webnovel

When The Time Comes [MR Series #3] (Tagalog)

MysteryRomance#3 Arzalea Desiree Smith & Azrael Daven Gomez There's no one to blame to people who innocently didn't know how the scenario is probably like complicated. The world, is like a disaster. And a lot of problem and can't stop thinking how to resolve it. Also call it loved how to turn crazy you are. What is your life now? If no ones by your side and helping you to the scenario. When the time comes..

ItsMeJulie · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

Chapter 9

Matapos ang usapan ay umalis na rin kami roon. Hindi ko rin kinagugulat kung babalik rin agad kami rito dahil mabilis silang maka kuha nang impormasyon.

"I'm hungry, Let's eat." Nauna na naman ito kaya naman sumunod ako.

Sa Shakeys na kami kumain dahil ito lamang ang pinaka malapit na restaurant. Dere deretso ang kain ko nang dumating ang order at walang pakielam sa mga paligid.

"Slow down." Nabigla ako nang may tao nga pala akong kasabay ngunit umiling ako matapos simutin ang pangatlong manok.

"It's okay." Sabay inom ko sa Iced Tea at kumuha naman nang mojos at nilagay ko sa plato ko. Tinusok ko iyon gamit ang tinidor at sinubo nang buo.

Nararamdaman kong parang natatawa na ang kaharap ko nang lingunin ko sya habang ngumunguya. Dahil sa sobrang intense nang pag uusap namin kay Mr. Faller ay sa pagkain ko na lang idinaan ang kaba ko.

"Baka mautot ka nyan kapag pinigilan mo ang tawa mo." Simpleng sambit ko kaya naman dumilim ang itsura nito at parang tagos na kung tumingin sa akin.

Matapos non ay dere deretso na rin syang kumain at pinapanood ko lamang sya habang sinisimot ang mojos ko.

Gusto kong sabihin na ang takaw nya pero nagulat ako nang tumayo agad ito.

"Let's go to the mall."

Kinuha ko ang isang pirasong pizza at dali daling inubos bago lumabas at hinabol sya. Mabuti na lamang at may dala akong tubig sa kotse niya kaya hindi ako mauuhaw.

Ngunit naging bigo ako nang inumin nya yon. Gusto kong sumimangot habang ngumunguya nguya pa pero mas pinili kong maging blanko ang aking reaksyon. Hindi ko alam kung nananadya ba sya dahil wala man lang bawas ang juice nya doon kanina at hindi nya ginalaw.

Matapos ubusin ang tubig ko ay tumingin ito sa akin na para bang nang -aasar. Napa buntong hininga ako nang malalim at tumingin na lamang sa bintana.

Pagkarating nang Mall ay agad akong nauna dahil nauuhaw na talaga ako. Bumili ako ng tubig at agad ding nag bayad matapos ay binuksan iyon at nakainom na rin sa wakas.

Nagulat ako nang higitin nya ako at kinuha nya ang sukli ko at nilagay sa bulsa nya.

"Seriously?" Asik ko at hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko.

"What?" Maang maangan nya.

"Give me my money." Bored na sagot ko at tiningnan ako saglit bago kunin ulit sa bulsa nya ang bente pesos at pabuntong hiningang binigay sa akin na ka agad ko nang kinuha.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ngunit hindi ito sumagot at hanggang sa mapunta kami sa sapatos at tumitingin tingin sya doon.

Naka ramdam ako nang vibrate sa phone ko kaya naman tiningnan ko muna sya bago maupo sa tabi at binasa ang mensahe ni Mr. Faller.

"His Eye's are Gray like you'rs."

Nangunot naman ang noo ko na lalong nagpa kaba sa dibdib ko. Nagulat pa ako nang mag mensahe muli sya.

"Be careful dear, The man is watching us" Sagot pa nito sa text. Kaya naman na praning ako at tumingin sa mga gilid gilid.

Hindi ko malaman kung paano nalaman iyon ni Mr. Faller. Napatayo naman ako na parang may nakatingin sa akin ngunit naka black hood ito. Sinubukan kong mas tingnan maigi ngunit maraming tao ang humarang kaya hindi ko na sya muling nasulyapan.

Nagulat ako nang may humawak sa braso ko na sasapakin ko na sana nang makitang naka kunot ang noo ni Daven.

"Sino bang tinitingnan mo dyan? Tsk." Pagalit na sabi nya.

"I've been watching you the whole time. So stop lying to me." Halos pasiring nyang inalis ang tingin sa akin tsaka kinuha ang sapatos na nasukat nya.

"Sorry naman." Halos pabulong kong sagot.

"Tsk. Let's go, babayaran ko na to." Sa ngayon ay mas nauna na naman sya at hindi ko na naman mapigilan mapatingin sa paligid.