webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
47 Chs

The Painting

"Ay, Zetty, may nag-iwan nga pala nito kanina habang nandoon kayo sa dagat."

Kararating lang namin at kabababa ng kotse galing sa Northwind Beach Resort nang nilapitan ako ng kapitbahay nina Lolo na si Tita Neneng. Kasama niya 'yong anak niyang lalaki na may dala-dalang parang plywood ang nipis at kasing laki lang parang normal na picture frame na usually isinasabit sa dingding pero nakabalot. Sinenyasan niya 'yong anak niya na ibigay sa akin kung ano man 'yong bitbit nito.

"Kanino po galing, Tita Neneng?" tanong ko pa. Wala naman akong inaasahan na package or something. I don't even know what this is.

"Ano 'yan, Ate Zet?" tanong ni Krezian. Mukhang nakiusyoso na rin ang mga pinsan ko.

"Walang sinabing pangalan, e. Ang sabi lang kaibigan mo raw siya. Ipinapabigay lang 'to."

"Sa loob mo na lang buksan 'yan, Zetty. Kailangan n'yo pang magbanlaw at magbihis," sabi ni Lola kaya hindi namin tuluyang nabuksan kung ano man 'yon. Pinabuhat na lang ni Lola kay Justine 'yon at nagpasalamat kami kay Tita Neneng at sa anak niya sa pagdadala no'n.

Kahit na nakabihis na ako ng damit kanina pa lang sa dagat, pinagbanlaw at pinagbihis ulit kami ni Lola para diretso na lang daw kaming matutulog mamaya pagkatapos ng hapunan. Hanggang ngayon talaga, alagang-alaga pa rin kami ni Lola.

Madalian lang akong naligo at nagbihis. Na-curious din kasi ako kung anong laman no'ng pinabigay sa akin nang hindi ko kilalang tao. Kung sino man 'yon, paniguradong makikilala ko rin naman siya. I also have a hunch na parang picture frame ang pinadala dahil sa size nito.

Pero pagkababa ko pa lang ng hagdan, nakita ko nang pinagkaguluhan na ng mga pinsan ko 'yong pinaabot ni Tita Neneng kanina. Napakamot na lang ako sa batok ko at napabuntonghininga. Ano pa nga bang magagawa ko? Walang hiya talaga.

"Masiyadong na-excite ang mga pinsan mo para buksan 'yong regalo," agad na sabi ni Lola sa akin nang tuluyan akong makarating sa salas. Napabuntonghininga na lang ako at nagkibit-balikat. Ano pa nga bang magagawa ko, e, mga bata lang 'tong mga pinsan ko?

"Ate Zet, ikaw 'yong nasa painting. Ikaw ba nag-paint nito?" tanong ni Krezian nang iharap niya sa akin 'yong nabuksan ng regalo.

What the hell. Unang tingin pa lang sa painting, alam ko na kung kanino galing.

Ito 'yong painting na ipinakita sa akin ni Therese nang pumunta ako sa bahay nila para um-attend ng seventeenth birthday nila ng kaniyang kakambal. Ito 'yong hawak ko nang bigla niya akong halikan. Paano ko nga makakalimutan 'yang painting na 'yan, e, naging saksi 'yan nang gabing iyon.

Huminga akong malalim at pilit na ngumiti. Nilapitan ko ang painting at ini-angat ito para mapagmasdan ng mabuti.

"Ang ganda ng painting, apo. Ikaw ba gumawa?"

Naputol ang pagkakatitig ko sa painting nang tapikin ni Lola ang balikat ko. Napalingon ako sa kaniya at muling tipid na ngumiti.

"Oo nga, Zetty. Bumalik ka na pala sa pagpipinta?"

Natoon ang atensiyon ko kay Lolo na galing kusina at may hawak pang isang basong tubig.

"Hindi pa po ako nakakabalik sa pagpipinta, La, Lo. Gawa po 'to ng kaibigan ko, ibinigay lang sa akin," pagdadahilan ko.

"Ate, may kasamang envelope."

