webnovel

Wishing Girl 3: Pain 2 Forget

PAIN 2 FORGET (Wishing Girl 3) A novel was written by Ji Mie Han (HanjMie) ANNIZA knows that she should pay that person who does good deeds to her. Kaya naman nang magtapos siya ng pag-aaral ay pinili niyang magtrabaho sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. At doon, nakilala niya ang baliw at pasaway na pamangkin ng big boss, si Joshua Jhel Wang. Tuwing nakikita niya ang pinanggagawa nito ay napapataas na lang siya ng kilay. Ngunit dahil sa isang gabi, napalapit siya kay Joshua. Naging daan din iyon para maging magkaibigan silang dalawa. Kaya ng maging head ito ng kanilang departamento at ginawa siyang sekretarya ay hindi na siya tumutol pa. Nakikita na lang kasi ni Anniza ang sarili na tumatawa sa kalukuhan ng kanyang boss. Pero may hangganan pala ang lahat. Hindi pala isang simpleng pagkakaibigan lang ang nais nito. Anong gagawin ngayon ni Anniza? Paano kung malaman din niyang buntis siya? At lalong gumulo ang lahat ng bumalik ang unang pag-ibig ni Joshua? (c) 2020

HanjMie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
53 Chs

CHAPTER FOURTEEN

KANINA pa hindi mapalagay si Annie. Kumakain sila ni Joshua ng mga sandaling iyon. Ihahatid na naman siya nito pero bago iyon ay dumaan muna sila sa isang kainan sa Trinoma. Nagugutom na daw kasi ang binata at gusto ng magkumain. Hindi na siya tumanggi pa dahil nagugutom na din naman siya. At saka, traffic na din naman. Nasisigurado niyang matagal na naman ang byahe nila.

Pero dahil sa nabasa kanina ay hindi mapalagay si Annie. Iniisip niya pa rin iyong nabasa niyang text sa phone ni Joshua. Hindi lang iyon, she did something that she shouldn't do. Gusto niyang kurutin ang sarili sa kabaliwang ginawa. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon?

"Are you okay, Annie? Hindi mo ba gusto ang food?"

Nagulat si Annie sa tanong na iyon ni Joshua. Nasa kanya na pala nakatingin ang binata. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa kanya.

"Ha!" Napatingin siya sa pagkain. Gusto niyang mapangiwi ng makitang wala pang bawas ang pagkain na nasa harap niya.

They are in a Thai restaurant. Isa iyon sa mga paborito niyang pagkain pero dahil nga sa may iniisip siya ay wala doon ang kanyang atensyon. Napapikit siya ng mariin bago nag-angat ng tingin.

"Gusto ko. May iniisip lang ako." Sagot niya at sinimulan kainin ang pagkain na nakahain.

Joshua order one rice and stir-fried Chicken with cashew nuts. It's a little bit spicy but she loves it. Hindi naman siya ganoon kahilig sa ma-anghang pero isa kasi iyon sa mga pagkain na nagustuhan niya sa Thai food. Naka-ilang kain palang si Annie ng magtaas siya ng tingin. Nagtataka din siya kung bakit tahimik din ng mga sandaling iyon si Joshua. Malalim din ang iniisip nito kaya nagtataka din siya. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Nakuha naman niya.

"May itatanong ka ba?"

"Ahm... Di ba, Joshua Jhel ang buo mong pangalan?" She said in hesitate tone.

"Oo. Bakit? Pangit ba?" Natatawang tanong ng binata.

Umiling siya. "Hindi naman. Itatanong ko lang sana kung may tumatawag pa sa iyo ng 'JJ'?"

Napansin niya agad ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Joshua at pagbago ng mga mata nito. Kung ganoon ay may kakaiba talaga doon sa text na iyon. Nasisigurado na niyang kung sino man ang nagtext na iyon ay hindi ito nagkamali ng pinadalhan.

"Oo at iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganoon." Sagot ni Joshua.

"Ahh!" Tumungo-tungo siya at alangan na ngumiti sa binata.

"Bakit mo natanong, Annie? Gusto mo bang tawagin akong 'JJ' din. I don't mind." Nagbago ulit ang bukas ng mukha ni Joshua. Napalitan na iyon ng saya.

