webnovel

What If? (Book 1 Of Questions Trilogy)

Jael_Balcoba · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
29 Chs

Chapter 4: Fall Inlove

'She's falling inlove now, losing control now, fighting the truth tryin' to hide'🖤

*C10's POV*

(IVER'S CHAPTER🖤)

'She's falling inlove now, losing control now, fighting the truth tryin' to hide'🖤

*bzzzzzzzzz

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at napapagod man ngunit mas pinili kong imulat na muna ang mga mata ko sa pagkakapikit nito.

Nasa flight ako ngayon patungong pilipinas. Hindi ako amerikano wag kayong mag-alala, okay? Pogi lang talaga ko.

*mimaaaa calling

At ayan ang tumatawag, ang mima kong miss na miss ko na. Hayy! Kumusta na kaya sila? Matagal-tagal rin akong nawala.

'She's falling inlove now, losing control now, fighting the truth tryin' to hide'🖤

Naka-headphones ako actually. Mapagpanggap lang, tamang pagpapacool, diba?

Kusang tumigil ang kanta ng tumunog ang ring tone ng phone ko.

'I don't wanna love you anymore, i dont wanna love you anym---'

Panandalian kong ipinause ang kanta at sinagot ang tawag ni mima.

'Hello, anak?!' Magkahalong pagtatanong at excitement ang mababakas sa pagsasalita ng pinakamamahal kong babae sa buong mundo, she's my one and only mima!

'Hmm, mima?' Pagbabalik tanong ko rito, kasabay ng pagkukusa ng labi kong mapangiti sa muling pagkakarinig ng boses ng mima ko.

Ewan ko ba. Pero pakiramdam ko talaga eh matagal akong walang contact sa kanila. Hindi ko nga rin alam kung ano bang klase ng trip ang napagdiskitahan ko nung araw na umalis ako ng bahay. At hindi lang bahay kundi nilisan ko rin ang pilipinas, oh ano lodi diba? Tas napagpasyahan kong pumunta ng U.S.

Yan na pinish na. Ni di ko talaga alam kung anong pumasok sa kokote ko noong mga panahong yun, peksman mga tol, crossed my heart pa para maniwala kayo, oh okay na ba?

'Biy, Are you sure you're here within 3 hours? We're waiting for you! Please kung pupuwede lang pagmadaliin mo na yung nagmamaneho, nak!' Mas lalo akong napangiti sa sinabi ni mima ngunit sa kabilang banda ay namura ko rin ang aking sarili ng iilang mga salita.

Ano ba kasing nagawa nilang masama?

Wala naman eh. Ako lang talaga yung may problema, at akala ko na kapag nagpakalayo-layo ay mawawala nalang sa isang kisap mata. Pero hindi eh, sa katunayan mas lumala pa nga.

Huli na ng mapagtanto kong hindi pala pag-alis ang solusyon, masyado ko lang tuloy napalala yung naging sitwasyon, mahirap kasing tumanggap pero di pa rin pala sapat yung ginawa kong pag-alis para makalimot sa lahat lahat.

Napabuntong hininga ako at nakalimot ng panandalian. Pero sadyang 'panandalian' nga lang. Ayaw ko man makasakit ng kahit na sino pero andami kong naperwisyo sa pag-alis-alis ko. I---

'Biy? Are you still there?' Nabigla ako ng mapagtantong hindi ko pa pala napapatay yung telepono. Hays.

'A-ahm, yes mi?'

'Ayss! Answer me immediately nga nak! May nangyayari ba dyan?' Nag-aalala ang tono ng boses nya.

'Nothing mi, I just wanna rest.' Pag-iiba ko ng usapan. I just don't wanna talk, at baka makaperwisyo na naman ako. I'm just a disaster to everyone, so it's better not to talk.

'Pagod ka pala! Hindi mo sinasabi, dat di mo na lang sinagot yung tawag. Nakakaistorbo ba ako, anak?'

'It's not like that mi, i'm just tired.' ....

Of everything. That's true, i just can't say, kasi baka makadagdag na naman ako sa pag-aalala nya. I don't wanna be a burden to anyone, specially for her. Masyado na akong pabigat, my distraction's more than enough, so yah i wanna stop.

'Pagod lang p----'

'Okay, okay I unterstand nak, sige na go take a rest. Take care, i love you.' Then she hang up.

Nakonsensya naman ako sa ginawa ko. Hays. Hindi ko na talaga alam kung ano pa bang dapat na gawin eh. Lahat na lang kasi nakakaapekto sa lahat, best example na yung pag-alis ko.

But honestly, Im a bit tired. Umidlip muli ako at iniligay ang cellphone sa bulsa ko sa right side ng khaki shorts ko. I need someone right now, and kailangan ko na lang itong idaan sa tulog.

---

Naalimpungatan ako ng maramdamang pababa na ang eroplano sa terminal na ito. I don't really care kung anong terminal ang napuntahan ko because on that day, i just only want to escape from everything,  simple as that. But how I wish I could.

Nang makababa ang eroplano ay walang anu-ano'y agad akong bumaba rito. I'm really excited to see them, but guilty at the same time.

Naglakad ako ng naglakad ng makalabas sa terminal. I just can't wait to see them.

Nang maaninag ang white na auto ni mima ay agad kong tinahak ang daan patungo doon. I'm a bit nervous about uhmm, you know. I wanna say sorry.

Then immediately, I found mima. Hindi sya mapakali na palingon-lingon kung saan saan. Na divert ko ang atensyon nya sa paglapit ko patungo sa kinaroroonan nya, then she smiled after realizing that it was really me.

"Naaaaaakkk!" Then she hugs me.

"Miss you mima." I whispered.

"Ah! Oo nga pala, I almost forgot! Iniimbitahan ka ng mga kaibigan mo for your tita ellie's birthday daw! Si marky ay pumunta pa sa bahay para lang ibigay yung invitation! Will you come? Or let me rephrase that, I'm sure you wanna come nak! Specially fran-- i mean your whole barkada's are in there!" At kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin pagkatapos ng mga sinabi nya.

"Yes ma, i will." Simpleng sagot ko at nginitian uli sya.

Unti-unti ay nagbago ang ekspresyon ni mima. Ang kaninang excitement ay napalitan ng pag-aalala.

"Uhm, muntikan ko na namang makalimutan nak. I know you're tired. You should take a rest." Then she also responds by smiling.

"Not really, i just miss you mi, i'm sorry." I said while directly staring at her.

"No, you don't have to. I understand. You just grew up, so you decided to live independently. That's nice. But remember we're always there for you no matter what, biy ha?" Then she hugs me again.

I hugged her too. Nag-uumapaw ang kasiyahan ko sa kadahilanang ito siya ngayon. She's really here no matter what. Napangiti ako.

"Come on, get in biy!" She said happily.

Nginitian ko lang si mima at pinagbuksan sya ng pinto sa backseat, kung saan magkatabi kami. She's on the right side, while me is on the left.

Ang nasa unahan naman ay ang driver at si....

"Ivan?" I asked.

Hindi man lang sya lumingon ni gumalaw. Anong nangyayari sa mokong na to?

Nang mapagtanto ang nakasukbit na earphones sa tainga nya ay hindi na ako nagsalita kase gumalaw na ako,hehe!

"Anuba!" Sigaw nya.

Pilit kong tinanggal ang magkabilang earphones na nakapasak sa tainga nya, bastos na bata.

"I'm calling you!" Sigaw ko rin.

"So?" Then he restores his earphones.

"Ivan!" Saway ni mima.

"Why?" My lil brad asks irritate.

"Kakarating lang ng kuya mo? What's wrong with you? What's with that manners! You should've hug your kuya!"

"Hug? Stop it mom, I'm not crazy."

Napahalakhak na lang ako sa mga pinagsasasabi nya, pikon.

Ginulo ko ang buhok nya dahilan ng mas lalong pagbusangot ng mukha nya.

"Don't touch, we're not close." Mas lalo pa akong napahalakhak.

"Nak, pagpasensyahan mo na yang kapatid mo ah, masyado ka lang namimiss nyan!" Ani mima sabay point ng labi nya kay Ivan habang tinititigan kaming dalawa ng may malawak na ngiti sa mga labi nya.

Napailing si mokong, narinig haha!

"Naiintindihan ko naman, mi. He just loves me." At muli na naman akong napahalakhak. Nakakamiss ang pagtawa sa totoo lang.

"Shut up, I can't hear." Sabat ni pikon. Tsk! Oh can't you hear, really? Pangwawalangya ko sa isip-isip ko. Hehe. Isip-isip lang tayo pag may time, bawal muna sabihin. Baka matalo si 'gushion' sa laro eh nakakahiya naman, eh no? Hehe!

"Ivan stop that!" Muling pagsasaway ni mima sa kanya.

"Mi?!" Hindi man nakalingon ang mokong pero sing linaw ng sikat ng araw ang pagkakakita ko sa mukha nitong ni paint brush ay mahihiyang ipinta.

"It's okay mom, just let him." I laughed.

"Hays! Itong batang ito talaga, puro nalang mobile legends! Baka hindi ka na nag-aaral ah?! How's your grades in school? Is it as higher as your level on that game?" Humalakhak na rin pati si mima. But i felt a usual tone, precisely just an everyone mom's tone.

Hindi nakinig ang mokong at mas idinikdik pa ang mukha nya sa screen ng cellphone nya. Pag ako nainis papasok ko na sya sa larong iyan ng maka experience naman sya ng kasiyahan kahit papaano,diba? Dinaig nya pa matatanda, tsk!

*house

Nang makarating sa bahay ay agad akong bumaba ng kotse at pinagbuksan si mima. Gayun rin ang ginawa ng petmalu kong kapatid ngunit hindi na kataka-takang may sariling mundo talaga sya. Paano ko nasabi yan? Dumeretso agad sa bahay eh! Sumama pa! Halatang pilit lang naman, hayp na batang to oo, hahaha!

