webnovel

When The Time Comes [MR Series #3] (Tagalog)

MysteryRomance#3 Arzalea Desiree Smith & Azrael Daven Gomez There's no one to blame to people who innocently didn't know how the scenario is probably like complicated. The world, is like a disaster. And a lot of problem and can't stop thinking how to resolve it. Also call it loved how to turn crazy you are. What is your life now? If no ones by your side and helping you to the scenario. When the time comes..

ItsMeJulie · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

Chapter 22

Mabilis lumipas ang araw at ikalawang araw na namin sa Canada. Hindi natuloy ang ako ang mauuna dahil sumabay na rin sya. Mahirap mahuli ang serial killer na iyon dito, dahil na rin masyadong malawak at malamig pa ang panahon.

Dalawang araw na din na walang paramdam noon si Zaiu at lumagpas ang ikatlong linggo na wala na itong update ngunit ako'y panay ang text sa kanya. Sinubukan ko nang tawagan sya pero laging naka patay ang phone nya. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Hindi ko rin matawagan si Tita.

"Saan ka galing?" Tanong ko nang madaling araw na sya nakarating sa tinutuluyan naming hotel

"None of your business." Kumunot ang noo ko at napatitig sa kanya.

Dalawang linggo ang itinagal namin dito para nga mahuli ang killer dito. Habang mas tumatagal kami ay mas lalong lumalamig ang pakikitungo ni Daven. Hindi ko alam kung lagi lang ba syang wala sa mood o dahil hindi mahuli ang killer dito.

"Kumain kana?" Binalewala ang pagiging cold nya.

"I am." Iksing sagot nito at tumango na lamang ako bago tumutok sa laptop.

Sinubukan ko rin sa skype pero offline ito. Napa buntong hininga ako at nawawalan na nang pag-asa.

Nahalata nya iyon at napansin ang pagiging matamlay ko. Hindi ko inaasahang lalapit sya sakin at kinapa kung nilalagnat ako.

"Are you ok?" Tanong nya na may pag alala.

"Hindi." Deretsong sambit nito na ikinagulat nya. "Wala pa rin akong natatanggap na message galing sa kanya. Nag-aalala na ako." Napahilamos pa ako ng mukha dahil doon.

Tumabi sya sa akin at niyakap ako bago isandal ang ulo ko sa dibdib nya. Hindi ko maiwasan mag isip nang kung ano ano.

"Malapit na rin tayo umuwi, huwag kang mag alala. Sabay tayong hanapin sya, hmm?" Hinihimas nito ang ulo ko at napapapikit naman ako dahil feeling ko ay nababawasan ang pagod ko doon.

"Salamat." Tapik ko sa balikat nya at umayos na rin kami nang upo.

Panay ang check namin sa cctv ngunit walang nangyayari dahil kakaunti na lamang ang tao doon. Pero ang ikinagulat ko ay may dumaang naka cap na lalaki at naka jacket ito. Napatitigan ko pa at namalayang hindi na gumagalaw ang nasa screen.

"Sh*t!" bulalas ko

"Bakit?"

"Nag lagg, we need to go." Mabilis pa sa hangin ang kilos naming dalawa at pareho hinabol ang lalaking tumatakbo.

Kumalma ako nang maapakan nya ang pulang linya na syang ikina trapped nito sa loob. Labis ang pagkataranta nito at ingay sa paligid.

Ikinabit ko ang earpods ko at kinonek ang tawag kay Mr. faller.

"Mission Accomplished." Banggit ko nang may ngisi sa labi habang tinitingnan patalim ang nahuli namin.

"Well, maari na kayong makauwi kinabukasan at ibigay nyo na lang sa mga tauhan ko ang basura na iyan." Binaba agad nito ang linya at siyenyasan si Daven na barilin ito para maka tulog.

Unang plano ay hindi bala ang nasa loob nang baril ni Daven kundi ay pampaturok Pampa tulog dahil alam naming magwawala ito sa loob. Gumana ang aming Plan A. Ang Plan B ay kung hindi sya ma t trap, kinakailangan namin gumamit nang sasakyan upang takutin at habulin ito.

"Ang dali naman pa lang mahuli nito." Pagpag nya sa pantalon nya at Inangat ang bakal para buhatin nang tauhan ni Mr Faller.

"Hindi nakapag spider man eh." Ngising sambit ko at ramdam na ang pagka pagod.

"Makakauwi na rin tayo." Wika nito.

Nang makabalik nang hotel ay sa sobrang pagod namin. Hindi na kami nakapag bihis at tabi na kaming naka tulog.