webnovel

Wishing Girl 3: Pain 2 Forget

PAIN 2 FORGET (Wishing Girl 3) A novel was written by Ji Mie Han (HanjMie) ANNIZA knows that she should pay that person who does good deeds to her. Kaya naman nang magtapos siya ng pag-aaral ay pinili niyang magtrabaho sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. At doon, nakilala niya ang baliw at pasaway na pamangkin ng big boss, si Joshua Jhel Wang. Tuwing nakikita niya ang pinanggagawa nito ay napapataas na lang siya ng kilay. Ngunit dahil sa isang gabi, napalapit siya kay Joshua. Naging daan din iyon para maging magkaibigan silang dalawa. Kaya ng maging head ito ng kanilang departamento at ginawa siyang sekretarya ay hindi na siya tumutol pa. Nakikita na lang kasi ni Anniza ang sarili na tumatawa sa kalukuhan ng kanyang boss. Pero may hangganan pala ang lahat. Hindi pala isang simpleng pagkakaibigan lang ang nais nito. Anong gagawin ngayon ni Anniza? Paano kung malaman din niyang buntis siya? At lalong gumulo ang lahat ng bumalik ang unang pag-ibig ni Joshua? (c) 2020

HanjMie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
53 Chs

CHAPTER EIGHTEEN

"YOU will be Shilo's secretary for a while." Iyon ang binungad sa kanya ni Joshua ng dumating siya nitong umaga.

"What?" Hindi niya napigilan na sigawan ito.

"You heard me, Anniza. Wala pa akong mahanap na sekretarya ni Shilo kaya ikaw muna ang pansamantalang magiging sekretarya niya habang naghahanap pa ako."

Hindi nakapagsalita si Anniza. She wanted to say no but it's Joshua's decision. Bakit biglaan naman yata? At saka, hindi ba nag-hire sila nitong linggo lang ng bagong sekretarya ni Shilo? Don't tell me, mag-quite na naman. Huminga siya ng malalim.

"Are you sure? Paano ka? Wala kang magiging sekretarya." Nag-aalala siya para dito.

Maraming ginagawa sa HR department at hindi din ito pwedeng mawalan ng sekretarya. Kung ililipat siya pansamantala ay baka maapektuhan din iyong ma-iiwan niyang department. At saka, ayaw niyang mahirapan si Joshua. Ito pa rin ang mas inaalala niya.

"I can manage. Nandiyan naman si Mae na pwedeng maging sekretarya ko pansamantala. Nahihirapan pa akong makakuha ng sekretarya ni Shilo. Hindi din ako pwedeng mag-hire na lang ng basta-basta. Sekretarya ng vice president ang pinag-uusapan natin."

"Na-iintindihan ko naman." Padabog siyang umupo.

Malaya siyang gawin ang gusto dahil nasa opisina siya ni Joshua at walang nakakita sa ginagawa niya. Hindi din siya papagalitan ni Joshua dahil sanay na ito sa ugaling niyang iyon. Sumandal siya sa upuan at sumimangot. Hindi niya gustong maging sekretarya ni Shilo. Not just because of his attitude but because she doesn't want to be far from Joshua. Masyado na siyang kampante na ito ang laging kasama. Natatakot din siya na baka magbago ang pagkakaibigan nila ng binata kapag napalayo siya dito.

"Bakit nakasimangot ka kung na-iintindihan mo naman?" natatawang tanong ni Joshua.

Tumayo ang binata at lumapit sa kanya. Lalo siyang napasimangot sa tanong nitong iyon.

"Kilala mo naman si Sir Shilo. Ilang sekretarya na ba ang dumaan sa kamay nito ng hindi tumatagal ng isang linggo? Josh, baka mapasama ako sa kanila." Nagmamaktol niyang sabi.

