webnovel

WHEN DREAMS COME TRUE

Parehong Oras. Parehong Lugar . Parehong Pangyayari

FeelingWriterMe · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
4 Chs

REALITY

"Parehong oras.Parehong lugar.Parehong Pangyayari"

||| • • • ||| • • • ||| • • • ||| • • • |||

Khyra

Sunday || 6:45 pm

Hayst,Masyadong nakakapagod ang mga pangyayari ngayong araw. Una kinailangan ko pang humanap ng napakaraming rason para hindi magalit si Ivana kung bakit agad akong umalis sa party nya. Pangalawa, hindi ko alam kung bakit pero hanggang ngayon eh tumatatak parin sa isip ko yung lalaki, engkanto ba yun?. Pangatlo, Nag-away nanaman si papa at mama ng dahil sa kulang ang perang inuwi ni papa. At panghuli, Tripleng pagtatago ang ginawa ko kanina sa mall para lang di makita nung mga demonyang kaklase ko.Kakapagod,sobra! .

Pagkatapos kong kumain ay agad ko nang nilinisan ang buong katawan ko para makatulog narin ako. Kailangan ko ng ultra mega rest ngayon para naman maganda ang mood ko bukas.May klase pa naman.

Pagkatapos ng lahat ng routine ko ay ibinagsak ko na ang buong katawan ko sa malambot kong kama at hinayaan ko nang mamahinga ito. Hanggang sa dahan-dahan na ngang pumikit ang mga mata ko.

: : : :

Sunday || 7:00 pm

  Lumalim na ang gabi,ngunit ang mga ilaw sa bawat bahay ay buhay parin . Ang ibig sabihin ay gising pa ang mga tao rito. Pero teka,bakit wala ako sa aking kama? Nasaan ako?.

Muli,nandirito nanaman ako sa park malapit sa aming bahay. Tanging ako lang at ang mga lalaking naglalaro ng basketball ang nandirito. Umupo ako sa isa sa mga bench para makapag-pahinga,masyado ata ako napagod sa paglalakad. Napansin kong unti-unti nangangati ang leeg ko kaya  tinanggal ko ang kwintas na suot ko.

"First..."

Narinig ko nanaman ang boses na to. tsk tsk tsk. Nang matanggal ko ang kwintas ko ay laking gulat ko nung biglang may humablot rito,akala ko ay isang magnanakaw  na mula sa isa sa mga nagba-basketball.Isang bata lang pala,gayunpaman,hinabol ko parin ang bata dahil baka itapon nya ito kung saan. Maya-maya lang ay bigla nya ito itinapon sa malapit sa swing,buti nalang at walang mga batang naglalaro.

Habang hinahanap ko ito ay  may isang taong kumalabit sa aking likuran. Sa pagharap ko ay isa pala syang lalaki.

Hindi ba't sya yung lalaking napapanaginipan ko lagi?

" Sawakas,magkikita narin tayo mahal kong binibini..." sabi nito at dahan dahan narin itong lumalapit sa akin na tila ba gusto nya akong yakapin.

Pero,hindi ko parin nakikita ang mukha nya.

"Gigising ka na ba?.Alam kong gigising kana." may naririnig akong boses na tila bumubulong sa akin.

: : : :

Dahan-dahan ay ibinukas ko ang aking mga mata at nagising ako sa...

Teka,panong napunta ako sa isang...Hospital?

  "Yes yes! Doc doc! " Nakita ko nalang ang isang lalaking tumatalon-talon sa tuwa na agad lumabas sa pinto.

Bakit nasa hospital ako?. Hindi ba't dapat ay nasa kama ako ng aming bahay?. Hindi ba dapat ay pupunta ako sa isang park para malaman ang mukha nung lalaki sa panaginip ko?

" Kailangan pa nyang mag-pahinga " narinig kong boses mula sa pinto.

Ibig bang sabihin nito...

"Sawakas!. Khyra,buti naman at nagising kana.Sabi na nga ba,ako ang una- unang makakita sa pag-gising mo" masayang sabi ng lalaking nasa harapan ko.

  " Panaginip ito hindi ba? " tila walang lakas na tanong ko sa lalaki.

"Khyra naman eh,syempre hindi. Totoong gising ka na,tatawagan ko agad sina tita!" masiglang sagot ng lakaki.

Ibig sabihin...Yung kwartong tinutulogan ko,yung kwento ng mama ko,yung birthday party na pinuntahan ko,yung lagi kong pinapanaginipan, yung lalaking nakilala ko sa party,at yung huling panaginip ko...ay walang katotohanan?

Everything was just a dream.

Isang pananagip sa loob ng isa pang panaginip. Nakakapagtaka.

