webnovel

Who's the Killer?

(KILLER SERIES 1) Date Started: June 15, 2019 BLURB/TEASER Napaikot ang tingin ni Ghoul sa kisame ng lumang bahay. Mag-isa't ramdan sa dibdib nito ang kakaibang kaba na dinadala sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Iniisip niya pa rin ang mga nakaraang kasong kaniyang binigyang solusiyon, ngunit lahat ng iyon ay napakadali lamang. Datapwat, ang kasalukuyan ay badyang nakalilito't mapanlinlang. Nang kalauna'y narating niya ang isang kuwartong puno ng mga imahe't mga papel na nakakalat. Gulantang s'yang nanlamig sa kinatatayuan, patak ng pawis na animo'y palakas na palakas na lagaslas ng gripo. Abaddon. Salitang minarka mula sa dugo, preskong ukit nito sa napakalapad na pader ng bahay. Kakabog na dibdib ang siyang kaniyang naririnig, bawat oras na dumadaan ay pawang buhay din na nalalagas. Bilis na lingo nito sa kabilang kuwarto, buong gulat niyang natanaw ang silyang tutumba-tumba. Agaran niyang nilapitan ang selya sa kuwarto nang namatay na matanda, ang kaniyang Lola. Wala siyang napansing tao na maaaring nagpagalaw sa selya, ngunit laking gulat niya nang mapatingin siya sa malaking salamin. Nakita niya, alam na niya, kilala na niya kung sino ang pumapatay. "Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!" Huling alingawngaw nito sa buong bahay bago siya tuluyang himatayin.

HaresPratum · Horror
Sin suficientes valoraciones
21 Chs

P A N G - S A M P U

"AT SI SIONEY NA ANG ISUSUNOD NIYA!" huli naming sigaw bago tuluyang sapilitan na sumira ang pintuan ng labasan.

"No, no, no, no! Fuck. Hindi," sigaw niya. Mabilis kaming tumakbo papuntang labasan at buong puwersang hinihila ito. Ngunit bigo kami.

"Shit! Ano nang gagawin natin? Nasa panganib si Sioney," matigas na giit ko. Hindi maaari ito, kailangan naming makalabas bago tuluyang patayin ni Chim si Sioney. Marahan na nag-iisip si Allure malapit sa pintuan, habang ako naman parang sinasapian.

"Isip, isip, isip. Buwiset na utak 'to, ngayon pa hindi gumana. Fuck. Anong gagawin natin? Paano tayo makalalabas sa lugar na ito?" tanong ko, habang nag-he-hesterical na sa pag-aalala.

Nakita ko na lang na sinubukan ni Allure na buksan ang pinto gamit ang mga tools niya. Tumatagktak na naman ang mga pawis sa mukha ko. Anong gagawin namin?

"God, tulungan niyo po kami," wika ko, habang naiiyak na sa sobrang pag-aalala. Inikot ko nang maigi ang mga paningin ko sa paligid, baka naman ay maka-hanap ako ng mga maaaring gamitin para tulungan si Allure nang mabuksan iyang labasan.

Taimtim kong pinapahid ang mga butil ng luha na dumadaloy sa mga pisngi ko, kailangan kong lumaban. Nagsimula akong maghanap ng kung ano-anong mga bagay na puwedeng makatulong sa amin. Habang patuloy pa rin ako sa paghahanap ay may napansin akong kakaiba sa ilalim ng isa sa mga steel na mesa na kinalalagyan ng mga malaka-lakang mabahong mga bangkay.

"Ano ito?" tanong ko. Isang kapirasong papel na may phrases na sadyang sulat-kamay lang. Tinignan ko si Allure, at gano'n pa rin ang kinalalagyan niya. Planado ba itong pag-trapped sa amin dito? Ibinalik ko muli ang aking atens'yon sa papel.

'Tik tok, tik tok. Step 5 ahead, then stop. Ding dong, ding dong. Face left side, and come along.'