Alam niyang kaya niya pero natatakot pa rin siya. Naririnig niya na kwentuhan mula sa ibang empleyado na malaki nga daw ang pinagbago ng Vice President nila. Mula sa pagiging mabait na VP nila ay naging masungit at palasigaw. Simula lang iyon ng dumatin ang Kuya nito galing China. Shan Jammiel Wang is their new CEO. So far, they are doing good. Maayos itong magpatakbo ng kompanya. Iyon nga lang laging may gira sa main building kapag nagpang-abot ang dalawa. Hindi nga niya ma-intindihan kung bakit galit sa isa't-isa ang magkapatid. Wala naman silang alam dahil bawal pag-usapan ang mga ito. Remember, they are not allow to talk about the Wang Family.

"Wag kang mag-aalala kapag ginawa iyon ni Shilo ay babawiin kita sa kanya kahit na wala pa akong mahanap na kapalit mo. Shilo knows his boundaries. Remember, I promise you that I will protect you."

Napangiti siya sa sinabi nito. "I know."

Yumuko si Joshua para ipantay ang kanilang mukha. May isang pulgadang layo ang mukha nito sa kanya pero hindi pa rin iyon naging dahilan para hindi magwala ang puso niya. Bakit ba napakagwapo ng lalaking ito kahit na stress sa trabaho? Hindi lang naman sa trabaho stress ang binata kung hindi pati na rin sa mga pinsan nito na parang aso't-pusa kung mag-away.

"You will be alright, Annie. Alam kung kaya mong hawakan si Shilo. Nandito ako sa likuran mo para maging proteksyon mo."

"Thank you. Kailan ako magsisimulang maging sekretarya ni Sir Shilo?"

She is not excited to be the secretary of the Vice President. Gusto niya lang ihanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari.

"Bukas. Tapusin mo lang ang mga dapat mong gawin ngayon. Iwan mo na rin kay Mae ang ilang mga detalye na kailangan ko." Tumayo na si Joshua.

Nais magreklamo ni Anniza ngunit hindi niya magawa. Trabaho ang pinag-uusapan nila at hindi dapat siya magreklamo. Tumayo siya. Nasa kabilang panig na ng mesa nito si Joshua. Magsisimula na rin itong magtrabaho.

"Hope na makahanap ka na ng bagong sekretarya ni Sir Shilo," aniya.

Tumitig si Joshua sa kanya. "Babawiin kita sa kanya. Para ka lang sa akin, Anniza."

Napako sa kinatatayuan nito si Anniza. Hindi kumukurap na nakatitig siya sa mukha nito. Bakit parang iba ang ibig sabihin ng sinabi nito? O sadyang gusto lang niyang isipin na may ibang kahulugan ang sinabi nito. Tumikhim si Anniza ng makabawi.

"Pinagsasabi mo dyan. Magtrabaho ka na nga, boss. Puro ka kalukuhan." Dinampot niya ang eraser na nakapatong sa table nito at binato ito.

Tumawa lang si Joshua. Naglakad na palabas ng opisina nito si Anniza. Magkakaroon na siya ng bagong buhay simula bukas. Sa ngayon ay susulitin na niya ang mga sandaling kasama si Joshua. Sana ay ihatid pa rin siya ng binata mamaya. Gusto pa rin niya na sabay silang umuwi. Kahit iyon lang sana.

INA-AYOS ni Anniza ang schedule ni Shilo ng dumating ang binata. Napatili si Anniza ng may naglapag ng isang folder sa mesa nito. Napatakip si Anniza ng kamay at napataas ng tingin. Namumulang mukha ni Shilo ang nakita niya. Napahigpit ang hawak ni Anniza sa ballpen na hawak.

"S-Sir, m-may kailangan po kayo?" Hindi maitago ang takot na tanong niya rito.

"Explain to me that?" Itinuro nito ang folder na inilapag.

Tiningnan niya iyon at nanginginig ang kamay na kinuha iyon ang folder. Binuksan niya iyon at binasa ang nakasulat. Namutla si Anniza ng makita kung anong nakasulat. Anong katangahan ang ginawa niya at nasa boss niya ang folder na iyon?

"Explain to me, Ms. Jacinto."

Napalunok si Anniza. Hindi niya maitaas ang tingin. Hindi naman siya matatakutin na tao pero pagdating sa boss niyang ito ay natatakot talaga siya. Iba kasi ang pinapakitang galit nito.