Pagtapos kong alalayan si mima'ng makalabas ng kotse ay sabay kaming dumeretso sa bahay. I missed everything! Bukod sa pagkamiss ko dito ay napansin ko ang iilang pagbabago nito. But that was just a bit.

*kriiingggggg kringggggg

"Nak maiwan na muna kita,ah? I'll just answer." Ani mima sabay turo nya nung telepono.

"Sure mi, besides I'm a bit tired again." Kusa akong natawa sa sinabi ko. Di kalaunan ay nahawa na rin ang mima ko.

"Go then, take a nap biy." She smiled before she walks and answer the telephone.

Napangiti ako at tinahak ang daan papunta sa kwarto ko.

Nang makarating ay hindi pa rin napawi ang pagngiti ko, mukha na nga akong loko-loko eh. I just really miss everything. Hay!

"Haaaaaaaaaaaaa!" Mahabang hikab ko. I'm too sleepy but I actually do think sort of things. Like.... I'm not contented just to sleep here and doing nothing, nakanganga kumbaga.

Otherwise, nag-iisip ako kung....

Hays!

Hindi ako mapakali at nangangati ang mga paa ko patungo sa gusto kong tahaking destinasyon. But sapat na ang rason kung bakit bawal ako pumunta roon. I just shouldn't.

Nahiga nalang ako sa kama at pinagmasdan ang asul na nakapalibot sa kwarto ko. This's my favorite color, obviously. Umidlip muli ako at ilang saglit lang ng...

-----bzzzzzzzz

'I don't wanna love you anymore, i dont wanna love you anym---'

Pinulot ko ang cellphone sa side table na nasa right side ng kama ko. Sino ba to, istorbo, tsk!

*Papiii calling*

Pinindot ko ang answer sa screen at itinapat ang telepono sa tainga ko.

"Kie? Napatawag ka?" Nagkukusot ng matang panimula ko.

"Uy paps! Anung oras na? Di ba binigay sayo ni tita yung invitation?" Nag-aalinlangang tugon nya.

"Ha? Eh anung oras---" kusa akong natigilan ng makita ang orasan. 7:00 pm na mga kababayan!

"Uy! Andyan ka pa ba? Ikaw nalang hinihintay dito huy! Yari ka kay mama!" Tumatawang sabi nya.

Hindi ko man nakikita ang mukha neto pero paniguradong umiiling to habang tumatawa. Mas mukhang loko-loko sakin ang puta eh!

"Haha, gege paps ligo muna ako!" Natawa na rin ako, nadala masyado sa gago.

"Sus! Di ka pa ligo? Bilisan mo may bisita ka dito!" Seryosong ani nya. Bisita? Sino naman kaya.

Unti-unti'y biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nakakabakla naman to masyado.

Pero sino? Nanggagago na naman ba tong lokong to? Hindi pwedeng ayss!

"Huy! MALIGO KANA LOKO!" Sigaw nya habang humalakhak, kasabay ng pagpatay nya sa linya.

"Gago." Napangisi ako ng matapos ang tawag.

Bumangon na ako at nagpasyang mag wash-up. Nang guminhawa naman ang pakiramdam ko, puro nalang kasi hirap ang dinaranas ko eh.

Nang matapos sa pagligo ay malamang nag-ayos! Naka v-neck t-shirt at pants lang ako ngayon, i don't do fashion bro.

Nang matapos ang pagpapacute sa salamin ay napagpasyahan ko ng tahakin ang bahay nila kie, andun na daw sila eh ewan ko ba! Malay ko bang maaga dapat? Eh sa wala namang sinabing oras si mima, ang natatandaan ko lang na sinabi nya kanina ay ang pagpunta ko sa birthday celebration ni tita.

Nang mapagtantong birthday ang pupuntahan ko ay napakamot ako sa batok ko. Wala akong regalo, anong kahihiyan ang dadalhin ko kung sakaling pumunta ako ngayon ng walang bitbit na pa-birthday gift, tsk masyado naman tong nakakagago!

Kaya naman para hindi masyadong nakakahiya ay napagpasyahan ko munang pumunta sa mall at bumili ng kahit na anong pangregalo. Dress is okay, so pupunta na lang ako sa favorite boutique na binibilhan ni mima tuwing pupunta kami sa mall.

And i also want to buy her a dress she wants mint btw, i just want it, trip ko lang pake nyo ba?

Nang makababa sa hagdanan ay nakasalubong ko si mimang paakyat, tatawagin siguro ako, hehe! Malaki na ako mima, don't worry. Sa isip-isip ko.

"Oh, nak! Akala ko tulog ka pa! Sabay na tayong pumunta, gigisingin sana kita!" Natatawang ani nya.

Napailing naman ako ngunit natawa rin sa sinabi nya. Ano ako baby damulag? Ang mima ko talaga oh,  hahahaysss!

"Come on mi, are you sure you ready na ba?" Nakangiti kong tanong dito.

"Of course! Ikaw ba nak, are you ready?" Nagbibirong ani nya.

Pero para sakin ay hindi iyon basta lang biro, kundi may malalim na kahulugan ang sinabi nyang iyon. Nababaliw na ba ko? Am I ready to see her? Aysss! My mom's doesn't mention anything! Stupid! I think I'm going crazy literally, tsk!

Napawi ang ngiti ko sa pagmumuni-muni ko. Aysss please, not now stop! Your mom's here iver, don't be such a freak. Come on!

"Oh nak? Why? Are you okay?" Nag-aalala ang tonong sambit ni mima.

Isinantabi ko ng panandalian ang nararamdaman ko at unti-unting ngumiti sa harapan ng mima ko.

"Sure mi, let's go." I tried hard na paganahin ang boses ko, but it doesn't really work after all. I'm not good at pretending. I just don't want my mima's getting worried.

Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan, sasakyan ko ang gusto kong gamitin, ilang taon din akong hindi nakapagmaneho, hay buhay naman talaga oo!

Pagtapos ng mga huling salitang binitiwan ni mima ay hindi na muli sya nagsalita. Nao-awkward-an nga ako eh, at the same time nag-aalala. Nakatunog kaya siya? Am i too obvious na hanggang ngayon ay hindi parin ako makalimot-limot sa kanya? Life's just too unfair! Damn it!

Nang makarating sa parking lot ay pinagbuksan ko ng kotse si mima, nararamdaman kong gusto nyang magsalita. I'm definitely sure na may gusto syang itanong sa akin but i guess, she feels me too. I felt uneasiness.

Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni kie, at the same time ay sa katahimikan ni mima.

Nang makasakay sa passenger's seat si mima ay pumunta na ako sa driver's seat at nagmaneho.

Binagalan ko ito sapagkat ayaw kong mas lalo pang makahalata ang mima ko. Alam kong napapaisip na sya. Sa biglaan kong pag-iiba ng mood, at kung gagatungan ko pa ay baka magtaka sya kung bat ba kating-kati na akong makarating sa bahay nila tita.

Pero totoo. Totoong nabadtrip ako kasabay ng biglaang pag-usbong ng kalungkutan ko. Hindi ko alam kung bat nayayamot ako. Kung dahil ba ito sa binanggit ng mima ko kanina kung kaya ko na ba syang makita, ganoon kasi ang pagkakaintindi ko dun, hindi ko na alam ayyss! O di kaya'y sa pagiging palaasa ko, ako kasi ang may problema at hindi sya. I was just the one who's being obsessed, falling and frustrated.

Makalipas ang mga kinse minutos ay nakarating na kami sa mansion nila tita. Nasa labas ka pa lang ng bahay nila ay malalaman mo na agad na may okasyo'ng nagaganap sa loob nito.

Masyadong lantad ang pa-party ni tita, at sa totoo lang masyado rin itong hindi naaayon sa edad nya, tsk! Kala mo eh mga ka-edaran lang namin ang nagdiriwang ng kaarawan eh, masyadong lodi tong si tita, hahahays!

Nang makababa ng auto ko ay pinagbuksan ko ang mima ko ng pinto at inalalayan rin papalabas ng auto ko.

Muling bumalik ang sigla ko at ayaw ko ng ulitin ang salitang mood dahil masyadong nakakabakla. Mood swings ang naiisip ko puta, hahaha!

Nang makapag-parking at maisaayos ang auto ko ay tinahak na namin ang daan ng mima ko patungong bar. Hehe! Parang bar kasi ang datingan ng pa-party ni tita eh. Magtataka talaga kayo kung sakali mang kayo yung nandito dahil imbes na isang simpleng kainan o pa-buffet sa gabi ay iba ang napagdiskitahan ni tita! Aakalain nyo bang may pa-neon lights pa? Syempre oo naman talaga! Tita ko yan eh hehe dahil hahanep ang tita ko anlakas maka-teenager, no?!

(A/N: Annyeong pipowls, tutuloy ko maya ah? Lowbat na ang telepono eh hehe! Mahirap na baka mahuli ang pag-published, kawawa naman po dun sa mga nagbabasa hehe ulit. Sorry sa abala kung may mga araw na naka-draft tong chapter na to mga madlaa ah? Kasi ine-edit ko yun pag ganun, hehe ulets! Basta support parin kayo, sana. Hehe! Salamats! At masyado na naman po akong masaya dahil nag tatlong-libo na ang nagbabasa ng aking istorya! THANK YOU SO MUCH! Mas pagagandahin ko pa ang istorya para hindi po sayang sa oras nyo ang pagbabasa hehe, again I WOULD LIKE TO SAY THANK YOU SO MUCH MGA MADLAA! MUWAA!)