Pinabalik-balik ko pa ang pagbabasa nito, sa tingin ko it's a clue. Pero, paano nagkaroon ng ganiyan dito? Inialis ko na lamang iyon sa aking isipan at mas binigyang pansin ang kapirasong papel na hawak ko. Sinunod ko ang sinabi ng nakasulat, mula sa kinatatayuan ko kung saan ko nakita ang papel ay ginawa ko ang nakasulat.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Limang hakbang, tapos tigil. 'Face left side' pagbabasa ko muli sa papel. Lumingon ako sa kaliwa at nasa harapan ko ngayon ay ang mga gallon-gallong chemicals at mga formalin. I was clueless. Ano susunod? Inikot ko ang aking paningin nang hindi iginagalaw ang mga paa mula sa kinatatayuan. Dumako ang mga tingin ko sa paanan ng aking mga paa. Isang candy? Kinuha ko ito at binasa ang pangalan mula sa plastic cover niya.

'Fres mint'?

Ibinaling ko sa likod ng candy ang aking mga mata at baka may clue na naman. Ngunit, napa-buntong-hininga na lamang ako. Anong kinalaman ng 'I Love You' na phrase sa ginagawa ko? Napakamot ako. Paano ko naman malalaman ang susunod na hakbang kung pati rito pagmamahal din ang mababasa ko. Napa-face palm ako at walang papigil na naghanap ng panibagong clue.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga gallon ng chemicals. Wala namang kakaiba rito ah, paanong naging clue ito? I take a deep sigh. Inisa-isa at maiging inaalisa ang mga gamit mula sa na nakikita ko mula sa aking kinatatayuan. May isang guhit na siya namang pumukaw sa atens'yon ko. Isang arrow. Nakaturo ang ulo nito sa may itaas, which is ang kisame. Na-curious ako maybe it's a sign.

Ngunit, bago ako gumawa ng hakbang ay tinignan ko muna si Allure sa may pintuan. I was shocked nang nakita ko siyang may kinukulikot. What the?

"Allure," sambit ko, habang kinukuha ang atens'yon niya. Paano niya nagawa iyon. Nagkaroon ng isang key digital ang pintuan, saan nanggaling iyon?

"Hmmm?" murmured niya, habang patuloy pa rin sa ginagawang pag-aalisa sa bagay na nasa harapan niya.

"Paano mo nahanap 'yan?" Tumingin siya sa akin at nag-smirk. Alam ko na naman ang isasagot ng lalaking ito.

"A philosopher said, 'The less you take in under, the more you mourned in wonder.'" giit niya. Anong ibig sabihin no'n? Pinagtitripan pa ako ng taong 'to?

"In the late 20th Century, isa ako sa mga batang nakatanggap ng mataas na parangal dahil sa pagka-master ko sa mga techniques in just a short period of time. I'm a Master in Hacking Ghoul." Napanganga ako. Ganito ba siya ka-skillful na tao. Sana all. Pero it will not change the fact na hambog siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at baka hindi ko siya maintindihan ng husto. Dahan-dahan kong itinuon ang aking mga paningin sa arrow, I just chase it over sa direksyong itinuturo nito. Hanggang sa marating ko ang itinuturo nito. Na-windang ako, ang daming arrow. Isa sa kaliwa, sa gitna at sa kanan. Paano ito ngayon? Kinuha ko ang candy, at binasang muli ang phrase.

Candy?

I Love You?

Tatlong arrow?

Anong nais iparating nito, hindi kaya. Napahawak na ako sa sentido ko dahil sumasakit na naman ito. What does it mean? Words and shape? Anong kinalaman ng words sa shape, o baka naman? I know it, isa siyang pattern. Numbers and Shape talaga siya.

I Love You - 1 4 3

Nakabuo ako ng isang konklusyon, susubukan kong hanapin kung ano ang nais ilahad ng nasa candy at sa arrow. Humakbang ako sa kaliwa ng isang beses. Left is 1. One, two, three, four. Four steps forward, done. One, two, three. Right lane, check. Umikot ang aking mga tingin. I was facing the wall, wala akong makitang clue, kundi ang orasan lamang at ang owl figurine sa ibabaw nito. Blanko ang nasa harap ko ngayon habang maingay na tumutunog ang lumang orasan. Naghanap ako ng mga kahit anong maaaring makakatulong sa akin ng hindi iginagalaw ang mga paa, ngunit bigo ako. Orasan lang ang tanging nasa pader na nakasukbit, at ang figurine.

"Shit!" sigaw ni Allure sa kabila. Napatingin naman ako sa kaniya. Kunot-noo ko siyang tinignan, at nag-aantay sa sasabihin niya.

