webnovel

Wild Heart

Beatrix Luna Montecillo grew up as a privileged girl. Being the second child and only daughter of successful business tycoons, Bea is used to getting everything that she wants, with just a snap of her fingers. Sa kasamaang palad, Xander de Silva, whom she had a crush on since she was 10, is not someone she can get with just a flick of her fingers, dahil ang bestfriend ng nakatatandang kapatid niya simula pagkabata ay tila manhid at bulag sa kagandahan at charms niya. For the longest time, Bea was contented to have Xander around kahit pa isang nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. She kept her feelings for him secret until she learned that Xander was engaged to be married to Frances, ang girlfriend nito of 2 years. Frustrated and heartbroken by the news of Xander's engagement, she devised a childish and reckless plan upang maangkin ang binatang matagal na niyang minamahal: pipikutin niya ang binata bago pa nito mapakasalan si Frances! But will Xander ever learn to love her, let alone forgive her? Paano kung kailan siya na ang sumusuko sa pangarap na ibigin nito ay saka naman tila hindi siya gustong pakawalan ng binata? Will she be able to tame his wild heart?

aprilgraciawriter · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
48 Chs

Chapter Thirty One

Beatrix slowly opened her eyes. May liwanag na sumusungaw mula sa bintanang natatakpan ng manipis na puting kurtina. For a moment, it didn't register in her head where she is. She blinked and lazily stretched her arms above her head nang maalala kung nasaan siya. Bumalikwas siya sa higaan tangay ang comforter sa katawan upang tignan kung mayroon ba siyang katabi. She gave a sigh of relief nang makitang mag isa lamang siya roon.

Hindi ba umuwi si Xander kagabi? He left and drove off dahil marahil sa frustration sa pagiging tuod niya kagabi. Hindi niya maitatangging may pag-aalalang umahon sa dibdib niya sa kaisipang hindi ito nakabalik? Saan ito natulog? She looked at the alarm clock that's sitted on the bedside table - it's only 7 in the morning. Gusto pa sana niyang muling bumalik sa higaan upang matulog ngunit tila gising na gising na ang kanyang diwa. Tinungo niya ang tukador sa hindi kalayuan at ipinusod ang buhok pataas. Matapos maligpit ang pinaghigaan ay nagpunta siya ng banyo upang mag-ayos ng sarili.

She gently pushed open the door to Mico's room. Tiyak niyang mahimbing pang tulog ang anak. She was surprised na makitang naroon si Xander. Mukhang doon ito nagpalipas ng gabi sa silid ng anak. Xander was lying on the floor sa tabi ng maliit na kama ni Mico. Ang isang braso nito ay nakasampay paakap sa bata.

May lambot at init na lumukob sa kanyang puso sa nakitang iyon, kay aga-aga ay parang gusto niyang maiyak. She stood there by the door at pinagmasdan lamang ang mag-amang parehas mahimbing natutulog.

Maybe someday, Xander, kapag maayos na ang lahat ay masasabi ko na sa iyong ikaw ang ama ni Mico...

Marahan niyang kinabig ang pintuan ng silid at bumaba sa kusina upang maghanda ng almusal. Dahil may tira pang kanin ay napag desisyunan niyang magluto ng garlic fried rice, omelet, at bacon. She's still not the best in the kitchen but she tried her best to learn how to cook over the years.

Nakausal siya ng pasasalamat nang mapansing mayroon nang coffee maker ngayon sa bahay na iyon. She just couldn't live without coffee. Nagsalin siya ng ground coffee beans sa coffee maker at nagsimulang mag brew. Ilang sandali pa ay napangiti siya nang malanghap ang samyo ng bagong gawang kape. Sabik siyang nagsalin sa mug at humigop.

She went to the fridge at yumuko upang hugutin doon ang tray ng itlog, pagkatapos ay muling pumihit upang bumalik sa kalan. Muntik na niyang maibagsak ang hawak ng mabunggo siya sa isang matigas na bagay sa kanyang harapan!