Nang papasok na kami ng mansion ay biglang umusbong ang kaba ko. Pero syempre, hindi ako nagpahalata. Dahil hindi naman ako sigurado kung may naghahanap ba talaga sakin, o tanging tanga'ng nagpauto lang talaga ako sa kupal na yon.

Nang ma-realize ang isang bagay ay napalingon ako sa mima ko. Naputa na, yung regalo! Ayys!

"Mi? Pwede bang mauna kana muna?" Nag-aalinlangang ani ko.

"Huh? Why biy?" Nakakunot ang noong tanong nya.

"A-ah, e-h kasi po wala kong dalang regalo." Muli na naman akong napakamot sa batok ko, badtrip na yan!

Napakabobo ko!

"Hahaha! Akala ko pa naman kung ano, ikaw talaga oh! Syempre hati-hati na tayo dito." Sabay taas nya ng isang malaking paper bag na mukhang maraming laman.

"Hay! Sorry mi ah? Kasi naman eh." Nahihiya paring sambit ko.

"Ayyyysttt! Ano ka ba? Eto na, sige na halika na! Akala ko pa naman kung anong ipinoproblema mong bata ka, hahaha!" Muli na namang halakhak ang nagpatapos sa sinabi ni mima.

May kung anong ideya na naman tuloy na pumasok sa isip-isip ko. Nakakabobo! Double meaning na naman ba ha, tanga amputa?!

Napatanong kasi ako bigla eh. Ano ba sa inaakala mo ang maaaring maging problema ko, mima? Ayyss! Kung malalaman o alam man ni mima ang tungkol rito ay ewan ko na, bahala na si lastikman at joker.

Nang makapasok sa mansion ay dumeretso kami kung saan ginaganap ang okasyon, halata naman kase talaga kung saan, hehe.

Malamang kilala kami ng guard kaya pinapasok kami, kamag-anak eh.

Nang makapunta sa okasyon ay agad naming nakasalubong si tita'ng nakikipagtawanan sa mga kaedaran nya. Schoolmates kumbaga, hehe. Balik natin sa high school ang buhay ni tita, baka eto wish nya kasabay ng kanta sa ngayon na....

'Forever young, i want to be forever young'

Ayyayays! Hindi naman halatang ayaw mong tumanda no tita?

"Ate, oh!" Sambit ni mima sabay bigay kay tita nung regalo.

"Hayss! Sabi na nga ba at mag-eeffort ka, how sweet kapatid." Pang-aasar ni tita kay mima. Loko to si tita ah, kamuntik-muntikan na akong matawa dun ah, haha!

"Sweet ka dyan? Nasan sila ivan?" Nakasimangot na tugon ni mima, alam nyo na ha? Kung saan ba talaga nagmana si ivan, hehe.

Pero saglit lang... sila ivan? Ibig sabihin nandito na ang loko? Lintik na! Di man lang ako ginising? Napaka-makasarili talaga ng kupal na yun kahit kailan, ayss!

"Nasa loob na haha! Weyt lang, yung puso mo naman! Masyado kang hard, easy-han lang natin at magpaka-enjoy sa birthday ko, okay?" Nanunuya na naman ang mga tinginan at tono'ng sambit ni tita, hays! Anlakas talagang mang-asar ni tita, matutuwa ka talaga pag nakita mo ngayon ang reaksyon ni mima, hahaha!

"He! Tabe ate! Bahala ka sa buhay mo!" Nakasimangot na angal ni mima. Hehe. Natutuwa ako kapag nakikita ang mga kaganapang ito. Masyado silang ibinabalik sa kabataan days eh, hehehe!

"Oh, iver bat late ka?" Hahatakin na sana ako ni mima kaso nga lang bigla na namang nagsalita si tita, hehe. Yari na talaga sya sa mima ko, nakikinita-kinita ko na.

"A-ahh, eh kasi ta kakagising ko lang eh." Pagdadahilan ko at muli na namang napakamot sa ulo ko, hays! Napansin pa pala ako ni tita, kala ko makakatakas na eh!

"Hmmmp! Sus! Sige na! Kanina ka pa inaantay ng bisita mo dun sa loob!" Iiling-iling at natatawang sambit ni tita, ayan ganyan. Yan ang ugaling-ugali ni kie, kita kits talaga ang mga pinagmanahan eh no?

Ngunit hindi ko na naman naiwasang magdalawang-isip sa sinabi ni tita. So, totoo nga? Andyan kaya siya? Aysss! Hindi pa ako handang makita siya, hindi pa.

Para akong lumilipad sa kalawakan ngunit diretso naman ang lakad ko patungo sa loob ng bahay nila tita kasabay parin ang aking mima.

Kusa lang talagang may sariling mundo ang utak ko ngayon at nagdadalawang-isip muli kung tutuloy ba ako dito, o tatakasan ko ule gaya ng kinagawian ko? Basta ewan ko at bahala na.

Nang makarating sa loob ay agad kong inilibot ang mata ko, hinahanap siya. Pero wala. Gusto ko sanang makaramdam ng pakiramdam na parang nabunutan ng tinik pero hindi eh, nanghihinayang ang sigaw sa loob-loob ko. Bakit ganito? Bakit wala siya?

At bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat lang na magdiwang ako! Dahil wala ang isang taong pinagdusahan ko sa loob ng iilang taon. Dapat lang, iver dapat lang, ayss!

"Kie, Where's ivan?" Nakakunot ang noong tanong ni mima na nagpabalik sa ulirat ko. Oo nga no? Asan si kupal?Bat wala?

Kung sino-sino kasing hinahanap mo, bobo!

Ayys! Inaano ko ba tong utak na to?

Sarap dagukan kaso nga lang sarili ko lang rin ang sasaktan ko, mas okay nang kahit sa ganitong paraan man lang ay hindi ako magmukhang tanga, ano?

"Ah, ta! Nasa guest room po sila ni lejan." Nakangiting sagot ni kie. Mainit pa rin ang timpla ni mima, tsk, tsk! Masyado kasing binadtrip ni tita eh, hahaha!

(A/N: As i said on 'Characters Introduction' ang pagkaka-pronounced po ng 'lejan' ay LEHAN. That's it. Balikan ang characters if you haven't read it yet before. Makikita ang bawat pronunciation don. Hope it helps.😊😚❤️)

"Pwede bang pumunta?" Diretsyong tanong ni mima.

"Of course ta! Pagka-akyat nyo po ng hagdanan ay kumanan lang po kayo, then the second to the last room. Andun po sila." Simpleng paliwanag ni tropa.

"Ok, okay. Marky thanks." Sa wakas at nakuha na ngayong ngumiti ni mima pagtapos ng lahat ng nangyari kanina. Including my mood swings, lolz.

"Welcome ta." Sabay lipat ng tingin sakin.

"Paps!" Nang makaakyat si mima'y bumanat na agad si tropa.

"Woh? Papi! Iz that u?" Nang-uulol na tugon ko rito.

"Gago!" Sabay batok ng loko.

"Woy! Wala namang ganyanan! Nananakit ka na eh." Saad ko habang hinihimas ang ulo kong napompyangan ng ulupong.

"Btw, may narinig akong pinag-uusapan ng dalawa dun." Pag-iiba nya ng usapan.

"Oh? Nu yun?" Kunot-noong tanong ko rito.

"Tungkol sa babae pre eh." Seryosong tugon rin neto.

"Huh? Sigurado ka ba?" Nag-aalangang ani ko.

"Oo eh, nag-aaway." Sabay kamot nya ng ulo.

"Talkshit si tropa!" Iiling-iling na tugon ko. Inaasahang nang-gu-good time lang si gago.

"Tara nga, tignan natin." Seryoso na talaga siya sa ngayon. Kaya nalaman kong di nga sya nagbibiro.

Pero sino? Kung may pinag-aawayan man sila? At babae? Bat naman sila mag-aaway ng dahil sa babae? Hindi ganon si unggoy! Nasisiguro kong mali lang ang pagkakaintindi ni tropa.

"Arat." Malumanay na pagsang-ayon ko sa yaya nito.

Tumango lang siya at bago lumakad ay nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga.

Mabilis lang ang pag-akyat namin sa hagdanan at ang pagpasok sa pintuan pero...

"SURPRISEEE!!!!!!" Sabi ni mima, lejan, ivan, matt, franchesca at sumabay na rin si tropa. Manloloko talaga tong kupal nato, sabagay wala namang bago, tsk!

"Haha! Ano to?" Nakakunot ang noo't iiling-iling na tugon ko sa kanilang lahat na mukhang pinaghandaan ang pagdating ko.

"Double celebration?" Dagdag ko.

"Anong double ka dyan? Makakalimutin ka na ba nak, ha?" Tumatawang tugon ni mima.

"Ha?" Nakakunot ang noong tanong ko.

"Hakdog! Anong date ngayon bugok?" Sabi ni franchesca. Napaisip tuloy ako.

"October 15,2018?" Nagdadalawang-isip na sagot ko sa tanong niya.

Puta?! October 15 ba kamo? Eh birthday ko yun eh! Hindi naman kay tita! Si tita eh sa 18 pa! Anong kabobohan na naman ba ang sumakop sa utak ko at hindi man lang naalala ang kaarawan kong to? Tsk! Napakabobo!

Tinaas lang nya ang kilay nya at napanganga naman ako ng mapagtantong kaarawan ko nga!

"Hahaha, anong katangahan yung kanina tropa? Nakalimutan mo ba talaga?" Pang-aagaw pansin ni tropa na hinawakan pako sa balikat. Weh chansing, hehe.

"Chansing." Nakangiting tugon ko rito at nilingon ang kamay nyang nasa balikat ko.

"Lol, di nga pre?" Tumatawang tugon nito sabay pisil ng balikat ko.