"May alam ka bang passcodes Ghoul?" Natatarantang 'turan ni Allure sa akin habang hindi siya mapakaling kinukumpuni ang pintuan.

"Bakit? Anong nangyayari?" wika ko habang nilingon lang siya. Hindi ko dapat mawala ang puwesto ko ngayon.

"The timer turned on automatically . . .and"

"And what?" Napalunok na ako habang nag-iisip ng hindi maganda.

"Sasabog itong pintuan intrusively."

***

Sioney's POV

[ F L A S H B A C K ]

"Kuya, kumusta na si Sioney? Okay na ba siya?" Nanghihina akong dumilat at tinignan ang dalawang nag-uusap. It was Eunice and Chim.

"Sure ka na ba talaga sa plano natin? Baka naman pumalpak tayo niyan. Kilala mo naman si Ghoul-masyadong mausisa mahihirapan tayo sa kaniya." Naguluhan akong patuloy na nakikinig sa pinagsasabi ni Eunice. Anong plano?

"Sure na iyon. Kailangan lang na mapatalsik natin si Ghoul at si Lux." Nakangiti sambit nito habang nagbabalat siya ng mansanas sa may side table ng higaan ko. Dapat kong masabihan si Ghoul at Lux na may binabalak na hindi maganda ang magkapatid sa kanila.

"Pero paano kung malaman nila?" natatarantang wika ni Eunice.

"Sabihin mo nga sa akin Eunice, kakampi ba talaga kita?" bulyaw sa kaniya ni Chim. Napayuko na lang ang tanging ikinilos ni Eunice.

"Sorry Kuya, hindi na mauulit," panghihingi nito ng kapatawaran.

"Lalabas lang po ako Kuya. Magpapahangin lang." Habang marahang tumalikod sa kaniyang Kuya.

"Siguraduhin mong hindi mo ako tatraydurin, ako mismo ang papatay sa iyo," pagbabanta sa kaniya ni Chim. Tumango na lamang ito, at tuluyang lumabas ng silid.

Sinubukan kong gumalaw, at gumawa ng anumang ingay, ngunit bigo ako-para akong manika sa pagka-paralyzed. Napansin ko na lang na nasa akin na pala ang atens'yon ni Chim. Napalunok ako ng laway. Ngumiti ito't 'yong ngiti niya ay nakakapangilabot.

"Gising na pala ang Snow White natin. Kumusta ang tulog ng ating mahal na prinsesa?" giit ni Chim. Gusto ko silang sumbatan dahil sa kataksilan nila, ngunit ayaw talagang makisama ng katawan ko.

"Ano hindi mo kaya? Well, huwag ka na munang matutulog may palabas kami para sa iyo." wika ni Chim na siya namang nakapagbigay sa akin nang ibayong kilabot. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at nilagyan nito ang mansanas na kanina ay binabalatan. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone at . . .

"Hello, magpadala ka ng mga pulis sa room 666 ng Hospital. Bilis." Sambit nito sa telepono at mabilis na pinatay ito. Para saan ang mga pulis? Magpapahuli na ba siya?

Matapos ang ilang sandali ay nakadungaw sa labas si Lux habang kasama nito si Eunice. Malungkot itong ngumiti at saka binuksan ang pintuan.

"Oy Lux, narito ka na pala. Heto ang mansanas kain ka muna." Pang-aalok ni Chim kay Lux.

"Hindi na muna, katatapos ko lang kumain sa labas. Medyo busog pa ako. Siya nga pala hetong kape in-order ko kanina sa kabubukas pa lang na Coffee Shop diyan sa may labasan." At inilahad nito ang dalawang cup ng kape kay Chim at biglang umiba ang ekspresyon nito na parang nainis sa ikinilos ni Lux.

"Sa akin na nga 'yan. Nagugutom na ako." Saka kinuha nang mabilis ang mansanas at walang papigil na sinubo, nagulat si Chim sa nakita niya. Ang kapatid niya ang kumain ng mansanas na pinatakan niya kanina ng lason.

Kinuha naman ni Chim ang kape habang mainam na tinitignan ang kapatid.

"Maupo ka muna Lux." Panghihikayat ni Chim kay Lux habang inaayos niya ang kape sa side table.

Ngunit bago niya ito sinunod ay dumako ang tingin niya sa akin.

