakatayo sa likuran niya.

"Akala ko umalis na kayo," aniya sa dalawang kaibigan

"Kailangan namin maka-usap si Shan bago pumunta ng reception." Sagot ni Patrick.

Tumungo siya at ibinalik ang atensyon sa nobya.

"Hindi naman mawawala ang kasintahan mo para hindi mo maalis ang tingin sa kanya." Pabirong sabi ni Patrick.

Hinarap niya ang dalawang kaibigan. "Paki-alam mo ba?"

Tumawa lang ang dalawa. Umiling na lang siya. Siguradong tutuklusin lang siya ng mga ito kapag pinatulan pa niya.

"Nasaan na nga pala si Liam?" tanong na lang niya.

"Umalis na kasama ang asawa niya."

"Hindi man lang tumagal si Jas."

"Alam mo naman na ayaw noon kay Shan para kay Carila." Si Asher ang nagsalita.

Umiling siya. Nang makitang tapos na ang picture-taking ng mga ito ay agad siyang lumapit sa kasintahan. Hindi na siya nagpaalam pa sa dalawang kaibigan. Agad niyang hinwakan ang kamay ng kasintahan at hinila ito palabas ng simbahan.

"Joshua! Anong ginagawa mo?" Singhal ng nobya.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Tuloy-tuloy siya hanggang sa makarating siya sa kanyang sasakyan. Huminto siya at pinagbuksan ito ng pinto ngunit hindi pumasok ang dalaga. Nilingon niya ito. Masamang nakatingin sa kanya ang kasintahan.

"What do you think your doing?" galit nitong sigaw.

Ngumiti siya. "Sabay na tayo pumunta ng reception."

Lalong umasok sa inis ang kasintahan. "Pwede mo naman sabihin sa akin? Kailangan ba talagang hilahin mo ang kamay ko at gumawa ng eksena?"

"Bakit? Wala naman masama sa ginawa kong paghila sa iyo."

Pumiksi sa pagkakahawak niya si Anniza at pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Wala? Paano kung makahalata ang mga kasama natin sa opisina? Joshua, your family is here. It's your cousin's wedding. Maraming matang nakatingin sa atin."

Nawala ang ngiti sa labi niya. Nasaktan siya sa sinabi nito. Oo nga at na-iintindihan niya na ayaw nitong malaman ng lahat ang tungkol sa kanila dahil nga sa sitwasyon ng pamilya nila. Pero iba pa rin pala talaga kapag narinig ang ganoong salita mula sa dalaga.

"Ayaw mo bang malaman nila ang tungkol sa atin?"

"Joshua, alam mo kung bakit ayaw kong malaman sa loob ng opisina ang tungkol sa atin. Ayaw kong pag-usapan nila tayo at mas lalong ayaw kong sumama ang tingin nila sa atin. Boss kita at sekretarya mo ako."

"I don't mind about what they will think, Anniza. Ang importante sa akin ay iyong pagmamahalan at kasayahan natin. Bakit ko iisipin sila?" Hindi niya mapigilan na sabihin dito ang totoong saloobin.

Hindi nagsalita si Anniza. Nakasimangot lang itong nag-iwas ng tingin. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Walang magandang mangyayari kapag pina-iral niya ang inis.

"I'm sorry. Alam kong hindi ka pa handang ipaalam sa lahat ang tungkol sa atin. I'm sorry for what I did earlier." Hinawakan niya ang braso ng nobya.

Hindi pa rin siya kinibo ng kasintahan. Alam niyang nagtatampo na ito sa kanya. Anniza is like that everytime they have a small fight. And he hates her silence. Mas gusto niya iyong nagtatalo sila. His girlfriend being cold to him is a big no for him.

"Babe, I'm sorry. Okay? I won't do it again. I just want to tease you earlier. My parents are not around and I'm confident that people don't mind of what I did. Kilala naman nila tayo na malapit sa isa't-isa dahil boss mo ako. I know, you are worried and afraid at the same time. So, I'm sorry. Please forgive your naughty boyfriend." Pinaharap niya sa kanya ang nobya at tinitigan sa mga mata.