"oh shoot!" nasabi niya sa pagkabigla sabay tingin pataas sa kinabungguan. She inhaled sharply. It was Xander, towering over her. Mabilis nitong naagapan ang tray na kamuntikan na niyang mabitawan.

"Good morning, beautiful" anito sa kanya. He smiled at her which caused her heart to skip a beat.

"Y-you scared me" she said at kinuha mula rito ang tray at nagtungo malapit sa kalan.

"I didn't mean to. I'm sorry" hinging paumanhin nito. Hinila nito ang isa sa mga upuan sa dining table at naupo roon habang pinagmamasdan siya.

She suddenly felt so conscious dahil sa mga mata nitong alam niyang nakasunod sa bawat kilos niya, ganoon pa man ay sinubukan niyang umakto na tila hindi apektado.

"You still love cooking" kumento nito "do you remember the first time you tried cooking something and almost burned the house down?" natatawang anito

Iningusan niya ito "don't worry. Hindi ko susunugin ang bahay mo"

"Bahay natin. You're my wife. What's mine is yours"

Tumigil siya sa ginagawa at humarap rito "Xander. We can live together treating each other civil for 3 months. I will keep my word, kagaya ng gusto mo. But please, huwag mo ng ipilit na mag-asawa pa rin tayo"

"hindi ba totoo? mag asawa pa rin tayo, Beatrix" binigyang diin nito ang word na 'mag-asawa'.

"I'll say this once again...Pumayag ako sa gusto mo to get my freedom. I have a fiancee." tumalikod siyang muli rito at ipinagpatuloy ang pagluluto.

"oh it won't be for long. Sooner or later ay tatapusin mo ang kung ano mang label ang mayroon kayo" he said full of confidence.

Marahas na muling humarap si Beatrix sa kinaroroonan ni Xander, without realizing that the man already walked towards her and is now standing behind her. Muntik na namang masakto ang mukha niya sa dibdib nito sa kanyang pagharap.

"t-this is not a game! W-we are both adults!" Beatrix said, trying not to stammer.

Damn it! Why does he always need to stand so close to her?! Palagi tuloy ay nauutal at nagmumukhang tanga siya sa harap nito. Damn your dirty strategy Mr. de Silva!

"Sino ba ang may sabing nakikipaglaro ako, Beatrix?" itinukod nito ang mga kamay sa counter sa likod ni Beatrix "I've never been more serious in my life. I want you back...and I will get you back..." inalis nito ang pagkakatukod ng mga kamay at dumiretso sa pagkakatayo bago muling nagsalita "...you and Mico" Lumayo ito sa kanya at humakbang palabas ng kusina.

"Isa pa yan! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong hindi ikaw ang ama ng anak ko?!" she said in a strong, controlled voice. Hindi niya gustong marinig ni Mico iyon.

Xander chuckled na para bang kahibangan ang tinuran niya. Nilingon siya nito "I know Mico's my son. Wether you admit it or not, I have no doubt that he is mine" muli itong humakbang nang may maalala "Oh and my parents should be coming by pretty soon. Gusto kayong makita nina inang at tatang".

"what? ngayon na?" pahabol na tanong ni Beatrix and saw Xander nod his head on his way out.

"Damn it!" nagmamadali niyang binalikan ang pagluluto. Nakapantulog pa siya at tiyak niyang amoy bawang at bacon siya! She needs to at least change bago dumating ang mga ito.

Matapos maihanda ang hapag ay umakyat siya upang magbihis. She was in the middle of putting on her shorts when the door swung open at iniluwa noon si Xander na halatang kaliligo dahil nakatapis lamang ito ng tuwalya sa kalahati ng katawan, his hair was still wet.

Beatrix shrieked in shock, si Xander ay saglit na natigilan sa nabungaran but then proceeded to enter the room and closed the door behind him. Hinagod nito ng paningin ang kabuuan niya...mula paa, pataas. His stare lingered sa parte ng katawan niyang iyon na naka hantad.