"Onga." Natatawa ring tugon ko.

"Lampayatot ka pa rin paps." Iiling-iling na ani nya na ikinatawa ng lahat ng nasa loob ng guest room nato.

Pero guest room nga ba to? Eh mukha kasing paggaganapan ng birthday ng isang taon sa pamamagitan ng effort ng mga taong to, hanep lang hehe.

"Utolz maligayang pagdating!" Pagsasalita naman ng kapatid nya.

"Woh? Miss mo ko matt?" Humahalakhak na ani ko.

"Yes baby." Sabay kindat ni gago kasabay na naman ng pagdagundong ng halakhakan sa buong kwarto.

"May pa balloons pa!" Iiling-iling muling sambit ko at pinasadahan ang lahat ng parte na may lobo.

"Of course, it's your birthday nak! We just wanna make you happy." Nakangiting tugon ni mima.

"Of course ma, i am, really am." Buong puso kong tugon sa sabi ng mima ko. Bigay na bigay nga ang kabuuan ko eh, hehe.

"HAPPY BIRTHDAY IVERRRR!" Biglaan ang pag-usbong ni tita el at iniabot sa akin ang regalong ini-script nila ni mima di kalaunan.

"Hay! Tita el! Why angry,huh? Nakangiting tugon ko rito.

"Kasi nga nasa-script yun, hehe." Tumatawa ring sambit nya.

"But.... your mom's reaction earlier wasn't on script." Pang-aasar muli ni tita na nakapagpatawa na naman ng pangatlong beses sa lahat ng tao sa kwartong ito.

"Aiisshh! Stop it ate! I'll never do that again. Well, i just did that because of my lovely son." Matamis na ngiti ang ipinakawalan ni mima ng lumingon ito sa akin.

"And besides that was worth it." Dagdag pa ni mima, muli ko itong nginitian at gayun rin ang isinukli nya sa akin.

"Hay! Kung di lang kita pamangks iver, hindi ako mag-eeffort ng ganito! I've called all of my stuffs and yaya's pa to disguise and pretend to be my schoolmates, but besides i do enjoyed it! So cool, huh? With neon lights?!Because that's my motto, you know!" Naaaliw na sabi ni tita insert syempre hindi pa rin mawawala ang ngiti sa mukha!

"Thank you very much, ta!" Nakangiting tugon ko sa sinabi nya.

"Always welcome pamangks! Sige na aayusin ko na muna ang gulo na ginawa ko sa baba!" Humahalakhak na sambit ni tita.

"Go ahead, ta!" Sabay kindat ko dito, pacute lang hehe.

"But wait.... feeling millennial talaga ako sa ganap na to ah! Hehe. And don't forget pamangks, para sayo ang pa-neon lights sa baba, this's your day, not mine." Humahalakhak na pahabol ni tita.

"Of course ta, salamat po ule, ang cool talaga ta ah!" Nakangiting tugon ko rito.

"Of course! We have to enjoy our lives! Kung hindi lang ako ginayuma ni edward single pa rin naman ako hanggang ngayon!" Humahalakhak pa ring ani nya.

Edward Dascio, he's my tito.

Natawa ako ngunit hindi pa nakakapagsalita ng dagdagan ni tita ang sinabi nya.

"And...." bitin ni tita at muling tumingin kay mimang mukhang irita na, haha! Yari talaga to kay mima, baka mag-transform na to kapag hindi pa siya tinigilan ni tita!

"Unlike YOUR MOM, i'm not always on high temperature! You know just enjoying life, right lil sis?" Nang-aalaska na namang tugon ni tita na nagpadagundong ng tawa sa buong silid na to.

Tinarayan lang siya ni mima at sinabing...

"Wushhhuu! Umalis ka na nga! Epal ka talaga!" Parang batang angal ni mima at kasabay na naman ng hindi namin mapigilang pagtawa.

Natawa lang si tita at kinindatan si mima kasabay ng pagngisi nya ng nakakaloko. Grabe talaga tita ko, no? Kaya ugali ng mga anak nyang dascio eh makokonpi ka talaga kapag ikaw ang napagtripang kutyain ng mga loko!

Pumihit na si tita papatalikod at binuksan ang pintuan, lumabas ng nanatiling dinig pa rin namin ang malupitang paghalakhak habang ang mima ko naman eh nagbibingi-bingihan man ngunit nanatiling nakasimangot ang mukha, haha! Ako na mismo naaawa kay mima.

"Nakakainis talaga yang si ate! Kahit kailan panira!" Boses bata na naman panimula ni mima ng usapan.

"Yaan mo na ta, my mom's just wanna look cool." Iiling-iling na tugon ni kie dito.

"Haha! Oo nga ta! And besides tuturuan ka namin kung paano niyayamot yang si cristina,hahaha!" Nangungumbinsi namang sawsaw ni matt, loko-loko talaga ang hinayupak!

"Sige matt, turuan moko! Hindi na ako nakakabawi dyan eh!" Nakasimangot paring ani ng mima ko, para syang batang inagawan ng laruan sa totoo lang, hehe!

"Haha, gege langs tita! Yari kana ngayon cristina dascio!" Kinindatan pa ni matt ang mima ko.

"Uy!" Tawag sa akin ni franchesca sa likod.

Nasa kama kaming lahat ngayon mga nakaupo, bukod kay lejan na nakahiga, piling nya kanya tong kama,tsk!

"Woh?" Tatawa-tawang ani ko dahil di pa ako maka-move-on sa entrance ni tita kanina.

"Plano mo?" Nakataas ang kilay na ani neto.

"Ha?" Hindi ko ma-gets ang sinabi nya dahil lumilipad pa rin ang utak ko sa senaryong naganap kanina.

Binatukan nya muna ko na siyang nagpabalik sa ulirat ko.

"Nahimasmasan na?" Sarkastikong panimula muli nya matapos gawin ang pampipisikal, ayys!

"ANO.ANG.PLANO.U?" Sarkastikong sabi nya muli at diniinan ang bawat salitang binitiwan.

"Oh weyt lang, easy! Bertday ko eh! Ganto ba pa-bertday mo? Di mo man lang ako na-miss." Nag-iinarteng sabi ko.

"At sinapok mo pa ako." Iiling-iling na ani ko at hinimas-himas pa ang ulo ko.

"Baligtad ah, hahaha!" Humahalakhak na ani nya. Hindi ko na naman tuloy ma-gets, putcha!

"Ha?" Loading ko na namang tugon.

"Huy! Asan ba utak mo,tukmol?" Nang-aalaskang sambit nito.

"Ano ba kasing baligtad? Anlayo ng mga pinagsasasabi mo eh!" Nakasimangot na tugon ko rito.

"Hays! Nubayan! Akala ko pa naman na kapag nangibang bansa kana eh tataba na yang utak mo! Pero akala ko lang pala yun,no hahaha!" Muling halakhak nya.

"Ang ibig-sabihin ko tulok eh bakit kung kelan nangibang bansa kana eh tsaka ka naging sensitive hah? Ano ka bakla?" Nagpipigil ang tawang dagdag nito.

"Magkababata tayo tropa pero ayos lang yan, matatanggap parin naman kita, bwahahaha!" Muling pang-aasar nya na napigilan ang aking pagsasalita.

Kapag sya talaga nang-asar mahihiya ang salitang solid, grabe mga par.

At maglo-loading ka talaga sa mga sinasabi nya, grabe lang ule dahil napaka-advance nya kung mag-isip.

"At... sa America ka pa pumunta? Ha! Grabe, speechless." Nanunuya na namang mga tinginan nya ang bumida at ang malawak na ngisi nya.

"Tsk! Wala ka na ngang regalo nang-iinsulto ka pa." Nag-aasar-asarang tugon ko rito hehe, paawa langz mga par hehe ulet!

"Ahummpp! To naman! Dinadamdam masyado! Pero tropa sa totoo lang na-miss kita." Seryosong ani nya bagamat nakangiti pa rin ay sumimangot siya at tumango-tango pa.

'Pero sa totoo lang tropa na-miss kita.'

Pero sa totoo lang tropa na-miss kita.'

Pero sa totoo lang tropa na-miss kita.'

"Oh? Okay ka lang ba? Namumula ka." Seryosong ani nya na nakapagpatalikod sa akin ng wala sa oras. Ayys!

"Uyy! Si tropa, kileg-kileggg!" Nang-aasar na sambit nito. Napalakas ang pagkakasabi nya nun dahilan ng pang-aagaw atensyon sa lahat ng tao sa loob nitong guest room, nalintikan na, talaga naman oh!

"Woh? Par kinikilig ka?" Nanunuyang binalingan ako ng putang matt na to at inilagay ang kamay nya sa dibdib ko.

"Confirm pare! Tumitib---" naputol ang sinasabi nya ng takpan ko nang palad ko ang bibig nya at hatakin sya palabas ng kwartong to ng walang pasintabi sa kahit na sinong nasa loob nito.

"Uyy! Uyy, uyyyy! W-weyt lang par, easy-han lang nate---" hindi ko na naman sya pinatapos sa pagsasalita.

Sa ngayon ay kinaladkad ko na ang loko pababa, nakakahiya! Baka malaman na ni mima. Hindi tanga ang mima ko, puta!

"Ano ka ba naman matt? Bat mo yun sinabi? Baka malaman ni mi---" di nya na rin ako pinatapos pa at hindi na rin nakapagtiis na agarang magsalita.

"Alam na naman na." Malumanay na tugon nito, seryoso.

Literal na napanganga ako! A-alam na ni m-mima? Hindi ako nakapagsalita at binalot ng katahimikan ang pwesto namen.

"Halata naman par, kaya kung ako sayo eh wag mo ng i-deny pa, bwahahaha!"

Nang-aasar na naman ang loko at muling humalakhak ng bigay-todo.