"Okay ka na ba Sioney?" Nag-aalalang tanong nito sa akin habang pinapakiramdaman ang init ko sa aking noo.

"Naku, sabi ng Doctor hindi pa raw siya makakapagsalita ng matino dahil sa tinamo niya. Mga ilang araw pa siguro siya bago bumalik ang normal niyang akto," napatango naman si Lux. 'No, Lux pinagloloko ka lang ng magkapatid na 'yan!' sigaw ko sa aking isipan. Napaka-wala kong silbi.

Sabay kaming tatlo na napalingon kay Eunice habang nagsusuka ito sa sahig. Mabilis naman na inalalayan ni Lux si Eunice at hinagod-hagid pa ang likod nito.

"Anong nangyari sa 'yo? Okay ka lang? Sige isuka mo lang," malamyos na wika nito sa babae. Napansin ko na lang si Chim na kinuha ang kutsilyo na ipinambalat niya sa mansanas kanina.

Sinubukan kong kunin ang atens'yon ni Lux dahil ilang sandali na lang ay malapit na si Chim sa kaniya. Yumuko si Lux at parang may sinasabi si Eunice sa kaniya.

'Papatayin ka ni Kuya.' basa ko sa paggalaw ng kaniyang labi. Kailangan ko siya masabihan. Tumulo na naman ang mga luha ko at pinipilit na sumigaw. Isigaw mo Sioney, gawin mo.

"L-LUX, S-SA L-LIKOD M-MO!" Buong lakas kong isinigaw ang isang pangungusap na iyon. Wala na.

Napapikit ako nang marinig ko ang sigaw ni Eunice. Nang kalauna'y tinignan ko kung ano na ang nangyayari sa kanila ngayon. Nag-aagawan ng kutsilyo sina Chim at Lux, palakasan ang labanan nila. Awtomatikong hinanap ko ang katawan ni Eunice. Kumawala ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata. Patay na si Eunice, habang nakahilata siya sa sahig na naliligo sa kaniyang sariling dugo.

Ibinaling kong muli ang aking mga mata sa dalawa. Puno na ng dugo ang mga kamay ni Lux, habang may mga sugat naman si Chim sa kaniyang mga braso. Laking gulat ko nang bumukas ang pintuan.

"Pulis ito, huwag kayong kikilos nang masama," sambit ng isang pulis habang nakatutok sa dalawa ang baril.

"Ibaba niyo ang mga armas niyo at itaas ang mga kamay."

"Tumawag kayo ng Doctor, at kayong dalawa sumama kayo sa presinto." Sabay turo kay Lux at Chim.

Habang ako naman, iyak lang nang iyak. Wala akong nagawa habang sa harapan ko lang namatay ang kaibigan ko. Wala akong magawa habang nagpapatayan ang dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko.

[ F L A S H B A C K S E N D S ]

Nakatihaya ako ngayon sa kama sa loob puting kuwarto. Pinahid ko ang mga luha ko at nagpakatatag. Kailangan na nilang malaman na si Chim ang pumapatay. Hindi ko na kaya pang makasaksi nang patayan, lalo na kung kaibigan ko ang nasa aking harapan.

Napapitlag na lamang ako nang marinig ko ang isang napakalakas na pagsabog. Ano iyon? Kinabahan ako ng husto at bigla kaagad na pumasok sa isipan ko si Ghoul. Diyos, iligtas mo po siya sa kapahamakan. Babagon na sana ako sa aking kama nang marinig ko ang mga yapak ng mga paa sa labas ng kuwarto, hindi, hindi ito maaari. Narito na siya, kailangan muna nilang malaman na . . .

"Hi Sioney, kumusta?" Sabay nito ang malakas na ng pintuan. Ramdam ko ang paglaki ng aking balintataw habang tinititigan siya. Nandito na siya. Kinikilabutan na ako sa mabagal niyang paglalakad papunta sa akin habang taglay pa rin sa kaniyang mukha ang isang nakakapangilabot na Killer Smile.

"IKAW!" Lakas loob ko siyang itinuro. Kailangan kong maging matapang.

"MAMAMATAY TAO KA! PINATAY MO SILA!" Sabay nito ang pag-agos ng mga luha ko. Ghoul! Tulungan mo ako. Lux! Please, tulungan niyo ako.

"Don't worry, isusunod na kita."

---

HeartHarl101