Umiling siya. "I prefer 'Josh'. Parang tawag mo din sa akin. Annie."

Isang magandang ngiti ang sumilay sa labi ng binata. "Okay. Whatever you want. But if you like to call me 'JJ', I won't mind. Maganda nga iyon dahil ikaw na lang ang tatawag sa akin sa palaway kong iyon."

"Ako lang. Bakit? Nasaan na iyong tumatawag sa iyo ng ganoon?"

Ilang minuto din hindi nakasagot si Joshua. Ngumiti lang ito ng malungkot sa kanya. "Wala na siya."

"What do you mean 'wala na siya'?"

"She is dead, Annie."

"Ow! I'm sorry." Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa sagot na iyon ni Joshua.

Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon nito kanina. Wala na pala ang taong tumatawag dito ng ganoon. Pero... sino iyong nagpadala ng mensahe? Nagsalubong ang kilay ni Annie at napansin iyon ng binata.

"May problema ba, Annie?"

Tumingin si Annie sa binata at umiling. Ngumiti siya ng bahagya dito.

"Wala. Pwede ko bang malaman kung anong ikinamatay niya? Okay lang kung hindi mo sasagutin."

She doesn't want to open the wounds but she is curious. May tumutulak sa kanya para malaman ang totoo. Ngumiti ang binata at yumuko.

"Abortion."

Napasinghap siya dahil sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sagot nito. Nabitiwan niya ang hawak na kutsara at napatitig sa mukha ni Joshua na hindi maitago ang lungkot at pagsisisi.

"A-abortion?"

"Oh!" Tumungo pa ang binata. "She lost to much blood. Hindi nakaligtas ang bata habang siya ay nag-agaw buhay pero sa huli namatay pa rin siya."

Annie stops on her track. Talagang nagulat siya sa nalaman. Hindi siya makapaniwala na may ganoong pangyayari sa buhay ni Joshua. Thinking about the pain he feels during that time makes her heart break. May pinagdaanan pala talaga ito bago niya nakilala.

"I-iyong babae ba na nakita namin bago ka nagbakasyon. Siya ba-"

"Let's not talk about them, Annie. Kagaya nga ng sabi mo, nakaraan na lang iyon. I should move on. We should move on." Putol ni Joshua sa iba pa niyang sasabihin.

Tumungo naman siya bilang sagot. Hindi na niya pinilit pa ang gusto. Mukhang ayaw talaga ni Joshua na pag-usapan ang babaeng iyon kahit sino pa ito. Pero may isang tanong na bumuhay sa kanyang isipan. Si Joshua ba ang ama ng batang pinalaglag ng babae? Now, her curiosity is killing her but she needs to stop. Baka lalo lang niyang mabuksan ang sakit ng nakaraan.

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na siya ni Joshua sa bahay niya. Wala ng nagsalita sa pagitan nila at nararamdaman niya ang tensyon. She feels like she did something wrong. Hindi agad bumaba ng kotse si Annie ng huminto iyon sa tapat ng bahay ng kanyang Kuya. Tumingin lang siya doon. Nakita niyang bukas ang ilaw sa sala. Mukhang gising pa ang kanyang Ate Tin.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Annie bago hinarap si Joshua. Nakatingin lang sa labas ng kotse ang binata at wala siyang nababasang kahit anong emosyon sa mukha nito.

"I-I'm sorry." Panimula niya.

Doon lang tumingin sa kanya si Joshua. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Bumadha ang lungkot sa puso niya. Alam niyang siya ang rason ng lungkot na iyon. Siya ang bumukas ng sakit ng kahapon. She wanted to curse herself but there's nothing she can do anymore. Nangyari na. Nasaktan na niya ang binata.

"I'm sorry. I'm sorry kung nabuksan ko ulit ang sakit ng kahapon. I didn't mean too, Joshua." Yumuko siya.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ng binata. "It's okay, Annie. I know you didn't mean it. I should be the one to say sorry to you. You didn't know what happen and you—"

"But my curiosity opens the woods of the pa---"

"Which is much better for me. Before, I am afraid to talk about them. I'm afraid of the pain I cause to myself but after our talk tonight. I just realize something." Joshua move to face her more. Gumalaw ang isang kamay ni Joshua at hinawakan ang kamay niya. "I realize that everything is now on the past. That I have the right to be happy." Nagtaas ng tingin si Joshua at sinalubong ang kanyang mga mata. "I realize that I forgave myself for the pain I cause to everyone. Napatawad ko na ang sarili ko sa mga ginawa kong kamalian. And It's all because of you, Annie. So, thank you."