Ayyys! Badtrip! Badtrip! Badtrip!

"Alam mo naman matt kung bakit ayaw kong malaman ni mima lahat." Malumanay at seryosong tugon ko sa kanya.

Nagulat siya ng bigla akong magseryoso, napatigil rin sya ng panandalian sa pagtawa.

"Pre, kahit anong tago mo sa isang bagay, mabubunyag at mabubunyag yan. Kase hindi naman lahat ng tao ay tangang kagaya mo, jok, jowk lang yon." Pilit na ngiti ang gumuhit sa mapang-asar nyang mukha at nag-peace sign pa si gago. Akala madadaan ako sa pagpapacute nya, ulol ka matt! Tsk!

Napakamot na lang ako sa ulo ko at tinitigan ng masama tong siraulong to.

"Lika na pareeee! Andun yung neon lights oh! Wohhoooo! Bertday mo tol di bagay sayong mag-inarte, hehe!" Dagdag nya sabay hila sakin palabas ng bahay nila tita, pero nananatiling nasa loob pa rin ng kanila. Kung hindi nyo ma-gets eh bahala na kayo.

Sa garden ginawa ni tita ang selebrasyon na akala ko talaga kanina eh para sa kanya. Madali talaga akong mapaniwala kase nga uto-uto ako,tsk!

Nang hilahin ako ni tropa ay nagsasayaw to sa gitna. Napansin kong andito na silang lahat, as in LAHAT!

LAHAT ng kaninang nasa taas na bumati sakin H-HANDITO N-N-NA?

Eh putcha! Baka may nakarinig samin kanina! Ayyss! Nakakasira na talaga ng ulo ang lahat ng mga nangyayari, hayup na! Literalan talaga!

Napilig ko na namang muli ang ulo ko ng iilang beses at saka binalingan ang lahat ng tao ditong nakatingin sakin. Kararating lang namen malamang, hayss! Badtrip talaga!

"Oh tropa! San ka galeng, ha?" Muling panimula ni franchesca. Ayys!

Nagpanggap akong walang naririnig dahil posible naman kung tutuusin at dahil yun sa layo nya sa akin. Sa pwesto ko kako wag kayong mag-isip ng kung anu-ano, tsk!

"BUGOOOKKKK! BERTDEY BOY! WOHOOOO!" Sumisigaw na ani nito.

How long will i do pretend this stupid

thing? Hope it works, gl. Sucks. Ayys!

"HUYY!" Kinalabit nya pa ako at hindi ko na kinaya pang magpanggap sa muli na naman nyang eksanang ito,hays!

Tiningnan ko lang siya at napataas naman ang dalawang kilay nya sa ginawa ko. Totoo, dalawang kilay nya talaga tumataas kaya nadi-distract ako!

"Nung drama yun tropa? Bat ba nag bibingi-bingihan ka?" Nakataas pa rin ang magkabilang kilay na sambit nito.

Sa totoo lang ako ang nai-speechless sa mga sinasabi nya, hays!

"Huyyy! Tulog ka pa ba?" Muling halakhak ang iginawad nito saken at ang paglapit nya ay ang nagpalayo ng kusa saken. Biglaan ang paggalaw ko, di ko na alam, ayys! Di ko ba alam oh wala talaga akong pakealam? Ewan ko na, basta.

"W-wag ka ngang m-masyadong, u-uhm lumapet." Malumanay at seryosong tugon ko rito, kabado malamang.

"Uy tropa? Ays ka lang ba talaga? Pwede namang bukas ka na lang mag-celebrate, papaalam na lang tayo kay tita." Seryoso ring tugon nito sa sinabi ko. Mukha na ba talaga akong patay ngayon dahil sa nararamdaman kong panlalamig ng buong katawang to? Hays! Hayup naman talaga,oh!

(A/N: Malapit na po mag-finish, hehe. Just hold on, guys😆💖 hindi ko na po siya masyadong hahabaan pramis at sana po ay magustuhan nyo ang ending!-J🖤)

"A-ayos lang a---"

"Uyyy tropa, sayaw! Let's not ruin this night hah? We will just have to keep dancing, shaking, twerking like that and yow! Hey tropa repeat after me, okeh?" Kinaladkad ako ng lokong matt nato sa gitna kung saan kumpulan rin ang mga tropa kong pumalibot sa akin ng makitang nagpatinaod ako sa hatak ng gago.

Nang makarating sa gitna ay hindi na ako nagulat pa ng may kani-kaniya na silang hawak na mga itlog, malamang may babasagan eh, mga hayup! Wala pa naman akong dalang damit, ays! Di ko pa nga alam na birthday ko diba?

"Hi pare! At dahil hindi kana menor-de-edad ay marami-raming logit ha?" Tatawa-tawang sabi ni lejan, nga pala, asan si alex? Kapatid nya yun malamang, bat wala?

"Yowww! Tropa tatlo akin hah?" Singit ni franchesca na nagpagulat sakin dahil tatlo nga talaga ang dala-dala nya! Ayys! Bat ba kasi nagbe-bertdey pa ang isang nilalang na kagaya ko eh?!

"Wuuy! B-bat andami nam--. Ayyys!" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng binyagan ako ng isa sa mga tarantado!

"I must be the first, yeah baby." Ani matt sabay kindat ng mapunta sa harap ko, kilala ko ang boses ng gago eh, sinasabi ko na nga ba! Ayys! Paano na ngayun tong t-shirt ko?!

"At susundan ni...." bulong nito sabay kindat sakin ni gago. Kilala ko na loko, hayys! Sa hindi malamang dahilan ay ninerbyos ako, at wala sa bokabularyo ko ang matakot, bat ako matatakot?

"Happy, happy, happy bertdeyyy! Sayo ang inumin, sayo ang pulutan! Yayyy! Happy, happy, happy bertdeyy! Sana'y mabusog mo kami!" Dumagundong ang tawanan ng matapos ang pagkanta ni franchesca. Ikinabigla ko ang pagsulpot nya kahit alam kong pupunta naman talaga siya dito sa gitna.

"Walang samaan ng loob tropa, hah? Pinakilig naman kita kanina eh,diba? Yiieeeee!" Dagdag nya at sabay sabay na binasag ang tatlong itlog sa ulo ko, apat na men! Parami ng parami to at kulang ang salitang 'shet ang lagket' sa apat na nga, magkakasunod pang natamo ko! Eto ang tunay na selebrasyon para sa kanila! Pero syempre hindi naman ako kj para umayaw dahil isang beses lang to sa isang taon, at ang rason kung bakit di ako makaayaw dito ay...

"Happy bertday, happy bertday!" Apat ang kay kie. Walanjo, tarantado! Parami talaga ng parami, literal dahil nakapila pa sila at masyado nang nae-excite na paulanan ako ng sa tingin ko eh may mga kinse pang itlog to? Tsk! Alam ko naman na sa ganito matutuloy to, normal na lang to sa isang nagbebertday, no! Kaso nga lang di ako handa, badtrip parin tuloy talaga!

"Pare we love youuu! Ilang taon kana?" Parang batang tanong at halakhak nito.

"20 years of existence." Nagkibit-balikat lang ako at nagtaas ng kilay sa loko.

"At dahil twenty kana eh now you know kung ilan ang panghuli, men." Mahinahong tugon nito at unti-unting inangat ang hawak-hawak nyang apat na itlog, andami na! Takteng yan!

Hinawakan nya muna ako sa balikat at muling pinisil ito.

"Papiii bertday to u, papii bertday to u, papii bertday lampayatss!" Ani ng loko sabay basag ng panibagong apat na itlog sa ulo ko. Papii bertday amputs,bwahaha!

Iiling-iling kong hinawakan ang ulo ko gamit ang kamay ko, putcha walo na? Hayup! Eh nung nakaraan eh lima lang kaya! Bat ganun andaya?! Yaan nyo na mga tropa makakabawi din ako! Lintik lang ang walang ganti mga tarantado!

Tutal tatlo na ang tapos eh dalawa na lang ang magbabasag. Pero ang tanong ilan kaya? Hayup na yan, talaga namn!

"Alam mo kuys, kahit napaka-siraulo mo dahil lagi mo kong trip dahil sa kagwapuhan ko eh, dito lang talaga ako masayang makakabawi sayo." Mahinahon ngunit mapagbirong mukhang speech ni ivan, ang traydor kong kapatid. Ulol, iwasan mo muna mobile legends!

Nang iangat nya ang hawak nya eh napatakip ako sa bibig ko sa sobrang dami nun at napabilang ng wala sa oras. Pito? Takteng yan!

Ngiting nakakaloko ang gumihit sa labi ng walangyang to! Nang makita nyang binibiling ko ang itlog eh napaisip siya at sinabing...

"Kinse na kuys." Kindat nya at isa-isang pinagbabasag ang itlog sa napaka-gwapo kong ulo. Kawawa naman ulo ko, malalamatan na dahil sa mga pinaggagagagawa nila!

"Quits na bro." Muling sambit nya na hindi ko na naman nakuha. Ganito ako kahina kapag nandito siya, at kilala nyo na kung sino 'siya'. Pero kahit ata wala sya eh nananatili akong ganito kahina eh, hehe. Lamkonaman di nyo na kelangang ipamukha, okay?

Muli kong hinawakan ang ulo ko at ipinagpag ang sariwang mga itlog na kanilang binasag. Sayang! Imbes na niluto na lang,tsk!

At di nagtagal ay lumapit na rin sa akin ang panghule, si lejan. Waw din tong isang to eh no? Hanlupit lang, dahil kahit sobrang slow ako eh alam ko kung ilan ngayon ang babasagin nya sa napakabigat at napakalagkit ko ng ulo!