"Bastos ka talaga!" sigaw niya rito, her eyes were throwing daggers at him "hindi ka man lang kumakatok!" nagmamadali niyang isinuot ang shorts, ngunit dahil sa nagka-cram siya sa pagusot niyon at lalo namang hindi niya maitama-tama ang paa niya sa bukana ng shorts na isinusuot!

"Have you forgotten that this is also my room, princess?" he walked towards her, habang ang mga mata ay malagkit pa ring nakatunghay sa kanya. Her long, smooth, perfectly shaped legs were exposed to his feasting eyes. Buti na lamang at bikini ang suot niya at hindi thongs!

Lalo siyang nagmadali upang isuot ang damit at takpan ang sarili "hep!hep!" she extended one arm in front of her upang pigilan ito sa paglapit "Diyan ka lang! Wag kang lalapit!"

Huminto ang binata at natawa sa inakto niya. Sinamantala niya iyon upang lubusang maisuot ang shorts.

"Ano pa ba ang kailangan mong itago sa akin?" he asked amused "eh nakita ko naman ng lahat iyan" the side of his lips twitched up into a smile.

She rolled her eyes at him "you are seriously unbelievable!" she walked past him upang lumabas ng silid but Xander held her arm.

"...I didn't only see" may malisya siyang muling hinagod ng tingin nito "I have kissed and tasted every inch of that sweet body, princess. Don't you remember?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at nag init ang mga pisngi "y-you p-pervert!"

"Really? sa pagkakatanda ko, you begged me back then to do those things... you little tease" he said huskily. Hinila siya nito palapit sa katawan nito.

"L-let me go...Xander" naiusal niya.

Parehas silang natigilan nang marinig ang katok sa pintuan "Mommy" tawag ng maliit na tinig.

Agad iwinaksi ni Beatrix ang kamay ni Xander na hinayaan naman ng huli. She opened the door to see Mico standing outside, mapungay pa ang mga mata nito mula sa pagkakagising.

"G-good morning baby" pinasigla niya ang tinig, closing the door behind her. Tila tinatambol pa rin ang dibdib niya. Salamat talaga kay Mico at dumating ito sa tamang oras!

Mico hugged her "si daddy po?" kinusot nito ang mga mata at halatang inaantok pa.

Lumuhod siya sa tapat ng anak "nasa room lang. Lalabas na rin yun maya maya. For now, let's wash your face and brush your teeth okay?" she ruffled his hair at dinala ang anak sa banyo upang tulungang maghilamos.

Hindi nagtagal ay narinig niya ang pagdating ng mga magulang ni Xander. She looked at herself in the mirror at bumuga ng hangin. This has really gotten so complicated. Kung hindi natuklasan ni Xander ang tungkol kay Mico, mas magiging madali sana ang lahat. Hindi sana naisama si Mico sa San Gabriel and Xander's parents won't have to meet her son.

"Mommy, are you okay?" malambing na tanong ni Mico, nasa mga mata nito ang pag aalala.

She nodded and smiled "yes. of course! Halika na, mayroon daw gustong makilala ka"

Nasa hagdanan pa lamang sila ay naririnig na niya ang tinig ni Xander at ng mga magulang nito sa salas.

"nasaan na ba? sabik na akong makilala ang apo ko" wika ng matandang babae.

"Siya nga naman hijo" segunda naman ng tatay nito.

She cleared her throat when they reached the living room. Sabay napatingin ang tatlo sa dako nila. Alanganing ngumiti si Beatrix sa mga ito.

"Good morning po" magalang niyang saad habang mahigpit ang hawak sa kamay ng anak sa kanyang tabi. Lalapitan sana niya ang mga ito upang magmano ngunit mabilis nakatayo ang ina ni Xander at agad lumapit sa kanila ni Mico.

May luha sa mga mata ng ginang ng haplusin ang mukha ni Mico "naku! kamukhang kamukha ka ng daddy mo noong ganyang edad siya" anito at mahigpit na niyakap ang bata.