Kinuha ko 'yong ini-angat na envelope ni Justine. Hindi ko binuksan. Ayoko lang na may makabasa na iba. Natatakot akong baka malaman ng iba kung ano man 'yong nakasulat sa sulat na iyon. Itong painting pa nga lang, kinakabahan na ako.

"Ang bait naman ng kaibigan mo kung ganoon," sabi ni Lola.

"Hmm? Baka manliligaw mo 'yan, Zettiana, ha? Papuntahin mo 'yan dito."

"Hindi po, Tito. Anong manliligaw? Wala po."

"Weh? Baka mayroon, tinatago mo lang? Sabi ni Nichodemus mayroon daw, e."

"'Wag po kayong maniniwala sa bugok na 'yon, Tito. Por que't may love life na 'yon, pati ako dinadamay."

Nagsimula akong kantiyawan ng pamilya ko tungkol sa manliligaw ko kuno. Patuloy din ako sa pag-deny kasi hindi naman talaga totoo. Hanggang sa umabot na ng hapunan, 'yon pa rin ang pinag-usapan nila. Tinanong pa nga ako ni Lola kung wala ba talaga. Anong sasabihin ko? E, wala naman talaga. Puwera na lang kung kaya kong sabihin sa kanila na may nagkakagusto sa aking isang babae? Which will never gonna happen kasi habang buhay kong hindi kakayanin. That's the risk I can't take.

Hindi naman talaga kami pinagbabawalan na magka-girlfriend at boyfriend. Our grandparents were even supportive basta raw dadalhin sa bahay at pormal na ipapakilala. Sa aming magpi-pinsan na nakatira rito sa bahay nina Lolo at Lola, si Justine pa lang ang nakapag-introduce ng girlfriend and to think na fifteen years old lang siya ha? Dinaig pa talaga ako.

Matapos ang hapunan, sinamantala ko ang pagkakataon na nandito pa sa salas si Krezian para manood ng TV. Umakyat agad ako sa kuwarto namin para i-check kung anong laman no'ng envelope na kasama ng painting. Nakabalot ito kanina at una nang nabuksan ng mga pinsan ko kaya sila talaga ang unang makakapansin sa envelope. Ch-in-eck ko rin naman kanina ang wrappers pero wala ng ibang kasama 'yong envelope. It looks untouched kaya paniguradong hindi naman binasa ng pinsan ko kung anong mayroon sa loob na iyon.

Isinandal ko ang painting sa dingding at umupo sa kama para mabuksan na ang envelope. It has my name on it and it has a girly scent, halatang galing sa isang babae. Sana naman hindi napansin ni Justine 'to.

Pagbukas ko, una kong napansin ang isang paint brush tapos ang nakatuping stationary letter with that same scent na mayroon ang envelope.

Is this a… love letter? What the hell!

Walang pagdadalawang-isip kong binuksan ang nakatuping stationary letter. With that flowery borders engraved on it and its clean penmanship, this is indeed from a girl… it's from her.

Zetty,

I hope you're doing fine. Although, you're obviously doing fine. Pinadala ko 'yong painting na gusto kong ibigay sa 'yo. I want to give it you personally sana pero alam kong iiwasan mo lang din ako katulad nang ginagawa mo kapag nagkakasalubong tayo sa hallway or cafeteria. Isinama ko na rin ang favorite brush ko, baka sakaling bumalik ka sa pagpipinta. May nakapagsabi kasi sa akin na matagal ka na raw tumigil sa pagpipinta. I want to know why but I know it's off-limits but hopefully, you'll be able to be back on track. Wishing that day to happen, Zetty.

Alam kong nagulat ka sa pag-confess na ginawa ko but that's what I feel towards you, Zetty. Hindi nga nabawasan ang feelings na mayroon ako sa 'yo nang bigla kang umalis sa kuwarto ko with that dismayed face. Just so you know, Zetty, I still like you. I still love you. Please don't stop me from loving you… even just from afar.

Thank you nga pala sa hindi pagsasabi sa iba tungkol sa akin. I appreciate it a lot.

Always loving you,

Theresean Anjolina Ponsica

Mariin akong napapikit matapos basahin ang laman ng sulat. Nand'yan na naman 'yong kabang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko si Therese.