"Sir Josh..." tanging nasabi niya.

Ngumiti ng malapad si Sir Joshua at binitiwan ang kanyang kamay. Hinawakan nito ang kanyang buhok at ginulo. Napasimangot siya sa ginawa nito at mabilis na tinabig ang kamay nito. Ginulo kasi talaga nito ang buhok niya. Sinamaan niya ng tingin ang binata na siyang itinawa lang nito. Inayos niya ang kanyang buhok bago seryusong hinarap ang lalaki.

"See you tomorrow." Inalis niya ang suot na seatbelt.

Baba na sana siya ng hawakan ni Joshua ang kanyang braso. Napatingin siya sa binata.

"Pag-isipan mo sana ang offer kong posisyon sa iyo."

Hindi siya nakasagot agad sa sinabi ng binata. Tumungo at ngumiti dito pagkalipas ng ilang minuto. Ngumiti si Joshua at pinakawalan ang kanyang kamay.

"Good night, Annie."

"Good night din, Josh." Binuksan na niya ang pinto ng kotse. Isasara na sana niya iyon ng may naalala siya. Huminga siya ng malalim.

Yumuko siya habang ang isang kamay ay nasa pinto ng kotse. Salubong ang kilay na tumingin sa kanya si Joshua.

"Drive safe. See you tomorrow, Mr. Wang. By the way, I will try to learn how to make a perfect coffee for you," aniya bago isinira ang pinto ng kotse.

Hindi na niya hinintay ang iba pangsasabihin ng binata. Siguro naman ay nakuha na nito ang sagot na gusto nito mula sa kanya. Mabibilis ang hakbang na ginawa niya habang hindi inaalis ang ngiti sa kanyang labi. Nang makapasok sa loob ng bahay ay sumandal si Annie. Nararamdaman niya ang init mula sa kanyang dalawang pisngi. Bakit parang hindi ang offer na posisyon ang tinanggap niya mula sa binata kung hindi pag-ibig? Bakit ganoon ang nararamdaman niya?

She doesn't know and she doesn't care. All that matter is that it makes her happy and light. Para siyang nakalutang sa hangin ng mga sandaling iyon. Naglakad siya papunta sa bintana at sinilip kung nandoon pa ang kotse ng kanyang boss. Nandoon pa nga talaga ngunit paalis na iyon. Napa-iling na lang si Annie. Siguradong nagulat ito sa sinabi niya.

Natigilan si Annie ng maramdaman ang pag-galaw ng kanyang phone sa bulsa ng suot na slack. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang nagpadala ng mensahe. Muntik na niyang malaglag ang kanyang cellphone ng makita ang pangalan ni Joshua. Binuksan niya ang mensahe at binasa.

'You got me there. Congratulations on your promotion then. Let's work together for HR department. Thank you, Annie. Sweet dream.'

Napakagat ng labi si Annie para pagilan ang umaapaw na kilig sa kanyang dibdib. Niyakap na lang niya ang hawak na phone.

She absolutely has a sweet dream later.

INAAYOS ni Annie ang mga listahan ng mga applikante na nakapasa sa first screening para sa bagong staff ng hotel. Para iyon sa second interview na gagawin bukas. Marami siyang gagawin ng mga sandaling iyon. Kailangan din niyang i-double check ang payroll na ginawa ni Mae para mapirmahan na iyon ni Joshua at maipasa sa accounting department.

Dalawang araw na siyang sekretarya ni Joshua at tama nga ang sinabi nitong uuwi si Ms. Suarez ng Davao. Nagpaalam ito kahapon sa kanila kaya ilang araw lang siya nitong tinuruan. Mabuti na lang talaga at alam niya ang ilang ginagawa nito. Hindi na siya nahihirapan na mag-adjust.

