webnovel

When The Time Comes [MR Series #3] (Tagalog)

MysteryRomance#3 Arzalea Desiree Smith & Azrael Daven Gomez There's no one to blame to people who innocently didn't know how the scenario is probably like complicated. The world, is like a disaster. And a lot of problem and can't stop thinking how to resolve it. Also call it loved how to turn crazy you are. What is your life now? If no ones by your side and helping you to the scenario. When the time comes..

ItsMeJulie · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

Chapter 17

Matapos namin makipag usap kay Mr. Fall ay agad din kaming umuwi sa mansyon. Akala ko ay kung ano na, iyon pala ay nag sabi lamang siya na mag iingat kami.

Tatlong araw mula ngayon ay mag b birthday na si Cedric kaya naman ang ibang mga tao dito sa amin ay naghahanda na nang mga gagamitin para sa selebrasyon nang kapatid ko.

"Kamusta naman kayo?" Tanong ni Kuya Jack or Jack na lamang para mas maganda.

"We're okay. Nagkaka sundo na rin kami sa mga bagay bagay." Sabi ko habang kumukuha ng pagkain sa lamesa.

"Mabuti kung ganoon. Huwag nya na sanang ulitin pa ang pagsusungit sa'yo." Malalim at ma awtoridad nitong sabi.

Masungit si Jack, sa itsura at sa kanyang ugali. Lalo na kung minsan ay may hindi siya nagugustuhang marinig or maririnig ay ganyan siya. Kabaliktaran naman si Aiden. Na palaging masaya at parang kung saan saan napupunta ang imahinasyon nito sa utak nya.

"Mauna na ako." Sumubo pa ako nang isa pa bago ko binitbit ang cellphone ko.

"Saan ka pupunta?"

"Bro, alam mo naman kung kanino siya pupunta." Tiningnan ko lamang si Aiden nang blanko bago ako umalis. Wala akong panahon para sa kanya.

Sumakay na ako nang kotse ko at nag drive papunta sa Bar nang kambal. Agad din akong nakarating dahil wala naman traffic. Mabilis akong bumaba nang i park ko ang sasakyan ko. Nilagay ko na rin ang finger print doon nang magbukas automatiko ang glass door.

Maraming tao at nakakabingi ang tugtog. Kailangan ko na munang mahanap si Daven dito ngunit sa dami nang tao ay parang mahihirapan akong hanapin sya.

Nang sa wakas ay natanaw ko na sya ay agad ko syang nilapitan at pinaglayo ko ang isang babaeng naka kandong sa kanya.

"What the-" Nagulat sya nang na kaharap nya ako at ang kawawang babae ay naitulak pa nya. Padabog tumayo yung babae bago umalis sa harapan namin.

"Ouch. B*tch Ugh!" Sambit nito.

"Why are you drunk?" Sambit ko nang makitang mamula mula na ang mukha nya sa pagka lasing.

"I'm not drunk." Pagsisinungaling nya pa.

"May problema kaba?"

"I missed her." Kasabay nang pag sabi nya noon ay ang pagtulo nang luha nya. Nagulat ako doon pero mas nakaka gulat nang yakapin nya ako.

'Who's her'? Gusto ko man tanungin ay hindi ko na nagawa at inalo ko lamang sya. Hindi ko alam na may pinagdadaanan pala sa pag ibig ang tao na ito, kaya naglasing at dito pa piniling umiyak.

"I wish, she was here." Sabi pa nya bago kumalas sa pagkaka yakap sa akin.

Nag iwas ako nang tingin, hindi alam kung anong gagawin sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi ko rin alam, dahil malay ko ba kung sino iyon at baka nga hindi ko pa kilala.

Nang makita kong lalagukin nya pa ang isang alak ay inilayo ko na sa kanya iyon at ako ang nag lagok non. Napapikit ako dahil hindi naman ako masyado umiinom nang alak.

"Tsk. Bawal kang uminom. Masama sa'yo to." Sabay sabat nya at kinuha ang hawak kong baso.

"Nagawa ko na." Ano pa bang sinasabi nya?

Medyo chill kami ngayon at pinapanood na lamang ang taong nandoon sa gitna at sumasayaw sayaw. May ibang tao naman na nagyayakapan at may ibang naghahalikan.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag text si Zaiu. Tinatanong kung nasaan ako pero nireplyan ko na lamang sya na ako na lang ang pupunta sa kanila mamaya dahil madilim na rin sa labas at delikado mag drive papunta dito.

"Is he your friend?" Tanong nito habang naka kunot ang noo. Nagtaka naman ako dahil alam kong nagkita na sila pero tinanong pa rin nya sa akin ito, naghihintay sa sagot ko.