Ilang buwan ko na siyang iniiwasan. Pati si Therence, iniwasan ko na rin. Umiiwas ako hindi dahil naririndi ako sa confession na ginawa niya, kundi dahil naguguluhan ako. Sinubukan kong sabihin ang tungkol dito kay Yosef pero palaging nauurong ang dila ko't hindi ko masabi sa kaniya ng tuluyan. Gusto kong may mapagsabihan tungkol sa confusion na nararamdaman ko ngayon.

Itinupi ko ulit ang sulat at napatitig sa hawak kong paint brush.

Painting has been my passion ever since I was a child. Ang suwerte ko lang kasi tinulungan ako ng family ko na hasain ang talento kong iyon. They were supportive all the way. Until one day, I stopped. It was a year ago when I decided to stop doing what I love the most. Hindi ako nagbigay ng rason sa ibang tao kung bakit bigla akong tumigil. I just told them I don't want to paint anymore, the fire's gone, mga ganoong rason. Pero ang totoo, it was a year ago nang malaman kong isa pa lang pintor ang ama ko. And because I hated my father for what he did to Mama and me, pinili kong itigil ang unang bagay na kinahiligan ko.

But while I stare at this used brush in my hand, it urges me again to paint. Bakit ba kasi kailangang bigyan ako ni Therese ng paint brush, ng sulat, ng painting? Mas lalong gumulo ang isipan ko dahil sa ginawa niyang ito.

Kaya pumasok ako kinabukasan na gulong-gulo pa rin ang utak ko. Araw-araw, simula no'ng gabing iyon, gumulo na talaga ang utak ko. Nagtitiis lang talaga ako ngayon dahil isang linggo na rin naman at bakasyon na. Kaonting tiis na lang talaga, Zetty.

Absentmindedly akong naglakad papunta sa classroom namin. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin 'yong laman ng sulat. Sa lahat ba naman kasi nang magkakagusto sa akin, 'yong minsan ko pang maging type at isa pang babae.

Tanga, Zettiana! May nagkagusto nga'ng isang lalaki sa 'yo, b-in-usted mo naman. Engot ka rin, e, 'no?

Ewan ko na lang talaga. Ewan ko sa kambing na may bangs!

Dahil sa pagiging pre-occupied ko, hindi ko namalayan na may nakabangga na pala ako. Para akong nagising sa katotohanan nang magsibagsakan ang mga librong dala niya.

"I'm sorry…" sabi ko at sinubukan ko pa siyang tulungan na pulutin ang mga libro sa sementadong walkway.

"It's fine."

Ang lakas ng apog ng kambing na may bangs! Sa lahat ba naman ng puwedeng makasalubong…

Natigil ang paghinga ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Ngumiti siya sa akin pero alam kong hindi umabot sa mata niya. Isa-isa niyang sinikop ang mga librong nagkalat at tumayo. Kahit na gulat na gulat pa rin ako, nagawa ko siyang sabayan sa kaniyang pagtayo.

Sa lahat ng taong puwedeng makasalubong ngayon, 'yong babae pang bumabagabag sa akin buong magdamag.

"Good morning," bati niya sa akin at agad akong nilampasan.

Sinundan ko siya ng tingin and I have this urge in my gut feeling that I need to stop her.

So I did.

"Uh… Therese. T-Thank you sa painting."

Napatigil siya sa paglalakad at habang yakap-yakap ang libro, lumingon siya sa akin at ngumiti. That same smile I see whenever I see her with her friends. That same bubbly smile I first noticed on her.

"No worries, Zetty. I'll go ahead." Muli siyang ngumiti bago tuluyang tumalikod para maglakad ulit.

"Sige…" bulong ko na lang habang sinusundan siya ng tingin.

Napabuntonghininga ako dahil sa ka-engotan ko sa pagiging casual ko. Ang engot mo talaga kahit kailan, Zettiana. Ebarg na ebarg ang ka-engotan na mayroon ka!

Nanatili akong nakatayo sa kung saan kami nagkasalubong na dalawa hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Engot ka talaga, Zetty.

"Zetty? Anong ginagawa mo r'yan?"