She nervously looked at Xander, tinitignan kung ano reaksyon nito. All this time, marami ang nagsasabing siya ang kahawig ng anak, but what are the odds na kahawig ito ng binata noong maliit pa ito?

"siya nga ba inang?" masayang tanong ni Xander, pagkatapos ay sinulyapan siya, as if to say na bistado na nitong lalo ang lihim niya.

"siyang siya! Hindi ba abay?" lumingon ito sa asawa na noon ay palapit na rin sa kanila. The old man lovingly eyed Mico "tama ang inang mo. Ganireng ganire ang itsura mo noong maliit ka pa" the old man glanced at her smiling.

"K-kumain po muna tayo, Inang..tatang. Nagluto po ako" pag-iiba niya sa usapan at inabot ang mga kamay ng mga ito upang magmano.

Nagpatiuna siyang pumunta ng kusina upang hindi mahalata ng mga ito ang pamumutla niya. She grabbed a glass of water at uminom. Ilang ulit siyang nagpakawala ng malalim na hininga upang kalmahin ang sarili.

Maging sa hapag ay hindi magkamayaw ang dalawang matanda sa pag aasikaso kay Mico.

"who are you po?" maya maya ay walang muwang na tanong ng musmos.

Mahinang tumawa ang matandang babae at pinahid ang pamamasa ng mga mata bago malambing na tinitigan ang bata "ako ang lola mo...at siya" nilingon nito ang asawa sa tabi "siya naman ang lolo mo"

"Pero may lolo na po ako eh...si lolo Emilio and si Lola Laura" inosenteng sagot nito

Nagkatwanan sila "mga lola at lolo mo rin kami anak, dahil kami ang mga magulang ng daddy mo" paliwanag ng lolo

"ano po ang ma-ma-glang?" muling tanong nito na pabulol sinubukang ulitin ang salitang narinig.

"magulang means parents, baby" sagot ni Beatrix at pinahid ang butil ng kanin sa gilid ng labi ng anak.

"oh, k." nakangiting ani Mico at pagkatapos ay masiglang ipinagpatuloy ang pagkain.

"ah Bea, hija..." simula ni Inang "baka naman maaaring mahiram namin si Mico? sabik na sabik talaga kami sa kanya eh, lalo na at ngayon lang namin nalaman na..." the lady's voice trailed off, isang nakikiusap na ngiti ang ibinigay nito kay Beatrix.

Sinulyapan niya si Xander na masigla ring sumubo ng pagkaing inihanda niya.

"ah...eh...s-sige po..." alanganing tugon niya sa ginang.

Nagliwanag ang mukha nito at excited na tumingin sa asawa "salamat Bea" she gave her a genuine smile.

"Tamang tama inang, para naman mailibot ko si Beatrix habang nasa inyo si Mico"

"Y-you don't have to Xander" she replied.

"I insist" he looked at her and smiled "there's somewhere I haven't taken you before"

Hindi sumagot si Beatrix dahil hindi niya nais na magtalo sila sa harap ng mga biyenan ganoon din sa harap ng anak.

"Mico, anak. Is it okay with you that you'll spend the day muna with lolo and lola?"

"Sasama ka po mommy?"

She shook her head "kayo lang baby..."

"maglalaro tayo ng marami apo" pag aanyaya ng matandang babae "saka ipapakita sa'yo ng lolo mo yung kalabaw niya"

"meron po kayo nun?" Mico asked excitedly

"aba oo! Meron din kaming mga manok"

"sige po! I want to meet them" the boy exclaimed.

*******

Nang makaalis ang mga ito ay prenteng naupo si Beatrix sa sofa at nag browse sa kanyang telepono. Her social media accounts were all deactivated kaya naman nag browse lang siya ng news. As she expected, laman pa rin ng pahayagan ang kanyang pangalan. Marami ang mga espekulasyon ang kumakalat, na baka raw buntis na siya kaya siya biglang nawala, ang iba naman ay nagsasabing nagkakalabuan na raw sila marahil ni Daniel and she went away to heal her broken heart. She just shrugged her shoulders. Sanay na siya sa mga tsismis na kaakibat ng trabaho niya.