Sunday || 7:00 pm

Makalipas ang isang linggo ay nai-discharge narin ako sa hospital. Medyo nanibago ako sa mukha ng mga totoo kong magulang lalong lalo na sa bagong ayos ni Clydan. Ang bagong kaibigan ko.

Naalala ko, bago ang disgrasya ay nakilala ko sya dahil sa isang party. Nag-iisa sya sa isang table, para ngang walang gustong tumabi sakanya.Sinabihan ako ni mama na humanap daw muna ng mauupuhan,e wala na akong ibang mau-upuan kundi sa tabi nung lalaking nag-iisa. Ilang minuto ng makatabi ko sya sa upuan ay bigla nya ako kinausap,kinausap ko na rin sya. Mabait naman pala sya,masayahin,pala-ngiti, at isa pa...kung hindi nya tatakpan ang mukha nya ng isang maskara, nakaka-attract ang mukha nya gayundin ang katawan nya, isali mo pa ang pagkaka-ayos ng buhok nya.

Teka , may naaalala akong pangyayari...

Ewan, baka isa lang sa mga napanood kong k-drama

*Ting

Nang tumunog ang phone ko ay agad ko naman tong kinapa at kinuha mula sa bulsa ko. Si Clydan.

  "Hintayin moko!"

Maya-maya lang pagkatapos kong matanggap ang text nya ay may narinig akong pamilyar na  boses na sumigaw.

" First ! "

Si Clydan lang pala. Mula sa pagkakaupo ay tinanggal ko ang kwintas dahil nangangati ang leeg ko. Nang matanggal ito ay laking gulat ko nang may humablot nito.Isang bata,itinapon nya ito malapit sa mga swing kaya kinailangang ko pang tignan ng maiigi ang lupa . Maya-maya ay nakaramdam ako ng isang kalabit. Sa paglingon ko ay nakita ko si Clydan.

"First!" masiglang wika nya habang hawak hawak nya ang kwintas ko na iaabot nya sakin.

" Bakit parang..."

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang dapat na sasabihin ko. Naramdaman ko nalang na niyayakap na pala ako ni Clydan.

"Sawakas,nagkita narin tayong muli aking binibini" bulong nya saakin.

S-si Clydan yung lalaking...

"Alam mo bang habang natutulog ko ay lagi kita binubulongan ng 'First' ? " sabi nya na ngayon ay humiwalay na saakin mula sa pagkakayakap

Sabay kaming umupo sa dalawang swing sa harap namin.

" Sa tuwing ako na ang bumabantay sayo, binubulungan kita ng word nayon dahil gusto kong ako ang unang-una na makakakita sayo sa pag-gising mo. Katulad ng ginagawa natin nung una tayong nagkakilala.Nagu-unahan tayo kung sino ang unang darating sa lugar na magmi-meet tayo.Nagu-unahan tayo sa pag-gising at kung ano-ano pa. Lagi mo nga akong nauunahan.Pero this time,ako naman ang mauuna." mahinahong salaysay nya saakin.

" Ako ang unang nakita sayo nung nadisgrasya ka, Ako ang naunang nakakita ng kwintas mo..." 

" Pero ako ang naunang dumating dit..."

Hindi ko na naipag-patuloy ang dapat sana'y sasabihin ko dahil bigla nalang syang tumayo na kahit ako'y napatayo narin.

" At ngayon,gusto kong ako naman ang mauuna sa puso mo..." nagbibiro ba sya?

  "Alam mo, 2018 na .Di na uso ang pagiging corny! " sagot ko sakanya kahit wala naman syang itinanong.

  "Seryoso ako" bawi nya.

Mukhang seryoso nga sya.Hindi ko maiwasang mapa-titig sa hazelbrown nyang mga mata,nakaka-akit.Yung lips nyang hindi nangngailangan ng kahit ano para maging pula,Yung napaka-tangos nyang ilong,Yung maganda nyang pangangatawan at ang malalim pero tila seksi nyang boses.Talagang kaya nitong mang-akit.

  "I want to be the first one that you will love"

"I want to be the first" dugtong nya.

"First? "

Tumango sya.

"First..."

_____

Halos may pagkakapareha ang nangyayari ngayon sa mga nangyari sa panaginip ko.Hindi ko alam kung dapat bang maniwala ako sa babaeng kinilala kong mama ko sa aking panaginip.

Matagal nang nagtagpo ang landas namin.

 

Sabi nila,kung anong ang napanaginipan mo ay syang kabaliktaran ng katotohanan.

Pero this time, walang kabaliktaran na nangyari. This time totoo na. This time my dreams come true.

Parehong oras.Parehong lugar. at Parehong Pangyayari.

THE END!

-FeelingWriterMe:-)