Napalingon ako sa likuran ako at nakita ko si Yosef at Tonette na kararating lang sa school. Paakyat sila sa maliit na hagdan papunta sa kinaroroonan ko.

"Morning, Zetty!" Itinaas ni Tonette ang kamay niya for a high-five para batiin ako. "Kuya, una na ako," paalam niya sa Kuya niya at nilampasan na ako sa paglalakad.

Susundan ko na sana sa paglalakad si Tonette papunta sa High School building nang pigilan ako ni Yosef dahilan para makalingon ako sa kaniya.

"What?" nagtatakang tanong ko.

"Okay ka lang?" seryosong tanong niya.

Pinantayan ko ang tingin niya at napabuntonghininga. "'Wag mo 'kong sisimulan sa seryosong tono ng boses mo, Josefino ha? Wala akong sasabihin sa 'yo. Tara na nga!"

Naglakad ako nang tuluyan. Mabuti naman at binitiwan niya ang braso kong hinawakan niya kanina para pigilan ako sa paglalakad. Sinabayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa hallway na magdadala naman sa amin sa grade eleven classrooms.

"Oh? So may gusto kang sabihin sa akin?" pabirong sabi niya na inirapan ko naman.

"Hindi ko sasabihin sa 'yo kasi alam kong chismoso ka."

"Sabihin mo na. Sasagutin naman kita agad kapag sinabi mo sa akin na gusto mo ako. Walan-"

"Ew! Mangarap ka! Kahit ikaw na lang ang maging choice sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa 'yo," pabiro ko ring sabi.

Ngumisi sa akin si Yosef.

"Alam ko," simpleng sagot niya at naging tahimik na lang na umakyat ng hagdan papunta sa classroom namin.

Pero buong araw na nasa school ako, mas lalong nadagdagan ang iniisip ko. Gustong-gusto ko nang may sabihan akong isang tao sa bumabagabag sa akin ngayon. Hindi ko nga alam kung kanino ko sasabihin. Kay Yosef ba na may idea na tungkol sa sasabihin ko. Kay Nicho na pinsan ko na pinagkakatiwalaan ko rin ng lahat. O kay Ada na kaibigan ko rin na isang babae. Sino ba sa kanila ang makakaintindi ng situwasiyon ko ngayon?

No'ng mag-breaktime sa hapon, pinili kong tumambay sa solidarity hall nang mag-isa. Dinala ko 'yong intermediate pad, lapis, at 'yong sulat na ibinigay ni Therese sa akin.

Umupo ako sa bakal na bleachers at prenteng sumandal doon. Tinitigan ko ang blankong papel at gamit ang isang linya, sinubukan kong simulan ulit ang pagdo-drawing.

I made it random. Kung ano lang 'yong unconsciously ay naiisip ko. I can do sketching pero mas gamay ko talaga ang painting dahil mas nako-control ko ang mga kulay na gagamitin ko para magbigay buhay sa drawing na ginawa ko. Kapag sketch kasi, para sa akin wala itong kabuhay-buhay dahil dalawang kulay lang ang consist nito: black and white. Although I highly respect any form of art. It's just my own opinion, though.

Sa ilang minuto kong ginawa 'yon, ang kinalabasan ng sketch ko ay isang mukha ng babae. Ebarg ang unconscious mind ko. Hindi na talaga maaasahan sa panahon ngayon.

Napa-iling na lang ako sa sariling kahibangan. Tinanggal ang papel na iyon sa kaniyang lalagyan, itinupi ang papel, at ibinulsa.

Anong klaseng kahibangan 'to, Zetty?

Sinubukan kong mag-sketch ulit. This time, landscape naman.

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa nang may narinig akong footsteps sa tahimik na solidarity hall. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang kanilang paglapit.

"Alone time o gusto mo ng kasama?" tanong ni Yosef sabay bato sa akin no'ng two hundred fifty ml na Chuckie. Mabuti mabilis reflexes ko, nasalo ko agad 'yon matapos kong isantabi ang papel na hawak ko.