"Annie, pwede mo bang ibigay ito kay Sir Joshua?" inilapag ni Mae ang isang folder sa table niya.

Kinuha niya iyon. "Para saan ito?"

"Para iyon sa SSS loan ng mga empleyado. Sila ang mga nagsubmit ng application. Kailangan kasi ng pirma niya para mapasa sa accounting department para makaltas sa sahod nila," sagot ni Mae.

"Okay." Ngumiti siya.

"Thank you, Annie."

Akala niya ay aalis na si Mae sa harap niya ngunit nanatili pa rin itong nakatayo.

"May kailangan ka pa, Mae?" tanong niya.

"Sasabay ka ba sa amin magtanghalian sa canteen?"

"Ha?!" Napatingin siya sa pinto ng opisina ni Joshua. "Ano? Hindi eh. Dito ako kakain sa table ko. May baon akong lunch." Annie cross her finger under her table.

Gusto niyang napangiwi sa ginawang pagsisinungaling sa kaibigan. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin na sabay silang kumakain ng tanghalian ni Joshua. Ayaw niyang may isipan na kung ano ang mga kasamahan nila sa trabaho. Wala naman kasi talagang kahit ano sa pagitan nila ni Joshua maliban sa pagkakaibigan. Maayos lang talaga ang pakikitungo ng binata sa kanya at hindi niya iyon binibigyan ng ibang kahuluan. Annie knows that something changes inside her heart but she doesn't mind it at the moment. She just enjoys the feelings. Iyon muna sa ngayon ang ginagawa niya. Saka na kapag tatawid na siya sa tulay. Inihahanda na niya ang sarili sa posibleng mangyari.

"Hindi ba pwedeng sa canteen mo na lang kainin ang baon mo?"

"Naku, nakakahiya kay Manang. Dito na lang ako. Bukas na lang ako sasabay sa inyo, Mae."

Tinanggap na lang ni Mae ang sinabi niya. Alam niya na kapag hindi niya sinabi dito na bukas na lang siya sasabay sa mga ito ay siguradong kukulitin pa rin siya nito.

"Bukas ha. Kapag hindi magtatampo ako." Tinuro pa siya nito.

"Oo nga. Ang kulit nito." Natatawang sabi niya. "Sige na. Bumalik ka na sa table mo. Papipirmahan ko pa itong ibinigay mong dukomento."

Nag-thumb up sa kanya si Mae bago bumalik sa upuan nito. Napa-iling na lang siya. Kumatok muna si Annie sa pinto ng opisina ni Joshua. Nang sumagot ang binata ay pumasok siya. Nakatutok ang mga mata ni Joshua sa mga papeles na nasa mesa nito. Lumapit siya dito at ibinaba ang hawak na folder sa mesa nito. Doon lang nagtaas ng tingin ang binata.

"SSS loan ng mga tao. Kailangan ng approval mo para mapasa sa accounting para ikaltas sa sahod nila."

Tumungo si Joshua. "Okay. Ilapag mo na lang. I double check it first."

"Okay." Tumalikod na siya pero bago pa niya mahawakan ang doorknob ng magsalita si Joshua.

"Annie, pwede ka bang mag-order sa restaurant ni Tita Aliya. Ikaw na ang pumili ng pagkain natin for lunch."

Nilingon niya ang binata. "Hindi tayo lalabas?"

Umiling si Joshua. "Marami akong kailangan tapusin at permahan pero hindi ako pwedeng mag-skip ng lunch. Order na lang tayo at dito na kumain."

Tumungo siya. Tama naman ang inisip nito. Marami silang tatapusin ng binata. Katapusan na ng buwan ang kailangan nilang habulin ang mga deadline nila. "Okay. Any food you prefer?"

"Anything would do. Ikaw na ang bahala."

"Okay." Tumalikod na siya at tuluyan lumabas.