Bumaba si Xander mula sa silid at nakaayos na ito. He was wearing faded jeans na hapit sa matitipunong hita at binti, na tinernuhan ng dark blue polo shirt na ang ilang butones sa dibdib ay bahagyang nakabukas, allowing a nice peak to his muscular chest. Hindi mapigil ni Beatrix ang paghanga sa kagandahang lalaking nakaharap sa kanya. Mailap niyang iniiwas ang mga mata rito, pretending not to mind his presence.

"let's go" anito sa kanyang hawak sa kamay ang susi ng sasakyan.

"I'm not going anywhere with you" she said in a bored tone

"C'mon Beatrix, don't be such a brat"

"I'm not being a brat. I just said, I.am.not.going."

"Ayaw mo talaga?" he asked, warning in his voice.

"ayoko nga!" she hissed without looking at him

"ayaw mo?"

"sinabi ko na ngang..." naputol ang sinasabi niya nang sa malalaking hakbang ay lumapit ang binata sa kinauupuan niya at walang salita siyang binuhat.

"Xander ano ba?!" hinampas niya ang dibdib nito pero tila walang epekto iyon dahil deretso lamang si Xander na inilabas siya ng bahay.

"Put me down you brute!"

Balewalang hinatak ni Xander pabukas ang passenger side ng sasakyan at iniupo siya roon sa kabila ng pagpipiglas niya.

"Saan mo ba ako dadalhin ha?!" she said trying to get off the seat but Xander was blocking her way.

"Ssshh! just shut up okay!" angil nito at inabot ang seatbelt niya upang ikabit. He was basically hugging her sa pagkakalapit na iyon and Beatrix silently cursed herself dahil kasabay ng kaba at galit ay may kung anong excitement ang sumingit sa kanyang damdamin.

Umikot si Xander sa driver's side at sumakay. Hindi nagtagal ay tinatahak na nila ang daan palabas ng lugar na iyon.

"may balak kang masama sa akin ano?" nanggigigil niyang tanong "I'm calling the police!" she brought out her phone to dial but Xander grabbed it from her and tossed it at the back of the car.

"damn you!" hindi makapaniwalang bulalas niya. Nilingon niya ang likod ng sasakyan kung saan tumapon ang telepono.

"will you sit still for a minute, for heaven's sake!" he roared. Magkasalubong ang makakapal na kilay nito ngunit ang mga mata ay nanatili sa daan.

Beatrix decided to keep quiet. Bumaba tumaas pa rin ang dibdib niya sa inis. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at sumamyo ng hangin. She needs to calm down kung hindi ay daig pa nila ang aso at pusa kada araw!

Makalipas ang humigit kumulang quarenta'y singko minutos na pagbaybay nila sa daan sa labas ng bayan ng San Gabriel ay lumiko si Xander sa isang mas maliit na daan kung saan wala na siyang ibang masyadong kabahayang makita.

Saan ba talaga siya dadalhin nito? Ang totoo ay nagagalit siya dahil nasunod na naman ang nais mangyari ng binata ngunit wala naman siyang makapang takot sa dibdib kahit pa saan siya dalhin nito.

Ilang saglit pa ay huminto si Xander sa harap ng isang malaking gate na yari sa bakal na mayroong malaking arko. Isang unipormadong security guard ang sumaludo sa binata at binuksan ang gate.

Beatrix sucked in a breath nang mapagtuunan ng pansin ang naksulat sa arko ng gate.

PRINCESS LUNA ORGANIC FARM AND RESORT.

She looked at Xander in awe. Noon lamang siya napunta sa lugar na iyon. In fact, she didn't know there was such a place malapit sa San Gabriel. Pag-aari ba ito ni Xander?

Princess Luna.... did he name this after her? But ...why?

Xander glanced at her with a smirk on his face bago pinaharurot ang sasakyan papasok sa maluwang na lupaing iyon.