webnovel

Chapter 17

Rose POV

Nabigla ako ng sabihin ang mga katagang nagpalaglag sa aking panga at ganoon din sa akin balikat, nakakahiya sa dalawang tao na nasa harapan ko

"nagtratrabaho ka rose at bawal mag entertain o kausapin man ang mga customer at lalong lalo na wala ka sa inyong bahay para mag entertain ng mga bisita mo" sabi nito sa akin at pinakatignan nito ako, parang gusto kong maluha sa sinabi nito, pero pinigil ko kasi nasa harapan ako ng ibang tao baka ano ang isipin nila na ndi ako professional na tao at balat sibuyas ako na kaunting sermon lang nito ay iiyak na ako at hindi na ako katulad ng dato na yung rose na iiyak agad kapag merong problema , nakakahiya ma kina aron at vixie na marinig ang sinabi ng aking boss pero nagpangap nalang ako na ndi nila narinig ang sinabi nito pero alam kong narinig nila kay pinilit kong ngumiti sa kanila para ndi nila mahalata ang aking inis sa aking bosssa sinabi ni sir sa akin pero kung titignan nasa punto ito na ndi ko ito bahay pero sana kinausap nlalang nito akong pribado kung nahuli nito ako bahagyan nakikipagkwentuhan , ndi yung pinapahiya niya ako sa dalawang taong nasa harapan ko, oo nga naman nasa trabaho ako at kailangan ko mag eertain ng customer at hindi makipagkwentuhan, feeling ko namula ang akig mukha sa pagkapahiya at ganoon din namutla ako dahil sa awra na bumalot sa amin at sobrang napaka ackward ng sitwasyon namin at habang si sir miguel ay nakatingin sa akin at ako naman tumnigin ako kina aaron at vixie sa nahihiyang mata at humihingi ako ng paumanhin at humanga ako sa pagiging bibo ni vixie dahil gumawa ito agad ng paraan para maalis ang ackwardness na bumabalot sa amin apat

"oorder ako nito rose, mukhang bagay sa akin" sabi nito sa akin sabay turo sa isang damit, pero ganoon nalang ang pakalaglag ng aking panga kasi pagtingin ko sa tinuru nito ang presyo ay ndi basta basta , tumatangting lang naman ito ng 59, 000 pesos ang halaga nito

"gusto niyo po subukana maam" sabi ko dito sabay tingin dito at sabay ngiti dito, sabagay maari naman niya itong subukan kahit ndi niya bilhin ito,mamaya bubulungan ko ito na subukan at huwag ng bilhin dahil masayadong mahal ang isang iyon

"oo" sabi ito sa akin sabay ngiti ng matamis at ako naman ngumiti ako ng simple at dinala ko ito sa fitting area at bago kami umalis sa lugar na kinatatayuhan namin ay kaagad akong nagpaalam kay aron sabay sabing

" sir pakiintay nalang po dito si maam vixie " sabi ko kay sir aron at nginitian ko ito ng matamis

"sir aasikasuhin ko lang po ang CUSTOMER KO" sabi ko kay sir miguel , diniinan ko talaga ang salitang customer ko, para ipagdiinan na nag eentertain ako ng customer at ndi lang basta basta nagkikipagkwentuhan o hindi lang basta nakikipag uspan lang at tuluyan na namin iniwan ang dalawang lalaki, tumingin muna ako sa kanila bago tumuloy malakad paalis sa kinatatayuhan ko kanina at sa gilid nga akking mga mata ay nakita ko parang nagsusukatan sila ng tingin ng kanilang tingin, para saan? Para kanino? Tanong ko sa aking sarili, Ah ?, para saan ang gingawa nila?

At ngg makarating kami doon sa fiting room kaagad akong nakahinga ng maluwag at bumalik sa normal ang tibok ng aking puso at kaagad naman nitong sinabi

"ang gwapo ng boss mo sis, ang sungit nga lang" sabi nito habang pinupuri ang aking boss at kasabay nito ang ndi makakailang kinikilig ito ng sobra sa aking boss at ngumiti lang ako sa kanyan ng payak at ngg pumasok ito sa fitting area para isukat yung damit ay kaagad ako tumingin muli sa pwesto namin kanina , si aron nalang nandoon at wala na si sir miguel at ng makalabas si vixie ay nagpasya itong bilhin ang damit na kanyang sinukat at sabi nito maganda daw ang damit at bagay na bagy ito sa kurba ng kanyang katawan , at lumulutang daw ang kaseksihan at kagandahan nito ahil maganda ang katawan nito siguradong babagay ang damit na kahit anong suotin nito at agad nilang binayaran ito sa cashier at tuluyan na nga silang napaalam sa akin at minsan daw ay pumasyal kami na agad ko naman na sinang-ayunan