"S-Sir... Hindi ko po alam kung bakit nakahalo po ang business proposal ni Mr. Mendez­."

"Hindi mo alam?" Hindi maitago ang galit sa boses ni Shilo. "Hindi mo alam o talagang tanga ka lang." Sigaw nito.

Lalong napayuko si Anniza. Nasaktan siya sa sinabi nito. Ngayon lang siya nakarinig ng ganoon mula sa ibang tao. Madalaas ay papuri ang naririnig niya. Nais pumatak ng mga luha ni Anniza ngunit pinigilan niya. Hindi siya pwedeng umiyak sa harap ng kanilang bise-presidente. Baka lalo lang itong magalit sa kanya. Hinigpitan na lang niya ang pagkakahawak sa ballpen.

"Sagutin mo ang tanong ko, Ms. Jacinto. Bakit nasa table ko ang proposal ni Mr. Mendez? Hindi ba sinabi kong itapon mo ang proposal niya dahil puro basura ang gawa niya."

Hindi nagsalita si Anniza. Kapag sinagot niya ang binata ay hahaba lang ang usapan. Hindi ito kagaya ni Joshua na pwedeng niyang sagut-sagutin.

"Sumagot ka." Sigaw muli ng boss niya.

Napalunok si Anniza. Alam niyang pinapakinggan na sila ng mga kasamahan nila sa trabaho. Nahihiya siya kaya hindi siya nagtaas ng ulo. She wanted this to get over.

"Hindi mo talaga ako sasagutin. Ms. Jacinto. Ganyan ba ang tinuro sa iyo ni Joshua. Did he teach you not to answer any question? Or maybe, he spoiled you. Kaya okay lang sa iyo na magkamali sa trabaho dahil walang magagalit. Pero ihahin mo ako. I don't spoiled my staff here. Binabayaan namin kayo para ayusin niyo ang trabaho niyo. Hindi ko kailangan ng sekretarya na patanga-tanga. Not get out of my sight. I don't want to see your face. At kung hindi mo kayang itapon itong basurang proposal ni Mr. Mendez. Pwes, ako ang tatapon." He picks up the folder. Tinalikuran siya nito.

Doon lang nagtaas ng tingin si Anniza. Sinundan niya ng tingin ang papalayong bulto ng katawan ng big boss nila. Itinapon nito ang folder sa isang basurahan na nadaanan nito. Makakahinga na sana ng maluwag si Anniza ng biglang lumingon ang binata at naglakad. Muli siyang napayuko ng tumayo sa tapat niya ang binata.

"Ms. Jacinto, hindi ka ba tatayo diyan sa kina-uupuan mo? I said get lost." Sigaw ng binata.'

"Sir, pasensya na talaga. Pangako po, hindi ko na po uulit ang ginawa kong pagkakamali ngayon."

"I don't need your empty promise. So, get out!" Itinuro pa ng binata ang elevator.

Nais na talaga ni Anniza ng umiyak pero hindi siya pwedeng umalis. Mahal niya ang trabaho niya. Napalunok siya at naglakas loob na magtaas ng tingin. Namumula sa galit ang mukha ng boss nila. Madilim din ang mga mta nito. Kinakabahan man ay nilakasan niya ang kanyang loob.

"Sir, I'm so sorry. Hindi ko talaga alam na na-ipit sa ibang mga folder ang proposal ni Mr. Mendez. Itatapon ko naman po sana iyon. Hindi ko ta—"

"Get out!" Sigaw ng binata na siyang ikinatigil niya sa pagpapaliwanag.

"S-Sir?"

"I said, get out. Hindi ko gustong makita ang pagmumukha. Umalis ka sa harap ko bago pa kita tuluyang sisantihin."