"Tropapi ilang taon ka na nga ule?" Nakangising panimula nito.

"Basagin mo na lang loko, dami mo pang sinasabi." Iiling-iling kong tugon dito.

Ngumisi syang muli at sinabing....

"Gusto u malaman?" Nanatili pa rin ang ngising-asong tugon nito.

"Tss, kahit tanga ako eh kahit papaano may utak parin ako." Nakabusangot at nanatiling pailing-iling na tugon ko rito.

"Haha be ready, kaz!" Halakhak nito at pinakita muna kung ilan ang babasagin nyang finale na. Pucha! Tama nga ako, walang awa si gago! Pampinale nga talaga,ayysss!

"Now u know, at hindi matatapos ang gabing to ng hindi ka umuuwing walang remembrance,hehe." Sabi ng loko at gaya ng loko ring kapatid ko eh ganoon ang pagkakabasag na ginawa nya sa kaawa-awang ulo ko, beinte mga tropa, benteee! Hayup na!

Tawanan ng tawanan ang lahat habang nagsasayawan sa malakas na tugtog at nakakahilong neon lights na nakapalibot sa buong harding ito.

Pero mga tropa di nako maka-concentrate pa sa ganda ng background ngayon dahil ang bigat na talaga ng nasa ulo ko! Tatlumpu't lima! Alam kong di kapani-paniwala diba? At sila lang talaga ang may kakayahang gawin ang kalokohang yon, ayyss!

Nang matapos ang pagbabasag nilang lahat ay hindi muna nila ako hinayaang magpalit o maligo sa lagkit na ramdam na ramdam ko. Sa halip eh pinagsasayaw pa ako ng mga loko at pinagbabatukan ako, hindi naman sila nag-iinarte kapag nadidikit ang kani-kaniya nilang palad sa malagkit na ulo ko, malamang kagagawan nila to eh!

"Konyat!" Muling batok ni franchesca at kinindatan pako. Ayys! Kanina pa sya, nakakailan na to ah!

Maya-maya eh nagpaawa nako sa kanila at sila nama'y tatawa-tawang pinanood ang pagmamakaawa kong magpalit na.

Tumango lang ang mga loko at sinabing..'wag akong kj at bumalik ka agad rito, kunde panibagong set ang matitikman mo'. Mga lokong to,oo hahaha certified tarantado's!!

Ngunit napaisip ako at naalalang wala nga pala akong damit na dala-dala.Ayys! Makikihiram na nga lang ako sa kanila!

Napakamot akong muli sa napakalagkit kong ulo at bumaling sa kanilang lahat.

"Sino pwedeng hiraman?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanilang lahat na walang-awang pinagtatawanan pa rin ako hanggang ngayon.

"Meron akong dala." Boluntaryo ni franchesca.

"Marami sa kwarto ko." Halos nagkasabay lang silang sambit, si kie naman ang isang ito.

Ramdam na ramdam ko talagang napuruhan ako!

Unti-unti'y nahimasmasan ako.

"Salamat." Baling ko kay franchesca.

"Woh? Baket? Eto oh!" Sabay labas nya nung v-neck gray shirt at hagis sakin.

Napakamot akong muli sa ulo ko at napagpasyahan nang duneretso sa kwarto ni kie.

Kabisado ko ang bahay nila dahil madalas akong nakikitulog dito, hehe! Alam kong may inuman pa sa baba kaya hinayaan na rin nila muna akong magpalit na.

Nang makarating sa kwarto ni kie ay napaisip nalang bigla ako....

'I shouldn't, i just shouldn't. I should control this damn feelings instead.'

Napapikit ako kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga ko at binitiwan ang dala-dala kong t-shirt na hinagis nya kanina sakin.

Dumeretso na ako sa banyo ng kwartong ito at dahan dahang binuksan ang shower. Muli akong naligo at nag-isip ng nag-isip ng mga bagay na alam kong imposibleng mangyare gaya ng....

'Sana, sana pwede ako sa kanya... Yung kami ba? O di kaya'y sana hindi nalang...'

Agad kong pinalis ang lahat ng isiping umarangkada ng biglaan sa isipan ko.

Hindi talaga kami pwede. Masakit man pero yun ang katotohanang tanging pagtanggap na lamang ang magagawa ko.

Nang matapos ang pag-iinarte ng iilang minuto sa loob ng banyo eh napagpasyahan ko ng lumabas ng nakatuwalya, nilabas ko kanina. Nakalimutan ko lang sabihin dahil sobrang dami na namang palaisipan na tumatakbo sa napakakitid na ngang utak ko. Mga tanong na wala na namang kasagutan pero gustong umasa sa kasiguraduhan.

Napailing akong muli sa mumunting mga isiping dinaig pa sa dami ang mga tatlumpung itlog na binasag sakin di kalaunan. Hayy. Mas masaya sana ang buhay kung wala kang sikreto at malaya kang nakapaghahayag ng nararamdaman mo. Kaso gaya ng paulit-ulit na sinasabi ko, 'eh bawal nga.'

Nang makababa ay nakaupo na ang lahat sa pahabang mesa at sobra kong na-miss ang buhay dito, ilang taon nga kasi akong nagpakalayo-layo.

Nang makaupo ako ay nagsalin na sila ng pambigating alak, hindi lamang presyo ang itinutukoy ko, kundi pati ang tama nito sa isang tao. Dito naman ako matutulog, at walang problema yon dahil hindi naman ako tagilid, hehe.

Mahaba-habang usapan, walang humpay na halakhakan at libo-libong katanungan na syempre! Walang iba kundi ako nanaman ang kanilang pinag-initan at puntirya!

Natapos ang masinsinang usapan ng makaubos ng dalawa hanggang tatlong case ang mga malulupit kong papiis.

Nang matapos eh dumeretso na kami sa kwarto ni kie, kaming dalawa lang.

Yung iba nama'y nasa guest room at ang tanging umuwi lamang ay si franchesca na hindi uminom, shu-mot lang hehe. Mga dalawang shot lang siya at puro pangangantyaw na ang bukambibig nya kanina. Ngayo'y nakauwi na sya at papunta na kami sa kani-kaniyang kwarto ng mga dascio.

Si lejan pala nasa kwarto ni matt, wala palang nasa guest room nakalimutan ko, hehe. Wala namang guest dahil magkakakilala kami, dagukan ko pa to si insan, hehe yakz.

Nang makarating sa kwarto niya eh agad siyang sumalampak papahaiga sa kama niya. Bala sya dyan, asan ba gitara neto?

"Oy, san gitara mo?" Baling ko dito.

Nginuso lang niya kung saan ito matatagpuan napangiwi naman ako sa ginawa nya, tamad pwe!

Kinuha ko agad ito at sinimulang itono.

"Huwag mokong maliitin tropa." Nakapakit na ani neto. Gising pa pala si loko, tss. Kung matulog na lang kaya siya, no?

"Tsk, tinotono lang baka nawala, matulog ka nalang paps." Walang-buhay na tugon ko rito.

Naparami ako ng inom masyado, mga dalawa hanggang tatlong bote ata yon? Tsk! Bahala na! Atlis makakatulog na agad, ng walang iniisip,sana ayys!

Mayroong kakaunting nawala sa tono, buti kahit papaano eh gamay ko pa ito.

Napailing ako ng pumasok sa isip ko ang nais kong kantahin sa payapang gabing ito, kung saan kaarawan ko, hehe. Ay! Di na pala! 3:00 na mga tropa, hehe.

'It took, one look and forever laid out in front of me.'

Panimula ko rito, wala naman talagang intro tong kantang ito, tsk.

'One smile then i died, only to be revived by you.'

Napapikit ako matapos ma-imagine ang mga iyan, totoo naman.

Nabigla ako ng biglaan rin ang pagsigaw ni kie.

"Tropa, m-masyado naman niyang isinisigaw ang p-pangalan niya!" Sinisinok na ani neto. Lasinggerong hindi kayang kontrolin ang sarili. Napailing ako, buti pa ako mga tropa,no?

'There I was, thought I had everything figured out.'

Pagpapatuloy ko rito, patuloy na dinadama ang bawat liriko ng kanta.

"Kala mo lang yon!" Humahalakhak na singit na naman ng kupal.

Tsk. Siguro, siguro nga. Mahilig kasi ako sumugal sa siguro eh, yan tuloy.

'Goes to show just how much I know, 'bout the way life plays out.'

Naririnig ko pa rin ang patuloy na paghalakhak ng loko, di ko na nga lang pinapansin eh.

Nakakawala sa sarili masyado ang napili kong kantahin sa gabing to, pakiramdam ko bumabalik lahat ng sakit na akala ko eh matagal ng naghilom, pero akala ko lang pala yon.

'I take one step away, but I find myself coming back to you, my one and only one and only you, ohh.'

Ang panibagong liriko na nagmula sa koro ay muli na namang nagpapikit sa akin ng todo. Hindi pa nga ako dumidilat magmula nung pumikit ako eh napapikit na naman ako. Hehe, ganyan kasi talaga yan kagulo, ang utak at puso ko, kako.

Sa dinami-rami siguro to ng mga pagkakataong nakasama ko siya, pati kanina,tsk. Tadhana nga naman talaga.

"K-kawawa naman si tropa no? W-walang kaalam-alam na meron palang n-nilalang na nababaliw sa k-kanya!" Patuloy pa rin ang paunti-unting pagsinok nya, malamang sa dami ba naman ng nainom eh ewan ko na lang.

Panandalian kong binitiwan sa gilid ang gitara at kinuha ang unan na pinakamalapit sa kinaroroonan ko atsaka humarap sa kanya.

*boooooiiinkkkk

Ayaw talagang tumigil ng kupal, ako tuloy ang napatigil sa pagkanta,tsk tsk.

