webnovel

Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession)

Charleston De Witt or better known as Charles De Witt was a poet, singer and composer. He has no choice when it comes to women. For him, women are just a pastime when he is bored and needs someone to make him happy But he met Mackenzie San Jose who was a famous model in the industry like him and also a very popular actress. They both do not know each other — they are like dogs and cats when they are together Which of the two would be the first to fall in love, Charles being so immodest? Or Mackenzie who is so mean to everyone in the world? Come read this story! Wildest Dreams: Charles De Witt's Obsession

Saki_Meager · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
33 Chs

Obsession 5

ITINAAS ni Charles ang bote ng beer habang ang limang mga kaibigan naman niya ay ginaya din ang kanyang ginagawa

"Cheers to all of us!" Si Robbie ang balik bayan ang nagsalita

"Cheers—" sagot naman nilang apat at tinungga ang kani-kanilang inumin

Tinapik ni Robbie ang kanyang balikat na ikinalingon niya sa kaibigan

"Ano 'yun bro?" Tanong niya dito at binuksan ang bagong beer

"May iooffer ako sa'yo." Medyo tipsy na nitong alok sa kanya at ilang beses na ikinurap kurap ang mga mata

Nakakalasing din pala ang beer ano kapag naparami na ang natumba mong bote

"Anong offer ba 'yan, huwag mong sabihin na isa na naman 'yan sa mga babae mo—I tell you Robbie, pass muna ako diyan" napapailing niyang tugon dito at tinungga ang beer

"Anong babaeng pinagsasabi mo diyan? Gago ka parin talaga Charles, trabaho ang iooffer ko hindi babae?!" Natatawang sagot naman nito sa kanyang naisip kanina

Well, pass nga muna siya sa ngayon. Ayaw niya munang makipaglampungan sa mga babaeng hindi niya kilala; kasi in the end. Magmamakaawa na naman ang mga itong mahalin sila

Pare-pareho lang silang lahat, tsk!

"Trabaho? Bakit may negosyo ka na ba?" Nakangisi ng nakakalokong binalingan niya ito

"May sarili akong kompanya, it's all about magazines and ang focus ko do'n is 'yung mga model—you know endorsing some brands of perfumes, shoes, bags, and etc." Kibit balikat naman nitong pagbabahagi sa kanya

"At tapos anong gusto mong gawin ko? Taga gawa ng brochure? No way, hindi ko alam kung paano gumawa ng—"

"I need you to be my photographer dude, 'di ba magaling ka sa pagkuha ng mga anggulo? Saktong sakto ka dito" at sumandal sa kinauupuang sofa

Photographer? Hmm, matagal tagal na ding hindi ako nakakapag capture....

"Kung ayaw mo, titriplihin ko ang sweldo mo. Pumayag ka lang sa gusto ko: it's urgent pare. Madaming kompanya ang nag-aagawan makuha lang ang propesyonal na model na iyon at kabilang na ang kompanya ko" pamimilit pa nito

Oh well, hindi na naman iba si Robbie sa kanya wala namang masama kung papayag siya at saka triple din ang isusweldo nito sa kanya, kapag sinuswerte ka nga naman—

"Sinong model ba kasi 'yan at parang lahat yata ng kompanya ay gustong gusto siya?!" Medyo nilakasan niya ang boses dahil sa medyo papalakas na din ang music sa bar na pinasok nila

"Si Mackenzie San Jose, siya ang magiging model namin." Sagot naman nito na nakangisi

Sinasabi na nga ba niya, magkikita at magkikita ulit sila. Ano kaya ang reaksiyon nito kung malaman nitong siya ang photographer niya

Napapailing na uminom ulit ng beer si Charles at iniisip kung anong puwede niyang gawin sa photoshoot ni Mackenzie

"Humanda ka sa'king babae ka. You'll gonna pay for slapping me, it's payback time."

"ANONG sched ko ngayon?" Nagmamadaling tinanong ni Mackenzie si Giovanni habang sila at nasa loob ng elevator

Tatlong oras lang ang tulog niya at hindi pa siya kumakain, hindi nakakapagtakang namumutla na siya and worst walang kaenergy energy

"Meeting with Mr Robbie Hudson." Maikling sagot ni Giovanni at halos ilakumos na ang mga tambak na sched na kasalukuyang hawak hawak nito

Katulad niya ay wala ding sapat na tulog si Giovanni, ni ang pagsuklay sa medyo may kahabaan na nitong buhok ay hindi na nagawa

"Oy, si Ms Mackenzie oh? Dito pala ang condo niya?" Rinig niyang bulalas ng isang babae ng makalabas sila sa elevator na sinasakyan

Wala siyang paki-alam kung habulin siya ng mga ito ngayon. She's out of style, hindi na siya nag-abala pang magbihis. Nakasuot pa din siya ng sleeveless na tee shirt and pyjama na kulay blue. Ni pagsuklay ng sariling buhok ay hindi na niya inatupag

She's one hundred percent sure naman na may mga damit doon sa kompanya ni Mr Robbie Hudson para makapagbihis siya