Bigla siyang kinabahan sa banta nito kaya mabilis siyang tumayo. Nangingig man ang kanyang mga tuhod ay mabilis siyang lumabas ng opisina. Anniza feels so bad because of what happen. Mabigat ang dibdib niya. Hindi naman ganoon kalaki ang nagawa niyang pagkakamali pero bakit parang napaka-big deal noon sa boss niya. Huminga ng malalim si Anniza. Nanlalamong naglakad siya papuntang elevator. Pupunta na lang muna siya sa baba. Bibili na lang siya ng milk tea sa katapat nilang café store. Mas mabuti nga sigurong uminum na lang siya ng paborito niyang inumin para maalis ang bigat sa dibdib niya.

Naghihintay si Anniza na bumukas ang elevator ng may natanggap siyang mensahe mula sa kasamahan sa opisina.

'Anniza, wag ka munang bumalik agad. Nagwala si Sir Wang. Pinangbabato niya ang ilang gamit mo. Galit na galit talaga siya sa nangyari.' – Jam.

Nanlaki ang mga mata ni Anniza sa mensahing pinadala ng kasamahan niya. Ganoon kalaki ang galit na meron ang boss niya para magwala ito ng ganoon. Namutla lalo si Anniza. Thinking about her things, she feels heavier. Naninikip ang kanyang dibdib. Ano na lang ang babalikan niyang gamit mamaya?

'Bakit ba kasi galit na galit siya sa proposal ni Mr. Mendez? Hindi ko talaga ma-intindihan.'

'Hindi mo alam?'

Tumaas ang kilay niya. Wag siyang tinatanong ng ganoon ni Jam. Naiinis pa siya ng mga sandaling iyon at nasaktan sa ginawa ni Shilo sa kanyang gamit. Hindi naman niya kasi alam. Baka nakakalimutan ng mga kasama niya. Tatlong araw pa lang siyang sekretarya ni Shilo.

'Mr. Mendez is close to Sir Shan. At saka, isa ito sa laging dikit kay Sir Shan. Akala mo naman ay bibigyan siya ng promosyon ni Sir Shan. Kung alam lang nito kung ganoon kasama ang ugali ng big boss nila. Siya ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito si Sir Shilo. Nakakainis lang.'

Mukhang sa kanya naglabas ng sama ng loob si Jam. Matagal na itong staff ng MDH. Hindi nga niya alam kung bakit hindi na lang ito ang kinuhang sekretarya ni Sir Shilo. Well, hindi naman niya alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan ng mga head nila.

'Hindi pa rin tama na tayo ang pagbuntunan nito ng galit nito. Kung galit siya sa mundo ay wag niya tayong idamay.'

Ibinaba na niya ang phone dahil bumukas na ang elevator. Papasok na sana siya ng makita ang sakay noon. Joshua immediately flash his smile.

"Hi, Annie." Bati nito.

"Hello." Ganting bati nito. Humakbang siya ng bahagya para makalabas ito ng elevator.

Napansin niya ang pagsalubong ng kilay ng binata. Lumabas ito ng elevator habang nakatitig sa kanya ng mabuti. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanyang mukha. She smiles to him to hide her sadness. Ayaw niyang makita nito na nalulungkot at nasasaktan siya sa ginawa ni Sir Shilo.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong si Joshua.

"I'm okay. Saan po kayo pupunta?"

"I need to talk to Shilo. Siguradong okay ka lang ba?"

Tumungo siya at ngumiti. "Nasa loob si Sir Shilo. Puntahan niyo na lang siya."

"Hindi mo ba ako sasamahan sa kanya?"

Bigla siyang namutla. Naalala niya muli ang galit na mukha ni Sir Shilo. Kapag bumalik siya ay siguradong tatanggalin siya nito sa trabaho. At worst, baka batuhin din siya nito ng kung ano kagaya ng mga nabalitaan niya sa mga dumaan na sekretraya nito.

"Ano... may kukunin lang po ako sa lobby." Inilagay niya ang kamay sa kanyang likuran at pinag-cross iyon.

She hates lying but she needs too. Ayaw niyang magka-issue.

"Ganoon ba. Okay. I know my way." Sagot ni Joshua.