Hindi nag-iisa si Yosef. He's with his cousin, Ada. My cousin, Nicho, Pato, and Hugo are nowhere to be found. Siguro nandoon sa mga girlfriend nila. I don't know. Break time naman namin ngayon. Kaniya-kaniyang trip sa buhay.

Patakbong lumapit si Ada sa puwesto ko at agad ch-in-eck ang papel na naisantabi ko. Si Yosef naman ay nanatiling nakatayo sa harapan naming dalawa. Sumisipsip din sa hawak na Chuckie.

"Nagdo-drawing ka na ulit, Zet?"

Hawak ko 'yong Chuckie nang magtanong si Ada. Lumingon ako sa kaniya at sa papel na hawak niya. "Sinubukan ko lang."

"You still have your passion in you. Ang ganda."

"Tingin." Kinuha ni Yosef ang papel mula kay Ada at sinipat ng tingin ang landscape na ini-sketch ko. "Pangit naman nito," nakangiwi ang mukha niya habang nakatingin sa papel.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. "Oo, kasing pangit mo."

"Joke! Joke only. Ang guwapo kaya nito. Kasing guwapo ko."

Ang conceited talaga nitong si Yosef at Tonette. Gandang-ganda talaga sa lahi nila, e.

Hinayaan kong laitin at pag-trip-an at tapusin ni Yosef ang landscape na ini-sketch ko. Hindi ko na rin naman matatapos 'yon kaya pinabayaan ko na lang.

Tahimik ang first few minutes naming tatlo. Hanggang sa nag-decide akong i-open up kay Ada ang tungkol sa bumabagabag sa akin. Gusto ko sanang siya lang ang makaalam pero may ideya na naman din si Yosef kaya siguro, okay lang na nandito siya? Ba't kasi buntot nang buntot 'tong bugok na 'to sa mga pinsan niya. Parang walang girlfriend ang bugok. Bakit hindi niya sundin si Nicho na halos sambahin na 'yong girlfriend kakabuntot?

"Ad, may ipapabasa ako sa 'yo. But don't freak out."

"Ano 'yon? Parang sa word pa lang na freak out ay magfi-freak out na ako. Sabihin mo na, bago pa ako mag-freak out."

Ang sarap batukan nitong si Adaline! Iisang dugo talaga ang nananalaytay sa kanila ni Yosef. Parehong mga bugok at walang kuwenta kung magsalita kapag seryoso na ang atmosphere.

Kinuha ko 'yong sulat ni Therese sa bulsa ng uniform ko pero bago ko pa maibigay kay Ada, nagsalita na si Yosef.

"Am I included in this narrative? O mag-g-girls talk kayo?"

"Bakla ka naman. D'yan ka na lang," sagot ko at tuluyang inilabas ang sulat.

Inabot ko kay Ada ang sulat nang hindi nakatingin sa kaniya. I prepare for the worst. I prepare for her reaction. For now, I need to calm down.

Dahil siguro sa sinabi ko, lumipat si Yosef sa tabi ng pinsan niya at nakiusyoso sa kung ano 'yong ibinigay ko kay Ada.

I waited for a minute or so until I heard Ada's gasping and disbelief breathing.

"Shit? Is this real?"

Mukhang nabasa na niya ang mga katagang magpapagulat sa kaniya. Nag-react na siya, e. W-in-arning-an ko na siyang 'wag siyang magfi-freak out but here she is… freaking out.

"So… umamin na pala siya sa 'yo?"

Lumampas ang tingin ko kay Yosef dahil sa seryoso niyang tanong. Tumango lang ako. Hindi na nagsalita pa.

"You knew about this and you're fine with it?" halos hysterical na tanong ni Ada sa pinsan niya. Umiwas na lang ako ng tingin at tinanaw ang canteen.

"Anong magagawa ko, e, 'yon 'yong nararamdaman niya kay Zetty? Ang martyr ko naman kapag 'yon pinigilan ko pa."

Sana nga pinigilan mo, Yosef, nang hindi na ako umabot sa ganito.

"How are you taking this, Zet?"

"The hardest," sagot ko kay Ada. "And I think I'm falling, Ad." Lumingon ako sa kaniya. "I think I'm falling with her."

~