"Ah, teyka lang Mackenzie. Parang hindi yata ngayon ang meeting mo kay Mr Robbie. Teyka hahanapin ko muna—" pakli ni Giovanni at inisa-isang tiningnan ang mga papel na dala

Napairap na naman siya sa hangin at napasuklay sa buhok na buhaghag ang datingan

"Look, Giovanni. Wala na akong paki-alam kung hindi ngayon ang sched ko kay Mr Robbie Hudson okay? Ang importante ay maka-usap ko siya ngayon at paki-usapan na muna na pwede na bang imove next week ang photoshoot na gaganapin." Putol niya dito

"Oh—okay, sige; sige" sang-ayon naman ni Giovanni at pinagbuksan siya ng pintuan

"Sir, may naghahanap sa inyo—" pakinig ni Charles sa anas ng isang staff sa kompanya ni Robbie

"Sige, papasukin mo." Sagot naman ng kanyang matalik na kaibigan at sumimsim ng kape

Nandito sila ngayon sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot, it's quite enormous at engrande ang dating. Lahat ng mga taong nagtatrabaho kay Robbie ay kapwa abala sa kung ano man ang dapat na gawin para mamaya

All things are set, simula sa damit, lingeries, swimsuit at iba pa. Ang kulang na lang ay iyong assumerang malakas ang dating sa lahat at si Mackenzie ang kanyang tinutukoy

"Oh, there you are Ms Mackenzie. It's so nice to finally meet you in person" bulalas ng kanyang kaibigan na ikinatiklop niya sa diyaryong binabasa

At napakunot na lang ang kanyang nuo ng makita kung anong klaseng suot ang meron ito. Parang hindi na ito nag-abalang magbihis dahil sa sobrang pagmamadali—hindi niya mapigilang matawa. Baka morning routines din nito ay nakalimutan na ding gawin

Saglit na nag-usap ang dalawa ng kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito bago siya tinawag ni Robbie

"Hey dude, halika dito nandito na 'yung model natin." Tawag sa kanya ni Robbie na kinamayan siya

Lumapit naman kaagad si Charles at nakangising binalingan si Mackenzie. Nakatalikod ito sa kanya dahil may kausap itong isang lalaki na kasing tangkad niya

Hindi niya mapigilang mainis sa lalaking kausap nito, hindi na nakakapagtakang halos lahat ng kompanya na may kinalaman sa photoshoot at pagmomodel ay pinag-aagawan itong si Mackenzie

Dahil klarong klaro na sa kanya kung ano ito base sa kanyang nakita ngayon ngayon lang

"Thanks for this Giovanni, you can wait for me outside—" pakinig huling sinabi ng modelo na ikinatiim bagang niya

Wait for her outside? So lame—

Ngunit ang ngiting nakapaskil sa makipot at magandang labi ni Mackenzie ay biglang nawala ng pagharap nito ay bumungad sa kanya ang sobrang pagkagwapo niyang mukha

"Hello—Ms Mackenzie," nakangisi ng nakakaloko na bati niya dito na ikinalaki ng mga mata nitong may pagkasingkit

"Ahm, Mr Robbie. Can I talk to you for a minute; may gusto lang akong malaman" pangrereject nito sa kanya na kaagad namang pinaunlakan ng kanyang kabarkada

Just like what the fuck! How could she just refuse him that way—at iniwan pa talaga siya nito sa ere at mas pinili pang kausapin si Robbie ang kabarkada niya? Well, hindi niya makukuha si Robbie dahil may asawa at anak na ito

Napapailing na lang na bumalik si Charles sa upuan kung saan siya nakaupo kanina at padaskol na kinuha ang diyaryong nakatupi sa ibabaw ng mesa at nagbasa ulit

"Mr Robbie, bakit nandoon si Mr De Witt? Wala sa usapan natin 'to!" Pinandilatan niya ito ng dalawang mata na ikinatawa lang ni Robbie

"Relax Mackenzie, wala na kasi akong ibang photographer. Kesa naman maghire pa ako 'di ba? At saka magaling naman sa photography si Charles at kakilala ko siya kaya siya na ang kinuha ko; teyka magkakilala ba kayo? Ba't ganoon ka na lang kung makapagreact?" Tanong sa kanya ni Robbie

Yes, matagal na silang magkakilala ni Robbie. Her parents and his are the part-owner of their second company in Australia. Kilala nila ang isa't-isa since sila pa ay nasa grade school

"Hindi lang kilala Robbie, siya 'yung kinuwento ko sa'yo no'ng nakaraang araw. Nakakainis siya grabe! Naku, basta ayoko sa kanya—palitan mo siya." Anas niya at tinalikuran ang kaibigan

"It's a no Mackenzie, si Charles ang magiging photographer mo. Mabait naman siya at saka gentleman; I'm sure magkakasundo kayong dalawa sa project na ito

Magkakasundo my ass!

"Ah, basta. Ayoko: maghanap ka na lang ng ibang model Robbie. Magba back out na ako" at umalis na

She was about to exit when she heard what Robbie said

"I'm going to make it triple, how was that? O kung gusto mo gagawin ko pa iyong milyon. It's up to you Mackenzie—you can take it or you can leave it." Pagpapatigil nito sa kanya na ikinaurong niya sa planong pagbaback-out