Ngumiti siya sa binata at pinindot ang bottom ng elevator para bumukas. Mabilis siyang pumasok doon. Isang mapanglinlang na ngiti ang ibinigay niya kay Joshua ng humarap siya. Nagpapasalamat siya ng hindi na nagtanong si Joshua hanggang sa sumara ng pinto ng elevator. Nagtatakot siyang magalit ito. Minsan na niyang nakita si Joshua na magalit at masasabi niyang nakakatakot din ito kagaya ni Shilo.

NAGTATAKA pa rin si Joshua sa kilos ni Anniza. Para bang may tinatago ang dalaga. Hindi lang iyon, para din itong umiiwas sa kanya. May nangyari ba na dapat niyang malaman. Pero hindi ang tipo ni Anniza na tumatakas sa mga pangyayari. Huminga ng malalim si Joshua. Siguro nga ay nagmamadali lang ang dalaga na kunin ang kung anuman na kukunin nito sa ibaba. Umiling na lang si Joshua at naglakad na papunta sa opisina ng pinsan.

Malapit na siya sa pinto ng VP ng may napansin siyang dalawang babae na naglilinis. Nagtagpo ang dalawang kilay niya ng makita kung sinong mesa ang nililinis ng mga ito. Pinakatitigan niya ang mesang iyon. Nagkalat ang mga papeles. Napansin din niya ang nabasag na baso at isang picture frame. Dinampot niya iyon at nakita niya ang nakangiting larawan ng babaeng sinisinta.

"What happen here?" tanong niya sa kalmadong boses.

Napatingin sa kanya ang dalawang babae na empleyado ng departmento na iyon. Napansin niya agad ang pamumutla ng mga ito. Tumayo ang mga ito ng tuwid.

"Kayo po pala, Sir Joshua," wika ng isang babae na alam niyang siyang pinakamatagal na empleyadoo ng kompanya.

"Tinatanong ko kayo. Anong nangyari dito?"

Nagkatingin ang dalawang babae at sabay na yumuko.

"Nagwala po si Sir Shilo, Sir Joshua. Napagalitan po si Anniza at pinalabas niya po."

Napakuyom siya. Umakyat yata lahat ng dugo niya sa ulo. Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon ni Anniza kanina. Mukhang nasaktan ni Shilo si Anniza at hindi niya iyon mapapalampas. Iniingatan niya ang dalaga tapos ganoon ang gagawin nito. Napalunok ang dalawang babae ng magtagpo ang kanilang mga mata. Galit na tinitigan niya ang mga ito. Nilampasan niya ang dalawa at mabibilis ang mga hakbang na pumasok sa loob ng opisina ng pinsan. Wala siyang paki-alam kung ito pa ang Vice President ng kompanya. Hindi niya mapapalampas ang ginawa nito.

"What the hell is your problem?" sigaw niya agad.

Nagtaas ng tingin si Shilo na naka-upo sa mahabang sofa. Lalong nandilim ang kanyang paningin ng makita kung anong ginagawa ng pinsan. Matapos ma-i-lock ang pinto ay nilapitan niya ito ang hinawakan sa kwelyo. At dahil lasing ang pinsan naging sunod-sunuran ito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Sigaw niya.

Ngumisi si Shilo. "Oh! Nagsumbong na ba sa iyo ang girlfriend mo?" May pang-iinsultong tanong ni Shilo.

"Anniza is not my girlfriend. At hindi isang tulad niya ang magsusumbong. Kitang-kita naman sa mukha niya kung anong ginawa mo. How could you do that to her?" Gusto niyang suntukin ang pinsan ngunit lasing ito. Hindi siya nakikipagsuntukan sa lasing. It's not him.

Tumawa si Shilo at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa kwelyo nito. Galit siyang tinitigan ng pinsan.

"She is not so efficient like I think. Isang simpleng utos ko lang ay hindi niya pa magawa. It's that how you train your people." Mapang-insulto nitong sabi.

"What the fuck are you saying? Anniza is very efficient at her job. Wala kang karapatan na tanungin ang galing niya. Ilang araw mo pa lang siyang sekretarya ay ginaganyan mo na siya."