Pagka-upo niya sa kanyang mesa ay tumingin siya sa website ng restaurant ni Tita Aliya na Kaze Café and Restaurant. Kilala ang restaurant na iyon ni Tita Aliya. Hindi kasi basta-basta ang mga taong kumakain doon. Isa-isa niyang binasa ang menu na nakalagay sa website. Nang makapili ng pagkain ay tumawag siya sa main line ng restaurant. Sila lang mga sekretarya ng MDHGC ang nakaka-alam noon. Kagaya ng nangyayari sa canteen ay ganoon din sa restaurant ng isa sa major share holder ng kompanya. Ms. Aliya Lu allows every head manager of MDHGC to order what they want and pay it later thru salary deduction or credit card. Ganoon ka swerte ang mga manager ng MDH. Marami ang gustong makarating sa ganoong posisyon per hindi iyon basta-basta binibigay sa isang empleyado.

Kung hindi siya nagkakamali ay may special screening na ginagawa. Like background check. Kahit silang mga exclusive secretary ay hindi din basta-basta nakakarating sa ganoong posisyon. Kung walang recommendation from the manager or higher position ay hindi din sila mapromote. Kagaya na lang ng nangyari sa kanya. Joshua recommend her and the CEO approve his recommendation. Narinig din niya na pati ang vice president na si Shilo Chauzou Wang ay pumayag sa binigay na recommendation ni Joshua. Ganoon kahirap ang promotion sa MDHGC. Walang hahadlang sa promotion ng isang empleyado kapag nasa likod ang may-ari ng kompanya.

Nang dumating ang lunch ay agad na sinalubong ni Annie sa lobby ang nagdeliver. Hindi kasi pinapayagan umakyat sa itaas ang mga delivery man. Laging sa lobby lang ang mga ito. Mahigpit ang security sa main building ng MDHGC. Hindi na iyon nakakagulat dahil hindi din basta-basta ang mga tao doon.

Sakto ng bumalik siya sa opisina ay wala na doon ang mga kasama. Tuloy-tuloy siya sa loob ng opisina ni Joshua. Inilapag niya sa mesang naruroon ang pagkain na hawak. Nagpalagay si Joshua ng mesa at dalawang upuan sa loob ng opisina nito para kapag gusto nilang kumain doon.

"Food is here," aniya.

"Tapusin ko lang itong isang dukomento, Annie." Sigaw ni Joshua.

Hindi na siya sumagot. Inasikaso na lang niya ang pagkain nila ng binata. Inalis niya iyon sa plastic. Nasa tupperware nakalagay ang order niyang inihaw na isda, pakbet, adobong manok at kanin. Pilipino food talaga ang pinili niya dahil pareho nilang gusto iyon ng binata. Napansin niya na kapag kumakain sila sa labas ay madalas na pagkaing Pinoy ang gusto ni Joshua. Para naman sa dessert ay halo-halo ang binili niya. Inilagay niya muna iyon sa refrigator na naroon sa loob. Maliit lang iyon. Kumuha siya ng plato, kutsara at baso sa pantry area.

May kasamang dalawang laking basong Blue Lagoon. Non-alcohol iyon kaya naman pwede nilang inumin iyon ng binata. Saktong tapos na siyang ayusin ang mesa ng matapos ang binata sa ginagawa nito.

"Anong order mo?" tanong ni Joshua na nakatayo na sa tabi niya,

Napasinghap si Annie ng nilingon niya ang binata. Sobrang lapit kasi ng mukha nito sa kanya. Ilang hibla na lang ba ang layo ng labi nito sa labi niya. Nagwala tuloy bigla ang puso niya. Muntik na siyang mapa-upo sa sahid ng humakbang siya pa-atras. Mabuti na lang at mabilis siyang nahawakan sa baywang ni Joshua. Nanlaki ang mga mata ni Annie ng mas lalong lumapit ang labi ni Joshua.

Tanging hangin na lang ang pagitan noon. Kahit daliri niya ay hindi na noon mapipigilan. Napatitig si Annie sa mga mata ni Joshua at ganoon din ang binata. Walang ibang naririnig ng mga sandaling iyon si Annie kung hindi ang malakas na tibok ng kanyang puso. May munting kiliti din sa kanyang tiyan. Hindi lang iyon, may nararamdaman din siyang init na nabubuhay sa kanyang puso. Joshua eye's also scream desire. Nakita niyang gumalaw ang labi ng binata ng bumaba ang mga mata nito sa kanyang labi. Lalong nanlaki ang mga mata ni Anniza ng humigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanyang bawang. May kiliting dumaloy sa kanyang baywang papunta sa kanyang puson. Nang unti-unting ginalaw ni Joshua ang mukha nito para halikan siya ay ipinikit na lang ni Anniza ang kanyang mga mata at hinintay ang sunod na mangyayari.