Bukas ko nalang to itutuloy, sana talaga .... pero ayos lang rin diba?

Sa tingin ko eh ayos lang nga. Weyt, alam kong di nyo na mawari kung ano ba talaga tong tinutukoy ko sa ngayon.

Nag-iisip kasi ako ng panibagong 'sana', kaso nga lang eh sinasaksak naman ako sa puso ng nararamdaman ko. Sinusuka ang mga 'sana' ko eh.

'Sana hindi ko na lang siya nakilala?'

'Sana talagang hanggang kaibigan nalang ang naging tingin ko sa kanya.'

'At sana noon pa man eh.. nakahanap na lang ako ng iba, kahit sino na basta di siya.'

Yan, yan ang mga sana. Ang mga sanang ayaw tanggapin maski talampakan ko. Tss. Hindi na to nakakabobo eh, nakakabaliw na. Pramis, mapapa-hayy ka nalang talaga, sana tamaan ka rin kung sino ka mang nagbabasa ka.

(A/N: So ayun na naman po ako guys, talkshit na naman, hays. Sorryyyy ng marami sa inyo mga madlaa kooo sa hindi paga-update ng ilang weeks! Sobrang busy po kasi talaga eh, highschool days sa mga batang masisipag diba po? Hehe. Yung tipong sabay-sabay AS IN! Gaya ng awtput at repleksyon sa filipino, reaction paper sa english, module and books na babasahin at sasagutan sa esp and ap, tahi sa h.e na walang katapusan, pagsasayaw ng walang humpay pag p.e sa mapeh (MAPEH YUN GUYS P.E PALANG PO YAN AS IN PHYSICAL EDUCATION!) at ang nakakabaliw na unlimited homeworks and memorizations sa math at science, ang mga subject na wala akong jutaks, hays see? Nakakabaliw po talaga. Nakakaiyak. Nakaka-depressed, bwahahaha! Di bale itawa nalang natin mga madlaa dahil bukas na lahat ang submission nyan, bwahaha ulet. At wait, there's more! At ang pinaka-pagudan sa lahat ay bago mag christmas break ay may pa-festival at romeo and juliet na bonus pa! Onti na lang po nasa ulap nako nakahiga, makikita nyo nako doon na nakahilata bwahahah! Sorry ulet guys andami ko na namang sayings! Basta po sisikapin kong mag-update para sa inyong mga mahal ko, yieee, pwe hehe. Btw tnx parin sa inyong lahat!😂😘)

"Aray naman p-paps!" Ngingisi-ngising angal nito, munggago tsk.

"Alam mo sa totoo lang, napaka-selfless mo tropa." Seryosong ani nya at umiling-iling pa, normal na lang ang tono at iniwasan na na nito ang tonong panloko-loko, napabaling tuloy ako sa biglaan niyang pagbanat nito.

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya.

Napaisip ako sa sinabi nya, totoo ba? Pero bakit? Parang di naman yata.

"Imagin-in mo na lang ah, ilang taon mong itinago yun, sa pagtatago mo nga eh naunahan ka pa, diba? Maiba nga ang usapan, bat ba napakamalas mo tropa,ha?" Seryoso ngunit nakangising ani nito. Isa ito sa mga ekspresyon na ang pamilyang dascio lamang ang may kakayanang gawin.

"Jowk lang, de seryoso muna. Bago mag-end ang araw na ito kung saan ang kaarawan mo kahit tapos na eh may bibitiwan akong mga salitang hindi mo malilimutan kailanman." Mahabang paliwanag nito, nanatili ang pagseseryoso.

"At ayun ay ang...." dagdag nyang pinutol naman nya agad. Pabitin kala nya naman me pake ako,tsk!

"Do you wanna know tropa?" Balik sa dating ekspresyon ang gumuhit sa mukha nito, walang iba kundi ang ngising pang-aso.

"Tsk." Mahinang singhal ko na tiyak ay narinig nya.

"Ay! Parang ayaw mo, sige wag na lang." Ang mga salitang yan ay para akong sinasabihang kumbinsihin siya upang sabihin ang di ko alam na pauso na naman netong kupal nato. Sarap dagukan! Kaso kanina pa pala ako nakailan, hehe.

Dahan-dahan siyang nagtakip ng unan sa mukha niya at umastang matutulog na. Di ko alam sa sarili ko pero para ako sa ngayong nanghihinayang. Parang napakahalaga kasi ng sasabihin niya eh.

Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako papunta sa kinaroroonan ng loko. Nagkusa ang mga walang utak na paa ko eh, tsk.

Nang makasalampak papaupo sa kama niya eh agad kong itinanggal ang nakaharang na unan sa mukha niya, tsk, pakawalan ang puta. Pero bat ko naman ginawa to kung hindi naman kawalan para sa akin ang di ko alam na sasabihin niya. Eh, basta! Bala na. Isisisi ko na lang sa talampakan ko kapag ginago lang ako netong kupal nato,tsk!

Agad niyang minulat ang mga mata nya at ngumiti na naman ng ayyss! Hayup naman talaga! Nu na naman yang ngiting yan? Puta asar talo na naman ako neto! Badtrip na! Mukhang mali ang desisyon ng mga walang utak kong paa ah!

"Hmm, aminan nga tayo tropa, yung totoo ah." Muli syang bumangon at agad na umupo, napaayos ako ng pag-upo at napalunok ng wala sa oras.

"Nu nanaman yun?" Pilit tinatanggal ang kabang tanong ko. Pero sino bang niloloko ko? Eh tanging sarili ko lang naman ang mahina sa ganito! Putcha dascio to mga tropa!

"May nararamdaman ka pa ba sa kanya?" Seryosong tanong nito.

Napa-iling nalang ako at napabuntong-hininga. Hayy, kaya naman pala ako kinakabahan dahil siya na ulit yung pag-uusapan. Haayss!

Nakatitig lang ako sa kanya na parang tanga dahil hindi ko masagot ang tanong niya....

At alam kong kahit anon tanggi ko ay halata. Alam nya naman panigurado, tine-testing niya lang ako kung magsasabi ba ako ng totoo.

"Ahmm." Muli akong napalunok at tanging ayan lang ang naisagot ko.

"Grabe pare, mahal na mahal mo talaga siya eh no?" Nagtatanong man ang tonong binitiwan niya ang mga katagang iyan ngunit ang mga mata niya namang kinakausap rin ako eh sinasabing sigurado siya sa mga pinagsasasabi nya ukol sa ngayo'y nararamdaman ko.

Oo, mahal na mahal ko siya. Sa totoo nga lang eh lumala pa. Putcha. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko! Sabi na ngang bawal eh pinagpapatuloy pa rin! Ayaw tumigil eh! Ayaw magpadikta! Ay---

"Alam mo pre ayos lang yan." Nakangiting dagdag nito na nakapagpapuputol sa mga isipin ko.

"Sabi nga nila, hindi mo kailanman madidiktahan ang nararamdaman, dahil kahit anong pagtatakip mo diyan, sisingaw at sisingaw yan. At sa hule kapag hindi mo na naman sinabi eh ikaw lang rin ang masasaktan, dahil kinikimkim mo pare eh. Tignan mo yung isa wala man lang kahit katiting na alam." Iiling-iliing ngunit nakasangising ani nito.

Hindi na naman ako nakapagsalita sa muling mga banat niya.

"No offense pare ah pero walang patutunguhan ang pagiging malas na nga tanga pa, package pre bwahaha!" Nang-aasar ang tonong halakhak nito.

No-offense pero anlakas kung makatawa ng gago,tsk.

"De seryoso ule tayo, uy magsalita ka naman! Grabe ka laberboy!" Binatukan pa ako ng kupal at sinuklian ko naman ito ng matatalim na titig. Badtrip to!

"Oo na!" Hindi ko na itinanggi pa ang mga sinabi nya. Mind reader si kupal di ka talaga makakatakas sa kanya kung ikaw man ang nandito, panigurado tropa.

Muli na naman siyang napangising-aso ngunit wala pang iisang segundo eh biglang nagbago ang ekspresyon nito sa pagiging seryoso.

"Kawawa ka naman pre." Iiling-iling na dagdag nito sa napakaraming pinagsasasabi nya.

"Tulog na tayo." Nakangiting tugon ko rito. Ayan ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang kinaaawaan ako lalo na ng mga kaibigan ko, ayaw ko nun. Hindi naman ako ganoon eh, pinili kong mahulog kahit alam kong wala naman talagang sasalo. Sakin lang dapat ang sisi dahil nasa akin din naman ang desisyon.

Ang desisyon kong pagdating sa nararamdaman ko ay nagpapauto, nababago.

Ang desisyong alam ko na ngang wala talaga eh pinanatili ko pa rin ang panininindigan ko.

At ang desisyong.....

Desisyong 'siya' Siya lang lagi ang laman ng buong pagkatao ko at hindi kailanman nagbago't magbabago.

Yan ang masakit eh, ang mga desisyon kong yan. Ako nalang kasi mismo ang nananakit sa sarili ko. Sinampal na nga ng katotohanan at lahat, nanatili pa ring bulag ni ayaw magpasindak. Eh sa ganyan talaga ako eh, anong magagawa ko?

Ganyan talaga ako pagdating sa kanya... pagdating kay franchesca....

*Flashback

"Woohhh! Happy na bertday pa, happy na bertday pa! Happy na bertday paaaa..... dewndenenewnt..... happiiii na bertdeyyyyy paaaaa, yihoooo!" Kanta ni matt sa videoke'ng nirentehan namin malapit sa bahay nila alex.

Kaarawan nya ngayon at tapos na siyang mag-bonding kasama pamilya nya, kaya syempre kami namang mga tropa,hehe.