Tumawa si Shilo. "I don't need weeks or months to prove how good a person is at her job. Anniza prove to me that she is not suitable to be my secretary. You can have her again."

Napakuyom si Joshua. Shilo is being sarcastic again and he already have enough.

"Kung hindi ka satisfy sa trabaho niya, the I will get her back. Hindi ko siya pinahiram sa iyo para insultuhin, Shilo. If Anniza is insufficient at her job. How about you? Nakiktia mo ba kung anong ginagawa mo. Gawain ba iyan ng isang VP? Araw-araw na lang lasing ka. At sa oras pa talaga ng trabaho, Shilo. Kapag nakarating ito kay Tito Shawn ay siguradong tatanggalin ka sa posisyon mo kaya umayos ka."

Nagtaas-baba ang dibdib ni Shilo. Umupo ito sa sofa habang nakakuyom ang dalawang kamay. Hindi niya intensyon banggitin ang tungkol sa kay Tito Shawn pero kailangan ni Shilo magising sa katutuhanan. He needs to get up and fix his self. Hindi pwedeng ganoon na lang ito lagi. Alam niyang nasaktan ito sa ginawa ni Kuya Shan. Nawala dito ang pagkakataon na maging CEO na siyang pinapangarap nito tapos kinuha pa ng Kuya Shan nito ang pinakamamahal na sekretarya. Carila is now the executive secretary of Shan.

Ayaw man niyang gawin ang inuutos ni Shan ngunit wala siyang choose. Shan knows every secret he has at ayaw niyang makarating iyon kay Anniza. Gusto niya ay maganda pa rin ang tingin sa kanya ng dalaga. He has no choose but let Kuya Shan do his thing. Ang saktan si Shilo at Tito Shawn.

"You are not my father to tell me what sho—"

Hindi natapos ni Shilo ang iba pa nitong sasabihin ng malakas niya itong sinuntok. Nakita niyang dumugo ang gilid ng labi ng pinsan. Mukhang napalakas ang pagkakasuntok niya ngunit hindi ibig sabihin noon ay hihingi siya ng tawad.

"Fixed yourself, Shilo. Habang nagmumukmok ka dito at sinisira ang pangalan mo ay tumatawa naman ang Kuya Shan mo. He is doing this to hurt you. At magtatagumpay siya kapag patuloy kang maging ganito. Umayos ka, Shilo dahil kapag nakarating ito sa board and shareholder, sigurdong paalisin ka dito at hindi mo na makukuha ang gusto mo. You want to be the President, so get your ass off and do the right thing. Kailangan mong patunayan sa kanila na mali ang ginawa nilang desisyon. Don't let your brother win."

Hindi pa rin nawawala ng galit niya para sa pinsan dahil sa ginawa kay Anniza pero hindi ibig sabihin noon ay pababayaan na niya ito. He is broken hearted and need someone to be there. Shilo didn't have fixed friend back in college days. Kaya naman wala itong matatakbuhan ng mga sandaling iyon. Tanging siya na lang ang umuunawa dito.

Humunga siya ng malalim ng yumuko si Shilo. He is really broken.

"Shilo, hindi natatapos ang laban mo ng dahil sa panalo ngayon ang Kuya mo. Please! Stop being childish and act like a man. Stop being a pussy."

Nagtaas ng tingin si Shilo pagkatapos niyang sigawan ito. "Why are you saying this? Hindi ba at barkada kayo ni Kuya. Pareho kayong member ng banda noon."

"Iba na ang sitwasyon ngayon, Shilo. I maybe close to him pero ibang usapan na kapag trabaho ang pinag-uusapan. I want to be professional. At iyon ang wala kayo ng Kuya mo. You both act like a child." Tinalikuran na niya ang pinsan.

Pero agad din lumingon sa pinsan. "I forgot to tell you. I found a secretary for you. Sana naman ay hindi siya magresign dahil sa sungay mong iyan."

Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na siya at iniwan ito. Being broken hearted really chance one person. Hopefully, Shilo will get over it soon. He have enough dealing with his two cousin.