Pero bago pa tuluyang lumapat ang labi ng binata ay isang malakas na kanta ang gumising sa kanyang diwa. Naputol ang mahikang namayani sa pagitan nila. Wala siyang naramdamang labing lumapat sa kanyang labi kaya naman inimulat niya ang kanyang mga mata. Malayo na ang mukha ng binata at nakatingin na ito sa mesa nito. Inalalayan siya ni Joshua na makatayo ng maayos bago nito nilapitan ang nagwawalang phone. Anniza doesn't know if she feels disappointed or happy.

She choose to be happy. Muntik ng mawala ang first kiss niya ng dahil sa nangyari. Hindi naman niya nobyo ang lalaki para ibigay niya dito ang unang halik. Saka lang na realize ni Anniza kung anong ginawang pagkakamali. Ang tanga niya. Pumikit pa talaga siya at hindi man lang tinulak ang binata. Kung hindi tumunog ang phone nito ay baka nga nahalikan na siya ni Joshua. Anong mukha na lang ang ihaharap niya kapag nangyari iyon?

Ngayon ay nagpapasamalat siya kung sinuman ang tumawag na iyon?

JOSHUA is drinking the cocktail that Patrick offer to him. Hindi siya pwedeng uminum dahil nga sa marami pa siyang trabaho bukas.

"May problema ka na naman ba?" tanong ni Patrick sa kanya.

Ito ngayon ang bartender. Nahuli lang daw ng pasok ang tao nito kaya ito muna ang tumao doon. Umiling siya sa kaibigan at ngumiti dito.

"Masaya lang ako," aniya.

"Mukhang di naman."

Umiling lang siya sa kaibigan. "You really know me. Something bothering me right now."

"Tungkol ba ito kay Anniza?" Inilapag ni Patrick ang pinupunasan nitong shot glass.

Muli siyang umiling sa kaibigan. "Wala kaming problema ni Anniza ngayon. Ang totoo niyan ay maayos ang samahan namin kahit na minsan ay sinasagot niya ako." Tumawa siya ng mahina.

"So, anong gumugulo sa iyo ngayon?"

Kinuha niya ang phone sa bulsa ng suot na slack at may hinanap sa inbox ng kanyang phone. Ibinigay niya iyon pagkatapos kay Patrick. Sabulong ang kilay na tinanggap iyon ng kaibigan. Binasa nito ang mensahe na pinapadala sa kanya ng hindi niya kilala.

"JJ? Who is this?" Nakita niya ang pagbago ng timpla ng mood ng kaibigan.

"Hindi ko din alam. Lagi akong binibigyan niyan ng mensahe sa tuwing kasama ko si Anniza. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng taong nagpapadala ng mensahe na iyan o hindi. It keeps bothering me. At alam mo kung sino ang tanging tao na tumatawag sa akin ng ganyan."

Tumungo si Patrick. "Alam ko. Sinubukan mo na bang tawagan ang number na ito? International number iyan."

"Oo pero hindi niya sinasagot ang tawag ko."

Ibinalik ni Patrick ang phone niya. "I will track him or her. Hindi natin ito pwedeng baliwalain, Joshua."

"Alam ko. Thinking about it. Sa tingin mo, si Jassie ba talaga ang nagpapadala ng mensahe na ito?" He said in a hope tone.

"Jassie is dead long time ago, Joshua. Pinuntahan mo na nga ang puntod nila ng anak mo. Kaya napaka-imposibleng si Jassie ang nagpapadala ng mensahe sa iyo. Maybe someone is playing at you. I won't let this slide. No one mess with our gang."

Balot ng galit ang boses ni Patrick. Isang malalim naman na paghinga ang ginawa niya. Sana ay mahanap ni Patrick kung sinuman ang nagpapadala ng mensahe sa kanya. Dahil naapektuhan na siya sa mga pinapadalang mensahe sa kanya.

Those massage that saying that Jassie is alive and telling him to wait for her.