At pagkaalis nila Aron at vixie ay kaagad akong nilapitan ni badet pero teka lang badet ba talaga nag totoong pangalan nito? Kasi kanina kinausap din ito ni Aron pero hindi badet ang narinig ko na tinawag nito dito, ibang pangalan ang binagit nito, parang ang narinig ko ay TRICIA , bigla akong napaisip bakit badet ang ipinakilala nito sa amin, kung tricia ang totoong pangalan nito? anong meron sa pagkatao nito? bakit ito nag-iba ng pangalan?may tinataguhan ba ito tulad ko? may tinatakasan ba ito?

( abangan ang kwento ni Tricia at Ford sa my best friend, sana po pakisuportahan po)

"rose tawag ka ni sir" sabi ni badet sa akin habang nakangiti at gumanti din ako ng ngiti dito , pero sa totoo lang kinakabahan ako sa sinabi nito, inaasahan ko na ipapatawag ako sa office pero ang iniisip ko na ang magpapatwag sa akin ay si maam samanatha at ang inaasahan ko ay umuwi na ito

"bakit daw badet" sabi ko kay badet bigla itong ngumiti sa akin at bahagyang nagkibit balikat

"umamin ka nga , may relasyon ba kayo ni sir?' sabi nito sa akin at biglang ngumiti bg matamis at ako naman ay kinataas ng aking isang kilay , tama ba ang narinig kong tanong nito sa akin o nabingi lang ako

"wala" sabi ko dito sabay piling ng aking ulo, ano ba ang pumasok sa isip ni badet para isipin ang bagay na yun, kung makarinig ay sobrang nakakahiya

"bakit , mukhang selos na selos si sir miguel kay aron , nangangamoy love triangle, kung ako ang tatanungin mo , ndi ko alam kanino ka bagay, kaibigan ko si aron pero mabait si sir " sabi nito sa akin at ang loka kilig na kilig pa

"ikwento mo yan sa akin" dugtong nito sa sainabi nito sa akin, ano ba itong lokang babaeng ito, ano naman kaya ang ikkwento ko dito

"ano naman ikwekwento ko sayo badet? Dahil , wala naman kaming relasyon ni sir miguel" sabi ko dito habang todo ang aking pagtangi dito at kaagad ko naalala ang tagpo kanina ng tawagin itong TRICIA

"ikaw, ang may dapat ikwento sa akin " sabi ko dito habang nakangiti ako sa kanya at nakita kong biglang nagsalaubong ang kilay niya at sabay sabing

"ano naman ikwekwento ko sayo friend " sabi nito sa akin habang nakapawewang sa akin

"bakit tinawag kang tricia ni aron " sabi ko dito at nakita ko itong namutla sa akin tanong, so amy nililhim nga ito base na rin sa nakikita kong istchura nito ngayon ng tanungin ko

Nakita kong medyo kinabahan ito dahil sa pagtawag ko sa kanya ng tricia

"narinig mo?" tanong nito sa akin na kaagad ko naman kinatango dito

"huwag mo na sabihin sa iba, paghanda na ako ay kaagad kong ikkwento sayo" sabi nito sa akin, at kaagad naman akong tumango at willing akong maghintay kung kailan ito handang magkwento, mukhang sensitibo ang kwento at agad nmana akong tumango sa sinabi nito sa akin, bilang pagsang ayon sa sinsabi nito sa akin at bago ako umalis sa kanyang harapan para punatahan si sir miguel ay niyakap ko ito ng mahigpit para bigyan kasiguraduhan na safe ang lihim nito sa akin at bilang kaibigan ay nandito lang ako handang makinig at handang damayan ito sa anuman pagsubok meron itong dinadala ngayon at para ipaalam ko dito kung ano man pinagdadaaanan nito, nasa tabi lang nito ako dahil kaibigan ko ito at kaagad ko naramdaman ang pagganti nito ng yakap sa akin, ngayon ko lang nauunawahan sa harapan pala ng isang masayahing nitong imahe ay meron pala itong tinatago lungkot at kaninang kausap ko ito, may naramdaman akong lungkot na dumaan sa mga mata nito