Napailing ang lahat sa topak ni matt. Kanina pa yang tarantadong yan eh samantalang hindi pa nga nagsisimula ang inuman.

Natural na ganyan na yan eh, pagpasensyahan nyo na lang, hehe.

"Sino kaya ang hindi pa kumakanta dito?!!" Muling banat ni matt sabay tingin sakin ng nakakaloko. Tss, tigil-tigilan nya ako't sintunado ako, putchang yan!

"Pre kanta ka naman!" Gatong ng birthday boy at hayup naman! Wala na akong kawala nyan! Eh yung me birthday ba naman ang mag-request! May magagawa ba ko ha, tsk!

"Ayyss! Sige na nga, isa lang ah!Happy bertday ule,tropa!Nakangising bati ko sa loko. Alam nyang hindi ako makakatanggi dahil nga muli eh bertday nya!

"Pinilian na kita, paps." Nakangising singit naman ni kie. Ogagskie talaga tong kupal nato. Grabe lang dahil planado pala talaga ang lahat at ang kelangan nalang eh ang pagkanta ko,tsk tsk!

Napailing naman ako ng makita ang ipinili nya saking kanta. Hayup na!

'Ain't never felt this way.'

Panimula ko sa kanta matapos kunin ang mikroponong mabilis namang inilahad ng malakas ang amats sa pamilyang dascio.

'Can't get enough so stay with me.'

Habang kumakanta'y tumama ang paningin ko sa kanya.

'It's not like we got big plans, let's drive around town holding hands'

Unti-unti'y hindi ko na namalayan na anlakas na pala ng tibok ng puso ko.

'And you need to know you're the only one, alright, alright'

But i can't say tropa, hindi ko kaya. Kaya heto ako, lagi nalang idinadaan sa kanta.

'And you need to know, that you keep me up all night, all night'

Nanatili ang pagtititigan namin, 'wag kang bibitaw please.' Hanggang sa ganitong paraan ko lang ito masasabi sayo, sana dumating ang araw natin.

Yung araw ba na maaamin ko sayo tong nararamdaman ko.

Yung araw ba na malalaman kong may nararamdaman ka rin pala sakin gaya ng lalim ng inukit mo dito.💘

At yung araw na magiging tayo.... napaka-imposible at siguro nga... hanggang pagpapantasya na lang... ako sayo.

'Oh, my heart hurts so good, i love you, babe so bad, so bad'

At.... iniwas niya na sakin ang tingin niya. Sabi na nga ba. Napabuntong-hininga ko ng pasimple at napapikit ng mariin. A-ansakit, hays.

'Oh, my heart hurts so good, i love you babe so bad, so bad'

Pagpapatuloy ko sa koro. Alam ko naman nato. Eto yun, hanggang dito lang kami at hindi kailanman lalagpas sa limitasyon.

'Mad cool in all my clothes, mad warm when you get close... to me'

Mariin pa rin ang pagkakapikit kong pagpapatuloy. Ayaw ng dumilat pa at muling masilayan ang pag-iiwas ng paningin niya. Hays, ganto oo, ganto na talaga ako kabaliw sa kanya.

Hanggang sa makarating sa kadulu-duluhan ng kanta ay nanatili ko pa ring ipinikit ang aking mga mata, hirap sa lahat, lalong-lalo na sa kanya. Napailing ako.

"Nice, men.' Bati ni bertdey boy sabay lagay ng kamay niya sa balikat ko.

"Haha salamat, salamatz." Humahalakhak na tugon ko rito.

"Anddddd last but not the least..... put your hands together on our last contender!" Muling pang-uulol ni matt. Nays, marunong mag-ingles, samantalang pala-whole day yan. Aba!

"Franchescaaa beybiiiiii!" Napa-iling na lang ako sa sigaw ng loko. At... napabaling sa kanya, siya na ang kakanta.

Sa totoo lang, maganda ang boses niya. Malamig, magaling sa pagkontrol nito at ang linis ng mga kulot. Ansarap lang pakinggan sa pandinig. At.. parehas ang hilig namin, ang paggigigitara talaga. Kaya nag-aalinlangan rin ako kung sakaling sisimulan ko na ba siyang ligawan sa ngayon eh uubra ang panghaharana? Takte na! Dahil napapaisip ako mga tropa kung ilan na ba ang hinarana niya, at gagawin ko yun? Ha! Natatawa ako sa sarili ko at siguradong pagtatawanan niya rin ako kung malalaman niya tong mga nasa-isip k---

'I don't know what it is that you've done to me' kusang napatigil sa pagtakbo ang utak ko ng marinig ang pambihirang tinig niya.

'But it's cause me to act in such a crazy way' unti-unti'y napalingon siya sa gawi ko. A-ako? Ako ba ang tinititigan niya sa ngayon?

'Whatever it is that you do when you do, what you're doing' napatalikod ako ng di-oras. At... hindi ako ang tinititigan niya. Wala sakin ang paningin niya..... kundi na kay alex....

Ang taong matagal niya ng pinagpapantasyahan pero ni isang beses ay hindi siya nasilayan, parang ako lang sa kanya diba? Hays.

'It is the feeling that I want to stay.'

Tumabi ako ng konti. Sagabal lang ako sa pagtititigan nila.

Napatayo ako ng di-oras at muntikan ng mapalabas.

"Oh, pre ays kalang?" Nagtatakang ani kie.

"A-ahh, yah saglit lang (sabay taas ko ng phone ko) i'll just answer, hindi ko narinig kanina tsk! Nakasilent!" Pagpapaliwanag ko.

"Ah, okay." Kibit-balikat na tugon niya.

Dali-dali akong lumabas sa maliit na kwartong kaninang kinaroroonan ko.

Hinilot ko ng panandalian ang sentido ko.

Napayuko ako at napailing ng hindi ko na mabilang sa dami ng pagsalungat hindi lang ng galaw ng ulo ko kundi pati na rin ang buo kong pagkatao mismo.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa mapuntahan ang tulay na malapit rito.

Nasa labas lang ng sub division ang kwartong nirentahan namin sa halagang 5k overnight na, with videoke pa.Me discount daw eh, he ewan!

Napatingin na lang ako sa madilim na langit at ang buwa'ng paboritong-paborito akong sundan. This moon have something to deliver for me. At ayun ang... ang ganda ng buwan payapa... at nag-iisa siya. Ang bagay na gusto niya sigurong mamana ko. I love you,lolo.

Napabuntong-hininga ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.

Alam mo ba lo, i have something for you too. You want me to live independently, right? Then i will, thanks lo. I already accept everything, hindi ako sumuko but mismong tadhana na ang nagsasabing tumigil nako. It's just that.. we're not really meant for each other.

Muling pag-iling ang natanggap kong tugon ng buo kong pagkatao. Tama na.... sapat na bang dahilan ang pagod ko?

Muling pumatak ang luha ko. Ansikip ng dibdib ko, daig ko pa hindi makahinga sa bigat ng nararamdaman ko. Tanggap ko pero di ko tanggap. Ganyan ang kinalalabasan eh. Susuko ako pero maya-maya lang siya na naman ang kasama ko. Andaya mo naman kupido, mamamana ka nalang hindi mo pa ginawang kaming dalawa yung matamaan, hays.

Napagpasyahan kong bumalik na sa kwarto. Tawag lang ang in-excuse ko at hindi emergency mga tropa, okay?

Kailangan kong harapin ang reyalidad at m---...

...

....

......

Pagkabukas ko ng pintuan.....

Ay sila ang bumalandra sakin...

silang nagyayakapan....

Ang taong kulang ang salitang 'mahal ko' para maihayag ang putchang nararamdaman kong to.

Ay mabilis nakuha ng taong sa wakas ay napansin na rin siya pagtapos ng napakahabang panahong paglalaan niya ng oras dito.

"Ugh! Men, finally! We're official!" Maluha-luhang sigaw ni alex.

Napalingon ako kay franchesca na nanatili ang pagluha.

"Hush it, baby." Pagpupunas ng luha  at marahang pagdampi ng labi ni alex sa noo ni franchesca ang kasabay ng mga salitang yan.

Napalingon na rin sakin si franchesca at nakalimutan ko ang pagmamalaki kanina sakin ng kaibigan ko. Sila na nga pala.

"O-oh! That's nice, c-congrats!"Pilit ang ngiting pagpipigil ko.

Finally at napansin na rin siya ng taong mahal nya, m-masaya ako para sa kanya.

Deserve nila ang isa't isa at hindi bagay ang maging kontrabida.....

At unti-unti siguro'y kailangang tatanggapin ko na lang na hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

Dahil hanggang sa huli ay obvious naman nang hanggang magkaibigan lang talaga ang plano sa amin ng tadhana.

A/N: Annyeong madlaaaa! Ayos po ba ang ending? Hays. Sana po eh nagustuhan niyo! Ayun lang at sorry po sa sobrang tagal ng ending jusko! Di ko po kasi alam kung saang banda ba i-eend oh ano, bwahaha! But THANKS GUYSSSS! LABLAB KO KAYOOOO! MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA PATULOY NA PAGSUPORTA NG WHAT IF, at huwag na huwag nyong kalilimutan naaa.... dendererennn!!!!! "THIS STORY IS ONE AND ONLY MADE BY J💜💙🖤❤️💛💚!!!!!!!! PLEASE DON'T FORGET TO VOTE,COMMENT,

SHARE THIS STORY AND ALSO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES! SALAMATZZ!😘💖 (11,090 words)

I will edit those errors soon. I'm Sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞

Mga kantaaa sa chapter na ito, bwehehez!🖤

*Loosin Control- by:Russ

*I don't wanna love you anymore- by:LANY

*Forever young- by:Alphaville

*Your Song- by:Parokya Ni Edgar

*ILYSB- by:LANY

*Weak- by:Jojo