Nakasimangot pa rin ang nobya. Pumiksi ito sa hawak niya at huminga ng malalim. "Fine." Inirapan siya nito at pumasok na ng kanyang kotse.

Napangiti siya at pumasok na rin ng kanyang kotse. Surrendering to Anniza is not hard for him. Sa tuwina ay siya ang unang humihingi ng patawad dito. Well, it's not about who makes mistake, it's about love. Hindi naman pataasan ng pride ang pagmamahalan. Kung walang magpapakumbaba sa kanilang dalawa ni Anniza ay hindi magtatagal ng ganoon ang relasyon nila. His love to Anniza is bigger that his pride.

Sinulyapan niya ang kasintahan ng makasakay ng kotse. Nakatingin ito sa labas ng kotse.

"Are you still mad at me?" tanong niya.

Humarap sa kanya ang nobya. "Sa tingin mo kaya kong magalit sa iyo ng matagal?"

Napangiti siya sa sagot nito. They may be quirling always but it doesn't mean they didn't love each other. "I know but I always the first one to apologize."

Sinamaan siya ng tingin ng nobya. "May problema ka ba doon, Mr. Wang."

Umiling siya. "No, babe. Whoever makes the mistake, it doesn't matter to me. I don't want us to fight. I hate it when you are cold to me."

Nakita niya ang paglambot ng emosyon sa mukha ng kasintahan. He moves himself to her. "I love you so much, Anniza."

Tumitig sa kanyang mga mata ang dalaga. Mamaya pa ang isang ngiti ang sumilay sa labi nito. Anniza move her hand to touch his face. And there he saw the spark at her eyes. The love she feels to her. The love that he knows that true and genuine.

"I love you too, Joshua. I will do everything to protect our relationship. It's not that I don't want other people to know about us. It just that everything is complicated and I'm afraid that your parents that will get mad to us. Di ba, step by step. May tamang panahon para malaman ng lahat ang tungkol sa atin. In time, I will be strong enough to face your parents."

Napangiti siya. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi. Inilapit niya iyon sa kanyang labi at hinalikan.

"Wala naman akong paki-alam kung magalit ang parents ko. Ang impor---"

"But I do." Putol ni Anniza sa iba pa niyang sasabihin. "I care for what they feel, Joshua. Ayaw kong pumili ka sa amin ng magulang mo. I don't have a parent while I'm growing. I don't know how it feels to have them but I have my brother who stand as my parents. Ayaw kong maranasan mo ang naramdaman ko noong nawala ang magulang ko. At mas lalong ayaw ko na ako ang maging dahilan para masira kayo."

"Anniza..."

"I love you. Dumating ako sa buhay mo para mahalin ka, hindi para sirain ang relasyon mo sa magulang mo."

"But no matter what we do. They won't accept our relationship." Alam niya sa sarili niya na hindi madaling ka-usap ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama.

"In no time, Josh. Alam kong matatanggap din nila. Let's take it slow to their side. Please!"

He understands but he is getting impatience. Gusto niyang e-date ng mas maayos ang kasintahan. Gusto niyang ipagmalaki na ito ang nobya niya. At gusto niyang malaman ng lahat para wala ng magtangkang lumapit dito. He is possessive. Kapag may lalaking lumapit dito ay agad siyang nakadama ng selos. May tiwala siya sa pagmamahal ni Anniza sa kanya pero hindi sa mga lalaking lumalapit dito.

"Fine. You always win. I won't argue with you."

Isang malambing na ngiti ang sumilay sa labi ni Anniza. Hinawakan nito ang kanyang pisngi at isang mabilis na halik ang iginawad nito sa kanyang mga labi.

"I love you, Joshua. Thank you for being sweet boyfriend to me. You know, I'm greatful that you are my boyfriend."

Hinawakan niya ang pisngi ng kasintahan. "I'm the one who should say that. Thank you for coming to my life and make me happy. You complete me, Anniza."